Share

LAB— 20

Nakayakap ako kay Jacob nang magising ako kinaumagahan. Alas-sais pa lang ay bumangon na ako upang maghilamos at toothbrush, ngunit bumalik ulit ako sa higaan dahil gusto ko pang mayakap ang aking asawa.

Niyakap naman niya ako pabalik. Mukhang gising na siya, dahil hinahaplos niya ang aking likod.

"Goodmorning," bati ko sa kaniya.

"Morning..." His bedroom voice is so sexy.

"Maaga ako ngayon papasok," sabi niya. "Mag-breakfast na muna tayo."

"Ah... Sige." Ngayon lang naman kami magsasabay na kumain ng breakfast kaya pagbigyan ko na, kahit na twelve pa sana ako kakain mamaya.

Sabay kaming bumangon at lumabas ng kuwarto. Nagulat pa kami ni Jacob nang makita namin si Cora na lumabas sa silid ni Jacob.

"Cora!"

"Oh!" Pupungas-pungas itong lumapit sa amin.

"Bakit ka sa kuwarto ni Jacob natulog?"

"Huh?" Napatingin siya sa pintuan na pinanggalingan niya.

Napakurap siya. "Lasing na lasing ako, hindi ko alam. Akala ko iyong isang guestroom iyon. Sira ang shower sa room ko kaya naghanap
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status