Makalipas ang apat na taon…
Ang bahay ay marangya, bawat sulok ay nagsusumisigaw ng kayamanan at kapangyarihan. Pumasok si Jade sa malawak na sala, ang tunog ng kanyang mga yapak ay umaalingawngaw sa puting marmol na sahig. Ang mga chandelier sa itaas ay naglalabas ng nakakasilaw na liwanag, ngunit wala ni kaunting init ang umabot sa kanyang puso. Sa likod niya, bumukas ang pinto, at pumasok si Luther, ang mga mata nito ay hindi man lang lumingon sa kanya. Tumalikod siya at nagkunwaring abala sa pag-aayos ng mga laruan ni Arkisha na nakakalat sa gilid. “Don’t wait for me,” malamig na sabi ni Luther habang binubuksan ang pinto ng kanilang kwarto. “I won’t be home for dinner.” Alam ni Jade kung saan ito pupunta. Sa piling ni Cassey, ang babaeng totoo nitong mahal. Kahit hindi sabihin ni Luther, malinaw ang mga senyales—ang pabangong naiwan sa hangin, ang mga lihim na tawag, at ang hindi nito maipakitang respeto sa kanya. “Okay,” sagot ni Jade, pilit kinakalma ang boses para hindi ito manginig. Walang silbi ang magtanong o magreklamo. Walang silbi ang umasa. The dining table was long enough to seat twenty people, but tonight it was just Jade and Arki. The clinking of utensils was the only sound that broke the heavy silence. “Mama, where’s Papa?” tanong ng bata, ang inosenteng mga mata nito nakatingin sa kanya. “He’s busy,” Jade answered softly, forcing a smile. “He'll come home later.” Pero alam niyang hindi. Alam niyang si Cassey ang uuwian nito, hindi sila. Hatinggabi na nang maupo si Jade sa tabi ng bintana, nakatuon ang kanyang tingin sa mga ilaw ng lungsod na nasa malayo. Ang katahimikan ng bahay ay binalot siya na parang mabigat na balabal. Bawat tunog ng orasan ay paalala ng kanyang pag-iisa, isang malupit na alingawngaw sa kawalan na iniwan ni Luther. Sa wakas, dumating si Luther. Ang tunog ng kotse nito ay parang isang bagyong bumalik mula sa mahabang katahimikan. Hindi siya lumingon habang dumaan ito sa sala. “Did you wait up?” tanong nito, bahagyang tumigil sa tapat niya. “For Arki, not for you,” Jade replied, her voice sharp but low. Luther smirked, a bitter curve of his lips. “Good. Don’t start expecting anything.” Sa kanilang kwarto, magkatabi ngunit magkalayo ang kanilang mga mundo. Si Luther, abala sa cellphone nito, habang si Jade, nakahiga ngunit gising. Ang kama nilang malaki ay tila isang bangin na walang tulay. “Do you hate me that much?” tanong ni Jade, ang boses nito ay basag pero puno ng tapang. Hindi siya sinagot ni Luther, ngunit nakita niya ang bahagyang pagkagat nito sa labi. Hindi galit ang sagot niya—kundi kawalan ng pakialam. And so, the days blurred together. They lived under one roof, but their hearts stayed miles apart. Jade endured every cold glance, every dismissive word, for Arki’s sake. Para sa kanya, ang bahay ay hindi isang tahanan—isa itong hawla. Para kay Luther, isa itong larangan ng digmaan na ayaw niyang labanan. At sa pagitan nila ay katahimikan, mas mabigat kaysa anumang pagtatalo, mas matalim kaysa anumang insulto. Hanggang sa lumipas ang mga panahon naging malayo ang loob ni Luther sa mag-ina dahil sa pagkahumaling nito kay Cassey. Isang tahimik na hapon sa kanilang maluwang at maaliwalas na sala