Beranda / Romance / Love You in Contract / Chapter 3: Meet the Parents

Share

Chapter 3: Meet the Parents

Penulis: Ylla Myrt
last update Tanggal publikasi: 2025-12-15 06:26:24

Halos mapisil ko ang kamay niya habang papalapit kami sa dining area.

"Anong una kong sasabihin?" pabulong kong tanong.

"Nothing, they will surely speak first," sagot niya.

"Eh, anong itatanong nila?" tanong ko na ipinag-kibit-balikat lang naman niya. "Ito naman, nagtatanong lang naman ako para may idea na 'ko, baka kasi ang unang sabihin sa 'kin “Sampung milyon, layuan mo ang anak ko," Oh, anong isasagot ko doon? Mas easy money 'yon, baka masunggaban ko."

Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil rin ako. "Anong problema? Hindi na ba tayo tutuloy?"

Ilinapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya't nanlaki ang mata ko. Pinadausdos niya ang labi niya sa pisngi ko hanggang sa maipwesto niya ang mukha niya malapit sa tenga ko. Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko at baka naririnig na niya 'yon. Amoy na amoy ko rin ang pabango niyang halatang mamahalin.

"You surely won't shut up, huh?" Pabulong niyang tanong na kinataas ng mga balahibo ko.

Mabilis kong tinakpan ng kamay ko ang bibig ko.

Ang ingay ko kasi.

Nagtatanong lang naman kasi 'ko... Dapat talaga may rule book kami.

Rule no. 1: Bawal ang madaldal. Hindi ka pwedeng magtanong at hindi pwedeng kung anu-anong sabihin mo.

"You're already here, Stefano." Mabilis akong napalingon sa babaeng nagsalita. Ibinaba ko rin ang kamay ko dahil nagsisimula na naman itong manginig.

Ang ganda niya, para siyang British actress. Medyo matangkad rin siya. Simple lang ang suot niyang white dress pero super bagay sa kanya at hindi na ito nagmukhang simple. Ang ganda pa rin ng katawan niya kahit matanda na siya. Mukha siyang 45 years old lang pero sigurado ako sa mas matanda siya doon.

Sa sobrang titig ko sa kanya ay nasalisihan na 'ko ng katabi ko dahil mabilis niyang hinalikan na naman ang labi kong medyo nakaawang pa.

"Close it," bulong pa niya kaya tinikom ko agad ang bibig ko.

"Hi, Ma," bati niya sa babae at saka ako inakbayan. Lumapit sa ‘min ang babae at nagbeso sa kanya.

Mahina niyang kinurot ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakataas lang naman ang kilay niya at parang may sinasabi ang mata niya na ewan.

Napunta sa 'kin ang atensyon ng mama niya kaya't pilit akong ngumiti.

Anong gagawin ko?

Bahala na nga.

"Mano po," saad ko kasabay ng pag-abot ko sa isa kong kamay sa kaniya.

Narinig ko ang pag-ismid ni Mr. Ignacio kaya't babawiin ko na sana ang kamay ko nang abutin 'to ng Mama niya.

"God bless you, hija," nakangiti niyang saad at saka tinapat sa noo ko ang kamay. "I think my Ryl knows how to pick."

"Oh, son, is she your girlfriend?" tanong ng bagong dating na lalaki. Papa ni Mr. Ignacio—ay, Mr. Ignacio rin pala ‘to. Magkamukha sila, matanda lang ang papa niya at mas matangkad lang siya.

"Correction Pa, fiancé," Mr. Ignacio said tapos nag-beso siya sa Papa niya.

Lumapit sa 'kin ang Papa niya kaya ngumiti ako dito. "Mano po." Mahina siyang natawa bago tanggapin ang kamay ko at itapat sa noo ko.

"Such a lovely lady. Ilang taon ka na ba, hija?" tanong niya na may ngiti.

"Ahmm. 23 po," sagot ko kahit medyo na-intimidate ako sa kanila kahit ang bait naman nila.

"Oh, Ryl, she's too young. Pwede mo na siyang maging anak," komento ng Papa niya kaya't nakasalubong ang kilay ko.

Ilang taon na nga ulit ‘tong lalaking 'to?

