Home / Romance / Love Under Legal Terms / Chapter 23: Silence After the Storm

Share

Chapter 23: Silence After the Storm

Author: Lyric Arden
last update Huling Na-update: 2025-05-05 21:45:13

Sa kalagitnaan ng gabi, nagising si Amber sa sakit. Tumagilid siya sa kama, nakakurba ang katawan niya at hirap na hirap sa sakit na nararamdaman niya.

Agad nagising si West. Hinaplos niya si Amber, inaalalayan siyang uminom ng gamot sa sakit, at hindi siya umalis hangga’t hindi naramdaman ni Amber na humupa ang sakit.

-

Pag-gising ni Amber sa umaga, hindi si West ang nandoon.

Si Lilith ang bumungad sa kanya.

“Sis, gising ka na?”

Hinaplos ni Amber ang mga mata niya. “Nasaan na ‘yong aso?”

“Anong aso?” tanong ni Lilith, medyo nalilito.

“Si West.”

“Oo, sabi niya may case daw siya sa korte kaya umalis nang maaga.”

“Trending ba ako?”

Umiling si Lilith. “Hindi. Si Atty. Lancaster daw ang bahala sa lahat.”

“Amethyst, ano ba talagang trabaho ni Atty. Lancaster? Sobrang lakas niya, ‘di ba? Sabi ng mga nurse, grabe raw ang nangyari kagabi, kinagat na siya’t tinusok ng karayom pero parang wala lang daw sa kanya.”

Napairap naman ang kausap niya. “Malakas? Kung e di sana magaling siya at hindi ma
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Love Under Legal Terms   Chapter 75: Sea of Shame

    Ang hangin sa tabing-dagat ay malamig, ngunit hindi iyon sapat upang pawiin ang init ng tensyon na bumabalot sa paligid. Sa gitna ng umpukan, bumulwak ang isang tinig, malamig, matalim, at puno ng galit.“Charlene, saan ka na naman gumapang ngayon?” Malinaw at buo ang boses ng babae, tila kutsilyong dumadaplís sa balat. “Talagang wala kang hiya. At ngayon, nagpapaawa ka pa? Huwag mong sabihing nakalimutan mo na kung paano mo ako dinuraan at tinapakan noon, literal. Ngayon, kunwari ka pang inosente. Noon, sobrang landi mo. Nakabuyangyang ka pa sa harap ng camera. Napanood ko ‘yon, buong-buo. ‘Yan ba ang balak mong ipamana sa anak mo?”Parang apoy na pinandiligan ng gasolina ang reaksyon ng mga tao. Mula sa mga bulong at ungol, naging lantaran ang mga reaksiyon. Napuno ng ingay ang paligid, bawat isa’y nag-aabang sa susunod na mangyayari.Ngunit hindi pa tapos ang babae. “At sasabihin mong ako ang masama? Ang tapang mong umakto, pero ngayon takot kang mapag-usapan? Kung sa sinaunang pan

  • Love Under Legal Terms   Chapter 74: The Past Remembers

    “Hindi ko akalaing mahilig si Miss Harrington sa mga balita tungkol sa ekonomiya,” ani West, malamig ang tono nito habang panakaw na sinulyapan si Amber mula sa kanyang kinauupuan sa loob ng sasakyan.Ikinuyom ni Amber ang isang hibla ng buhok sa daliri at tumikhim, halos nakangisi. “Gusto ko lang namang mas maintindihan si Attorney Lancaster.”Kalmado ang ngiti sa kanyang labi ngunit malinaw ang intensyon sa kanyang salita. Hindi siya hangal. Hindi dapat nag-aaksaya ng panahon ang isang babae sa lalaking hindi niya pa lubusang kilala. Lalo na kung sakaling ang lalaking ito ay walang-wala pala. Nakakatawang trahedya iyon.Pero sa kaibuturan ng kanyang isipan, alam niyang hindi ganoon si West. Ang lalaking ito, kaya ang kahit anong uri ng buhay, maliban na lamang sa pagiging miserable.Hindi na sumagot si West. Bahagyang sumikip ang kanyang mga mata at may bahagyang kurbang nabuo sa kanyang labi, isang mapait na ngiting hindi umabot sa kanyang mga mata. Hindi siya naniwala sa palusot n

