author-banner
Donna Marie Sulit
Author

Novels by Donna Marie Sulit

Love Redemption

Love Redemption

Isang gabi ng pagkakamali ang nag-ugnay sa dalawang magkaibang mundo. Si Jade, isang simpleng babae ay biktima ng paninira at kasinungalingan. Si Luther, isang makapangyarihang tagapagmana, napilitan sa isang kasalang walang pagmamahal para iligtas ang dangal ng kanilang pamilya. Dalawang estranghero, na pinagbuklod ng tadhana ngunit hindi ng pag-ibig. Sa kabila ng galit at lihim na bumabalot sa kanilang pagsasama, unti-unting lumitaw ang damdaming hindi nila inaasahan. Mananatili kaya ang kanilang kasal bilang isang malamig na kasunduan o magbabago ito tungo sa isang mas malalim na ugnayan? Mapagtatagumpayan kaya nila ang mga kasinungalingan, galit, at pride na humahadlang sa kanila? O nakatakda na silang manatiling bilanggo ng isang buhay na hindi nila pinili?
Read
Chapter: CHAPTER 5- A Cold Night
Isang mahalagang araw para kay Jade ang kaarawan ni Arki. Para sa kaniya isang simbolo iyon ng kaligayahan at tagumpay niya bilang isang ina. Ang pagsilang ni Jade kay Arki ang nagdala ng kakaibang liwanag sa kanilang relasyon upang maitawid ang limang taong pagsasama sa isang bubong na walang pagmamahalan. Si Arki ang dahilan upang manatili siyang matatag sa gitna ng hirap. Subalit para kay Luther, ang pagiging ama ay naging mas komplikado dahil sa estranghero niyang pakiramdam sa pamilyang pinilit lamang buuin. Lalo pa at pilit nitong hinahati ang panahon at oras niya kay Cassey.Ngunit ang biglaang pagdating ni Luther sa party ng anak, kasama ang babaeng pinakamamahal nito ay tila muling binuhay ang sugat ng nakaraan ng asawa. Sa harap ng mga bisita, nagpapatuloy si Jade bilang isang matatag at mapagmahal na ina, ngunit sa likod ng ngiti ay may tensyon at pait na hindi niya maikubli. Ngunit isinantabi niyang lahat iyon para sa kaarawan ni Arki. Dahil sa nangyayari, mas lalong ipi
Last Updated: 2025-06-02
Chapter: CHAPTER 4- THE FACE-OFF
“Thank you, Ms. Salvador, everything is perfect. I love the result," ani Jade habang pinagmamasdan ang buong venue.Ang malawak na bulwagan ay parang kinuha mula sa isang engkantadong libro. Ang mga pastel-colored na lobo ay nakalutang sa ere, nililok ng mga kumikislap na ilaw. Ang mga chandelier na yari sa kristal ay nagkikislapan sa bawat indayog ng liwanag, at ang princess-themed na limang-palapag na cake ay nasa gitna ng lahat, tila korona ng kaharian. Sa isang sulok, nakatayo ang isang higanteng cardboard castle, kumikinang sa LED lights na sumasalamin sa mga mata ng bawat dumadaang bisita. Ang bango ng cotton candy at iba’t ibang putahe ng pagkain ay humahalo sa ere, isang piyesta para sa lahat ng pandama.Napatingin si Jade sa mahabang mesa na puno ng mga cupcakes na inayos na parang royal feast. Napangiti siya. Para itong kwento sa libro na nais niyang bigyang buhay para sa anak.Ngunit tila tumigil ang oras nang bumaba sa kurbadang hagdan si Arki, nakasuot ng pink ball gown n
Last Updated: 2025-05-28
Chapter: CHAPTER 3- WHITE LIES
Matapos mapatulog ni Jade ang anak ay kaagad niyang binalikan ang pagtawag sa asawa."Nasaan ka na naman ba at ang hirap hirap mo na naman kontakin, Luther?" "Luther, ano ba? Sumagot ka naman!""Saang lupalop ka ba naroon at kahit isang tuldok man lang na message hindi ka makasagot? Anak mo din si Arki, hinahanap ka nya, wala ka bang konsensya?"Sa sunod sunod na message ni Jade kahit isa ay walang sinagot si Luther. Kaya kinabukasan ay kaagad siyang nagtungo sa opisina ng Asawa.Silvestre GroupSa loob ng malawak at modernong disenyo ng opisina, may isang lalaking bisteng nakaupo habang ang liwanag mula sa salamin ng skyscraper ay sumasalamin sa kanyang mamahaling suit. Nag-reflect ang kislap ng liwanag sa suot na salamin dito kaya mas lalong lumitaw ang kaniyang perpektong hubog ng jawline. Ang manipis at mapulang labi ay nagguhit ng isang matamis na ngiti habang nakatingin sa isang picture sa cellphone. Ang amoy nito na halos nanunuot na sa buong silid at gumuguhit sa ilong ang so
Last Updated: 2025-05-28
Chapter: CHAPTER 2- A COLD MARRIAGE
Makalipas ang apat na taon…Ang bahay ay marangya, bawat sulok ay nagsusumisigaw ng kayamanan at kapangyarihan. Pumasok si Jade sa malawak na sala, ang tunog ng kanyang mga yapak ay umaalingawngaw sa puting marmol na sahig. Ang mga chandelier sa itaas ay naglalabas ng nakakasilaw na liwanag, ngunit wala ni kaunting init ang umabot sa kanyang puso.Sa likod niya, bumukas ang pinto, at pumasok si Luther, ang mga mata nito ay hindi man lang lumingon sa kanya. Tumalikod siya at nagkunwaring abala sa pag-aayos ng mga laruan ni Arkisha na nakakalat sa gilid.“Don’t wait for me,” malamig na sabi ni Luther habang binubuksan ang pinto ng kanilang kwarto. “I won’t be home for dinner.”Alam ni Jade kung saan ito pupunta. Sa piling ni Cassey, ang babaeng totoo nitong mahal. Kahit hindi sabihin ni Luther, malinaw ang mga senyales—ang pabangong naiwan sa hangin, ang mga lihim na tawag, at ang hindi nito maipakitang respeto sa kanya.“Okay,” sagot ni Jade, pilit kinakalma ang boses para hindi ito ma
Last Updated: 2025-05-28
Chapter: CHAPTER 1- THE TRAP
Maingat na inayos ni Jade ang kanyang simpleng damit, pinipilit alisin ang kaba na bumalot sa kanyang dibdib. Ang musika sa madilim na club ay parang dagundong sa kanyang puso habang hinila siya ng mga kaibigan papunta sa gitna ng nagkakagulong tao. Alam niyang hindi siya bagay dito—sa isang crowd ng kumikinang na ilaw at malalakas na tawanan—ngunit iginiit nila na isang gabi lang daw ng kasiyahan.Nag-atubili siyang manatili sa tabi ng bar, hawak ang isang basong tubig sa halip na ang mga makukulay na cocktails na iniinom ng kanyang mga kaibigan. Sa paligid niya, tumatawa ang mga tao, ang tunog ng takong ng sapatos ay sumasabay sa tugtog, tila pinapalabo ang bumibigat niyang pakiramdam.“Relaks ka lang,” bulong ni Pia, ang bago niyang kaibigan, habang tinutulak siya papunta sa isang mesa na puno ng mga lalaking nakasuot ng mamahaling damit. “Walang masama sa kanila. Ngumiti ka lang at mag-enjoy.”Isang pilit na ngiti ang ibinigay ni Jade, ngunit ang matalim na tingin sa mga mata ni
Last Updated: 2025-05-28
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status