"What do you mean, Pa? I'm still young, 12 years lang naman. Not a big deal," bored na sagot ni Mr. Ignacio sa Papa niya.

Wait. 12? 12? 23 plus 12...

35 na siya.

Ang tanda niya na pala. Akala ko pa naman ay 20s pa lang siya.

“Age doesn't matter po." Napatakip ako sa bibig ko nang mapagtantong naisaboses ko pala ang laman ng utak ko.

Sira ka talaga.

Pero tumawa lang naman ang mag-asawa kaya nakahinga ako ng maluwag.

"I like her Stefano, I like her," tumatawang wika ng Mama niya. "Oh, come, baka lumamig na ang pagkain."

Tumuloy na kami sa napakahaba nilang mesa.

Grabe, ang daming pagkain. Mukhang ang sarap nilang lahat.

Magkatabi ang inuupuan namin ni Mr. Ignacio, samantalang nasa tapat naman namin ang mga magulang niya.

Ang daldal ng mag-asawa, kung anu-ano ang pinag-uusapan namin at kung anu-ano rin ang tinatanong nila sa'kin. Samantalang itong katabi ko ay sobrang tahimik, kumakain lang siya at paminsan-minsan na linalagyan ng pagkain ang plato ko.

Ang bait nilang pareho kaya hindi na 'ko kinakabahan sa kanila kahit kakikilala lang namin.

Kung hindi lang siguro nila kamukha si Mr. Ignacio, Iisipin kong ampon ito. Ang weird lang kasi na ibang-iba ang attitude ng parents niya sa kanya.

"How come you fall for this jerk?" tanong ng Mama niya.

Napa-isip naman ako. Eh, wala akong isasagot kasi wala naman talaga. No feelings involved, eh.

"Because I'm handsome and charming enough" biglang sagot ng katabi ko.

Napairap ako sa sagot niya.

"How did he seduce you?" maintrigang tanong ulit ni Tita Rayle—ang Mama ni Mr. Ignacio. Sinabi niya kanina.

"I don't need to do it, Ma. Lahat ng nakakakita sa kagwapuhan ko ay talagang nahuhulog sa 'kin," sagot niya ulit.

Ang dami naming pinag-usapan at ang dami ko ring nakain dahil sat’wing nakikita ni Mr. Ignacio na paubos ko na ang pagkain ko ay linalagyan niya ang plato ko. Nahihiya naman akong magreklamo kaya pinabayaan ko na lang.

Tinuloy namin sa sala ang kwentuhan matapos naming kumain hanggang sa abutin kami ng gabi. May kasama na ring alak ang kwentuhan kaya't medyo nagsalita na si Mr. Ignacio. Maka-ilang ulit niyang sinabi na na-in love daw siya dahil sa ganda ko.

Hindi talaga ako naniniwala na hindi nagsisinungaling ang lasing. Puro kasi kasinungalingan ang lumalabas sa bibig niya.

Kabaliktaran ng iniisip ko ang mga magulang niya. Walang sampal na pera kundi ngiti ang bungad nila. Hindi matalim kundi matamis na pakikitungo ang ipinakita nila.

Napakaswerte lang ni Mr. Ignacio na nagkaroon siya ng ganitong magulang. Hindi tulad namin ni Rye na parehong walang kwenta ang mga magulang. Habang tinitingnan sila ay hindi ko maiwasang mainggit.

Sana kami rin ni Ryl.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Love You in Contract    Chapter 24: Rye

    Pumasok ako sa kwarto ni Rye ay pinagmasdan siyang natutulog. Bumubuti na ang kondisyon niya at ang sabi ng doctor ay maganda raw ang response ng katawan niya sa chemotherapy niya.“Kung ang kapalit ng panghuhusga ng mga tao ay paggaling mo, Rye, kakayanin kong tiisin ‘yon. Ikaw lang naman ang mahalaga sa ‘kin eh. Kapag wala ka pa’no ‘ko?” Hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan ang kanyang noo.Ilang sandali lang ay magising na siya. Agad siyang napangiti nang makita ako. “Pwede na daw ako lumabas, Ate,” masaya niyang balita.Naalala ko ngang kwento ni Kera na sabi raw ng doctor ay pwede na siyang makalabas ng ospital at kailangan lang na regular na pagbisita sa ospital o kaya ang doctor mismo ang pupunta sa bahay. May mga gamot pa rin siyang iniinom na hindi dapat makalimutan. May mga hindi pa siya pwedeng gawin at kainin, pero mas mabuti na ‘yon kesa dito lang siya palagi sa ospital.Malakas na rin naman kasi siya, sabi nga ni Kera ay madalas sila sa garden at makailang-ikot sila

