Share

Chapter 3: My Wife

Perlm Marie Olavin

"Sinusundan mo ba ako?"

Pinanliitan ko ito ng mata at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa. Umawang ang labi niya.

I knew it! I think this guy likes me! Tatlong beses na, pangatlong beses na itong nakakasalubong ko siya. Hindi naman siguro ito tadhana. Siya ang may pakana nito, may gusto siya saakin!

Hindi ito sumagot at nagpatuloy sa paglalakad. Ako naman ang umawang ang labi.

Snob.

Sunud-sunod lang ang paglalakad nito pababa ng building. He's wearing a green polo shirt at ang pang-ibaba ay white pants.

Oh my god! It looks like we are a couple! Gosh, paano niya nalamang ganito ang suot ko, grabi naman ang isang 'to pati mga sinusuot ko updated siya..

Aside from that, kitang-kita rin ang kagandahan ng katawan niya. I can see his muscles from the back.

But then... Remember, Perlm. Kung gusto ka man ng lalaking ito or interesado siya saakin. Hindi mo siya pwedeng magustuhan. Ang pangalan niya ay Andy! Masama rin ang ugali...

Si Andy lang ang maaalala ko sa kaniya. Ang ex-boyfriend ko.

Dumiretso siya palabas ng building. Presko siyang naglakad palabas ng subdivision.

Kumunot ang noo ko. Why is he like this?

"Hoy, A-andy! Hintayin mo ako!"

He ignored me for the second time. Nahagip ng paningin ko si manong na medyo guwapo.

"Manong, goodmorning!"

Tumingin ito saakin at napadpad rin ang tingin kay Andy na walang paki. "Oh, ma'am! Good morning! Saan ang punta niyo ni sir? Kayo ha, aga-aga may date kayo!"

Tumakbo ako upang masabayan siya sa paglalakad. Tiningnan ko ang reaksyon. He's just relax. Walang anumang violent reaction sa sinabi ni manong.

Oo nga pala, ang akala ni manong ay kami ng lalaking ito. Lubus-lubusin ko na.

"Mamimili lang kami manong. Date ka riyan!" Kunwari'y hinampas ko ang hangin upang itanggi ang sinabi ni manong, sabay akbay sa braso ni Andy.

I hate this. Pero ayokong mabuking ni manong, nakakahiya naman kung nalaman niyang nagsinungaling lang ako.

Hindi ko narinig na nagsalita si Andy kahit isang beses. Miski 'morning' lang sana sa guard. Masyadong snob at cold. Katulad niya iyong sa mga books na cold, hot, handsome at mukhang matalino. Pero, in reality kung ganito ang attitude mo, hindi tatagal ang mga tao sa paligid mo! Argh. Baka naman kasi hindi kayo close kaya gan'yan. Maybe he's a private person.

I guess so.

Naamoy ko naman ang pabango niyang mabango dahil nakakapit pa rin ako sa kaniya hanggang ngayon. Smells like citrus and wood sage, medyo powdery at amoy fresh.

"Nakakapit pa pala ako sa'yo? Sorry. Alam kong gusto mo rin naman," mapait kong saad at binawi ang kamay ko sa kaniya.

Nang makarating kami sa parking lot ay pinatunog niya ang isang grey na kotse. Mercedes-Benz. Nice. Mukhang may kaya rin ang isang 'to.

Sumabay na lang kaya ako sa lalaking ito? Tutal mukhang wala namang kaso sa kaniya dahil panay ang sunod niya saakin.

Tumakbo ako sa may harapan ng kotse upang pagbuksan niya ng kotse.

"Alright. Sabay na lang ako sa'yo, Mr. Stalker," mahangin kong saad.

"You are so full of yourself, Miss Meghan. I'm not a stalker, and my unit is next to yours. Nagkataon lang siguro."

Nakatanggap ako ng ngisi. Binuksan niya ang kotse.

"And take note... I don't like naughty and playgirls. Masakit sa ulo." Napawi ang ngisi sa kaniyang mga labi.

