Share

Chapter 2: Pinalayas

Perlm Marie Olavin

Imbis na umalis, pinanood ko pa talaga kung gaano sila kasaya sa isa't isa. 

"Rachell..."

"I want you to know that i love you. Ikaw ang papakasalan ko at mamahalin ko habang buhay, ikaw ang babaeng magdadala ng mga magiging anak ko... Ikaw lang."

What.the.fuck.

Malalaking banner ang nasa harapan ko ngayon. Kilala ko ang may hawak ng mga banner, mga kaibigan iyon ni Andy na nagreto saakin dati sa kaniya. 

"Will you be my girlfriend, Rachell?" Iyon ang nakalagay sa banner. Habang si Andy ay may hawak-hawak na bouquet of flowers at si Rachell ay mangiyak-ngiyak. 

Damn. So ito na pala? Nangliligaw pa lang itong si Andy? Ang akala ko sila na!

"Yes! Andy, yes! Mahal na mahal rin kita!" 

Napapikit na lang ako sa narinig. Hiyaw ng mga students ang narinig ko at ang malala'y nasubsob pa ako dahil sa mga tulakan nila. Nakakahiya, sa harap pa talaga ng lovebirds.

"Ouch!" 

I look at them, nakatingin ang dalawa saakin. No. Nakatingin ang lahat saakin.

"Are you okay, Perlm?" Nag-offer si Andy na itayo ako ngunit tinanggihan ko siya. 

"No. It's okay. I'm okay."

Tumahimik ang buong cafeteria ngunit natatanaw ko sila Amy, Mildred at Rosie na naga-alala. 

"Hi, Perlm!" bati ni Rachell saakin, hawak na niya ang flowers. 

She looks good. Straight na straight ang buhok, hindi katulad ng saakin na medyo curly. Morena, matangkad at mapupula ang mga labi. Para siyang isang beauty queen. Wala akong panlaban.

But I'm beautiful, too! Maganda rin ako, sadyang iba talaga ang taste ni Andy. Mahilig siya sa nga morenang katulad ni Rachell.

Huminga ako ng malalim, "Wow. Congrats, Rachell and A-andy! I'm happy for the two of you," mahina kong sabi, pinipigilang tumulo ang mga luhang nagbabadyang bumuhos.

Ngumiti si Andy. "Thanks, Perlm. Kung may problema ka, sabihin mo lang. Me and Rachell can assist you—"

"I'm alright, bye!" Sa puntong iyon ay wala na akong pake kung nakita niyang tumulo ang mga luha ko, tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa makalayo sa bwisit na cafeteria. 

"Fuck you, Andy!" 

He lied. Ang sabi niya, minahal niya ako, naging parte ako ng buhay niya. Naging masaya siya saakin. 

Pero... bakit? Bakit parang hindi? Ibang-iba. Hindi ako kailanman sinorpresa ni Andy, hindi niya ako pinagmamalaki sa harap ng maraming tao. Kailanman ay hindi naging ganoon ang turing niya saakin. Kung kausapin niya ako, parang hindi niya ako ex. He's too friendly pagdating saakin. Parang wala lang sakaniya na nasaktan niya ako. Sobrang selfish nilang dalawa!

"Fuck."

After some time, napag-isipan kong umuwi na lang sa bahay. Binuksan ko ang gate at nalalantang naglakad papasok. 

"Mom, dad, I'm home," malamya kong sabi at dumiretso sa kwarto ko. 

Pagpasok ko pa lang sa kwarto ay nagtaka na ako kung bakit may suitcase sa kama ko. Binuksan ko ito at gulat nang makitang nakalagay rito ang mga gamit ko.

"What the hell? Mom! Anong ibig sabihin nito?!" sigaw ko at tuluyang lumabas ng kwarto. 

Nadatnan ko silang tahimik na kumakain sa kitchen. 

"What's the meaning of this? Bakit naka-impake ang damit ko? Aalis ba tayo?" nagtatakang tanong ko sakanilang dalawa.

