It's already 9 a.m in the morning.
Nakahiga parin sa kama si Aliyah. Kanina pa siya gising ngunit hindi siya bumaba. Ilang beses niyang sinapok ang sarili ng marealize ang ginawa niya kagabi. Kung bakit hinayaan niyang matulog si Dylan dito at hindi inisip ang mga marites nilang kapitbahay. Tama nga si Aliyah, dahil nagkandahaba ang leeeg ng kapitbahay niya nang silipin niya ito sa bintana. "Wrong move, Aliyah." pangaral niya sa sarili. Ang plano niya hindi muna siya bababa hangga't hindi pa naka alis si Dylan, ngunit tumawag ang delivery rider at sinabing naroon na raw ito sa labas ng bahay niya. No choice si Aliyah kundi ang bumangon at bumaba. Naabutan niya si Dylan na nakatayo habang nakatingin sa kasama nito na ginagawa ang bintanang sinira niya kagabi. Nagkatinginan lang silang dalawa hindi man lang binati ang isa't isa. Tinubuan ng hiya sa katawan si Aliyah. First time in her life na matulog sa isang bahay na may lalaking kasama at hindi niya pa masyadong kilala. Mabuti na lang at harmless si Dylan, alam ang bounderies nito at hindi marunong mapagsamantala ng pagkakataon. "Salamat, kuya." ani Aliyah matapos iabot ang bayad sa rider. May kabigatan iyon ngunit kaya namang buhatin ni Aliyah. Bago bumalik sa loob ng bahay nakita pa ni Aliyah ang mga bulungan ng marites sa gilid ng dalan. "Aalis na ako," untag ni Dylan ng makabalik si Aliyah. Sinadya niya talagang hintayin si Aliyah bago umalis para makapagpasalamat dito. "Okay na ang bintana." Inilapag muna ni Aliyah ang kartoon na dala. "O-okay, thanks." "Salamat ulit sa pagpatuloy mo sa akin. And I'm sorry." Tumango lang si Aliyah bilang sagot. Nagdadalawang-isip siya kung aalukin niya pa ba ng kape o agahan ang lalaki o alalahanin ang iisipin ng marites niyang kapitbahay dahil hindi pa umaalis si Dylan sa bahay niya ng ganitong oras. Sabay na lumabas si Dylan at ng lalaking nag ayos ng bintana. Tila nagmamadali si Dylan dahil panay ang tingin nito sa relo sa kaniyang kamay. Nang wala na ang sasakyan ng lalaki, inakyat na ni Aliyah ang karton na naglalaman ng kanyang order. Mamaya niya lang ito bubuksan, kailangan niya munang magluto ng almusal. Chicken adobo and steam brocolli ang niluto niya at fresh apple juice. Habang kumakain iniisip niyang ipalinis kay Kisses ang buong bahay sa linggo dahil wala siyang trabaho sa araw na iyon. Para na rin may magtitingin sa anak ni Kisses habang naglilinis siya. Wala ng ibang source of income si Aliyah kundi ito lang, ang pagiging virtual assistant niya. Kung hindi siya magtatrabaho wala rin siyang kikitain sa isang araw. Hindi siya nakapagtrabaho kagabi kaya binawi niya ang nasayang na trabaho ngayong araw. Pagkatapos niyang mag almusal naghanda na siya para humarap na naman sa mga kliyente. She love her job ngunit kaabusuhan sa katawan ang kanyang natatanggap. She eager to earn more money. Iyong hindi na niya kailangan magtrabaho ng ilang oras, ang magbabad sa harap ng computer niya para lang magkapera. She wanted to start a bussines nang sa ganun siya ang magdedecide kung kailan siya magtatrabaho, kailan siya magpapahinga, walang amo, walang