“Thank you, Ms. Salvador, everything is perfect. I love the result," ani Jade habang pinagmamasdan ang buong venue.
Ang malawak na bulwagan ay parang kinuha mula sa isang engkantadong libro. Ang mga pastel-colored na lobo ay nakalutang sa ere, nililok ng mga kumikislap na ilaw. Ang mga chandelier na yari sa kristal ay nagkikislapan sa bawat indayog ng liwanag, at ang princess-themed na limang-palapag na cake ay nasa gitna ng lahat, tila korona ng kaharian. Sa isang sulok, nakatayo ang isang higanteng cardboard castle, kumikinang sa LED lights na sumasalamin sa mga mata ng bawat dumadaang bisita. Ang bango ng cotton candy at iba’t ibang putahe ng pagkain ay humahalo sa ere, isang piyesta para sa lahat ng pandama. Napatingin si Jade sa mahabang mesa na puno ng mga cupcakes na inayos na parang royal feast. Napangiti siya. Para itong kwento sa libro na nais niyang bigyang buhay para sa anak. Ngunit tila tumigil ang oras nang bumaba sa kurbadang hagdan si Arki, nakasuot ng pink ball gown na puno ng mga kumikinang na ginto at pilak na sequins. Ang bawat galaw ng bata ay may kaakibat na pagkinang, at ang kanyang korona ay tila sumasalamin sa araw mismo. Kumalat ang ingay ng paghanga mula sa mga bisita. Ngunit kay Jade, ang tingin niya sa anak ay puno ng pagmamalaki at saya. "Ang ganda-ganda ng anak ko," bulong niya sa sarili, pinupunasan ang mumunting luha sa kanyang mata. Bago pa makapagsimula ang host, isang hindi inaasahang tunog ng pagbukas ng pintuan ang nagpatigil sa lahat. Lahat ng mata ay bumaling sa direksyon ng ingay. Sa bungad ay pumasok si Luther, matangkad, guwapo, at mukhang hindi tumanda sa paglipas ng panahon. Nasa kanyang kaliwang braso ang isang babae, suot ang isang sleek na pulang bestida na bumagay sa kanyang kayumangging balat at blonde na buhok. Isang mabagal ngunit tiyak na paglakad ang ginawa ng dalawa habang ang usapan ng mga bisita ay tila alon na lumaganap sa buong bulwagan. Ang babae ay ngumiti sa lahat, ngunit ang mata nito ay dumapo kay Jade na tila nagsusukat ng sitwasyon. Sa kanyang likuran, naramdaman ni Jade ang bigat ng tensyon na unti-unting bumabalot sa silid. “Daddy!” Masayang sigaw ni Arki habang tumatakbo palapit sa lalaki, niyakap ito ng mahigpit. Ang malaking regalo na hawak ni Luther ay iniabot niya sa bata. "For you, princess," sabi niya, yumuko upang masulyapan ang anak, ang tinig niya’y puno ng pagmamahal. "Happy birthday." “Thank you, Daddy!” sagot ni Arki nang masigla, bago tumingin sa babae sa likod nito. "Sino siya, Daddy?" Mabilis na sumingit si Jade, ang kanyang boses ay malumanay ngunit may halong babala. "Ah, anak, siya siguro ang tumulong kay Daddy maghanap ng regalo para sa 'yo, di ba, hon?" Ang titig niya kay Luther ay puno ng kahulugan. Tumikhim si Luther. "Oo," sagot niya. "Kaibigan ni Daddy, si Tita Cassey." Ngumiti ang bata. "Hi, Tita Cassey!" Ngumiti rin si Jade ngunit ang kanyang titig ay hindi kumukurap. "Anak, balik ka na sa mga kaibigan mo, ha? Lolo Mauricio is waiting for you." Hinaplos niya ang buhok ng bata bago ito tumakbo palayo. Lumapit si Jade kay Luther, ang kanyang ngiti ay mapait ngunit kontrolado. "Ang galing ng timing mo, noh? Napaka-perfect talaga." Ang kanyang boses ay halos bulong ngunit may halong lamig. Ang lalaki ay nag-ayos ng kwelyo, halatang hindi komportable ngunit nananatiling matatag. "Enough. Para kay Arki, okay?" sabi niya sa mababang boses. “Para kay Arki,” ulit ni Jade, ang kanyang mga mata ay dumapo kay Cassey. "At sana para kay Arki lang talaga ang araw na 'to." Tila isang larangan ng digmaan ang bulwagan, ngunit walang nakakakita sa tensyong bumabalot sa pagitan ng mga magulang. Tanging ang musika, tawanan ng mga bata, at ang makinang na dekorasyon ang nagsilbing takip sa kumukulong emosyon