LOGINKakatapos ko lang maligo at naka suot na ako ng pajamas ko para matutulog nalang ako mamayang antukin ako.
Buong araw ko atang iniwasan na mag krus ang landas namin ng mag kapatid na Salvatoire, hindi ko pa kayang harapin si Atreus dahil sa ginawa niya, habang si Alessio ay sigurado akong walang habas ang pang iinis niya sa akin.
Kakaupo ko palang sa kama ko nang may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko, agad akong tumayo para buksan ito.
“Pinapatawag ka ni Aurelia,” bungad sa akin ng isang kasambahay. Tumango ako at bahagyang ngumiti.
Lumabas na ako ng kwarto ko at agad kong pinuntahan ang kwarto ni Aurelia, nang buksan ko ang pintuan ay bumungad siya sa akin nang may ngisi sa labi.
“Bakit?” tanong ko agad sa kanya. Sa ngisi palang niya ay alam ko na agad na may gusto siyang gawin.
“May perya! Gusto mo labas tayo?” naka ngiting tanong niya sa akin. Tinignan ko ang suot ko, naka pajama na ako, siya rin ay naka pajama na.
“Pwede ka na bang lumabas?”
Natutop niya ang labi niya dahil sa tinanong ko. Ngumuso siya at bahagyang umiling. Natawa ako.
“Papagalitan ka ng kuya mo niyam,” may banta sa boses ko.
“Ayos lang, ilang araw na rin akong nasa kwarto, tsaka hindi naman nila malalaman eh!” pangungulit nitong sagot sa akin.
Wala akong pag pipilian kung hindi pumayag sa kanya, kumuha siya ng hoodie sa closet niya, binigyan niya rin ako kaya sabay na kaming lumabas ng kwarto niya.
Wala na ang mga kasambahay dahil maaga palang ay nagpapahinga ng mga ito, swerte nalang kami kung mahuhuli kami ngayon.
“Where are you going?” pareho kaming nanigas ni Aurelia nang marinig namin ang boses ni Alessio.
Nilingon naman ito at nakita namin itong naka higa sa sofa, lasing ata dahil naniningkit ang mga mata nito sa amin.
“Sa may garden lang kuya, sleep now okay?” hinaplos ni Aurelia ang pisngi ng kuya niya, agad din namang nakatulog ito sa sofa.
Dali dali kaming lumabas ng mansiyon, wala rin ang guard dahil nag roronda ito sa buong mansiyon.
“Let’s go nandiyan na ‘yung guard!” tawag ko kay Aurelia. Tumawa naman ito at tumakbo palapit sa akin. Nilakad lang namin ang papunta sa perya dahil malapit lang naman ito sa mansiyon.
“Palagi ka bang nag peperya?” tanong ko kay Aurelia habang nililibot ko ang paningin sa buong lugar. It’s my first time here.
“Yes, si kuya Alessio ang palagi kong kasama,”
“How about Atreus?”
“Hindi mahilig si kuya sa ganito,”
Tumango ako, hindi naman ako nag expect pa dahil alam ko namang hindi ang tipo ni Atreus na mapapa punta mo sa lugar na ganito.
May nakita akong nag bebenta ng pagkain, kakapain ko sana ang hoodie ko nang mapag tanto kong cellphone lang ang dala ko. Tinignan ko si Aurelia na abala sa pag tingin tingin sa buong paligid.
“Do you have money? I left my wallet on my room,”
Agad siyang tumango sa akin. “Of course! It’s my treat,” naka ngising sagot niya sa akin.
Hinila niya ako sa bilihan ng mga street foods. “Kumakain ka pala niyan?”
Galing siya sa mayamang pamilya, nakakapag takha na pinapayagan siyang kumain ng mga street foods.
Siya na ang bumili ng mga pagkain namin, may pwede naman kainan sa gilid kaya pwede kami ron, hindi naman ako ganoon kaarte.
“Hi miss,” nilingon ko ang lalaking lumapit sa akin. Hula ko ay matanda lang ito nang kaunti sa akin. Gwapo siya, pero hindi ko siya type.
“What are you doing here, kuya Markus?” si Aurelia ang sumagot sa lalaki.
“Oh Aurelia? Ikaw pala ‘yan, sino ‘tong magandang babaeng kasama mo?” tinuro pa ako nito kaya sinamaan ko siya nang tingin.
“She’s Sydelle, my chaperone,” nakangiting sagot ni Aurelia.
“Kaya pala pinayagan ka nang lumabas ng kuya mo? Kasi may chaperone kana? Palagi ba kayong magkasama niyan?” sunod sunod nitong tanong.
Bakit ba ang dami niyang tanong? Isa lang naman ang kausap niya.
“Bakit kuya? Type mo?” nakangising tanong ni Aurelia rito.