mag uutos kung ano ang gagawin niya. Mahapdi ang mata, pagod at gutom si Aliyah. Nang tingnan niya ang oras alas-singko na ng hapon. She yown while streatching her body. She take a 30 minutes break. Nagmadali siyang bumaba para maghanda ng makakain. She made iced coffe, toasted bread with sunny side up egg. Ito lang ang madali na kaya niyang ihanda sa sarili. Sa kwarto na siya kumain habang tinitingnan ang mga plano niya in the near future para makadagdag ng lakas niya sa muling pagtrabaho. "Sir, kinuha na naman po si ma'am Nyxia ang benta," malungkot na balita ni Kaye pagdating ni Dylan sa tindahan. Napahilamos ng mukha si Dylan. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin na solusyon kay Nyxia. Paano ipaintindi sa babae ang sitwasyon ng kanilang tindahan. Ayos lang sa kaniya kung hindi siya tutulungan ni Nyxia sa muling pag angat ng negosyo nila, ang kanya lang sana bigyan rin ni Nyxia ng konsidirasyon ang sitwasyon niya lalo na ang kinikita ng tindahan. "Magkano ang kinuha niya?" nagawa paring itanong ni Dylan kahit obvious naman na walang itinira si Nyxia. "Lahat po." "Sige, ako na ang bahala." Napabuga nalang ng hangin si Dylan habang nakatingin sa kaha na iilang coins na lang ang natira. Ilang linggo ng nag iisip ng paraan si Dylan ng solusyon paano ibalik sa dati ang tindahan ngunit paano niya iyon sisimulan kung sa budget palang kapos na kapos na siya? Wala na siyang pera para ipandagdag ng mga stocks. Mabuti na lang sa kanila itong pwesto hindi na sila magbabayad pa ng renta. Wala ibang source of income si Dylan kundi ang lending. Hindi iyon pinapakialaman ni Nyxia dahil doon nila kinukuha ang daily needs at iba pang gastosin tulad na lang sa pag aaral ni Cianne at for emergency purposes. Ang ibinayad ni Aliyah sa upa ng bahay itinabi iyon ni Dylan sa bangko. Dapat hindi iyon malaman ni Nyxia dahil may pinaglalaanan siya sa pera na iyon. "Cha, kayo na muna ni Kaye ang bahala dito, ha? Tawagan niyo ako kung kinakailangan," ani Dylan pagkarating ni Cha, ang cashier at pinagkakatiwalaan niya dito sa tindahan. "Opo, sir." Nagmadali na umalis si Dylan. Hindi pa siya nag uumagahan. Hindi pa siya nakabihis sa suot niyang kahapon pa. Mga ganitong oras kasi wala na sa kanilang bahay si Nyxia. Sasaglit lang siya doon at aalis din kaagad. Hindi pa humuhupa ang galit ni Nyxia sa kanya dahil wala siyang natanggap na mensahe mula rito na pinapauwi siya. Ang inaalala ngayon ni Dylan, saan siya matutulog mamayang gabi. Magulo ang bahay. Mga basag sa baso at bote ng alak na nakakalat sa sahig. Napapikit sa konsumisyon si Dylan nang tumambad sa kaniya ang magulong bahay. Wala ang sasakyan ni Nyxia malamang siya ang naghatid sa anak sa paaralan. Walang dahilan para sumuko si Dylan sa sitwasyong ito dahil hindi lang siya ang mahirapan sa maging resulta, kundi pati ang kanyang anak na maliit pa. Masinop na nilinis ni Dylan ang kalat bago naligo at pagkatapos naghanda ng pananghalian para sa mag ina niya. "Hindi ka ba napapagod sa sitwasyon mo , Dylan? Walang araw na hindi kayo nagtatalo ni Nyxia. Ganito pa ang bahay na madadatnan