Napaawang ang bibig ko sa naging litanya ng lalaking ito. Tuluyan siyang pumasok ng kotse niya at mabilis na pinaandar. Kamuntikan pa akong mabangga sa sobrang bilis niyang magpatakbo. Sinasadya niya 'yon! Sinasadya niya!

Anong ibig niyang sabihin? Na mayabang ako? Naughty? Feelingera? Dammit!

Naaasar ako sa lalaking 'yon. Actually, It's the other way around. He's full of himself, arogante, snob at feeling guwapo. Ano'ng akala niya may gusto ako sa kaniya? No way! Mamatay man ako, hindi ako papatol sa kapangalan ng ex ko.

Napadpad ako sa pinakamalapit na grocery store dito sa BNC. Kumpleto ang mga gusto kong bilhin, wala naman siguro akong makakalimutan dahil matalas ang memorya ko. No need to write or list my needs. I have a sexy brain, too. Hindi nga lang sa academics.

Pagkatapos kong mag-grocery ay naisip kong kumain sa isang restaurant. May pera pa naman ako pangkain. Binigyan ako ng allowance ni dad ng patago no'ng isang araw. Hihi.

Pagkapasok ko pa lang sa restaurant ay napapikit na ako sa amoy nito. It looks like a formal restaurant pero napakaganda ng ambiance at sobrang bango. Paniguradong magugustuhan ni Andy rito.

Bullshit. Pati ba naman sa pagkain ang ex ko ang naiisip ko.

Umupo na ako, pinakita saakin ng waiter ang menu. Binuklat ko ito at masuring nagpasya kung ano nga ba ang gusto ko ngayon.

I want some...

"Married? Really?! That's good! Hindi nga ako nagkamali ng pinili, I know you won't disappoint us! Matutuwa ang uncle mo, Elriz!"

Napunta ang atensyon ko sa babaeng nagsalita. Nasa harapan ko siya at ang kausap niya ang lalaking nakatalikod ang pwesto saakin.

What the hell? Restaurant ito, hindi na dapat sumigaw pa kung ganoon siya kasaya na may asawa ang lalaking kausap niya. What's fun about being married?

Nagpatuloy na lang ako sa pagpili ng o-orderin ko. In the end, fried tempura at pasta na lang ang napili ko. Sobrang mamahal ng ibang pagkain.

Habang naghihintay sa order ko'y napatingin ulit ako sa babaeng sumigaw kanina. She's old, mga forty plus siguro, ang kausap niya nama'y mukhang bata pa at guwapo dahil sa likuran nito.

It looks familiar.

Ngunit parang lumabas sa lungga nila ang dalawa kong mata nang tumayo ito at mahagip ako.

Tangina! Kaya pala familiar! Nakangiti naman itong lumapit saakin.

Kunot noo akong nakatingin sakaniya habang siya ay papalapit. Siya na naman!

"What?" bulong ko. Ayokong makipagtalo, mahirap dahil gutom ako.

"Kanina ka pa ba? We've been waiting for you, M-meghan."

"Ha?"

He took my hand. Pinatayo niya ako at pinagsiklop niya ang aming mga kamay.

Shit! Anong ginagawa ng lalaking ito?

Hinatak niya naman ako papalapit sa babaeng kausap niya. Tuwa, galak at pagkasabik ang nakikita ko sa mata ng babaeng iyon.

"She's Meghan, Tita. My wife."

Nalaglag ang panga sa sobrang gulat, may nakapasok na langaw na nga sa laki ng pagnganga ko. What the fuck?

Tumayo ang tita niya raw at naglahad ng kamay. Tatanggapin ko ba?

"Hi, Meghan! It's nice seeing you! Madalas kang naikukwento saakin ni Elriz, sobrang ganda mo pala!"

Nakatulala lang ako sa kamay nitong nakalahad ngunit siniko ako ng katabi kong lalaki at nginuso niya ang kamay ng tita niya.

Natauhan ako bigla, tinanggap ko ang kamay niya. "H-hello, ma'am! It's nice seeing you, too."

"Oh, no! Meghan, you can call me tita! My name is Rita, by the way."

Ngumiti lang ako. Wala ng kumibo saamin.

"Food's ready, let's eat." Pagbasag ni Andy.