Nanatili akong tahimik at nakikinig sa usapan nilang dalawa. Ngumisi si Markus at bahagya akong nilingon kaya sinamaan ko siya nang tingin dahilan para matawa siya.
“No, I am just curious, ayoko sa mga tigre,”
What? Ano namang meron sa tigre?
“Oh don’t worry she’s kind,” sagot ni Aurelia. Kinuha na namin ang mga pagkain na inorder niya, nanatili si Markus sa tabi ko.
“Hindi ka ba mag sasalita miss?”
Tamad ko siyang binalingan. “Wala akong dapat sabihin, I don’t talk to strangers,”
Bahagya siyang natawa sa sinabi ko.
“Suplada,” Natatawa niyang sagot sa akin. Muli ko siyang inirapan. Hindi ako natutuwa sa presensya niya.
“Sydelle here,” tinawag ako ni Aurelia, tumango ako sa kanya at lumapit na ako. Puro kain lang ata magagawa mo rito sa perya, may iilang laro ka rin na pwedeng laruin para hindi ka ma bored, pero walang rides.
Sayang, akala ko pa naman may rides.
“Masarap?” tanong sa akin ni Aurelia. Tumango ako sa kanya.
“Yeah, I love it,”
“Oh, englishera pala ‘tong chaperone mo, Aurelia?” naiirita kong nilingon si Markus nang bigla itong mag salita.
Nandito pa pala siya? Akala ko ay umalis na siya.
“I thought you left already kuya Markus, yes we vibe, why?”
“Wala naman, akala ko mukha lang siyang maarte,” ngising sagot nito.
Napa singhap ako sa sinabi niya. Na offend ako! Anong mukhang maarte?
“What?!” halos sampalin ko na siya sa sinabi niya sa akin kaya agad itong lumayo.
“Sorry, Sydelle! Akala ko lang naman bro,” natatawang sagot niya sa akin.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya sa akin.
“Maraming namamamatay sa maling akala,” tipid na sagot ko sa kanya. Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko. Pareho kaming natawa ni Aurelia dahil sa reaksyon nito.
“Huwag kang mag biro nang ganyan, ano ka ba?”
Inirapan ko lang siya at pinagpatuloy na ang pag kain ko. Andaming napapa tingin sa amin kaya nagagawi rin ang tingin ko sakanila, ano bang problema nila?
“Shit,” sabay naming usal ni Aurelia nang makita ko ang text message mula sa cellphone ko.
Nag tatanong si Atreus kung nasaan kaming dalawa ni Aurelia.
“What happened?” nag aalalang tanong sa akin ni Amber. Agad siyang tumayo para salubungin ako. Himala na hindi niya kasama si Cole ngayon. “I need to talk to you about something,” “What is it then? Akala ko ba uuwi kana?” “Malapit na, sasama ka ba sa ibang bansa? Hindi na ako uuwi ng mansiyon, deretso na ako sa ibang bansa,” naka taas ang kilay na sagot ko sa kanya. Ngumuso siya. Nag taas ako ng kamay para mag tawag ng waiter. Buti ay sa cafe niya napiling makipag kita ngayon. “Pwede ako mag bakasyon mga one week? Or dalawin nalang kita doon,” naka ngiwing sagot niya. “Just visit me there after a month or so,” “Will you fix the companies pa there?” “Probably, but I know my butler did a good job managing those on my behalf,” “What's your order ma’am?” “I will have blueberry cheesecake and matcha latte please, how about yours Amber?” “Spanish latte and strawberry cake please,” Tumango ang waiter kaya iniwas ko na rin ang tingin ko rito. “Masyadong malaki ang tiwala mo sa bu
Dala ko ang lunch ni Alessio nang bigla akong matigilan sa pag pasok sa kwarto niya nang marinig ko ang usapan ng mag kakapatid. “Ilang beses ba nating pag tatalunan ‘to, Alessio?” “I already told you what I want kuya,” matigas na sagot ni Alessio. Ano namang pinag uusapan nila? Alam kong mali ang makinig sa usapan ng may usapan pero nandito na ako. Kailangan kong malaman ang magiging usapan nila. “And what? You want Sydelle to go with you in the states?!” galit na tanong ni Aurelia rito. Humigpit ang pagkaka hawak ko sa tray na hawak ko. “You can’t, Alessio. Sydelle’s already mine.” malamig na sagot ni Atreus. Bahagya akong ngumisi. “You have Rhea and her daughter in the side, what will be Sydelle’s reaction if she learned that you are not planning on removing that child from your life?” ani Alessio. “What kuya?! Akala ko ba nag usap na tayo? Sydelle won’t like it if you will lie to her! I don;t even know if that child is really yours. damn it!” galit na sagot ni Aurelia. I
