Matapos mapatulog ni Jade ang anak ay kaagad niyang binalikan ang pagtawag sa asawa.
"Nasaan ka na naman ba at ang hirap hirap mo na naman kontakin, Luther?" "Luther, ano ba? Sumagot ka naman!" "Saang lupalop ka ba naroon at kahit isang tuldok man lang na message hindi ka makasagot? Anak mo din si Arki, hinahanap ka nya, wala ka bang konsensya?" Sa sunod sunod na message ni Jade kahit isa ay walang sinagot si Luther. Kaya kinabukasan ay kaagad siyang nagtungo sa opisina ng Asawa. Silvestre Group Sa loob ng malawak at modernong disenyo ng opisina, may isang lalaking bisteng nakaupo habang ang liwanag mula sa salamin ng skyscraper ay sumasalamin sa kanyang mamahaling suit. Nag-reflect ang kislap ng liwanag sa suot na salamin dito kaya mas lalong lumitaw ang kaniyang perpektong hubog ng jawline. Ang manipis at mapulang labi ay nagguhit ng isang matamis na ngiti habang nakatingin sa isang picture sa cellphone. Ang amoy nito na halos nanunuot na sa buong silid at gumuguhit sa ilong ang sopistikado at romantikong scent ng pabango. Ang maganda at masayang aura ni Luther ay napalitan ng madilim at mabigat na aura nang tumunog ang intercom at lumitaw ang isang babaeng nakatayo sa may pintuan ng opisina niya. Ang makinis at mapusyaw na kutis nito, na parang porselana ay mas lalong napaganda nang liwanag sa loob ng silid. Tiningnan mula ulo hanggang paa ang babae. Nakasuot ng fitted navy blue tshirt na nagbigay ng korte sa manipis nitong baywang at bilugang dibdib, ang faded skinny jeans na nagpalabas ng perpektong hubog ng balakang ng babae. Ngunit kahit maganda ang tanawin ay hindi maalis ang dilim sa mga mata ni Luther. Si Jade na nakatayo malapit sa pinto, ang kaniyang nangungusap at kulay brown na mata na may malantik at maitim na pilik ay nakatitig sa lalaking nakaupo sa swivel chair sa loob ng isang modernong disenyo at maluwang na opisina, habang nangingiti pa sa cellphone na hawak. Ang kaniyang pink na banayad na nakakurba pababang labi ay bahagyang gumuhit nang mapait na ngiti dahilan upang lumitaw ang biloy sa pisngi kasabay ang pag-arko ng kanyang brown na kilay, tuwid, animo’y iginuhit gamit ang pinakamatulis na brush ng isang dalubhasang pintor, perpekto sa pagkakaayos. Inayos ang hawak sa maliit na bag, ang mahigpit niyang hawak dito ay nagsasaad ng tensyon. Tahimik ngunit mabigat ang kanilang pag-uusap, parang mga salitang sumasabog sa bawat segundo. Hindi man lang tumingin mula sa mga papeles sa kanyang lamesa. "Ano na naman ang gusto mo, Jade? Nadagdagan na naman ba ang gastos ng pagiging ina mo?" Mahigpit ang panga, pinipilit ang boses na huwag tumaas. "Hindi ako nandito para sa pera mo, Luther. Kailan mo ba babalikan si Arki? Kailan niya mararamdaman na mayroon siyang ama?" Binalibag ang hawak na pen sa lamesa, saka madilim na tumingin sa kanya "Ama? Ng batang sinasabi mong anak ko? Tigilan mo na ‘yang ilusyon mo, Jade. Hindi ko kailanman pinangarap na maging ama sa bunga ng isang gabing pagkakamali." Napalunok si Jade ngunit hindi umatras. Ang mga mata niya’y namumula, ngunit matatag ang paninindigan. Mabigat ang paglunok. Halos nanginginig ang tinig, "Gabing pagkakamali? Siya ang anak mo, Luther. Dugo't laman mo, may buhay siya. May nararamdaman siya. Hindi siya isa lang sa mga numero ng mga transaksyon mo." Tumayo, mabigat ang bawat hakbang papalapit sa kanya. "Alam mo kung anong nararamdaman ko tuwing nakikita kita? Ang gabing iyon. Isang babaeng handang gawin ang lahat para makakuha ng bilyonaryong tiket. At ngayon, ginagamit mo pa ang batang ‘yan para mapalapit sa akin." Mabilis na iniangat ang kamay, isang malakas na sampal ang pinakawalan sa pisngi ni Luther. Samantalang si Luther ay napailing, hinawakan ang labing dumugo at iginalaw-galaw ang panga sa lakas ng impact ng sampal ng Asawa. Nanginginig ang boses sa pagpipigil ng galit. "Ganoon ba talaga