  • Love You in Contract    Chapter 23: Mother

    Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ‘ko sa banyo pero nang magising ako ay nasa kama na ‘ko at yakap ng matitigas na bisig ni Ryl. Mahimbing siyang natutulog pero mahigpit ang pagkakayakap niya sa ‘kin na tila ba takot na takot na bigla akong makawala kapag lumuwag ang yakap niya. Nahihilo ako at nasusuka kaya pilit kong inalis ang kanyang yakap kaya't nagising siya. Pumupungay ang mata niyang tumingin sa ‘kin. “You need something, hmm?” malambing niyang tanong. Itinuro ko ang banyo at hindi na nagsalita dahil para bang kapag binuka ko ang bibig ko ay agaran akong masusuka. Siguradong dahil sa hindi ako nakakain kahapon. Ang sakit ng ulo ko na para bang nabibiyak na iyon at tila ba binabaliktad ang bituka ko. Nagkasalubong ang kilay niya pero hindi niya pa rin ako binitawan. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumuso lang siya. “Ano ba?! Nasusuka ‘ko!” inis kong bulyaw sa kanya saka bumangon. Gano'n rin ang ginawa niya at Takang nakatingin sa ‘kin pero hindi pa rin ako binibit

  • Love You in Contract    Chapter 22: Reminder

    “Raye—” Agad niyang inagaw ang cellphone mula sa kamay ko nang makita akong umiiyak at nanginginig ang kamay habang hawak iyon. “K-kera, k-kasalanan ko ba? M-masama ba ‘ko?” nanginginig na tanong ko sa kanya. Agad siyang umupo sa tabi ko at yinakap ako ng mahigpit.“Syempre hindi, demonyita lang talaga ang Tine na ‘yon. Ang tanda na pero ang immature pa ring mag-isip.”“Kera, sila dapat eh. Wala naman dapat ako kasi—”“Raye naman, ‘wag kang emo. Ampangit ng ugali niya kaya ‘di niya deserve ang asawa mo. Saka mahal ka ng asawa mo, ‘yon sa kanila, simpleng arranged marriage lang yun na ‘di natuloy,” paliwanag niya habang hinahagod ang likod ko.“Hindi niya ‘ko mahal, Kera. Hindi niya naman ako mahal.” Kasi nagpakasal lang kami dahil sa kontrata. Galit siya kay Tine noon kaya gusto niyang gumanti dito gamit ang ibang babae. Ginagamit niya lang ako. Sa huli babalik rin siya kay Tine kasi yun naman talaga ang plano una pa lang.Ang baseless kasi ng mga sinasabi niya. Malamang ‘yan ang tin

  • Love You in Contract    Chapter 21: Influence

    “Hey, you're mad again? I thought bati na tayo?”Sinamaan ko siya ng tingin. “Layuan mo ‘ko. Do’n ka sa Tine mo!” inis kong sigaw dito nang lalapit na naman siya.“Tine is nothing. I already made it clear.” Sinubukan niyang lumapit ulit pero pinagbabato ko siya ng mga unan kaya't tumigil na lang siya. “Hey, what's wrong with you?”“Mukha mo.” Itinapon ko sa kanya ang huling unan bago lumabas ng kwarto.“Honey, what's going on?” tanong niya habang sumusunod sa ‘kin. “We're already fine earlier. Now you're mad again.”“Tigilan mo ‘ko. Didikit-dikit ka sa ‘kin pagkatapos mong kandungin si Tine. Nakakadiri ka.”“Then, I'll take a bath for you,” sagot niya pero umirap lang ako at mas binilisan ang lakad. “Hey, careful.” Hinuli niya ang braso ko dahil muntik na ‘kong matapilok dahil sa sobrang pagmamadali ko.Hindi ko alam pero naiinis talaga ‘ko sa kanya. Akala ko okay na eh, pero nakita ko lang ang mukha niya ay na