  • Love Under Legal Terms   Chapter 77: Taste of Control

    Napatitig lamang si Amber kay West, hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Parang may umalingawngaw na tanong sa kanyang isipan; seryoso ba talaga ito? Sa dami ng pwede niyang maramdaman sa sandaling iyon, hindi niya alam kung alin ang uunahin. Gusto niyang matawa dahil parang biro lang ang lahat. Ngunit may parte rin sa kanya na gustong manuntok dahil hindi niya maintindihan kung anong larong pinasok ni West, at kung bakit pakiramdam niya ay unti-unti siyang hinihigop nito sa isang mundong puno ng tukso.“Sigurado akong nasisiraan ka na ng bait,” mariing sambit ni Amber, kasabay ng pagyuko upang damputin ang kanyang bra. Hindi na siya tumingin pa kay West. Sa halip, buong determinasyon siyang nag-ayos ng sarili, handang umalis, handang limutin ang kakaibang tensyon na unti-unting namumuo sa pagitan nila.Ngunit bago pa siya makalakad palayo, mabilis na inabot ni West ang kanyang pulso. Mahigpit, ngunit hindi marahas. Parang sinasabi ng kanyang pagkakahawak na hindi pa tapos ang usapa

  • Love Under Legal Terms   Chapter 76: Atonement

    Sa kabilang banda ng silid, muling suminga si Amber. Marahang inabot ni Wendy ang tasa na may nakatimplang gamot. “Inumin mo na gamot mo,” mahinang sabi nito, pero puno ng kabaitan at pag-aalala.Tahimik na sumunod si Amber. Hindi na siya umangal, hindi na rin nagtalo. Kita sa mukha niya ang pagod, pero pinilit niyang ngumiti ng bahagya.Samantala, pumulot si Wendy ng mga nagkalat na tissue at itinapon sa basurahan. Maingat ang bawat galaw, para bang iniingatan niyang hindi madumihan ang kanyang sarili kahit pa naliligo na sa kalat ang paligid.At sa eksaktong sandaling iyon, bumukas ang pinto.Pumasok si West, tahimik pero mabigat ang presensya. Nakatayo siya roon, ang mga mata ay may bagyong hindi pa bumubuhos. Ang kanyang mukha ay seryoso, parang may bitbit na paniningil.“Amber…” mahinang tawag niya. Pero sa tono pa lang, dama na ang paniningil nito.Napakurap si Amber. Hindi niya alam kung anong kasalanan na naman ang kailangan niyang pagbayaran.Pero ramdam niya agad. Hindi siya

  • Love Under Legal Terms   Chapter 75: In Between

    Sa loob ng Whitmore Estate, nanatiling malamig at mabigat ang katahimikan. Parang usok ng insenso sa sinaunang templo, gumagapang ito sa bawat sulok ng silid. Dahan-dahang ibinaba ni Nathan ang hawak na cellphone, at sa kanyang mga mata’y may bakas ng lungkot, pagkadismaya, at kawalan ng direksyon. Hindi siya agad nakapagsalita, tila may mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang dibdib, hindi siya makagalaw.Sa kabilang dulo ng silid, nakaupo ang kanyang ama, si Nicolas, ang taong sa isang tingin pa lang ay kayang magpatahimik ng buong mundo. Ang mga mata nito ay parang naglalagablab na karbon, handang sunugin ang anumang pagtutol.“O, pumayag ba?” tanong nito, malamig ang tono pero puno ng paghuhusga.Hindi kumibo si Nathan. Wala ni isang salitang lumabas sa kanyang bibig. At sa sandaling iyon, dumagundong ang palad ng kanyang ama sa armrest ng silya. Tumalbog ang alingawngaw ng tunog sa apat na sulok ng kwarto, tila isang kulog sa gitna ng bagyo.“Sa dinami-rami ng babae, bakit si Am

  • Love Under Legal Terms   Chapter 74: Dirt and Pride

    Napatawa nang bahagya ang babae. “Ako po ang housekeeper na in-hire ni Mr. Lancaster. Permanenteng naka-assign dito sa unit.”Huminga nang malalim si Amber, parang may tinik na biglang nawala sa lalamunan niya. Housekeeper lang pala. Hindi madrasta. Hindi miyembro ng pamilya.Sapat na ang stress niyang kasama si West. Kung may isa pang taong dapat niyang pakisamahan, at kamag-anak pa, baka tuluyan na siyang pumutok.“May kailangan po ba kayo, Miss Harrington?” tanong ng babae.“Mainit na tubig lang, salamat,” sagot ni Amber habang inaayos ang kumot sa balikat.“Binanggit ni Mr. Lancaster na naghanda na raw po siya ng almusal bago siya umalis kanina. Gusto n’yo na po ba, o mamaya na lang?”“Mamaya na lang. Salamat.”Hindi pa man siya tapos magsalita, biglang tumunog ang cellphone niya mula sa gilid ng sofa. Tumigil siya sa paglakad at dahan-dahang kinuha ito.Pagtingin niya sa screen, halos malaglag ang cellphone niya sa pagkabigla.Nakita niya ang isang pangalang matagal na niyang hind

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status