sa ilalim ng engrandeng tagpo. Habang nagsisimula nang bumalik sa kasiyahan ang mga bisita, muling nabasag ang ritmo ng engrandeng pagdiriwang. Sa gitna ng sayawan at tawanan, biglang nagpalit ng musika ang banda, at tumugtog ang isang malambing na piyesa ng piano. Lahat ng mata ay bumaling muli sa gitna ng bulwagan. Si Arki, kasama ang kanyang Lolo Mauricio, ay masayang tumatawa habang binubuksan ang isa pang malaking kahon ng regalo. Ngunit sa gilid ng entablado, si Jade ay hindi mapakali. Ramdam niya ang malamig na titig ni Cassey na tila hindi tinatablan ng kahit anong tensyon. “Hon, excuse me for a moment," bulong ni Jade kay Luther, kaswal na ngumingiti upang hindi makatawag-pansin. Ngunit ang pagngiting iyon ay tila isang pahayag ng digmaan. Pagdating niya sa likod ng bulwagan, tumigil siya at sinulyapan si Cassey. Ang babae, na nakasandal sa isang haligi, ay tila hinihintay ang eksenang ito. “Napaka-charming ng entrance mo,” simula ni Jade, ang kanyang boses ay banayad ngunit puno ng hinahon. "Pero ang totoo? Napaka-timing, hindi ba?" Ngumiti si Cassey, ang kanyang labi ay bahagyang umangat, ngunit ang mga mata ay malamig. "I didn’t mean to steal the spotlight. Just here to support Luther. He insisted, you know." Napatingin si Jade sa gilid, nag-iisip kung gaano katotoo ang sinabi ng babae. Ngunit sa halip na sumagot, nilapitan niya ito, sapat ang distansya upang hindi sila marinig ng iba. "Alam kong magaling ka, pero sana magaling ka rin sa pagbabasa ng sitwasyon. Hindi ito araw mo. Hindi ito para sa'yo." Tumawa si Cassey, mababa ngunit nakakabingi sa tenga ni Jade. "Jade, relax. You’re overreacting. It’s just a party." Hindi na napigilan ni Jade ang pagtataas ng kanyang kilay. "This party is for my daughter. Hindi para gawing venue ng kung anumang gusto n'yong palabas. Kaya kung gusto mong manatili rito, be invisible. Huwag kang dumagdag sa drama." Sa pagkakataong iyon, naramdaman nilang dalawa ang isang anino sa kanilang tabi. Si Luther, na tila kanina pa nakikinig, ay sumingit sa kanilang pag-uusap. "Ladies, I think that’s enough," sabi niya, ang boses niya’y mababa ngunit puno ng babala. Tumingin si Jade sa asawa, ang kanyang mga mata ay naglalagablab sa galit na kanyang pinipigil. "Enough? Tama ka, Luther. Enough na talaga. Enough na ang pagiging insensitive mo. Kung gusto mong sirain ang araw na ito, huwag mong isama ang anak natin." Napatingin si Luther sa paligid, alam niyang ang boses ng asawa ay nagsisimula nang tumaas. "Jade, I don’t want to argue here." Ngumiti si Jade, ngunit ang ngiting iyon ay tila tabak. "Exactly. Hindi dito. Kaya kung ako sa inyo, aalisin ko ang extra mo at siguruhing hindi maapektuhan si Arki." Hindi na nagsalita si Luther, ngunit kitang-kita sa mukha niya ang pagsuko. Hinawakan niya ang braso ni Cassey at marahang hinila palayo sa bulwagan. Habang naglalakad sila palabas, ang mga bisita ay tahimik na nagmamasid, hindi alam kung ano ang nangyayari ngunit malinaw na may tensyong nagaganap. Pagbalik ni Jade sa harap ng entablado, mas lalo niyang nilakasan ang kanyang ngiti para kay Arki. "Princess, let’s open more surprises!" sabi niya, halos walang bakas ng tensyon sa kanyang mukha. Ngunit sa ilalim ng lahat ng iyon, nag-aalab ang kanyang damdamin—hindi para sa sarili, kundi para sa anak niyang si Arki, na karapat-dapat lamang sa araw na walang kapantay na saya. At habang ang mga ilaw ay muling bumalik sa kislap ng kasiyahan, isang malamig na hangin ang dumaan sa bulwagan, tila babala ng mga bagay na paparating.