mo," na aawa na usal ng Lowela ang kapatid ni Dylan nang maabutan niya ang lalaki sa bahay. "Kanina pa ako nandito, hinihintay ang pag uwi mo. Hindi lang ito ang unang beses na makita ko kung gaano ka gulo ang at karumi ang bahay niyo. Ayaw kong makialam sa inyong dalawa pero kaunti na lang ang pasensya ko kay Nyxia." Napabuntonghininga nalang si Lowela nang guluhin ni Dylan ang tuktok ng kanyang ulo. "H'wag mo ng alalahanin si kuya. Hindi ka nga binibigyan ng stress ng asawa mo tapos high blood ka pagdating sa akin." "Concern lang ako bilang nag iisang kapatid mo. Tayo na lang dalawa, kuya, sino pa ba ang magdadamayan at magtutulungan?" "Ako na ang bahala. Kaya ko 'to. Ako pa," lakas-loob na pagmamayabang ni Dylan. Napasimangot si Lowela dahil kahit anong pag ngiti at pagpapanggap ni Dylan na kaya niya, nagsusumigaw naman ang mga mata niya kung gaano siya ka pagod at pasuko na. "H'wag lang mag cross ang landas namin niyang ni Nyxia isampal ko talaga sa pagmumukha niya ang mga kam--hmmp," natigil sa pagsalita si Lowela nang takpan ni Dylan ng palad ang bibig ng kapatid. "Kalma lang. Baka may makarinig sayo." "Edi, mabuti kung may makarinig." Naiinis na sinamaan ni Lowela ng tingin si Dylan ng kaltukan siya sa ulo ng kuya niya. "Umuwi ka na. H'wag mo na akong alalahanin. Ayos lang ako. Salamat sa pagdalaw mo akin." Malungkot na tiningnan siya si Lowela. "Ipagdasal ko na matatapos rin ang masalimuot mong sitwasyon," niyakap niya ang kapatid. "Mag ingat ka palagi. Alagaan mo ang sarili mo." Nawala nalang sa mundo ang mga magulang ni Dylan ngunit kahit kaluluwa ng mga ito hindi parin welcome sa bahay nilang mag asawa. Kahit isa sa pamilya ni Dylan hindi welcome sa pamilya ni Nyxia. Ang baba ng tingin nila sa pamilya ni Dylan. Ikinakahiya pa ng pamilya ni Nyxia ang buhay na mayroon si Dylan. Kung hindi lang buntis si Nyxia, kahit isang porseyento hindi nila tatanggapin si Dylan bilang mapapangasawa ng kanilang anak. Kaya ganoon na lang kasama ang loob ni Lowela kay Nyxia dahil hindi niya man lang nakitaan si Nyxia ng awa para sa kuya niya. Ni hindi nito magawang ipagtanggaol si Dylan sa kanyang pamilya. Kaya lahat ng paraan ginawa ni Dylan, pati ang pagnenegosyo na wala naman siyang kaalam-alam sa bagay na iyon pinasok niya mapatunayan lang sa pamilya ni Nyxia na may kakayahan rin siya. Ngunit ang bagay na iyon ay pinagsisihan ni Dylan. Kung bakit tinanggap niya ang responsibilidad na siya ang mamahala sa negosyo ng pamilya ni Nyxia, dahil siya ang sinisisi ng mga ito bakit unti-unting nalugi ang negosyo na pinaghirapan ng mga magulang ni Nyxia. "Malampasan ko rin ito," buntonghininga na usal ni Dylan. Nang maka alis ang kapatid niya sumakay narin siya sa kaniyang auto pabalik sa tindahan. Kailangan niyang tumao doon dahil baka wala siyang makuha na benta kapag nagawi roon si Nyxia. Linggo. Nilagnat si Aliyah resulta ng pag abuso niya sa katawan na walang pahinga sa trabaho. "Pst," pagkuha ni Kisses ng atensyon ni Aliyah habang kumakain ito ng sopas na si Kisses ang nagluto. "Ano itong nabalitaan ko na buong magdamag daw nakaparada ang