sa isang Villa na pagmamay ari ng pamilya Silvestre, ang mga kristal ng chandelier ay kumikislap at ang bawat sulok ng villa ay puno ng karangyaan. Yari sa moderno at maaliwalas na disenyo, naroon nakaupo si Jade habang nagtitiklop ng pink blanket, pinapanuod na naglalaro ang namumutla at mausisang batang babae. Nakasuot ito ng kulay pink at white na tutu dress at may pink na pony tail sa kulot nitong light brown na buhok. Panakaw-nakaw ang tingin, tila nagiisip nang sasabihin."Mommy," simula ni Arkisha, sabay sulyap sa ina, nagsimulang manginig ang tinig, "Bakit po si Daddy palaging wala dito sa atin? Hindi po ba niya tayo mahal?" Nangungusap ang mga mata, naghihintay nang kasagutan. Ang liwanag mula sa bintana ay sumasalamin sa mga laruan na nagkalat sa beige na carpet. Si Arkisha, ang apat na taong batang babae na anak ni Luther Silvestre. Isang bilyonaryong tagapagmana ni Don Mauricio Silvestre, isang kilala at multi-billionaire business tycoon sa bansa. Si Arkisha ay nakaupo sa isang maliit na bangko sa harap ng isang laruang pink vanity mirror, mahigpit na yakap-yakap ang kanyang paboritong pink teddy bear na regalo sa kaniya ni Luther noong nakaraan niyang kaarawan. Sa kabila ng kanyang inosenteng mukha, ang mga mata niya’y puno ng lungkot. Sa harap niya ay si Jade, ang kanyang ina, na tila ba pilit ngumingiti habang inaayos ang kumot na nakatupi sa tabi. Napahinto si Jade sa kanyang ginagawa, mabilis na pumihit upang harapin ang anak. “Anak, hindi totoo ‘yan,” sagot niya, pilit pinapakalma ang sariling boses. Hinaplos niya ang buhok ng bata. “Busy lang si Daddy sa trabaho niya sa company. Ang dami niyang kailangang gawin para sa atin para mapagamot ka namin.” “Pero Mommy,” mariing sabi ni Arkisha, sabay kibit-balikat, “kahit linggo hindi siya pumupunta. My classmates always teased me kasi wala po akong Daddy." Nag-pout ang makipot at maputlang labi. "Kailan ba ako ipapasyal ni Daddy kahit sa park lang?" Halos madurog ang puso ni Jade sa sunod-sunod na katanungan ng anak at wala siyang makuhang sagot hanggang sa muli na naman nagtanong ang anak. "Ang Daddy ng classmates ko lagi silang dinadala sa park kahit may trabaho, pumupunta sila sa Disney Land, kumakain sa labas kasama ang daddy at mommy nila.” Napakagat-labi si Jade lumitaw ang katamtaman niyang dimple sa malarosas at porselanang pisngi. Tumingin siya sa bintana, ang mga mata’y tila naghahanap ng sagot sa labas. Pagbalik ng tingin kay Arisha, may bahagyang ngiti sa labi niya ngunit may lungkot sa kanyang mga mata. “Arki anak, mahal na mahal ka ni Daddy. Hindi lang niya nasasabi nang madalas at hindi siya present palagi pero nabibigay naman niya sa atin ang marangyang buhay, 'di ba?” “Kung mahal niya ako, bakit hindi niya ako binibisita kahit isang beses lang? Bakit hindi siya umuwi dito simula noon pa hindi ko siya nakikita dito matulog?” tanong ng mausyosong bata, ang tinig nito’y puno ng pagtatampo. Niyakap nito nang mahigpit ang teddy bear, halos pumikit na ang mga mata sa pagpigil ng luha. Naglapat ang maitim at malantik nitong pilik sa ilalim ng mata. Hindi agad nakasagot si Jade. Umupo siya sa tabi tabi ng anak at tahimik na dinama ang init ng kamay nito. “Minsan,” sabi niya