"Ma! bakit ka naman nag eskandalo dun?" inis na sabi ni Caleb sa ina ng makarating sila sa bahay. Inalis agad niya ang tie niya dahil pakiramdam niya, hindi siya makahinga.
Mas pinili niyang kausapin ang ina sa bahay, dahil nagtutungayaw ito sa sasakyan. Hindi mapigilan ang bunganga kakamura kay Hannah.
"Caleb, wag mo namang sigawan si mommy," awat ni Leona sa kanya habang hinahagod ang likod ng matanda na nakaupo sa sofa.
"Tama naman ang sinabi ko, wala akong ginagawang masama sa babaeng iyon!" inis na nakakuyom ang kamao ni Miraflor, "hindi ko nga alam kung bakit naisipan niya akong i- frame up ng ganoon katindi. Nakita ko pa naman si Edward Ignacio!"
Si Edward Ignacio ang talagang target nila sa Banquet na iyon. Naniniwala silang kapag malakas ang kapit nila sa lalaking iyon, lalakas ang kanilang kumpanya. May mga investors kasi na nag pull out ng kanilang investment matapos malamang naghiwalay na sina Caleb at Hannah.
"Kaya nga, ma! nagkaroon na kami ng chance na makausap siya, subalit anong ginawa mo?" napahilamos sa mukha niya si Caleb saka napatingala, "marami na kaming kinakausap na malalaking tao, subalit nasira ang diskarte namain, dahil sayo!"
"Wala nga akong ginagawang masama. Ni hindi ko nga hinahawakan ang babaeng iyon. Hindi ko alam kung bakit siya umaarte ng ganoon," mariing sabi ni Miraflor. Halata ang galit sa kanyang mukha, at ang kanyang mga mata ay nanlilisik na parang sa isang aswang.
"Kung hindi niyo siya hinawakan, bakit siya natumba? bakit siya umiiyak? hindi siya ganoon kadaling masaktan!" tanong pa niya.
"Teka nga, Caleb, ang sisti, parang ipinagtatanggol mo pa ang babaeng iyon at hinahamak si mommy na may kasalanan ng lahat ah? bakit? dahil ba nakita mo na maganda na siya ngayon? baka akala mo, hindi ko napansin na natulala ka kanina nung makita mo siya?" may pang uuyam sa tinig ni Leona. Mababakas ang selos sa pangungusap na iyon.
"HIndi sa ganun, nagulat lang ako," bahagyang bumaba ang tono ni Caleb. "Isa pa, wala sa amin ang issue! paano kung may sugar daddy siya na mayaman? at sa halip na mag iinvest sa atin ay hindi na, dahil nga nasaktan siya? sa mundo ng negosyo, kinakalimutan muna ang nakaraan kung nais mong umangat."
"May CCTV naman siguro doon, bakit hindi natin kunin at idemanda ang babaeng iyon kapag nakita nating sinadya niya ang lahat?" suhestiyon ni Miraflor, "parang maganda ang ganoong plano. Para sa ngayon, bumagsak na siya! hindi pa siya umaangat ng mataas, baliin na agad natin ang kanyang pakpak!"
"Tama ka, mommy! bukas na bukas, puntahan natin yan, ng maipakita natin na inosente ka. Hindi ako papayag na apakan ka lang ng malditang babaeng iyon. Isa pa, alam kong nagsasabi ka ng totoo," kinampihan ni Leona si Miraflor.
Kailangan niyang magpalakas sa kanyang magiging biyenan. Gustong gusto siya ng matanda, kaya kailangan, pagbigyan niya ito palagi.
"Exactly! dapat, maipamukha talaga sa babaeng iyan kung saan siya nararapat. Nakakilala lang at kumabit sa isang mayaman, feeling anak na ng Diyos! kapag nakita ko talaga ang CCTV, ipagkakalat ko sa buong mundo ang kaartehan niya, para hindi pa man nag uumpisang tumubo ang kanyang pakpak, puputulin ko na!" labis ang gigil ni Miraflor.
KINABUKASAN..
Maaga silang nagtungo sa hotel upang ipa-check ang CCTV. Hindi basta makakapayag si Miraflor na ganoon ang nangyari.
"May kumuha na rin po ng CCTV dito kanina.. kukuha din kayo?" tanong ng manager.
"Sino ang kumuha? at anong CCTV ng kinuha niya?" tanong ni Caleb at napatingin sa ina.
"Yung tungkol po sa insidente kahapon nung may nanulak na--" napatingin ito kay Miraflor saka napalunok, "kayo yung nasa video?"
"Oo, ako nga.. kailangan kong makuha ang CCTV dahil sinisiraan ako ng babaeng iyon. Wala akong ginawang masama sa kanya!" may gigil ang tinig ni Miraflor habang binubuksan ang kanyang abaniko at bahagyang nagpaypay.
