Isang mahalagang araw para kay Jade ang kaarawan ni Arki. Para sa kaniya isang simbolo iyon ng kaligayahan at tagumpay niya bilang isang ina. Ang pagsilang ni Jade kay Arki ang nagdala ng kakaibang liwanag sa kanilang relasyon upang maitawid ang limang taong pagsasama sa isang bubong na walang pagmamahalan. Si Arki ang dahilan upang manatili siyang matatag sa gitna ng hirap. Subalit para kay Luther, ang pagiging ama ay naging mas komplikado dahil sa estranghero niyang pakiramdam sa pamilyang pinilit lamang buuin. Lalo pa at pilit nitong hinahati ang panahon at oras niya kay Cassey.
Ngunit ang biglaang pagdating ni Luther sa party ng anak, kasama ang babaeng pinakamamahal nito ay tila muling binuhay ang sugat ng nakaraan ng asawa. Sa harap ng mga bisita, nagpapatuloy si Jade bilang isang matatag at mapagmahal na ina, ngunit sa likod ng ngiti ay may tensyon at pait na hindi niya maikubli. Ngunit isinantabi niyang lahat iyon para sa kaarawan ni Arki. Dahil sa nangyayari, mas lalong ipinadama ni Jade sa anak ang kaniyang pagmamahal. At the mansion Sa dining area kung saan napiling umupo ni Jade. Nasa harap niya ang isang baso ng red wine, ang kanyang mga daliri’y mahinang kumakalabit sa gilid ng wine glass na tila malalim ang iniisip. Ang liwanag mula sa isang maliit na pinlight sa sulok ng silid ay nagbibigay ng anino sa kanyang mukha—mukha ng isang babaeng pagod na ngunit matatag pa rin. Sa bawat galaw ng kanyang daliri, tila nagpapahayag ito ng mga katanungan na matagal nang nakaimbak sa kanyang puso. Pumasok si Luther mula sa hallway, suot pa rin ang coat na dinala niya mula sa party. Basang-basa ang laylayan ng kanyang coat, marahil dulot ng ambon sa labas. Nang magtama ang kanilang mga mata, wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ng sinuman. Lumapit siya sa mesa, kinuha ang isang baso, at nagsalin ng alak. Naupo siya sa kabilang dulo ng mesa, ang distansya nila’y parang hindi magkakilala, ngunit ramdam ang tensyon sa hangin. "She's asleep," maikling sabi ni Jade, na hindi tumitingin kay Luther. May lamig ang boses niya, ngunit sa ilalim nito ay may pahiwatig ng pagod at pagkabigo. Sa wakas ay nabasag ang katahimikan ng dalawa nang sandaling magsalita si Jade na sinigundahan naman ng asawa. "Good," sagot ni Luther, kasabay ng isang mahinang lagok ng alak. Ang kanyang mga mata ay nakatuon sa baso, tila sinusuri ang bawat patak ng alak na parang ito’y makakapagbigay sa kanya ng sagot sa mga tanong na hindi niya maipahayag. Ilang minuto silang tahimik, ang tanging naririnig ay ang mahinang paglagok at ang tunog ng orasan sa dingding. Ngunit sa ilalim ng tila kalmadong sandali, ang bigat ng kanilang hindi pagkakaunawaan ay tila sumisiksik sa bawat sulok ng silid. Sa bawat segundo ng katahimikan, para bang tumatagal ang agwat sa pagitan nila. Sa wakas, nagsalita si Jade, ang boses niya ay malumanay ngunit puno ng bigat. "What are we doing, Luther?" Napatingin si Luther sa kanya, ang mga mata’y puno ng pagod ngunit hindi maitatanggi ang pagkaalam sa direksyon ng pag-uusap. "I’m doing what I can for her. For Arki." Nilagok ang natitirang alak sa baso, tila ba nais niyang maibsan ang bigat ng sagot sa katanungang iyon. "Hindi iyon ang tanong ko," sagot ni Jade, tumingin na sa kanya. Sa kabila ng kalmadong ekspresyon, ang kanyang mga mata ay nagtatanong at nagmamakaawa. "What are we doing? This... arrangement. This facade. Para kanino ba talaga ito?" Napabuntong-hininga si Luther. "It's simple. Para kay Arki," sagot niya nang hindi nag-aalinlangan. Ngunit sa ilalim ng kanyang boses ay may bahid ng pagkaduda, na tila kahit siya ay hindi kumbinsido sa sariling sagot. Napailing si Jade, ang mga mata’y napuno ng lungkot. "Don’t you think she deserves more than this? She deserves parents who are genuinely happy. Hindi lang mga taong nagsusumiksik sa iisang bubong para lang