Tumikhim si dad, "Ikaw lang, baby. Ikaw lang ang aalis." 

Kaagad siyang sinuway ni mom. "Stop calling her baby, Mariano! Hindi na siya bata!" 

"Yes, dad. I'm already twenty-three," natatawa kong sabi at umupo upang kumain.

"Hmm, ikaw na ang nagsabi na you're already twenty-three. It means magagawa mo nang tumayo ng mag-isa," dagdag ni mom.

Kumunot ang noo ko, "Tumayo ng mag-isa? Like what?" 

"You have to be independent na, bab— Perlm," sagot ni dad.

Huwag mong sabihin na...

Tumayo agad ako. Umiling at yumakap kay dad, "Hindi! Ayoko! Bakit ako aalis rito kung nandito kayo? Saan naman ako pupunta?!" 

"Perlm," pagbabanta ni mom kaya bumitaw ako kay dad. 

"Go find a job. Twenty-three ka na pero umaasa ka pa rin saamin! Ang sinabi mo noon ay maghahanap ka ng trabaho kapag tumungtong ka ng college pero anong nangyari? Wala! So you better find a job and rent a house. Ayokong nakikita kang pagala-gala sa bahay!" 

Natameme na lang ako sa mahabang panenermon ni mom, ngayon lang siya nagsalita ng ganito kahaba. At ngayon niya lang rin ako pinagalitan sa harap ng hapagkainan. Mom's usually calm. Lagi siyang walang pake sa lahat ng bagay, alam nilang ang tawag saakin ay playgirl. Hindi naman totoo iyon.

I know. She's serious. Kasalanan ko naman ito dahil ang mga pangako ko sakanila'y laging napapako. 

"Okay, mom. I'm sorry." 

Sa huli, ako rin ang umalis. Dala-dala ko ang suitcase at bag ko habang naglalakad palabas ng subdivision. Bakit ngayon pa tinopak si mom, kung kailan naman broken ako, shocks!

Tinawagan ko na si Rosie na available raw ang apartment niya dahil siya lang naman mag-isa. Buti pa sila, may trabaho at kumanya na habang ako, ito umaasa pa rin sa allowance na binibigay ni dad. 

Tinext niya saakin ang address at mas lalo akong nagulat dahil sa ganda at laki ng building na 'yon.

Papasok na sana ako sa building nang harangin ako ng guard na medyo may pagkabata pa. May asim pa si kuya.

"What?"

"Ma'am, where's your card?" 

"Card?"

Tumango ito at pinakita saakin ang isang blue card. "Para saan naman 'yan?" 

"Entry card ma'am. Kailangan ay mayroon ka nito para makapasok ka sa subdivision."

Mayroon na pala ng ganito. Tumango ako at tinawagan si Rosie. Nakailang ring na ako ngunit hindi naman ito sumasagot. "Rosie, sumagot ka," bulong ko habang nagngingiting nakatingin sa guard na mukhang naiinip na rin. 

The heck! Bakit hindi siya sumasagot?

"Argh, kainis! Ayaw niyang sagutin, manong. Paupo naman!" 

Tumaas ang kilay ni manong sa sinabi ko. Tinaasan ko rin ito ng kilay. 

"Aba! Bakit naman kita papaupuin, sino ka ba?" 

Ngumisi ako, lumapit at may binulong. Tiyak na makukuha ko ang kiliti niya sa gagawin ko.

Pagkatapos ng ilang minuto'y nakaupo ako ngayon dito sa may entrance at kumakain ng noodles na bili ni manong para saakin. Gutom na kasi ako. Hindi naman ako nakakain sa bahay kaninang dinner. Umalis kaagad ako.

"Sino naman ang isang 'to?" tanong ni Manong.

"Ah! Si Mildred 'yan, manong. Kaibigan ko!" 

"Naku pagkaganda-ganda naman nila!" 

