“Anong nangyayari?” tanong ni Edward sa kanya ng lapitan siya nito sa gilid. Hindi muna nila ipinapakita ang kanilang mga sarili bilang mag asawa upang makapagmanman muna sa paligid.
“Inaway ako ni Leona.. Galit na galit siya sakin,” kaswal na sagot niya.
“Baka nagagandahan sayo ang ex mo, at naiinsecure naman ang babaeng iyon,” nakangiting sabi ni Edward sabay tiningnan sina Caleb at Leona.
Nakatingin ang mga ito sa kanila, subalit may pekeng ngiti habang nakatingin kay Edward.
“Siya ba si Edward Ignacio?” tanong ni Leona kay Caleb habang sumisimsim ng alak na nasa kopita.
“Oo, at siya ang kailangan natin, para makakuha ng project sa ibang mayayaman. Simula noong maghiwalay kami ni Hannah, parang nag back out ang ibang investors..” sagot ni Caleb na hindi inaalis ang tingin sa dating asawa.
‘Parang sinasabi mong swerte siya sayo, at malas ako?” nakataas ang kilay ni Leona habang sinipat ng masamang tingin ang lalaki.
“Wag kang magtantrums ngayon, may kailangan tayong gawin. Baka mamaya, sinisiraan pa tayo ni Hannah sa taong iyan. Ayusin mo ang sarili mo, at kailangan natin siyang lapitan,” bilin ni Caleb sa kanya.
Pinili nilang lumapit sa lalaki, matapos umalis ni Hannah sa tabi nito. Binati ni Caleb ang lalaki.
“Mr. Ignacio, kumusta?” nakipagkamay siya dito.
“Oh?” bahagyang inabot ng lalaki ang kanyang kamay, “do I know you?”
Bahagyang umurong ang dila ni Caleb. Sino ba ang hindi nakakakilala sa kanya? Bakit parang hindi siya kilala ng lalaking ito?
“Ako si Caleb Endaya, Mr. Ignacio, and this is my assistant, Miss Leona Bermudez,” pagpapakilala niya sa kanilang dalawa.
“Hmmm,” bahagyang tumango ang lalaki.
“Baka interesado kayo sa pakikipag merge? Or pag iinvest? Available ang kumpanya namin para diyan,” nakangiting sabi ni Caleb. “Maaaring ipaliwanag ni Miss Bermudez ang lahat sa inyo, through dinner perhaps? Baka makakapag- spare kayo ng isang araw para mailahad namin ang aming proposals.”
“Sounds interesting,” nakangiting sabi ni Edward, saka hinagod ng tingin si Leona, “assistant mo lang ba siya?”
“Ah, yes.. Yes.. assistant ko lang siya,” tugon ni Caleb.
“So, si Mr. Endaya ay binata pa?” panunuri ni Edward.
“Actually sir..” nagbigay ng malungkot na tinig si Caleb, na parang inaapi, “kakahiwalay lang namin ng asawa ko. Iniwan niya ako at ipinagpalit sa ibang lalaki. Kaya wala akong panahon ngayon, para sa pag ibig..” paliwanag ni Caleb, “masakit ang aking pinagdaanan sa relasyon.”
“Ah, ganun pala,” hinawakan ni Edward ang balikat niya, “baka hindi kayo para sa isa’t isa. Tara doon, ng makilala niyo ang iba pang mga negosyante..”
Naglakad sila palayo sa lugar na iyon, ng hindi namamalayan, na naroon lang sa sulok si Hannah, at tahimik na nakikinig sa kanila.
“Napangisi siya at napailing. Ibang klase talaga ang mga ito. Gagawin ang lahat, kahit paninira sa iba, umangat lang talaga.
Pinanood iya ang paglayo ng mga ito.
“Kahit kailan talaga, wala ng ginawang mabuti ang mga ito,” bulong niya sa kanyang sarili.
SAMANTALA… sa kabilang banda..
May isang babaeng nasa kalagitnaan na ng kanyang edad, maganda pa rin ito, at naglalakad sa harap ng bulwagan.
Agad niyang napansin si Hannah, na nasa gilid, patungo sa banyo.
Nang makita siya ni Hannah, ngumisi ito, na parang nakakita ng demonyo.
Agad na naningkit ang mga mata ni Miraflor sa klase ng pagtingin ng kanyang dating manugang.
“Hoy,” lumapit siya kay Hannah ng dahan dahan, habang mahina lang ang kanyang boses. “Anong ginagawa mo dito?”
Nilingon ni Hannah ang kanyang paligid, saka napatingin muli sa babae.
“Ikaw ang kinakausap ko, t*nga!” naiinis si Miraflor kay Hannah na parang nagtatangatangahan, “anong ginagawa mo dito?”
“Nanlalalaki ako, bakit?” sagot ni Hannah habang nakataas ang ulo.
“Aba’t–” nagulat si Miraflor sa paraan ng pagsagot nito. Si Hannah ba ito? “Hindi ka na nahiya!”
“Bakit ako mahihiya, maganda ako? Kung kayo ngang bilbilin nakapagsusuot pa ng ganyang damit, ako pa bang maganda ang katawan,” nakangisi niyang sagot.