masabing buo ang pamilya." "Jade... Oh Jade, from the beginning of this shit marriage you know what’s gonna happen," sinimulan ni Luther, ngunit pinutol siya nito, ang boses niya ay mas matalas kaysa kanina. "I’m tired, Luther," sabi niya, ang boses niya’y pinalambot ng sakit ngunit puno ng determinasyon. "Pagod na akong magpanggap. Pagod na akong magkunwaring okay ako tuwing nandito ka pero ang totoo, parang hindi ako tao sa paningin mo, parang wala akong naging pakinabang sa buhay mo!" Tumahimik si Luther, ang mga mata’y nakatingin sa alak at bilog na yelo na umiikot sa kanyang baso. Sa kabila ng katahimikan, ramdam ang bigat ng bawat salitang binitiwan ni Jade. Sa likod ng kanyang kawalang kibo, tila may alaalang bumabagabag sa kanya—isang nakaraan na hindi niya gustong balikan. "I don’t hate you," dagdag pa ni Jade, mas mahina ngunit may tapang. "But I can’t keep doing this. Lalo na kung hindi mo na rin nakikita ang dahilan kung bakit tayo nandito." Saglit na nagtagpo ang kanilang mga mata, at sa unang pagkakataon, nakita ni Jade ang bahagyang lungkot sa mukha ni Luther. "I never wanted to hurt you, Jade," sabi niya, halos pabulong. Sa boses niya ay naroon ang anino ng pagsisisi, ngunit hindi malinaw kung para saan. "And yet, here we are," tugon niya, ang boses ay puno ng mapait na pagtatapos. Tumayo si Jade, iniwan ang baso ng alak sa mesa. Nang dumaan siya sa tabi ni Luther, sandaling huminto siya at tumingin sa kanya. "We need to talk about what’s next. Pero hindi ngayon. Not when everything’s still fresh. Goodnight, Luther." Naiwan si Luther sa mesa, ang baso ng alak ay hawak pa rin niya ngunit hindi na niya ninais na inumin. Nang tumaas ang kanyang tingin, nakita niya ang litrato ng kanilang pamilya sa dingding—isang perpektong imahe na puno ng kasinungalingan. Sa likod ng larawang iyon, para bang may nakatagong lihim na silang dalawa lamang ang nakakaalam. Sa gabing iyon, walang natulog nang maayos sa bahay na iyon. Si Jade ay nakatingin sa kisame, nag-iisip ng mga hakbang na kailangang gawin. Si Luther naman ay nanatili sa dining table, pinagmamasdan ang baso ng alak na hindi niya maubos. Sa kanyang isipan, may mga tanong at mga sagot na hindi niya kayang bigkasin. At si Arki, mahimbing sa kanyang munting kama, ang inosenteng ngiti ay nagpapahingalay sa bigat ng mundo na hindi niya alam na kanyang pinagdadaanan. Kinabukasan, maagang naghanda ng almusal si Jade. Sa bawat galaw niya sa kusina, tila may halong kabado at pag-asa ang kanyang mga kilos. Sa kauna-unahang pagkakataon, naupo si Luther sa hapag. Nakatingin ito sa kanya na tila batang naghihintay ng baon nito sa eskwela. Pagharap ni Jade mula sa pagkuha ng pinggan ay napapitlag siya sa nakita. "Y-You're here..."Isang mahalagang araw para kay Jade ang kaarawan ni Arki. Para sa kaniya isang simbolo iyon ng kaligayahan at tagumpay niya bilang isang ina. Ang pagsilang ni Jade kay Arki ang nagdala ng kakaibang liwanag sa kanilang relasyon upang maitawid ang limang taong pagsasama sa isang bubong na walang pagmamahalan. Si Arki ang dahilan upang manatili siyang matatag sa gitna ng hirap. Subalit para kay Luther, ang pagiging ama ay naging mas komplikado dahil sa estranghero niyang pakiramdam sa pamilyang pinilit lamang buuin. Lalo pa at pilit nitong hinahati ang panahon at oras niya kay Cassey.Ngunit ang biglaang pagdating ni Luther sa party ng anak, kasama ang babaeng pinakamamahal nito ay tila muling binuhay ang sugat ng nakaraan ng asawa. Sa harap ng mga bisita, nagpapatuloy si Jade bilang isang matatag at mapagmahal na ina, ngunit sa likod ng ngiti ay may tensyon at pait na hindi niya maikubli. Ngunit isinantabi niyang lahat iyon para sa kaarawan ni Arki. Dahil sa nangyayari, mas lalong ipi
