Home / Romance / Love Under Legal Terms / Chapter 22: The Gravity of Almost

Share

Chapter 22: The Gravity of Almost

Author: Lyric Arden
last update Last Updated: 2025-04-24 21:46:46

Parang minulto si West. Anong klaseng malas ito? Ni hindi naman siya kumain ng isda ngayon pero bakit parang may tinik sa lalamunan niya.

Si Whitney. Sa dinami-dami ng gabi, siya pa ang naka-duty sa ER.

“Ano’ng nangyari?” tanong ni Whitney, pero sa mata niya, si Amber lang ang tinitingnan nito.

Pagkakita sa mukha ni Amber, halos malaglag ang tray niya. Parang biglang naging manonood sa teleserye si West, kalmado at tahimik sa isang tabi.

“Bali ang paa niya,” paliwanag niya. Ang kanyang puting polo ay may bahid ng dugo—hindi kanya, pero halatang may dinaanang gulo.

Lumuhod si Whitney upang tingnan ang sugat sa talampakan ni Amber. “Kapit ka. Malalim ang sugat. Kailangang linisin ko ng maayos para hindi ka ma-tetano.”

Nang dumikit ang hydrogen peroxide sa sugat ni Amber ay…

“Aaaah! Aray! Ang sakit! Aaaaah!”

“May bakal kasi. Kailangang i-disinfect. Tiisin mo na lang. Para rin sa kakayahan mong makalakad.”

Namumula ang mata ni Amber sa sakit. Alam niyang tama si Whitney, pero ang kirot ay
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Love Under Legal Terms   Chapter 76: Atonement

    Sa kabilang banda ng silid, muling suminga si Amber. Marahang inabot ni Wendy ang tasa na may nakatimplang gamot. “Inumin mo na gamot mo,” mahinang sabi nito, pero puno ng kabaitan at pag-aalala.Tahimik na sumunod si Amber. Hindi na siya umangal, hindi na rin nagtalo. Kita sa mukha niya ang pagod, pero pinilit niyang ngumiti ng bahagya.Samantala, pumulot si Wendy ng mga nagkalat na tissue at itinapon sa basurahan. Maingat ang bawat galaw, para bang iniingatan niyang hindi madumihan ang kanyang sarili kahit pa naliligo na sa kalat ang paligid.At sa eksaktong sandaling iyon, bumukas ang pinto.Pumasok si West, tahimik pero mabigat ang presensya. Nakatayo siya roon, ang mga mata ay may bagyong hindi pa bumubuhos. Ang kanyang mukha ay seryoso, parang may bitbit na paniningil.“Amber…” mahinang tawag niya. Pero sa tono pa lang, dama na ang paniningil nito.Napakurap si Amber. Hindi niya alam kung anong kasalanan na naman ang kailangan niyang pagbayaran.Pero ramdam niya agad. Hindi siya

  • Love Under Legal Terms   Chapter 75: In Between

    Sa loob ng Whitmore Estate, nanatiling malamig at mabigat ang katahimikan. Parang usok ng insenso sa sinaunang templo, gumagapang ito sa bawat sulok ng silid. Dahan-dahang ibinaba ni Nathan ang hawak na cellphone, at sa kanyang mga mata’y may bakas ng lungkot, pagkadismaya, at kawalan ng direksyon. Hindi siya agad nakapagsalita, tila may mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang dibdib, hindi siya makagalaw.Sa kabilang dulo ng silid, nakaupo ang kanyang ama, si Nicolas, ang taong sa isang tingin pa lang ay kayang magpatahimik ng buong mundo. Ang mga mata nito ay parang naglalagablab na karbon, handang sunugin ang anumang pagtutol.“O, pumayag ba?” tanong nito, malamig ang tono pero puno ng paghuhusga.Hindi kumibo si Nathan. Wala ni isang salitang lumabas sa kanyang bibig. At sa sandaling iyon, dumagundong ang palad ng kanyang ama sa armrest ng silya. Tumalbog ang alingawngaw ng tunog sa apat na sulok ng kwarto, tila isang kulog sa gitna ng bagyo.“Sa dinami-rami ng babae, bakit si Am