“Thank you, Ms. Salvador, everything is perfect. I love the result," ani Jade habang pinagmamasdan ang buong venue.Ang malawak na bulwagan ay parang kinuha mula sa isang engkantadong libro. Ang mga pastel-colored na lobo ay nakalutang sa ere, nililok ng mga kumikislap na ilaw. Ang mga chandelier na yari sa kristal ay nagkikislapan sa bawat indayog ng liwanag, at ang princess-themed na limang-palapag na cake ay nasa gitna ng lahat, tila korona ng kaharian. Sa isang sulok, nakatayo ang isang higanteng cardboard castle, kumikinang sa LED lights na sumasalamin sa mga mata ng bawat dumadaang bisita. Ang bango ng cotton candy at iba’t ibang putahe ng pagkain ay humahalo sa ere, isang piyesta para sa lahat ng pandama.Napatingin si Jade sa mahabang mesa na puno ng mga cupcakes na inayos na parang royal feast. Napangiti siya. Para itong kwento sa libro na nais niyang bigyang buhay para sa anak.Ngunit tila tumigil ang oras nang bumaba sa kurbadang hagdan si Arki, nakasuot ng pink ball gown n
Matapos mapatulog ni Jade ang anak ay kaagad niyang binalikan ang pagtawag sa asawa."Nasaan ka na naman ba at ang hirap hirap mo na naman kontakin, Luther?" "Luther, ano ba? Sumagot ka naman!""Saang lupalop ka ba naroon at kahit isang tuldok man lang na message hindi ka makasagot? Anak mo din si Arki, hinahanap ka nya, wala ka bang konsensya?"Sa sunod sunod na message ni Jade kahit isa ay walang sinagot si Luther. Kaya kinabukasan ay kaagad siyang nagtungo sa opisina ng Asawa.Silvestre GroupSa loob ng malawak at modernong disenyo ng opisina, may isang lalaking bisteng nakaupo habang ang liwanag mula sa salamin ng skyscraper ay sumasalamin sa kanyang mamahaling suit. Nag-reflect ang kislap ng liwanag sa suot na salamin dito kaya mas lalong lumitaw ang kaniyang perpektong hubog ng jawline. Ang manipis at mapulang labi ay nagguhit ng isang matamis na ngiti habang nakatingin sa isang picture sa cellphone. Ang amoy nito na halos nanunuot na sa buong silid at gumuguhit sa ilong ang so
Makalipas ang apat na taon…Ang bahay ay marangya, bawat sulok ay nagsusumisigaw ng kayamanan at kapangyarihan. Pumasok si Jade sa malawak na sala, ang tunog ng kanyang mga yapak ay umaalingawngaw sa puting marmol na sahig. Ang mga chandelier sa itaas ay naglalabas ng nakakasilaw na liwanag, ngunit wala ni kaunting init ang umabot sa kanyang puso.Sa likod niya, bumukas ang pinto, at pumasok si Luther, ang mga mata nito ay hindi man lang lumingon sa kanya. Tumalikod siya at nagkunwaring abala sa pag-aayos ng mga laruan ni Arkisha na nakakalat sa gilid.“Don’t wait for me,” malamig na sabi ni Luther habang binubuksan ang pinto ng kanilang kwarto. “I won’t be home for dinner.”Alam ni Jade kung saan ito pupunta. Sa piling ni Cassey, ang babaeng totoo nitong mahal. Kahit hindi sabihin ni Luther, malinaw ang mga senyales—ang pabangong naiwan sa hangin, ang mga lihim na tawag, at ang hindi nito maipakitang respeto sa kanya.“Okay,” sagot ni Jade, pilit kinakalma ang boses para hindi ito ma
Maingat na inayos ni Jade ang kanyang simpleng damit, pinipilit alisin ang kaba na bumalot sa kanyang dibdib. Ang musika sa madilim na club ay parang dagundong sa kanyang puso habang hinila siya ng mga kaibigan papunta sa gitna ng nagkakagulong tao. Alam niyang hindi siya bagay dito—sa isang crowd ng kumikinang na ilaw at malalakas na tawanan—ngunit iginiit nila na isang gabi lang daw ng kasiyahan.Nag-atubili siyang manatili sa tabi ng bar, hawak ang isang basong tubig sa halip na ang mga makukulay na cocktails na iniinom ng kanyang mga kaibigan. Sa paligid niya, tumatawa ang mga tao, ang tunog ng takong ng sapatos ay sumasabay sa tugtog, tila pinapalabo ang bumibigat niyang pakiramdam.“Relaks ka lang,” bulong ni Pia, ang bago niyang kaibigan, habang tinutulak siya papunta sa isang mesa na puno ng mga lalaking nakasuot ng mamahaling damit. “Walang masama sa kanila. Ngumiti ka lang at mag-enjoy.”Isang pilit na ngiti ang ibinigay ni Jade, ngunit ang matalim na tingin sa mga mata ni