Lalong namula sa galit ang matanda, at nais na siyang daklutin nito sa sobrang inis.
“Ooh, wag kayong magalit, nagmumukha kayong dragon eh,” nakangisi pa rin niyang sabi sa dating biyenan.
“Anong karapatan mong pagsalitaan ang biyenan mo ng ganyan?” singhal ito sa kanya.
“Dati..” pagtatama niya sa sinasabi nito, “dati ko kayong biyenan, at isa pa, hindi niyo naman ako tinanggap na manugang, sino kayo para sabihan akong biyenan ko kayo?”
“Hannah, sumusobra na ang bunganga mo!” duro sa kanya ng matanda.
Hinawakan niya ang kamay na iyon, saka siya natumba, “aaah– wag po.. Wala akong ginagawang masama sa inyo,” malakas ang kanyang tinig na pumukaw sa mga taong nakapaligid. Lahat ay napatingin sa kanila.
‘A-anong ginagawa mong babae ka?” mahinang tanong nito, “tumayo ka nga!” akma siyang hahawakan ng babae.
“Aah! Tama na po!” muli niyang sigaw.
Agad nagsilapitan ang ilang kababaihang naroroon, at tinulungan si Hannah na tumayo.
“Misis, bakit naman kayo nananakit?” tanong ng isang babae.
“Ah, siya yung ina ni Caleb..”
“Kaya pala ganito din ang ugali ng babaeng si Leona, kasi ganito ang biyenan niya.”
“Grabe na talaga ang pamilyang yan.”
“Okay ka lang ba miss?”
“Okay lang ako.. Salamat,” sabi niya sa mga ito, at nakangising tumingin sa matanda.
“Anong kalokohan ang sinasabi niyo? Ang babaeng iyan ay–” hindi na nakapagsalita pa ang matandang babae, dahil dumating na ang mga incharge na security.
“Ma’am, umalis na lang po kayo kung mang gugulo lang kayo..”
“Anong manggugulo? Ang babareng ito ang nanggugulo!” dinuro siya ng matanda.
“Mommy!” tawag ni Caleb sa ina, kasunod si Leona.
“Tulungan niyo akong makalayo, please..” pakiusap ni Hannah sa mga kababaihang naroroon. Inalalayan siya ng mga ito ng hindi man lang napapansin nina Leona.
“Ang babaeng iyon!” mahinang sabi ni Miraflor sa anak.
“Sir, iuwi niyo na po ang inyong ina, ipinagbabawal po ang panggugulo sa party na ito..”
"Pero--" parang nag aalinlangan si Hannah, "yung totoo, ayaw mo na bang balikan ang asawa mo? I mean.. ano bang balak mo sa relasyon niyong dalawa?""Marami pa siyang kailangang iaccomplish sa buhay ng hindi ako kasama.. matuto siya sa mga bagay bagay at malaman niyang hindi lahat ng nais niya ay makukuha niya." nakangiting sagot ni Renzelle. "Ayokong sumabay sa kanya, nais kong tumahak siya ng landas na hindi ako kasama, baka sakaling matagpuan niya ang tunay kong halaga."“Ang totoo,” dagdag pa ni Renzelle habang bahagyang tinutok ang tingin sa kisame, “mahal ko pa rin siya… Hindi basta mawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Nag iisa siyang lalaki sa buhay ko.. pero hindi sapat ‘yung pagmamahal lang. Hindi na ako puwedeng bumalik sa cycle na ako lang ang laging sumusubok. Kailangang matutunan niya na ang tunay na pagmamahal, hindi inaasahan—pinaglalaban, pero hindi pinipilit. Naniniwala kasi ako na ang pagmamahal, kapag totoo, kahit ano pa ang dumating, kahit ano pa ang kaharapin, hi
"Nagkabalikan na kayo?" gulat na tanong ni Hannah.“Hindi naman… pero nakapag-usap na kami tungkol sa lahat.”Napakunot-noo si Hannah, sabay upo ng mas maayos sa kama. “As in, lahat-lahat? Closure?”Tumango si Renzelle, sabay buntong-hininga. “Oo. Yung totoo, hindi ko alam kung closure ba talaga ‘yon o kung parte pa rin ng puso ko ang umaasang baka... alam mo na. Pero nung nakita ko siya, naramdaman ko rin na tapos na talaga kami. Wala nang hinanakit, wala nang tanong. Lahat ng sakit, parang nabura nang marinig ko ‘yung paghingi niya ng tawad. At higit sa lahat—napatawad ko na siya. Parang iyon na lang naman ang nakakapagpabigat ng aking damdamin, kaya ibinigay ko na lang sa kanya.”Tahimik si Hannah. Saglit itong nag-isip bago ngumiti. “Ang bigat nun, Renzelle. Pero ang tapang mo. Hindi lahat kaya ‘yan. Yung humarap sa taong minsang bumasag sa’yo, at piliin pa ring ipikit ang mata para sa kapayapaan. Naging matatag ka na sa paglipas ng panahon, nakakaproud ka..”“Hindi madaling pilii