  • Love Under Legal Terms   Chapter 74: Dirt and Pride

    Napatawa nang bahagya ang babae. “Ako po ang housekeeper na in-hire ni Mr. Lancaster. Permanenteng naka-assign dito sa unit.”Huminga nang malalim si Amber, parang may tinik na biglang nawala sa lalamunan niya. Housekeeper lang pala. Hindi madrasta. Hindi miyembro ng pamilya.Sapat na ang stress niyang kasama si West. Kung may isa pang taong dapat niyang pakisamahan, at kamag-anak pa, baka tuluyan na siyang pumutok.“May kailangan po ba kayo, Miss Harrington?” tanong ng babae.“Mainit na tubig lang, salamat,” sagot ni Amber habang inaayos ang kumot sa balikat.“Binanggit ni Mr. Lancaster na naghanda na raw po siya ng almusal bago siya umalis kanina. Gusto n’yo na po ba, o mamaya na lang?”“Mamaya na lang. Salamat.”Hindi pa man siya tapos magsalita, biglang tumunog ang cellphone niya mula sa gilid ng sofa. Tumigil siya sa paglakad at dahan-dahang kinuha ito.Pagtingin niya sa screen, halos malaglag ang cellphone niya sa pagkabigla.Nakita niya ang isang pangalang matagal na niyang hin

  • Love Under Legal Terms   Chapter 73: A Visitor at Dawn

    Bumukas ang pinto ng hospital room na para bang isang bagong kabanata ang pinilit bumangga sa kalmadong katahimikan ng silid.Kasabay ng pagbukas nito ay ang pagpasok nina Blake at Whitney. Hawak ni Blake ang paper bag mula sa pharmacy habang si Whitney, na naka-suot ng simpleng cream blazer at puting slacks, ay may dalang clipboard. Tumigil sila pareho pagkatawid ng pintuan, tila natigilan sa tanawing tumambad sa kanila.Ang nurse, nanginginig na, ay luhaan at mukhang hindi na alam ang uunahin. Si Amber naman ay pulang-pula ang mukha, hindi lamang dahil sa lagnat kundi sa pigil na galit. Sa tabi niya, si West, tila estatwa sa pagkakatayo at may bakas ng kamay sa pisngi. Parang sunog ang marka, makintab at mapula, halatang sariwa pa. Wala siyang sinasabi, pero ang tensyon sa katawan niya ay parang kutsilyong kayang humiwa ng hangin.Lumapit si Whitney nang walang pag-aatubili. “Sumablay sa ugat?” tanong niya, banayad ang boses at parang hindi apektado ng tensyon.Tahimik na tumango an

  • Love Under Legal Terms   Chapter 72: A Slap and A Standoff  

    Binalibag ni Blake ang braso niya mula sa pagkakahawak ni Whitney. Matulis ang tingin niya na ibinaon sa lalaki habang magkatapat silang nakatayo sa tahimik na pasilyo ng ospital. Tila isang iglap lang ay napuno ng tensyon ang paligid."Sinadya mo ba talaga 'to?" mariin niyang usal, kasabay ng pagtaas ng kanyang baba na puno ng hamon. "Hinila mo ako palayo para makapag-ayos sila nang hindi ko alam?"Hindi pa man nakakasagot si Whitney ay mabilis na siyang tumalikod, nagmamadaling humakbang pabalik sa ward. Halos nagngangalit ang boses niya. “Hindi puwedeng hayaan na lang natin ang hayop na 'yon na lapitan ang kaibigan ko. Walang karapatan ang lalaking iyon na mapalapit sa kanya. Hindi bagay ang gan’yang klase ng tao na mapalapit kay Amber!”Hinabol siya ni Whitney at muling hinawakan sa pulso. "Ms. Enthir, sandali lang. Hindi naman tama 'yan. Kampi rin ako kay Amber, okay? Mula pa noon, Team Amber ako. Walang tanong-tanong. Pero ang kalusugan niya ang mas mahalaga ngayon. Menstrual cra

  • Love Under Legal Terms   Chapter 71: Silent Regret

    Agad niyang ibinaba ang tawag, halos isumpa niya ang sarili sa nagawa. Kung may nakakatakot na si West, mas lalo pa ang nag-iisang Professor Lukas, isang ginagalang na iskolar, disiplinado, at kilala sa mga leksyong hindi mo makakalimutan habambuhay. Siya rin ang mag-isang nagpalaki kay West simula nang mawala ang ina nito.Ayon sa iba, tila ruler daw ang gamit ni Lukas sa paghubog sa pisngi ni West, ganun katumpak ang pagpapalaki niya rito. Si Chito, na kababata ni West, sanay na sa katahimikan nito, pero kahit siya’y napapako sa kinatatayuan kapag napatingin sa kanya ang Uncle Lukas niya.Sa sala ng bahay ng pamilya Lancaster, kalmado si West habang umiinom ng tsaa sa tabi ng kanyang ama. Mula sa kusina, sumigaw si Wendy, pilit binubuksan nito ang garapon na ayaw paawat sa pagkakasara. Bago pa man siya makagalaw para tumulong, tumunog ang cellphone ni Lukas. Tinitigan niya ang screen nito at hindi iyon pangkaraniwan dahil wala namang direktang kumokontak dito. At ang mas lalong naka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status