But i heard his auntie. Tinawag niya itong Elriz. Ibig sabihin ba nito ay hindi Andy ang pangalan niya? O, baka naman second name niya lang 'yon. Wala akong nagawa kung hindi umupo. Napansin yata ng waiter na nakaupo na ako rito kaya rito niya hinapag ang order ko.

"Gaano na kayo katagal?" unang tanong ng ni Miss Rita.

Oh my fucking god? Why am I even here? Dapat ay tahimik akong kumakain at ine-enjoy ang aking rosé pasta at tempura!

Damn this man! Pati ba naman sa restaurant na ito? Stalker ko nga siguro ito! Baka magulat na lang ako na nagpakita na ito ng papeles na kasal na kami. Baka pinikot ako ng lalaking ito!

"Bago pa lang, Tita."

"Really? Pero matagal mo na siyang naikukwento saakin."

Hindi ko sila pinansin at kinain lang ang pagkain ko. Bahala kang gumawa ng kwento mo riyan. Kakain lang ako rito kahit kating-kati na ang dila ko.

Dadamay mo pa ako.

"I mean, bagong kasal..."

Nagpatuloy lang sila sa paguusap. I didn't even bother to talk dahil sa sarap ng pagkain. Nang magkasalubong ang mga mata namin ni Andy ay bumaba ang tingin nito sa labi ko.

Hala. What? Is he gonna kiss me? Infront of his tita?

Na-realize ko namang mali ako nang kunin niya ang tissue sa table at ipahid iyon sa labi kong may sauce.

Bullshit. Tumayo ang balahibo ko roon. Ang bango ng kamay niya at kitang-kita ko rin ang mga ugat nito.

"Dahan-dahan lang... Meghan." He smiled at me. Iyong hindi pilit. 'Yung ngiting mukhang galing sa puso. Na parang kung ngumiti siya'y nakikita niya saakin ang babaeng mahal niya.

Uh-oh...

Malapit ng maghapon nang matapos kami sa pag-uusap. Hindi. Sila lang pala, pagngiti at pagtango lang ang ambag ko roon dahil in the first place, ano'ng ginagawa ko roon? Bakit niya ako biglang hinatak at pinakilalang asawa niya?

I wonder why did he introduced as his wife. Marami namang babae riyan, at sinabi kanina ng tita niya na lagi niyang nakukwento ang babaeng ito sakaniya.

Ibig sabihin may girlfriend siya! Pero ako ang napagdiskitahan!

Palinga-linga ako kay Elriz dito sa kotse niya habang siya ay nagmamaneho. Tama! Elriz na lang ang itatawag ko sa kaniya dahil mukhang second name niya ito at ayaw ko siyang tawaging Andy.

"I'm sorry for interrupting your dinner, Ms. Meghan." pagsimula nito sa mahinang boses.

Suminghap ako. "Naku! You should be! Ang tahimik kong nag-oorder tapos hahatakin mo ako at ipapakilalang asawa mo? Ni hindi ka pa nga nangliligaw tapos kasal agad? Ang bilis mo naman!"

"What? Walang mangyayaring ligawan, Miss Meghan. It's just a show."

Para namang sumakit ang puso ko sa sinabi niya. Napahiya ako ng kaunti roon.

"Bakit mo naman ako ipapakilalang asawa mo? Hindi mo nga type ang mga katulad, 'di ba?"

Napapikit siya sa sinabi ko. Para bang hindi ko naiintindihan ang gusto niyang iparating saakin. Ang gulo!

He sighed. "Look, Miss Meghan. I have no choice but to pull a show there. She thought I'm married at gusto niya itong makilala..."

Tumigil siya nang makarating na kami sa subdivision. Ngunit imbis na lumabas kami'y nagpatuloy na ito sa pagsasalita.

"At ikaw lang ang nakita ko roon na nakakakilala saakin."

"Excuse me! Sinong nagsabing magkakilala tayo?" I crossed my arms to my chest.

Feelingero ang isang ito. Pero kung tutuusin may rason siya pero ang hindi ko maintindihan ay bakit kailangan niyang magpanggap na kasal siya.