kababa ang tingin mo sa akin? Akala mo ba, ikaw lang ang naging biktima sa gabing iyon? Luther, ako din naman, ah! Ibinagsak ang bag sa lamesa. Humugot nang malalim na hinga. "Buhay ang nabuo sa gabing iyon, at may usapan tayo. Hindi ko pakikialaman ang buhay mo, pero kung para kay Arki isasantabi mo 'yon! Hindi lang ikaw Ang naapektuhan ang buhay, ako na hindi alam kung paano ako napunta sa kwartong iyon, pero hindi ko pinagsisihan ang pagdating ni Arki!" Natawa sa narinig. "Lumang style na 'yan, Jade. Gasgas na gasgas na 'yan. Pwede bang umalis ka na, makita ka pa dito ni Cassey ano pang isipin non." Tumingalang bahagya. Napalunok nang marahan na tila may bara sa lalamunan. "C-Cassey na naman? Paano ang anak mo?" "Do whatever you want. Hindi mo mapipigilan ang gusto kong gawin sa buhay ko. Umalis ka na at alagaan ang anak mo." Dinampot ang bag, napahawak sa noo. Halos Hindi makapaniwala. "Ako ang nagdala ng anak mo, mag-isa. Ako ang sumagot sa bawat tanong niya kung bakit wala ang ama niya. Ako ang gumising sa gabi habang may lagnat siya, habang ikaw—" Sumingit, malamig ang tono "Habang ako? Nagtatrabaho para sa mga demands mo. Ginagawa ang dapat kong gawin, Jade. Pero huwag mo akong pilitin na pumasok sa mundong hindi ko ginusto. Bata pa lang ‘yan, ginagamit mo na siya laban sa akin." Unti unting lumabo ang mga mata ni Jade sa panggigilid ng luha. Pinatuyo niya ang luhang kanina pang gustong tumulo. "Hindi ko kailanman ginamit si Arki. Hindi ko kailanman ginamit ang sarili ko para makuha ang atensyon mo. Nasasaktan lang ako kapag nakikita kong nasasaktan ang anak natin, Luther. Pero ikaw, wala kang ibang nakikita kundi ang pera mo, 'yang babae at ang pangalan mo. Hindi mo nakikita ang batang nangangailangan ng pagmamahal mo? Sumusobra ka na talaga Wala kang puso!" Napangisi, malamig "Mahal? Hindi ko kayang mahalin ang isang bagay na nagpapaalala sa’kin ng pagkakamali ko nang gabing iyon. Dahil sa inyong mag-ina nasira ang buhay ko, ang relasyon namin Ng babaeng pakakasalan ko." Tumalikod si Jade, huminga nang malalim, saka nagsalita sa halos pabulong na tinig. "Alam mo kung anong masakit? Hindi mo kailanman makikita kung gaano kahalaga si Arki, at balang araw, baka magsisi ka. Pero sa araw na iyon, huli na ang lahat." Lumabas si Jade nang hindi lumilingon. Nanatiling tahimik si Luther sa gitna ng opisina, ngunit ang bigat ng kanyang sinabi ay tila sumasalamin sa kanya, kasabay ng unti-unting paglubog ng araw sa labas ng bintana. Pagkasarado ng bubog na pintuan ay sabay sabay na bumagsak ang malalaking butil Ng luha ni Jade na kanina pa niyang pinipigilan. Habang pauwi ay bumuhos ang malakas na ulan na tila nakikiayon sa kaniyang nararamdaman. Umuwing bigo si Jade na mapagbigyan ang simpleng kahilingan ng anak. Habang nasa daan ay hindi niya maiwasan ang pagbuhos ng luha dahil sa mga narinig kay Luther. "Kahit kailan, hindi ko pinagsisisihan na dumating si Arki sa buhay ko. Siya lang ang mayroon ako, siya ang buhay ko. Mahal na mahal ko ang anak ko." Pagbukas ng gate at sumalubong kay Jade ang galak na galak na si Arki. "Mommy?" Unti unting nabawasan ang sigla sa tono ng tinig ng anak nang makitang basang basa ang kaniyang ina. "What happened? Kasama mo na ba si Daddy?" Hindi makasagot si Jade. Tila kumukuha nang maisasagot sa anak. "Mamamasyal na po tayo sa park?" Sa nakitang sigla at kislap sa mga mata na pinakita ng anak ay hindi maiwasan ni Jade na masaktan. Ngunit hindi kailanman mapapantayan ang kinang sa mga mata ng anak kaya napilitan siyang magsinungaling dito. "Oo anak, darating si Daddy pero hindi pa ngayon. Maybe to your birthday?" Sa tuwa nang anak ay napalundag ito. "Yehey! Makakasama ko na ang Daddy ko."