"Sige po, halina kayo," napapailing ito, at dinala sila sa operating area ng CCTV.
"Sir, pakiplay po nung nangyari kahapon, mga 7 ng gabi iyon, yung sa kumosyon sa may pasilyo.." sabi ng mangaer sa lalaki.
Kahit paulit ulit nilang panoorin, kita talaga na itinulak ni Miraflor si Hannah. Kaya nanlaki ang kanyang mga mata, nung makita ito.
"No! no! hindi ko siya itinulak!" nanginginig ang kanyang kalamnan, halos mabuwal siya.
"Mommy!" inalalayan agad siya ni Leona.
"Kukuha pa po ba kayo ng kopya? kapag kumuha daw kayo, ilalabas daw ni Miss Agoncillo ang video na ito." sagot ng manager.
"Ano? sinabi talaga ni Hannah yan?" naiinis na sabi ni Caleb.
"Yes sir.. sabi pa niya, kailangan niyo daw makipag settle sa kanya, kung hindi, idedemanda niya ang nanay niyo."
"Walanghiya talaga ang babaeng yun!" kuyom ni Miraflor ang kanyang kamao, "kakalbuhin ko siya, kapag nakita ko siya!"
"Sabi rin po niya, kapag may sinabi kayong masama against sa kanya, ipapablotter niya kayo."
Nanlaki ang mata ni Caleb, at hindi mapigilang magreklamo, "bakit? sino siya sa akala niya? at bakit niyo siya susundin? boss ba siya dito?"
"Ah.. sir.. malakas po ang kapit niya sa itaas.. malalagot po kami kapag hindi kami sumunod."
"Wala akong paki!" sigaw ni Miraflor, "basura lang siya ng aking anak, sino siya para magmalaki?"
Napaupo si Leona dahil sa sakit na kanyang nadarama.Agad nagsilapit ang mga pulis sa kanila at ang mga medic na may dalang stretcher."May patay dito!" sigaw ng isang pulis. Binulatlat nito ang bulsa ni Caleb. "Caleb Endaya."Napatingin si Edward kay Leona, "pinatay mo si Caleb?"Napangisi si Leona, kahit halatang nasasaktan sa tama ng bala sa kanyang tagiliran. "Oo-- nakakainis siya. Isusunod ko sana si Hannah, nahuli niyo lang ako.""Pinagkatiwalaan ka namin.." gigil na sagot ni Edward."Eh.. anong magagawa ko, kung bobo kayo?" pilit pa ring nagpapakatatag si Leona, kahit may sugat na.Nagmamadaling lumapit ang mga pulis, ngunit nagalit si Leona."Wag kayong lalapit!" itinutok niya ang baril sa kanyang sentido, "subukan niyo lang!"Agad kinuha ng mga doctor ang baby, at marahang dinala sa ambulansiya. Sumama na si Edward sa kanila kasama ang yaya na kinidnap din ni Leona.Bago isara ang ambulansiya, umalingawngaw ang isang putok mula sa loob ng beach house.Tumingin lang si Edward
“Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ni Caleb, habang nakatingin sa nanginginig na katawan ni Leona, na tila nawawala na sa sarili. "Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad? na may balak kang ganito? nagtago ka pa sa ilalim ng Madam X?""Bakit ko naman sasabihin sayo? eh bobo ka!" ito na ang pagkakataon ni Leona, para mapabagsak si Caleb."Ano???" hindi makapaniwala si Caleb sa sinabi ni Leona sa kanya.Napangisi si Leona, isang uri ng ngiting hindi na niya kayang itago—ang uri ng ngiting nabubuo sa kabaliwan at matinding poot."Ibig sabihin, galit din ako sayo! makakaganti na ko kay Hannah, pati sayo!" sabay itinutok niya ang kanyang baril sa noo ni Caleb ng walang pasubali at pinaputok iyon.Nagkalat ang utak at dugo sa sahig. Maging sila ng baby ay natalsikan niyon.Napahiyaw ang sanggol sa kanyang bisig—isang iyak na pumunit sa katahimikan ng tagpong iyon. Si Leona, hawak pa rin ang baril, ay parang wala na sa sarili. Nanginginig ang kanyang mga kamay ngunit nanatiling mata