Habang naghihintay na tumawag si Rosie ay wala akong nagawa kung 'di ang ipakilala ang mga kaibigan ko kay manong na hindi pa pala nagkaka asawa. 

Patay ako nito sakanila. But, it's okay. Ano naman? Pinakilala ko lang.

"Mr. Fernandez!" bati ng guard sa isang lalaki, sinundan ko ang tingin niya at napagtantong siya ang lalaking nakaengkwentro ko sa coffee shop.

Ngumisi ako. I have an idea. 

"Hey!" Inubos ko ang sabaw ng cup noodles at lumapit sa kaniya, "B-babe! Ang tagal mo naman, kanina pa ako naghihintay rito!" Kumapit ako sa braso niya at ngumiti. 

"Teka lang, siya ba ang boyfriend mo, Ma'am?" 

Natatawa akong lumingon sa lalaking katabi ko ngayon, nakataas ang kilay at nakalukot naman ang mukha, pero bakit...

 Ang guwapo niya pa rin. 

"Manloloko, mangaggamit, traydor, walang utang na loob, arogante at pangit. 'Yan ang sabi mo saakin noong isang araw," nakangising sabi niya. Kabisado niya pa pala ang sinabi ko no'ng isang araw. Mukhang matalino ang isang ito, mahirap utuin.

Nakakahiya pero kakapalan ko na ang mukha ko.

"Ay grabe ka naman, Ma'am!" saad ng guard kaya humigpit ang hawak ko sa kaniya. 

"A-ano ka ba! Nagbibiro lang ako, no! Pasok na nga tayo, naaabala ko na si manong dito!" 

Pinakita niya ang blue card at ako naman ay kinuha ang gamit kay manong, nagpaalam ako sakaniya at mabilis siyang hinatak papasok ng subdivision. Pagpasok na pagpasok pa lang ay hinigit nito ang braso niya saakin.

Ang sungit. Dito kaya siya nakatira?

"What are you doing here, Ms. Meghan?" may inis sa tono ng boses nito.

Natandaan niya pala ang pangalan ko? Grrr. His memory is sexy, pero hindi ko pa rin papatulan. I hate his name!

"Ikaw, what are you doing here, A-andy?!" 

Tinanggal niya ang eyeglasses niya at nilagay sa bulsa. Mas lalo siyang nagmukhang sexy dahil doon. Nakasuot siya ngayon ng blue suit at nakabukas ang tatlong butones ng coat niya, bagay na kinanganga ko dahil kitang-kita ang collarbone nito at leeg. 

"Dito ako nakatira," tipid niyang sagot.

"Dito na rin ako titira." 

Nang sabihin ko iyon ay tumitig ito ng masama saakin. Ano bang ginawa kong kasalanan, hindi naman ako titira sa apartment niya. Palusot ko kang 'yung kanina!

"Tsk. Mali ang inisiip mo, makikitira ako sa kaibigan ko, hindi sa'yo! Anong akala mo sakin, tanga? Palusot ko lang 'yung kanina!"

Inayos nito ang suit niya at tumikhim, "Good. Now, don't bother me anymore." 

As if i want to bother him. Wala lang akong choice dahil ang lintik na si Rosie ay hindi sinasagot ang phone. Super feeling. I hate those kind of boys, 'yong akala nilang sakanila umiikot ang mundo mo.

I can't believe sinundan ko ang lalaking 'yon para lang malaman kung saan banda ang unit niya. I followed him pero nawala na naman ito sa paningin ko dahil sa bilis niyang maglakad. Is he a runner, o baka naman athlete. Wala pa ngang isang minuto nawala na siya. 

Bigla namang tumunog ang phone ko. Si Rosie ay tumatawag na rin sa wakas. 

"Hello?!" medyo galit kong wika.

"Nakapasok ka na? Hindi na ako magugulat na nakapasok ka, you and your ways."

Nagpakawala ito nang buntong hininga. Hindi ko na lang sinabi sa kaniya ang ginawa kong pagsend ng mga pictures nila at F******k kay manong. Malilintikan ako. Medyo may asim pa naman si manong. Wala pang asawa. Maybe my friends can be his friends, too!