“Thank you, Ms. Salvador, everything is perfect. I love the result," ani Jade habang pinagmamasdan ang buong venue.Ang malawak na bulwagan ay parang kinuha mula sa isang engkantadong libro. Ang mga pastel-colored na lobo ay nakalutang sa ere, nililok ng mga kumikislap na ilaw. Ang mga chandelier na yari sa kristal ay nagkikislapan sa bawat indayog ng liwanag, at ang princess-themed na limang-palapag na cake ay nasa gitna ng lahat, tila korona ng kaharian. Sa isang sulok, nakatayo ang isang higanteng cardboard castle, kumikinang sa LED lights na sumasalamin sa mga mata ng bawat dumadaang bisita. Ang bango ng cotton candy at iba’t ibang putahe ng pagkain ay humahalo sa ere, isang piyesta para sa lahat ng pandama.Napatingin si Jade sa mahabang mesa na puno ng mga cupcakes na inayos na parang royal feast. Napangiti siya. Para itong kwento sa libro na nais niyang bigyang buhay para sa anak.Ngunit tila tumigil ang oras nang bumaba sa kurbadang hagdan si Arki, nakasuot ng pink ball gown n
Matapos mapatulog ni Jade ang anak ay kaagad niyang binalikan ang pagtawag sa asawa."Nasaan ka na naman ba at ang hirap hirap mo na naman kontakin, Luther?" "Luther, ano ba? Sumagot ka naman!""Saang lupalop ka ba naroon at kahit isang tuldok man lang na message hindi ka makasagot? Anak mo din si Arki, hinahanap ka nya, wala ka bang konsensya?"Sa sunod sunod na message ni Jade kahit isa ay walang sinagot si Luther. Kaya kinabukasan ay kaagad siyang nagtungo sa opisina ng Asawa.Silvestre GroupSa loob ng malawak at modernong disenyo ng opisina, may isang lalaking bisteng nakaupo habang ang liwanag mula sa salamin ng skyscraper ay sumasalamin sa kanyang mamahaling suit. Nag-reflect ang kislap ng liwanag sa suot na salamin dito kaya mas lalong lumitaw ang kaniyang perpektong hubog ng jawline. Ang manipis at mapulang labi ay nagguhit ng isang matamis na ngiti habang nakatingin sa isang picture sa cellphone. Ang amoy nito na halos nanunuot na sa buong silid at gumuguhit sa ilong ang so
Makalipas ang apat na taon…Ang bahay ay marangya, bawat sulok ay nagsusumisigaw ng kayamanan at kapangyarihan. Pumasok si Jade sa malawak na sala, ang tunog ng kanyang mga yapak ay umaalingawngaw sa puting marmol na sahig. Ang mga chandelier sa itaas ay naglalabas ng nakakasilaw na liwanag, ngunit wala ni kaunting init ang umabot sa kanyang puso.Sa likod niya, bumukas ang pinto, at pumasok si Luther, ang mga mata nito ay hindi man lang lumingon sa kanya. Tumalikod siya at nagkunwaring abala sa pag-aayos ng mga laruan ni Arkisha na nakakalat sa gilid.“Don’t wait for me,” malamig na sabi ni Luther habang binubuksan ang pinto ng kanilang kwarto. “I won’t be home for dinner.”Alam ni Jade kung saan ito pupunta. Sa piling ni Cassey, ang babaeng totoo nitong mahal. Kahit hindi sabihin ni Luther, malinaw ang mga senyales—ang pabangong naiwan sa hangin, ang mga lihim na tawag, at ang hindi nito maipakitang respeto sa kanya.“Okay,” sagot ni Jade, pilit kinakalma ang boses para hindi ito ma
Maingat na inayos ni Jade ang kanyang simpleng damit, pinipilit alisin ang kaba na bumalot sa kanyang dibdib. Ang musika sa madilim na club ay parang dagundong sa kanyang puso habang hinila siya ng mga kaibigan papunta sa gitna ng nagkakagulong tao. Alam niyang hindi siya bagay dito—sa isang crowd ng kumikinang na ilaw at malalakas na tawanan—ngunit iginiit nila na isang gabi lang daw ng kasiyahan.Nag-atubili siyang manatili sa tabi ng bar, hawak ang isang basong tubig sa halip na ang mga makukulay na cocktails na iniinom ng kanyang mga kaibigan. Sa paligid niya, tumatawa ang mga tao, ang tunog ng takong ng sapatos ay sumasabay sa tugtog, tila pinapalabo ang bumibigat niyang pakiramdam.“Relaks ka lang,” bulong ni Pia, ang bago niyang kaibigan, habang tinutulak siya papunta sa isang mesa na puno ng mga lalaking nakasuot ng mamahaling damit. “Walang masama sa kanila. Ngumiti ka lang at mag-enjoy.”Isang pilit na ngiti ang ibinigay ni Jade, ngunit ang matalim na tingin sa mga mata ni