Sa loob ng sasakyan, habang binabaybay ni Renzelle ang kalsada papuntang ospital, marahang tumutugtog sa radyo ang isang pamilyar na awitin—isa sa mga paborito nilang pinakikinggan ni Hannah noong mga panahong parehong magulo ang kanilang mga mundo. Napangiti siya. Minsan pala, kahit gaano kagulo ang paligid, may musika pa ring nagbibigay ng kapayapaan.Pagdating sa ospital, agad siyang sinalubong ng isang nurse.“Ma’am Renzelle, nasa garden po si Ma'am Hannah. Nagpapahangin daw habang hinihintay kayo,” nakangiting sabi nito.Tumango si Renzelle. “Salamat po.”Sa likod ng ospital ay may maliit na hardin—simple, pero sapat na para makalanghap ng sariwang hangin ang mga pasyente. Doon niya nakita si Hannah, nakaupo sa isang bench, tangan ang maliit na stuffed toy na bigay ni Edward noong nakaraang buwan. Tahimik ito, pero mapayapa ang ekspresyon sa mukha.“Hannah,” tawag niya habang papalapit.Sabay na lumingon ang mag asawang Edward at Hannah. Nakangiti ang mga ito sa kanya."Ipapasok
Habang nakaupo siya sa kama, tinanggal niya ang suot na hikaw—ang huling regalo ni Josh noong sila ay nagsasama pa. Sa loob ng maraming buwan, hindi niya ito masikmurang alisin, dahil iniisip niyang baka magkabalikan pa sila. Parang bahagi pa rin iyon ng kwento nila. Pero ngayong gabi, handa na siyang isara ang kabanatang iyon—hindi dahil sa galit, kundi dahil sa wakas, napatawad na niya hindi lang si Josh, kundi pati ang sarili niya.Alam niya sa kanyang sarili, na kaya na niyang mabuhay ng mapayapa ngayon.Naglakad siya patungo sa aparador at inilagay ang hikaw sa isang maliit na kahon. Maingat. Mapayapa. Isang simpleng kilos na sumisimbulo ng paghilom.Tinitigan pa niya iyon, bago tuluyang isara ang aparador.Bulamik siya sa kama, saka nahiga. Hindi niya maiwasang mapangiti. Maaaring malungkot ang pinagtapusan nila ni Josh, subalit maayos iyon at walang bahid ng mga masasakit na salita.***********SAMANTALA.. si Josh ay nakaidlip sa loob ng kanyang sasakyan. Hindi niya makuhang um
Nanlaki ang mata ni Renzelle. “Josh?” gulat niyang sambit. “Bakit ka nasa labas? hindi mo ba babantayan ang mommy mo?”Tumango si Josh, ngumiti ng matipid. "Babantayan ko na lang siy kapag naihatid na kita.."Napailing si Renzelle, halos hindi makapaniwala. “Akala ko tapos na ang usapan natin.”“Tapos na nga,” mahinang tugon ni Josh, “pero hindi pa ako tapos sa paninindigan. Gusto kong simulan agad ang sinabi mo. Hindi na ako lalayo pa, Ren. Hindi ko alam kung may patutunguhan pa tayo, pero gusto kong simulan ang pagbabagong ‘yon—dito, ngayon, kasama mo… kahit ihatid lang muna kita pauwi.”Tahimik si Renzelle. Ramdam niya ang sinseridad sa mga mata ni Josh, pero ramdam din niya ang sariling puso—na sa kabila ng pagbitaw, ay nananatiling mahinahon.“Josh…” malumanay niyang wika, “hindi lahat ng ginagawa natin ay kailangang may kapalit. Hindi lahat ng kabutihan ay sinusuklian ng pagbabalikan. Minsan, sapat na ang presensya. Sapat na ‘yung alam mong hindi ka na pinipilit.”Tumango si Jos
“Josh,” marahang bulong niya, “lahat ng tao nagkakamali. Pero hindi lahat marunong humarap sa pagkakamaling ‘yon. Sa totoo lang, ang mas kinakatakutan ko noon… ay ‘yung hindi ka na babalik para humingi ng tawad. Kaya salamat. Kahit huli na ang lahat… nandito ka.”Napatingin si Josh sa kanya, nabalot ng lungkot at pag-asa ang kanyang mga mata. “Gusto ko sanang magsimula ulit… kung puwede pa. Kahit hindi bilang mag-asawa. Kahit bilang magkaibigan man lang. Kahit bilang dalawang taong may pinagsamahan.”Saglit na natahimik si Renzelle. Tumingin siya sa bintana ng silid, pinakikiramdaman ang bigat sa dibdib niya. Totoong may sugat pa. Totoong may lamat. Pero marahil, mas matimbang pa rin ang kabutihan ng puso kaysa sa bigat ng kahapon.“Simula?” ulit niya, saka siya ngumiti—malungkot ngunit payapa. “Siguro puwede. Pero hindi para balikan ang dati, Josh. Kundi para tumulong sa isa’t isa… para sa bagong tayo—kung anuman ang ibig sabihin ng ‘tayo’ ngayon.”Napalunok si Josh. Hindi ito ang sa