“Thank you, Ms. Salvador, everything is perfect. I love the result," ani Jade habang pinagmamasdan ang buong venue.Ang malawak na bulwagan ay parang kinuha mula sa isang engkantadong libro. Ang mga pastel-colored na lobo ay nakalutang sa ere, nililok ng mga kumikislap na ilaw. Ang mga chandelier na yari sa kristal ay nagkikislapan sa bawat indayog ng liwanag, at ang princess-themed na limang-palapag na cake ay nasa gitna ng lahat, tila korona ng kaharian. Sa isang sulok, nakatayo ang isang higanteng cardboard castle, kumikinang sa LED lights na sumasalamin sa mga mata ng bawat dumadaang bisita. Ang bango ng cotton candy at iba’t ibang putahe ng pagkain ay humahalo sa ere, isang piyesta para sa lahat ng pandama.Napatingin si Jade sa mahabang mesa na puno ng mga cupcakes na inayos na parang royal feast. Napangiti siya. Para itong kwento sa libro na nais niyang bigyang buhay para sa anak.Ngunit tila tumigil ang oras nang bumaba sa kurbadang hagdan si Arki, nakasuot ng pink ball gown n
Matapos mapatulog ni Jade ang anak ay kaagad niyang binalikan ang pagtawag sa asawa."Nasaan ka na naman ba at ang hirap hirap mo na naman kontakin, Luther?" "Luther, ano ba? Sumagot ka naman!""Saang lupalop ka ba naroon at kahit isang tuldok man lang na message hindi ka makasagot? Anak mo din si Arki, hinahanap ka nya, wala ka bang konsensya?"Sa sunod sunod na message ni Jade kahit isa ay walang sinagot si Luther. Kaya kinabukasan ay kaagad siyang nagtungo sa opisina ng Asawa.Silvestre GroupSa loob ng malawak at modernong disenyo ng opisina, may isang lalaking bisteng nakaupo habang ang liwanag mula sa salamin ng skyscraper ay sumasalamin sa kanyang mamahaling suit. Nag-reflect ang kislap ng liwanag sa suot na salamin dito kaya mas lalong lumitaw ang kaniyang perpektong hubog ng jawline. Ang manipis at mapulang labi ay nagguhit ng isang matamis na ngiti habang nakatingin sa isang picture sa cellphone. Ang amoy nito na halos nanunuot na sa buong silid at gumuguhit sa ilong ang so
Makalipas ang apat na taon…Ang bahay ay marangya, bawat sulok ay nagsusumisigaw ng kayamanan at kapangyarihan. Pumasok si Jade sa malawak na sala, ang tunog ng kanyang mga yapak ay umaalingawngaw sa puting marmol na sahig. Ang mga chandelier sa itaas ay naglalabas ng nakakasilaw na liwanag, ngunit wala ni kaunting init ang umabot sa kanyang puso.Sa likod niya, bumukas ang pinto, at pumasok si Luther, ang mga mata nito ay hindi man lang lumingon sa kanya. Tumalikod siya at nagkunwaring abala sa pag-aayos ng mga laruan ni Arkisha na nakakalat sa gilid.“Don’t wait for me,” malamig na sabi ni Luther habang binubuksan ang pinto ng kanilang kwarto. “I won’t be home for dinner.”Alam ni Jade kung saan ito pupunta. Sa piling ni Cassey, ang babaeng totoo nitong mahal. Kahit hindi sabihin ni Luther, malinaw ang mga senyales—ang pabangong naiwan sa hangin, ang mga lihim na tawag, at ang hindi nito maipakitang respeto sa kanya.“Okay,” sagot ni Jade, pilit kinakalma ang boses para hindi ito ma
Maingat na inayos ni Jade ang kanyang simpleng damit, pinipilit alisin ang kaba na bumalot sa kanyang dibdib. Ang musika sa madilim na club ay parang dagundong sa kanyang puso habang hinila siya ng mga kaibigan papunta sa gitna ng nagkakagulong tao. Alam niyang hindi siya bagay dito—sa isang crowd ng kumikinang na ilaw at malalakas na tawanan—ngunit iginiit nila na isang gabi lang daw ng kasiyahan.Nag-atubili siyang manatili sa tabi ng bar, hawak ang isang basong tubig sa halip na ang mga makukulay na cocktails na iniinom ng kanyang mga kaibigan. Sa paligid niya, tumatawa ang mga tao, ang tunog ng takong ng sapatos ay sumasabay sa tugtog, tila pinapalabo ang bumibigat niyang pakiramdam.“Relaks ka lang,” bulong ni Pia, ang bago niyang kaibigan, habang tinutulak siya papunta sa isang mesa na puno ng mga lalaking nakasuot ng mamahaling damit. “Walang masama sa kanila. Ngumiti ka lang at mag-enjoy.”Isang pilit na ngiti ang ibinigay ni Jade, ngunit ang matalim na tingin sa mga mata ni