He ignored my question.

"Okay. I get it. Pero bakit mo pa kailangang magpanggap na kasal ka na? Puwede mo namang sabihing single ka pa rin, o kaya naman ay 'yung girlfriend mo na lang!"

I bit my lower lip. Hindi ko namalayang napark na niya ang sasakyan sa parking lot, busy'ng busy ako sa explanations niya.

He sighed again. "I have my reasons, Miss Meghan."

Fuck that Meghan. Hindi ko naman iyon pangalan. Gusto kong tawagin niya ako sa pangalan ko ngunit may pumipigil saakin.

"And I don't have a girlfriend," dagdag niya sa malungkot na tono.

Tumango ako, tinanggal na rin sa wakas ang mata sakaniya. Hindi na muli ako nagtanong dahil ayokong magmukhang curious pa.

I understand him. Napunta lang siya sa mahirap na sitwasyon kaya wala siyang choice kung hindi ang magpanggap o sabihin ang totoo. He has his reasons. Pareho lang kami. Parang noong isang araw na nagpanggap akong girlfriend niya para papasukin ni manong. I have my reasons too. That's it, end of discussion.

Lumabas na ako sa kotse niya. Ayoko nang maamoy pa ang scent ng car niya at siya. Nakakapanghina sa bango.

Hindi ko alam kong sumunod ba siya saakin pero diretso lang ang lakad ko papasok.

Naroon si manong sa may gate. Nakangiti.

"Hi, manong! Nakauwi na kami!"

"Oh, bakit ikaw ang nagdadala ng mga pinamili mo?"

Tumaas ang kilay ni manong.

Napagtanto ko namang hawak-hawak ko pala ang mga pinamili ko galing ng grocery. Lumingon ako sa aking likuran. Lumapit saakin si Elriz at kinuha ito saakin.

Kinilig naman si manong.

"Ayieee! Nag-away kayo, 'no? Dapat ay hindi niyo na pinapatagal pa ang away para laging happy!"

Tumango na lang ako at sumunod kay Elriz.

Hindi nga siya nagsinungaling nang sabihin niyang katabi ng kay Rosie ang unit niya.

Umakto akong nagulat. "Hala! So it's true, huh? Magkatabi lang tayo ng unit!"

Marahan niyang nilagay sa palad ko ang mga plastic bag.

He is so gentle. Mukhang hindi niya magagawang manakit ng babae dahil sa itsura niya. Lalo na kapag nakasalamin, pero hindi ko iyon masisigurado. Nasa loob ang kulo, ika nga.

"Yup. At hindi rin ako nagbibiro when I said that... you are not my type."

Nagtiim ang bagang ko sa sinabi niya. Tumingin siya saakin ng ilang segundo pagkatapos ay dumiretso sa pintuan ng unit niya. Ang kapal. Matapos akong gamitin kanina bilang props!

"You're not my type either," pagbawi ko na lang.

Ang akala ko'y tapos na kami ngunit bago isarado ang pintuan ng unit ni Rosie ay pinigilan niya ako. Binalandra niya ang isang blue card sa mukha ko.

"Here. My gift for you."

Kumunot ang noo ko, "What's that? Aanhin ko yan?"

Kumunot rin ang noo nito. "You can't enter the subdivision if you don't have this."

Naalala ko na. Iyon ang card na ipinapakita sa guard upang makapasok. But I have my connections, ha!

"Well, mabait si manong, papapasukin ako noon kahit na magbali-baliktad pa ang mundo!"

He raised his eyebrows. Shit! He's so handsome.

"Don't expect that your manong will be there forever. Buwan-buwan, iba-iba," buo ang boses niyang sabi.

Ngumuso ako at tinanggap ang pagkatalo.

"Marami kang ganito?"

Lumayo na siya sa pintuan. Naiisip ko na namang para kaming couple dahil sa outfit naming dalawa.

"Marami," sagot nito at umalis na.

One thing I realized is that people has choices and reasons. Kailangan nating intindihin na hindi lang saatin umiikot ang mundo kung kaya't hayaan nating magdesisyon ang ibang tao para sa sarili nila, hindi ang diktahan ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status