Sa himpilan ng pulisya, ibinaba ni Lazaro ang kanyang cellphone at tumingin kay West.“Bakit ko pa ba kailangang patunayan? Ikaw talaga ang pinakamahusay, Mr. Lancaster. Napaintindi mo kay Amber ang lahat nang walang kahirap-hirap.”Hinila ni Lazaro ang isang upuan at umupo sa harap ni West. “Sa estado ninyong dalawa ngayon, kailangan ko na bang maghanda ng pulang sobre?”Nakapatong ang sigarilyo sa pagitan ng mga daliri ni West habang bahagyang tinapik ang abo nito sa ashtray. “Wala akong pakialam sa maliit mong pera.”“Kung malaman kaya ni Miss Harrington, na may galit pa sa buto’t laman, na ginamitan mo siya ng sarili niyang estilo, hindi ka ba niya papatayin?”“Malamang hindi naman niya malalaman,” malamig na sagot ni West sabay bigay ng matalim na tingin kay Lazaro.Ang walang puso’t tusong kapitalistang si West ay talagang walang awa minsan. Kukuha ng empleyado ngayon, tapos iiwan kinabukasan.Kung kailan may kailangan, si Zac ang tinatawag; kung kailan wala, si Yanna naman ang
Sa isang mahaba, at tahimik na sandali, ay hindi nagsalita si Mikael of Amber. Ang boses ni West at nanatiling makapal na parang hamog na ‘ni isa sa kanila’y hindi kayang isawalang bahala lang iyon.Sa loob ng nanny car, komportableng naupo si Amber kasama ang singhap na parang nagmula sa kailaliman ng kanyang kaluluwa. Ang kanyang ulo’y tumibok habang iniisip si West, nakakairita at napakareserba. Ang lalaking iyon ay itinago ang kanyang emosyon na parang isang mamahaling wine at pumutok na parang mumurahing softdrinks.Napasinghap din naman si Mikael dahil sa nakakasakal na katahimikan.“Kung meron mang dapat magreklamo, ako na ‘yon,” saad niya.Napasandal naman sa upuan ng sasakyan si Mikael habang nakangisi. “Puwede bang tumahimik ka na? Para kang iniwan.”“Shut up,” irap ni Amber. “Ang lalaking ‘yon ay isang pader at ngayon pati ang mana ko ay mawawala na sa’kin.”Napasulyap siya sa labas ng tinted na bintana. “Ang malas ko talaga.”Pero bigla namang nagliwanag ang mukha ni Miika
Pagkakita pa lang ni Adam sa mukha ni Amber na puno ng galit, kapangitan, at lantarang hamon, ay kumunot na agad ang kanyang noo, saka ngumisi nang malamig.“Amber,” singhal niya, “kapag pumabor sa akin ang matandang ginang at sinabing ilegal mong ikinukulong siya, sa palagay mo ba'y mananatili ka pa bilang reyna ng Milchester?”Pero hindi natinag si Amber. Umangat ang kanyang kilay, at saglit na katahimikan ang sumingit bago siya sumagot.“So what kung may mamanahin ka? Balak mo bang gastusin 'yon sa kulungan?”Sinong hayop ang nagtaksil sa kaniya?Nagkuyom ang kamao ni Amber. Ang mga mata niya'y kumislap sa galit at hinala. Si West?Bwisit. Nagwala pa siya kanina sa harap ko, kaya’t hindi malabong siya ang nagtimbre.Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili. Ipinatawag niya ang isa nilang katulong para dalhan siya ng tubig. Nang iabot ito, mahinahong tinanggap iyon ni Amber habang dahan-dahang inalis ang suot na coat.Kasabay ng pagbagsak ng tela, lumantad sa maputi n
“Boss, anong nangyayari?”“Brownout sa nightclub? Anong klaseng negosyo ‘to?”“Wala na ba kayong konsensya? Saka pa lang nagsisimula ang saya, tapos nawalan ng kuryente?”“Masaya pa ba ‘to?”“Boss…”“Boss naman…”Nagwawala ang mga tao sa dance floor, hinahabol ang huling segundo ng kasiyahan, hanggang biglang dumilim ang paligid. Napatingin si Amber sa tuta sa harapan niya. Bago pa man niya ito mahawakan, napatili siya.“Putek! Bwisit ka!” napamura sa gulat si Amber.Sumilay si Blake sa tabi niya gamit ang flashlight ng cellphone. “May demonyo bang sumanib sa’yo? Sa tuwing sinasama kita sa ganitong lugat, laging may nangyayaring kakaiba.”“Kasalanan ko na ngayon?” singhal ni Amber. “Ako ba talaga ang malas?”“I…”“Pulis! Huwag kayong kikilos!”“Diyos ko!” bulalas ni Amber.Unang-una sa reaksyon ni Blake ay ang hatakin si Amber papunta sa likod na pinto. Kapag nalaman ng tatay niya na imbes na umuwi ay gumimik pa siya sa University Town, siguradong mababalian siya ng mga binti.Pagkalab
“Ano ang ibig sabihin ng integridad para kay Miss Harrington?” mababa ang tinig ni West habang hinihila si Amber sa pinto.Tiningnan siya ni Amber nang may pag-aalinlangan. “Atty. Lancaster, ano nga ba ang integridad?”Hindi siya iniwan ng tingin ni West. “Ang integridad ay ang pagtupad sa iyong salita. Ang paggawa ng mga ipinangako.” Dahan-dahan niyang binigkas bawat salita na para bang isang aral na dapat tandaan.Napangiti si Amber nang mapait. “Ilan nga ba sa mga tao ang talagang tumutupad ng pangako? Hmm? Ilan?”Ngumisi si West at lumapit pa. “Sino ba ang hindi nagtatanggal ng pantalon para matulog sa kama, tapos ibinabalik ang pantalon at nagpapanggap na estranghero?”Kumislap ang mga alaala ni Amber, ang poot na namana niya mula sa kanyang ama. Nang dumating ang kabit ng kanyang ama na may lumalaking tiyan, humihingi ng responsibilidad, ano ang sinabi ng ama niya?Mananagot ako sa pagbubuntis, pero ang posisyon bilang asawa ng pamilyang Harrington? Magpalista ka muna. Hindi ko ‘
Naglaho ang ngiti ni West at napatingin sa kanya. “Miss Harrington, mukhang may maling akala ka sa lakas ko.”Napakamot siya sa ilong. “Tutulungan mo ako sa kaso ni Soren… tungkol naman sa mana…”Biglang itinapon ni West ang tissue.“Inaabuso mo ba ‘ko?”-Paglabas ni Amber mula sa law firm ni West, agad siyang nag-book ng spa appointment kasama si Blake.Pagdating nila sa spa, pareho silang huminto sa may pintuan upang magpalit ng tsinelas. Ngunit bago pa man sila makapasok nang tuluyan, narinig na nila ang malalakas na tawanan mula sa loob, na sa isang spa, ay hindi pangkaraniwan.“Ang malas ni Amber. Simula nang ma-coma ang ama niya, pumangit pa lalo ang buhay niya. Dati, si Victor? Walang-wala, ‘ni hindi nga mabango ang pangalan nito sa showbiz. Pero ngayon, kahit sino puwede nang apihin si Amber.”“Tawa nga ako nang tawa. Bago pa niya nilansag ang pamilya Whitmore, si Nathan nasa ospital kasama ang girlfriend niya, hinihintay ang panganay nila. Tapos ‘yung kapatid niyang lalaki n