  • Love You in Contract    Chapter 20: Confess

    From: Honey I didn't wake you up because I know that you're tired.From: Honey I'm just at the company. Just come if you miss me.From: Honey By the way, good morning, just eat if you're hungry. Iyon ang bumungad sa ‘kin pagkabukas ko ng phone ko nang magising ako.Halos mangisay ako sa kama at agad na naisubsob sa unan ang mukha.“Hayop ka talaga! Bakit ka naman kasi ganito?”“Good morning Ma'am Raye,” bati sa ‘kin ng mga katulong nang bumaba ako matapos pakalmahin ang sarili at makapag-ayos.Naligo na rin ako at baka maamoy nila ‘ko.“Raye na lang po,” payo ko. Mas matanda kasi sila sa ‘kin at medyo off na tinatawag nila ‘kong ma'am. “Nga pala, kanina pa umalis si Ryl?”“Opo, ibinilin niya nga pong hayaan muna kayong matulog at pakainin na lang kayo kapag nagising na kayo,” sagot ng isa sa kanila. Mukhang nasa early 30s pa lang siya at siya ang pinakabata sa kanila.

  • Love You in Contract    Chapter 19: Accept

    “Anak, gusto ko lang makita si Rye.”Umismid ako. “Gusto ka ba niyang makita? Nakalimutan mo na ba ang nangyari no'ng nagpakita ka sa kanya? Alam mo rin ba kung ilang araw bago niya tuluyang makalimutan yun? Alam mo ba kung ga'no kasakit makita na nasasaktan siya ng paulit-ulit dahil sa sarili niyang nanay.” Agad kung pinunasan ang luha ko. “Umalis ka na.”“Hindi ako aalis,” matigas niyang saad.“Umalis ka na!” sigaw ko sa kanya.“Just leave. Don't wait that I send you to jail that even you're lawyer couldn't help you.” Isang malamig na boses ang nagsalita sa likuran ko. Agad ko iyong nakilala lalo na ng makalapit siya at maamoy ko siya. Agad na pumuwesto ang kamay niya sa bewang ko at seryosong nakatingin kay mama.Inalalayan ng abogado niya si mama paalis kaya't agad na tumulo ng sunod-sunod ang mga luha ko.“Hey, calm, they are not here anymore.” Hinawakan niyang mga kamay ko dahil sa panginginig nito, pero nanatili

  • Love You in Contract    Chapter 17: Confused

    Nakatitig lang ako sa kanya, hindi mawari kung ano ang gagawin at isasagot, para bang hirap na hirap siya at gutom na gutom, hanggang sa unti-unti akong tumango ng hindi ko namamalayan.Tumayo siya sa harap ko at yinakap ang bewang ko. “Do you want to do it here or in a more comfortable place, hmm?

  • Love You in Contract    Chapter 18: Priority 

    “Nay Cleofe, may tanong po ako.” Wala kasi si Ryl ngayon at ang matandang Mayordoma ang nakita ko na parang pwedeng guluhin. Siya yung sumalubong sa ‘kin noon at naghatid sa kwarto ni Ryl.“Ano ba iyon ining?” Lumapit siya sa ‘kin at umupo sa tapat ko.“Matagal na po kayo dito?” pauna kong tanong.

  • Love You in Contract    Chapter 14: Rule Breakers

    Hiyang-hiya ako nang matapos kaming mag-make out, hindi pa nakatulong na hindi siya natigil sa panunukso sa ‘kin at pagngisi niya sa ‘kin. Nag-order siya ng pagkain namin pagkatapos. At namula ako nang makita ko ang turtang talong na may itlog. Bakit ba sa dinami-raming ulam na maiisip ko ay tal

  • Love You in Contract    Chapter 9: Mad

    Tinawagan ko si Kera para bantayan muna si Rye bago ako pumunta sa condo ni Mr. Igancio. Kaya pala sobrang nag-aalala si Tita Rayle ay dahil sa nag-drive pa rin ang anak niya kahit lasing ito kagabi. Pinasundan na lamang nila ito sa mga tauhan nila at pasalamat na lang dahil ligtas naman itong naka

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status