matapos ang mahabang katahimikan, “Ang mga matatanda, nagkakaproblema rin. Hindi ibig sabihin noon, hindi na sila nagmamahalan.” Biglang tumingala si Arki, ang kaniyang mga mata’y puno ng pagtataka. “Nag-aaway ba kayo ni Daddy, Mommy?” Napahinto si Jade, humugot nang malalim na hangin sabay buga, sumulyap sa labas ng bintana, pilit na ngumingiti ngunit dama ang pagbigat ng kanyang dibdib. “Hindi kami nag-aaway, anak. Pero... may mga bagay na mahirap ipaliwanag. Ang mahalaga, nandito ako. Hinding-hindi kita iiwan.” Niyakap nang mahigpit ang anak. Tahimik na tumango si Arki, bagamat halatang hindi pa rin lubos na nauunawaan ang sitwasyon. Sa mga mata ng bata, nananatiling buo ang imahe ng kanyang pamilya—isang ilusyon na pilit inaalagaan ni Jade, kahit pa ang kanyang puso’y nagdurugo. Umubo ang anak kaya hinaplos ni Jade ang likod nito ngunit lumuwa nang dugo ang bata. "Mommy..." Kaagad na pinunasan ni Jade ang labi ng anak at pinunasan ng wet wipes ang sahig. "Heto na naman tayo... Diyos ko, pagalingin mo na po ang anak ko," pabulong na usual ng ina. Mabuti na lamang at sa marmol na sahig iyon tumulo kaya mabilis naalis ni Jade. May Thalassemia si Arki. Isang uri ng namamanang sakit sa dugo na nagdudulot ng hindi normal na produksyon ng hemoglobin. Isang panghabambuhay na kondisyon na nangangailangan ng patuloy na gamutan kung kaya kinakailangan niya ang tulong ng Asawa lalo na sa mga gastusin. Regular ang pakikipag-ugnayan nila sa hematologist, upang madugtungan ang buhay ng anak. Kaya sinusunod ni Jade ang gamutan. Hinawakan ang ulo ng anak. Hinaplos ang pisngi. Nakatitig sa matamlay na mata ng anak. "May masakit ba sa iyo, anak?" Natatarantang tanong sa anak. Umiling ang bata. "Mommy, papuntahin mo dito si Daddy, please...." Pinagsalikop ang dalawang palad, nakanguso at matamlay ang mga mata. Niyakap ang anak at saka pinatakan ng halik sa noo. Kaagad na dinampot ni Jade ang cellphone sa ibabaw ng brown na side table. Tumipa ng numero saka tinawagan. The number you have dial is either unattended or-" pinindot muli ang screen saka muling tumipa nanggigigil kulang na lamang ay mabutas ang screen ng cellphone. "Sagutin mo ang tawag ko, Luther! Kausapin mo ako, kailangan ka ni Arki!" Nagsusumigaw na bulong sa sarili. Ibinaba ang cellphone. Ngumiti sa anak. "Anak, Hindi ko pa macontact si Daddy." Niyakap saka pabulong na sinabi, "Could I ask you to be a little more patient, baby?"“Thank you, Ms. Salvador, everything is perfect. I love the result," ani Jade habang pinagmamasdan ang buong venue.Ang malawak na bulwagan ay parang kinuha mula sa isang engkantadong libro. Ang mga pastel-colored na lobo ay nakalutang sa ere, nililok ng mga kumikislap na ilaw. Ang mga chandelier na yari sa kristal ay nagkikislapan sa bawat indayog ng liwanag, at ang princess-themed na limang-palapag na cake ay nasa gitna ng lahat, tila korona ng kaharian. Sa isang sulok, nakatayo ang isang higanteng cardboard castle, kumikinang sa LED lights na sumasalamin sa mga mata ng bawat dumadaang bisita. Ang bango ng cotton candy at iba’t ibang putahe ng pagkain ay humahalo sa ere, isang piyesta para sa lahat ng pandama.Napatingin si Jade sa mahabang mesa na puno ng mga cupcakes na inayos na parang royal feast. Napangiti siya. Para itong kwento sa libro na nais niyang bigyang buhay para sa anak.Ngunit tila tumigil ang oras nang bumaba sa kurbadang hagdan si Arki, nakasuot ng pink ball gown n