sasakyan ni SIr Dylan sa labas ng bahay mo? AT nakiTa ng kapitbahay mo na lumabas si sir ng alas-sais ng umaga at bumalik rin kaagad at pasado alas-diyes na umalis ulit?" Muntik ng mabilaukan si Aliyah sa kinakain. "Ang detalyado naman maghatid ng balita mga tao dito," natatawa niyang usal. Hinila ni Kisses ang upuan para makaharap si Aliyah. Curious siyang tumingin dito. "Edi, totoo nga ang sabi nila? Oy, bakit siya nandito ng gabing iyon? Dito ba siya natulog? Hoy," dinuro niya si Aliyah," may asawa n iyon at anak," paalala niya dito. Huminto si Aliyah sa pagsubo. "Alam ko na pamilyado siyang tao. Wala naman kaming ginagawa na mali para ikasira ng pamilya niya." "E, ano nga ang dahilan bakit nandito si Sir Dylan ng gabing iyon?" "Nakita mo iyong nakasabit na unan sa kwarto ko?" tumango si Kisses. "Dito siya dumaan ng gabing iyon, pagtingin niya dito sa bahay akala niya yung unan na nakasabit doon ay ako na nagbigti. Kaya pumasok siya." Nagsalubong ang kilay ni Kisses. "E, bakit hindi kaagad naka uwi? Totoo bang dito siya natulog?" nanlaki ang mata ni Kisses ng tumango si Aliyah. "Ano? Bakit? At saka, saan siya natulog?" "Haler, may dalawang kwarto na bakante dito. Alangan naman sa kwarto ko siya matutulog. At saka para malinaw sayo, kaya siya hindi naka uwi dahil binasag niya ang bintana, dyan siya dumaan. Since, madaling araw na iyon pinatulog ko na siya dito at ng kinaumagahan pinaayos niya ang bintana kaya siya pabalik-balik. Malinaw na ba?" Tumango si Kisses. "Malinaw. Pero magulo parin isipan ko bakit ayos lang kay Sir Dylan matulog dito gayong masama iyon tingnan dahil may asawa siya. H'wag na natin pag usapan," pagbawi ni Kisses. "Ang mahalaga mali siya ng inakala na ikaw ang nakasabit sa kisame ng bahay niya." "True. Kasi, what if kung ako nga yun-" "Hoy! H'wag ka nga magsalita ng ganyan. Ang pasmado ng bibig mo," masama ang tingin na sita ni Kisses. " O, siya uuwi na ako. Sa susunod ulit. Salamat sa trabaho. May ipanghanda na ako sa birthday ni Gelo." "Your welcome. Thank you sa pagluto ng pagkain ko at paglinis ng buong bahay." Natuto na si Aliyah. Kung hindi siya nagkasakit hindi siya matauhan na huwag abusuhin ang sarili at kailangan niyang magpahinga sa tamang oras. Mabuti hindi gaano ka lala ang lagnat niya. Nakaya niyang bumangon at ipagluto ang sarili pero doon niya napagtanto na ang hirap pala na mag isa lalo na kung magkasakit ka. Walang mag aalaga sayo. Wala kang matawag kung kailangan mo ng tulong. Kundi kailangan mong sikapin na makabangon ka at mag isa mong alagaan ang sarili mo kung gusto mong gumaling agad. Sinigurado muna ni Aliyah na maayos na maayos na siya bago bumalik sa trabaho. Nakapagpaalam naman siya ng maayos sa kliyente niya kaya may babalikan pa siya. 