PAGKARATING NI Edward, agad niyang nalaman ang nangyari..Hindi siya makapaniwala, si Hannah, hindi na kinaya ang lahat, naipasok na itong muli sa ICU."Ilang oras na kaming tumatawag sayo.." sabi ni Renzelle. "Naitakas ni Leona si Hope.."Napakuyom ang mga kamao ni Edward habang nakatitig sa salamin ng ICU. Mula sa labas, tanaw niya si Hannah—pale, walang malay, at tila muling binabalikan ang impyerno na matagal na sana nilang nilisan.“Leona…” bulong niya sa sarili, nanginginig sa galit. “Bakit si Hope pa? Anong kasalanan ng anak ko sa’yo?”Nilapitan siya ni Josh. “Edward, kailangan nating kumilos. Hindi lang ito basta galit o selos—si Leona, delikado siya. At kung totoo ang mga recordings na pinadala ni Rico, may koneksyon pa rin siya kay Caleb. Ginagamit niya ang galit ni Caleb para sirain si Hannah.”Napailing si Edward, pigil ang pag-iyak. “Hindi ako makapaniwala… pinapasok natin siya sa buhay natin. Pinayagan ko pa siyang alagaan si Hope. Akala ko, talagang nagbabago siya.”"Ga
"Si LeonaBermudez! siya ang Madam X na tumutulong kay Caleb! Nais niyang magpatayan sina Caleb at Hannah, para malinis ang kanyang kamay. Ngayon, pumalpak si Caleb, at hindi pa rin niya alam, na si Leona si Madam X na tumutulong sa kanya para makuha si Hannah. Nais ni Leonang patayin ang mag ina!"Napasinghap si Renzelle. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Nanlaki ang mga mata niya habang hawak pa rin ang cellphone, nanginginig ang mga daliri."Ano?!" halos pasigaw niyang sabi. “Imposible. Si Leona? Siya ang... Madam X?”Tumango si Josh, na kitang-kita rin ang pagkagulat. “Renzelle, totoo ba 'yan? ‘Di ba nagkakaayos na sila ni Hannah?”"Oo nga! Araw-araw siyang nandoon, tinutulungan si Hannah, inaalagaan si Hope—paanong siya?!" Halos hindi makapaniwala si Renzelle. Ngunit sa puso niya, may biglang gumuhit na duda."May ipinadala akong file," sabi ni Rico sa kabilang linya. "Voice recording, screenshots ng chat nila ni Caleb—lahat. Si Leona ang utak ng lahat. Lahat ng kilos ni
..Nagkatinginan sina Edward at Hannah, sabay ngiti.“Ginusto na rin siguro ng Diyos na magkahiwa-hiwalay tayo noon,” sabi ni Hannah. “Para mahanap ko kung sino talaga ang dapat kong piliin—hindi lang para sa sarili ko, kundi para sa anak ko.”Napayuko si Leona, ngunit may ngiting sumilay sa kanyang labi. “Siguro nga. At ngayon, gusto kong ayusin kahit konti man lang sa mga pagkukulang ko. Ayokong may mangyaring masama kay Hope… o sa inyo.”"Salamat sayo.."Nanatili doon si Leona ng matagal na oras, bago nito naalala si Renzelle."Nasaan si Renzelle?""Umuuwi siya kapag araw, sa gabi siya bumabalik. Nagkabalikan na kasi sila ni Josh."Oh, tingnan mo nga naman ang pagkakataon, buti naman at nagkabalikan na sila."Marami pa silang napagkwentuhan, hanggang naisipan ng magpaalam ni Leona."Aalis na ako.. babalik ako upang madalaw kayong muli.." nakangiting sabi nito.LUMIPAS ang araw, laging naroroon si Leona. Tumutulong ito pag aalaga kay Hope sa araw, habang sa gabi naman ay si Renzelle
SA OSPITAL – LOOB NG KWARTO NINA HANNAH AT EDWARD..Katatapos lang suyuin ni Edward si baby Hope sa kanyang bisig, habang si Hannah naman ay maingat na inaayos ang kumot ng bata sa crib. Tahimik ang paligid, para bang isang sandaling pahinga sa gulo ng mga nakaraang araw.Naputol ang katahimikan nang bumukas ang pinto.“Leona?” gulat na gulat ang boses ni Hannah.Pumasok si Leona, may kasamang kaba at pagmamadali sa kilos. Agad siyang lumapit sa kanila at walang pag-aalinlangang niyakap si Hannah ng mahigpit.Hindi nakakilos si Hannah, labis ang kanyang pagkabigla. Ang alam niya, galit sa kanya ang babae, bakit siya niyakap nito ngayon?"Kumusta naman kayo dito?" tanong ni Leona, sabay tingin kay baby Hope. May ngiti sa kanyang mukha—pero saglit lang iyon bago ito napalitan ng galit. “Napakawalanghiya talaga ng Caleb na ‘yan!”Napatingin sina Edward at Hannah sa isa’t isa, bahagyang nabigla sa bigat ng sinabi."Nagtago rin ako dahil sa kanya," patuloy ni Leona habang iniikot ang panin