Matapos mapatulog ni Jade ang anak ay kaagad niyang binalikan ang pagtawag sa asawa."Nasaan ka na naman ba at ang hirap hirap mo na naman kontakin, Luther?" "Luther, ano ba? Sumagot ka naman!""Saang lupalop ka ba naroon at kahit isang tuldok man lang na message hindi ka makasagot? Anak mo din si Arki, hinahanap ka nya, wala ka bang konsensya?"Sa sunod sunod na message ni Jade kahit isa ay walang sinagot si Luther. Kaya kinabukasan ay kaagad siyang nagtungo sa opisina ng Asawa.Silvestre GroupSa loob ng malawak at modernong disenyo ng opisina, may isang lalaking bisteng nakaupo habang ang liwanag mula sa salamin ng skyscraper ay sumasalamin sa kanyang mamahaling suit. Nag-reflect ang kislap ng liwanag sa suot na salamin dito kaya mas lalong lumitaw ang kaniyang perpektong hubog ng jawline. Ang manipis at mapulang labi ay nagguhit ng isang matamis na ngiti habang nakatingin sa isang picture sa cellphone. Ang amoy nito na halos nanunuot na sa buong silid at gumuguhit sa ilong ang so
Makalipas ang apat na taon…Ang bahay ay marangya, bawat sulok ay nagsusumisigaw ng kayamanan at kapangyarihan. Pumasok si Jade sa malawak na sala, ang tunog ng kanyang mga yapak ay umaalingawngaw sa puting marmol na sahig. Ang mga chandelier sa itaas ay naglalabas ng nakakasilaw na liwanag, ngunit wala ni kaunting init ang umabot sa kanyang puso.Sa likod niya, bumukas ang pinto, at pumasok si Luther, ang mga mata nito ay hindi man lang lumingon sa kanya. Tumalikod siya at nagkunwaring abala sa pag-aayos ng mga laruan ni Arkisha na nakakalat sa gilid.“Don’t wait for me,” malamig na sabi ni Luther habang binubuksan ang pinto ng kanilang kwarto. “I won’t be home for dinner.”Alam ni Jade kung saan ito pupunta. Sa piling ni Cassey, ang babaeng totoo nitong mahal. Kahit hindi sabihin ni Luther, malinaw ang mga senyales—ang pabangong naiwan sa hangin, ang mga lihim na tawag, at ang hindi nito maipakitang respeto sa kanya.“Okay,” sagot ni Jade, pilit kinakalma ang boses para hindi ito ma
Maingat na inayos ni Jade ang kanyang simpleng damit, pinipilit alisin ang kaba na bumalot sa kanyang dibdib. Ang musika sa madilim na club ay parang dagundong sa kanyang puso habang hinila siya ng mga kaibigan papunta sa gitna ng nagkakagulong tao. Alam niyang hindi siya bagay dito—sa isang crowd ng kumikinang na ilaw at malalakas na tawanan—ngunit iginiit nila na isang gabi lang daw ng kasiyahan.Nag-atubili siyang manatili sa tabi ng bar, hawak ang isang basong tubig sa halip na ang mga makukulay na cocktails na iniinom ng kanyang mga kaibigan. Sa paligid niya, tumatawa ang mga tao, ang tunog ng takong ng sapatos ay sumasabay sa tugtog, tila pinapalabo ang bumibigat niyang pakiramdam.“Relaks ka lang,” bulong ni Pia, ang bago niyang kaibigan, habang tinutulak siya papunta sa isang mesa na puno ng mga lalaking nakasuot ng mamahaling damit. “Walang masama sa kanila. Ngumiti ka lang at mag-enjoy.”Isang pilit na ngiti ang ibinigay ni Jade, ngunit ang matalim na tingin sa mga mata ni