Isang linggo ko nang inaalagaan si Alessio dahil hindi niya gusto na magpa alaga sa mga kasambahay, not that I care. Mas gusto ko na ako nalang mismo ang mag alaga sa kanya dahil ang bilis uminit ng ulo niya. Kakatapos ko lang pakainin si Alessio nang bigla kong maka salubong si Atreus sa may sala. “Thank you for taking care of Alessio,” Ngumiti ako ng tipid. “I am having fun, besides I love taking care of the people who are dear to you,”Hindi siya sumagot pero hinila niya ako palapit sa kanya. Niyakap niya ako nang mahigpit. Tipid akong ngumiti at hinaplos ko ang likuran niya. Alam kong napapagod din silang mag kapatid, halos hindi na dumalaw si Aurelia sa kuya Alessio niya dahil nasasaktan lang ito kapag nakikita niya ang kalagayan nito. “Huwag mong papabayaan ang sarili mo, Atreus.” “Mhm,” “Saan ba ipapa opera ang mata niya? Dito lang sa pilipinas o sa ibang bansa?” Kumalas siya sa yakap. Pareho kaming umupo ni Atreus sa sofa. “We want him to be operated in the states,”
Abala ako sa pag aayos ng kama ko ng may marinig akong mahihinang katok mula sa pintuan ng kwarto ko kaya agad kong nilingon ito. Naabutan kong naka tayo sa may pintuan si Aurelia. “What is it, Aurelia?” “Can we have a little favor? Ayaw kasing kumain ni kuya Alessio, baka kapag ikaw ang mag aasikaso, he will eat,” I narrowed my eyes at her. Sila nga na kapatid hindi nagagawang pakainin ang pasaway na ‘yon, ako pa kaya? But I can try, right? Pagka tapos kong ayusin ang kama ko ay agad na akong tumango. “Sure thing, nasaan ang pagkain niya?” Sumunod ako sa pag baba sa kanya. Nasa kusina pa ang pagkain niya, ang adobo na niluto ko. Ako na ang kumuha ng tray at sinamahan ako ni Aurelia. “I told you Aurelia I am not hungry!” napangiwi ako sa pag sigaw ni Alessio. Tumikhim ako at nilapag ko ang tray sa may lamesa. “Alessio,” I called him softly. Lahat ng pasensya ko ay iniipon ko na baka pati ako ay sungitan niya. “Syd,” mahinahong tawag niya sa pangalan ko. “You need to eat, wh
“Alessio!” Mula sa pag aayos ko sa sala ay napa baling ako sa lalaking kakapasok lang sa bukana ng mansiyon, akay akay ito ng isang tauhan nila Atreus. Kumunot ang noo ko nang makitang may benda ang mata niya. Nag mamadali akong lumapit sa kanila. Hindi pa ako makapag salita sa sobrang gulat. “Call Sydelle please..” namamaos niyang paki usap. Napa tingin sa akin ang mga tauhang naka alalay sa kanya. “Alessio.. What happened to you?” pabulong na tanong ko sa kanya. Agad ko siyang dinaluhan. Sinenyasan ko ang mga tauhan na iwan kaming dalawa. Mahigpit ang pagkaka hawak ni Alessio sa kamay ko. As if he is scared to let go of me. Kinagat ko ang ibabang labi ko habang inaalalayan ko siya. “What happened, Alessio?!” “I got into an accident Syd, I f-fucking lost my eyesight,” nag simula nang manginig ang balikat niya. Gulat na gulat akong naka titig sa kanya. Hindi ko maintindihan. “Alessio naman,” nanginig ang labi ko. Hinaplos ko ang magkabilaang pisngi niya habang hinahayaan k
I asked Amber to meet me here in Manila. Naka halukipkip ang braso ko sa ibaba ng dibdib ko habang naiinip akong hinihintay siya. Nakasimangot na ako nang makita ko silang dalawa ni Cole na magka sama. Naka ngisi sa akin si Amber habang sobrang seryoso ng titig sa akin ni Cole. “How are you, Syd?” “I am fine, Cole. Have you received some threats?” kaswal na tanong ko sa kanya. Pinanood ko ang pag upo nilang dalawa sa harapan ko. Agad na kumuha ng pizza si Amber at kinagatan ito habang seryoso naman akong tinitigan ni Cole. I smirked at him. “The elder? Yes, Sydelle.” “I see, he’s fast huh,” “Are you going home? I have your house maintained for you,” Agad akong umiling sa kanya. Nalaglag naman ang panga niya sa sinabi ko. “What?” marahas niyang tanong sa akin. Napatingin tuloy ang ibang tao sa amin sa loob ng pizza house. “Why are you still there on that province, Sydelle? Have you lost your mind?” “Probably? But the chances are low,” “Fuck it Sydelle! I heard that Atreus