'You're a hard headed now, ha! Sige, tingnan natin kung hanggang saan iyang pagmamatigas mo. I have sources, Aliyah, I will do everything to make you down!' Nanginginig ang kalamnan ni Aliyah ng mabasa ng laman ng email. Pakiramdam niya biglang bumalik ang sama ng pakiramdam niya ng makilala ang nagpadala ng email na iyon. Ibang email man ang gagamitin niya ngunit makikila at makikila parin siya ni Aliyah kahit hindi ito magpakilala. "Fuck you! You have ruined my life. Ano pang kasiraan ang gusto mo!" Nanubig ang mata sa galit na sigaw ni Aliyah."Napapadalas ka na dito," saad ni Aliyah habang inaayos ang bulaklak na bigay ni Dylan sa vase. Nilingon niya ang lalaki na prenting naka upo sa silya. "Hindi porket nililigawan mo ako nasa akin na ang lahat ng atensyon mo. Na maging dahilan ang panliligaw mo sa akin para mawalan ka ng oras at atensyon sa anak mo. Hindi ako sang-ayon sa ganiyan, Dylan, para alam mo."Napatikhim si Dylan at umayos ng upo nito. "Hindi naman sa ganon, Aliyah. Syempre hindi nagbago ang pagiging ama ko kay Cianne. Kaya lang," nagpakawala siya ng isang mababang paghinga," nagtatampo yata sa akin. Ayaw niyang makipagkita sa akin, ayaw niya akong kausapin."Biglang bumigat ang dibdib ni Aliyah. Iniisip niya kaagad na siya ang dahilan bakit biglang nagkaganon ang bata sa tatay niya. "Kung gusto mo talaga na makasama at makausap ang anak mo maraming paraan, Dylan," aniya at nagtungo sa kusina," Ikaw ang kusang gumawa ng paraan. Huwag mong hintayin na ang bata mismo ang makiusap sayo na gusto ka niyang makita a
Tuwing alas-sais ng umaga inaasahan na ni Aliyah na makikita niya si Dylan sa harap ng kanyang bahay na inuupahan. At sa tuwing nakikita niya ang lalaki hindi nagbabagoo ang klase ng tibok ng kanyang puso. Ang dahilan ng kaba, aligaga at tensyon. 'Shit! Hindi ko na maitatago sa sarili ko na gusto ko ang lalaking ito,' iritable niyang usal sa isipan. Nagpakwala siya ng isang malalim na paghinga upang makalma ang sarili bago tuluyang lumabas ng bakuran. Ang matamis na ngiti kaagad ni Dylan ang bumungad sa kanya. "Hi. Good morning," pagbati ni Dylan sabay abot dito ng isang tangkay ng red rose.Alanganin na ngiti ang kanyang isinukli sa lalaki. "G-good morning. Thank you."Gusto niyang sapukin ang sarili ng ayaw kumalma ng sistema niya. Lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib at naramdaman niya rin ang pag init ng dalawnag pisngi.'Gosh! Am I blushing?'"Tutulungan na kita," ani Dylan at tinulungan si Aliyah na ilapag ang bitbit nito sa mesa. Saglit siyang natigilan. Natulala ng ku
Ang mga salitang iyon ang tuluyang nagpagising kay Nyxia--na siya ang may kasalanan bakit ito nangyari lahat--na hindi na niya kayang ibalik pa ang dati nilang relasyon ni Dylan.Napakasakit ito para sa kanya. Ngunit sa mga sinabi ni Aliyah, mas masakit na sampal ang katotohanang si Dylan ang mas nahirapan at nasaktan sa kanilang dalawa.Ngunit hindi niya parin kaya na bitawan ng tuluyan ang lalaki. Selfish man kung tawagin ngunit hindi niya kayang isuko ang pagiging kasal nilang dalawa ni Dylan.Hindi na niya maitago ang tunay niyang naramdaman nang harapin niya si Dylan. Ngunit ang atensyon ng lalaki ay nakatuon lang kay Aliyah. Na para bang wala siyang ibang nakikita kundi si Aliyah lang."Sige, magsama kayong dalawa," untag niya kaya nabaling ang tingin ng lalaki sa kanya. Kailangan na niyang tapusin ito dahil masyado ng masakit ang nangyari sa kanya. "Pero hindi ko parin pipirmahan ang annulment paper, Dylan." mariin niyang sabi sa nanginginig na boses. "Kahit iyon lang... Iyon l