Oh my. Ano na namang inisiip mo, Perlm!

Sa isang building ay may 30 units. Sa sobrang laki ng building ay nalula ako. Malaki siguro bawat units at apartments, I wonder kung magkano ang nagastos ni Rosie, hmm.

Sa una'y hindi ko inakalang real state ito, bukod sa binayaran mo na ang unit, para ka pang nakatira sa apartment dahil binabarayan rin ito buwan-buwan.

"Magkano ang gastos mo rito, Rosie?"

"Kakalipat ko lang. Siguro mga six digits ang naging down payment ko rito," abalang sagot ni Rosie.

Napanganga ako. 

"Really? Saan ka nakakuha ng ganoong pera? Is this the reason why you are always 'gipit'?"

Humalakhak siya, tumango lang bilang sagot. 

Seeing my friends acting like this, being independent and standing alone without their parents. Napagi-iiwanan ako. At the age of twenty-three, hindi ko naisip man lang na tumayo sa sarili kong paa. Lagi akong umaasa sa parents ko. Siguro, nakalimutan ko ring tumayo ng mag-isa dahil lagi akong nakaasa sa future na binabanggit lagi saakin ni Andy. Ngunit walang natupad.

That's why I'm scared leaving alone. That's why I'm here with my friend. Gusto kong may makasama kahit paano.

"Hati sa bayarin, Rosie. Hahanap ako ng trabaho," seryoso kong sabi habang tinutulungan niya akong mag-ayos ng gamit.

Napatigil ito saglit. 

"No, Perlm. You don't have to. Kaya ko namang bayaran, at isa pa malaki na ang utang ko sa'yo."

"But, Rosie... nakakahiya naman. Titira ako rito ng libre, ganoon?!" 

Tumango ito nang walang paga-alilangan.

Nakipagtalo pa ako kay Rosie pero sa bandang huli ay nakumbinsi niya ako tungkol sa bayarin. Hindi man lang ako nanalo sa mga binabato niya saakin.

Sa bagay. Hindi naman sa sinisingil ko siya, marami na ring utang saakin si Rosie. Araw-araw ba namang one hundred ang hinihiram niya. Wala pang bayad 'yon. 

Kinabukasan. Kamuntikan pa akong ma-late. Bwisit na Rosie, hindi ako ginising. Anong oras na pa naman akong nakatulog kagabi dahil sa dami ng chikang kinwento nito. Puro boys, sex life at aral.

After kong maligo, I checked the refrigerator, even the freezer. Hindi pa ito nakabukas! 

Oh! Kakalipat niya lang pala and she's probably busy dahil consistent honor ito simula pa lang noong highschool. 

Kakalipat nga lang dito ni Rosie. Ang ibig sabihin walang kaalam-alam ang mga kapitbahay niya rito na lumipat siya? I don't know. Dapat kapag bagong lipat ay magluto ng tasty foods at bigyan ang mga kapitbahay, magbibigay raw ito ng good impression sa mga neighbors mo, mom said. 

Pagraan ng dalawang araw ay ganoon pa rin. Aalis si Rosie sa bahay ng maaga, maiiwan akong walang laman ang tiyan. 

Kailangan kong mag-grocery. 

Sabado. Busy si Rosie sa group study, habang ako walang pake dahil babayaran ko na lang ang mga nerd kong groupmates. If they need money, I am here!

Mildred and Amy knew that I'm staying here in Rosie's house. Ofcourse, they are my friends.

Nagsuot ako ng puting t-shirt at green skirt. Sinamahan ko rin ng cream tote bag dahil medyo malaki ang dala kong wallet, samahan pa ng cellphone.

Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ay nagkasalubong kaming dalawa ng lalaking kinaiinisan ko!

Siya na naman, siya at siya!

It's Andy. Not my ex, the other one sa coffee shop!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status