"Cianne, anak." tawag ni Nyxia sabay katok sa pinto ng silid ng bata. "Can we talk?" aniya at marahan iyon binuksan.Abala ito sa pagbabasa ng librong pambata ngunit kaagad niya iyon itiniklop ng makalapit ang ina at umupo ng maayos. GInawaran niya ng magaan na ngiti ang anak at umupo sa gilid ng kama kung nasaan si Cianne."Galit ka ba kay mommy?" Nyxia asked softly. Umiling ang bata. "Nagtatampo?" Cianne shook her head again. "May gusto ka bang sabihin sa akin?" ngunit umiling lang ito. Napahugot ng isang paghinga si Nyxia sa tugon ng anak. "KUng ganun, bakit hindi mo ako kinakausap?""I am a big girl already, mommy. i can handle my self alone withot helping anyone. I am sorry if i am not talking to anyone especially to you is because i don't want to."Nanikip ang dibdib n Nyxia sa sagot ng anak. Ang bata pa ni Cianne pero kung sumagot parang nakikipag-usap si Nyxia sa isang matanda."Kahit sa daddy mo?"Napayuko ng ulo ang bata na para bang ayaw nitong pag-usapan ang tatay niya.
Hindi alam ni Aliyah kung iiwas ba siya, tatakbo palayo kay Dylan. Ngunit namanhid ang katawan niya. Hindi makagalaw ang mga paa. Tila nawala sa katinuan habang nakatingin sa lalaking papalapit sa kanya. "How are you?" Doon lang natauhan si Aliyah. Napatras siya ng mapansin na subrang lapit lang ni Dylan sa kanya. Nalilito siya kung ano ang isasagot sa lalaki. Alin ba sa lahat ang tinutukoy ni Dylan? "Bakit hindi ka nagsabi na aalis ka sa bahay?" sunod na tanong ni Dylan. Sinuri niya ang buong katawan ni Aliyah. Wala namang pinagbago bukod sa maliit na peklat sa ibabaw ng kanyang kilay. Umiwas ng tingin si Aliyah. Ibinalik niya ang atensyon sa pagliligpit ng mga pinaglagyan ng paninda niya. "Para saan pa? Hindi pa ba sapat ang sulat na iniwan ko?" patag niyang sabi sa kabila ng malakas na pintig ng kanyang puso. "Hindi iyan ang ibig kong sabihin--" "Ayoko ng gulo, Dylan." kaswal niyang sabi. "Lumayo ako. Umalis ako para maging tahimik na ang buhay ko," salubong ang kilay na tinin
"Bilang kabayaran ng ginawa ko, tulungan mo ako," daad ni Aliyah kay Aldrich at pumasok sa loob ng bahay.Matapos ang aksidenteng nangyari sa kanya napagdesisyonan ni Aliyah na lisanin ang lugar na ito dahil wala siyang kapayapaan kung may koneksiyon pa siya kay Dylan. Si Dylan lang naman ang dahilan bakit magulo ang sitwasyon niya at napunta sa alanganin ang buhay niya.Ayaw na niya magsampa ng kaso. Bukod sa dumagdag iyon sa gulo gagastos pa siya sa abogado. Kapayapaan lang ang hinihingi niya pagkatapos ng aksidenteng nangyari sa kanya. Iyon lang at lubos iyon na pasalamatan ni Aliyah.Lahat ng gamit niya dinala niya at wala siyang itinira. Muntik pa iyon hindi magkasya sa sasakyan ni Aldrich. Napangiwi at napakamot na lang sa ulo ang lalaki habang pawisan na pabalik-balik sa pagkuha ng gamit sa loob ng bahay papunta sa kanyang sasakyan."Magtayo ka ba ng bake shop? Bakit ang dami mong kagamitan sa pagluto?" hingal-aso na usal ni Aldrich ng maipasok ang isang puno na malaking karton