Share

Chapter 115

Penulis: Middle Child
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-20 21:13:21

Tumango si Edward, mabigat ang bawat hakbang niya papasok sa silid ng ospital. Para siyang binagsakan ng langit at lupa sa natuklasan.

Nandoon si Hannah, nakahiga, maputla at may nakakabit na swero sa kamay. Tila isang basag na porselana—marupok, mahina, at tila isang ihip ng hangin na lang ang bubura sa kanya sa mundo.

Ang magandang mukha ng kanyang asawa, ay parang naging sa isang multo na lamang.

Lumapit siya, dahan-dahan, at umupo sa gilid ng kama. Marahan niyang hinawakan ang kamay nito. Malamig. Manipis. Hinaplos haplos niya iyon.

“Hannah…” bulong niya, pero hindi pa rin ito gumagalaw.

Ipinikit niya ang mga mata, pilit pinipigil ang luha. Sa dami ng pinagdaanan nito, ngayon pa ba ito susuko? Binantayan niya ng matagal ang babae, from ninong to asawa, pero hindi man lang niya nalaman ang kalagayan ng kalusugan nito. Nagkulang siya sa pagbabantay, may nakaligtas sa kanyang detalye ng buhay nito.

Nasa ganung pag-iisip siya nang gumalaw ang mga daliri nito.

“Ni-ninong?” mahinang tin
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Rubina Faustino
gusto q ang part na to nakakaiyak Sana gumaling p c Hanna at matutunan na sya magaling ni Edward mas bagay sila kisa Kay caleb.thanks miss A satisfied aq sa update m today. more update p plese
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 115

    Tumango si Edward, mabigat ang bawat hakbang niya papasok sa silid ng ospital. Para siyang binagsakan ng langit at lupa sa natuklasan.Nandoon si Hannah, nakahiga, maputla at may nakakabit na swero sa kamay. Tila isang basag na porselana—marupok, mahina, at tila isang ihip ng hangin na lang ang bubura sa kanya sa mundo.Ang magandang mukha ng kanyang asawa, ay parang naging sa isang multo na lamang.Lumapit siya, dahan-dahan, at umupo sa gilid ng kama. Marahan niyang hinawakan ang kamay nito. Malamig. Manipis. Hinaplos haplos niya iyon.“Hannah…” bulong niya, pero hindi pa rin ito gumagalaw.Ipinikit niya ang mga mata, pilit pinipigil ang luha. Sa dami ng pinagdaanan nito, ngayon pa ba ito susuko? Binantayan niya ng matagal ang babae, from ninong to asawa, pero hindi man lang niya nalaman ang kalagayan ng kalusugan nito. Nagkulang siya sa pagbabantay, may nakaligtas sa kanyang detalye ng buhay nito.Nasa ganung pag-iisip siya nang gumalaw ang mga daliri nito.“Ni-ninong?” mahinang tin

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 114

    ISINUGOD ni Renzelle si Hannah sa ospital. Namumutla ang babae at nangingitim ang mga labi. Nag alala siya dahil habang namamasyal sila, halos magcollapse na ito."Wag mong tatawagan si Edward.." bilin nito sa kanya.Hindi niya malaman ang gagawin, ayaw naman niyang magalit ito sa kanya.Pero kailangan!Hindi na maaaring ipagsawalang bahala ito.Wala na siyang pagpipilian, agad niyang tinawagan si Edward.Kasalukuyan namang nasa opisina ang lalaki at umaattend ng meeting.Matapos makita ang pangalan ng caller, agad siyang kinabahan. Baka kung ano ang nangyari1"Yes, Renzelle?" tanong agad niya."Nasa ospital ako, sa Manila general Hospital, dinala ko siHannah, namumutla siya. Pumunta ka agad dito!" nagpapanik ang boses ng babae."Bakit? anong nangyari?" nag aalala niyang tanong."Kanina, namamasyal kami, sabi ko pa, bakit gagala pa kami, baka hindi niya kayanin, ayun, biglang sumama ang pakiramdam niya."Agad na tumayo si Edward mula sa upuan, hindi alintana ang mga kasamahan sa meeti

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 113

    "NAPANIWALA mo naman siya?" tanong ni Romina kay Miraflor habang magkasama sila sa higaan at naglalambutsingan."Hmm, oo, kilala ko ang anak ko, mabilis maniwala sakin yun," mayabang niyang sagot."Paano kung kausapin niya si Hannah?" muling tanong ni Romina."Hindi niya gagawin yun, galit yun sa kanya," kibit balikat na sagot ni Miraflor, saka sin*psip ang kaliwang dibdib ni Romina, "alam mo, ang ganda ng bo*bs mo.. hindi laylay, saka napakasexy mo pa rin.." hinihimas himas pa niya ang balat ng babae."Kailangan no. Kung ipagpalit mo ko?" saka hinaplos ni Romina ang ulo ni Miraflor. Napapaliyad siya sa ginagawa ng babae.Noon, akala niya, kaibigan lang ang turing sa kanya ni Miraflor. Pero siya, siya ang unang nakaramdam ng kakaiba para dito, in short, tinukso niya ito.Bisexual talaga siya.. una niyang inagaw ang asawa niyang si Raul sa kasintahan nitong si Josie. Nagkaanak sila, si Leona.Noong una, masaya sila. Akala niya, perpekto na ang lahat. Hanggang muling mag cross ang landa

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 112

    PAIKOT IKOT sa salas si Caleb, saka sinubukan muling tawagan ang ina. Wala pa ring tugon mula kay Miraflor!Nag aalala na siya, dahil dalawang araw ng hindi umuuwi ang kanyang ina.Inayos niya ang sarili at magtutungo na sa istasyon ng pulisya, ng biglang bumukas ang pinto-- ang kanyang ina!"Mom!" nagmamadali niyang nilapitan ang ina, "saan kayo galing?""Wala, namasyal lang.." pabalewalang sagot nito.Napakunot-noo si Caleb. Hindi niya maikubli ang inis at pag-aalala na nararamdaman."Namasyal? Dalawang araw kayong nawala, Mom! Wala man lang kayong text, tawag? Akala ko kung ano na ang nangyari sa inyo!" mariin niyang sambit.Hindi sumagot agad si Miraflor. Tuloy-tuloy lang ito sa paglakad papunta sa kusina, para bang hindi apektado sa tensyon sa tinig ng anak."Grabe ka naman. Matanda na ako, Caleb. Hindi mo kailangang magpanic," anito habang binubuksan ang refrigerator at kumuha ng malamig na tubig.Sinundan siya ni Caleb, ngayon ay halatang naiirita na. "Mom, hindi 'yon ang punto.

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 111

    Paglabas ni Hannah ng restaurant, ramdam niya ang bigat sa dibdib. Hindi dahil sa nakita niya si Josh na galit kay Renzelle, kundi dahil muling bumalik sa kanya ang takot—takot na baka, sa dulo ng lahat ng ito, siya pa rin ang masasaktan.Dahil sa kanyang kondisyon, alam niyang limitado ang panahon niya. At habang ang plano niya para sa paghihiganti ay unti-unti nang nabubuo, hindi niya maiwasang mapaisip… sulit ba ito?Habang naglalakad, biglang umambon. Maliliit na patak sa una, pero maya-maya, tila may galit ang langit. Wala siyang dalang payong, at sa dami ng iniisip niya, nakalimutan na niyang magsuot ng jacket.Tumakbo siya papunta sa isang waiting shed. Mula roon, natanaw niya ang isang mag-inang magkayakap, parehas na basang-basa ngunit nagtatawanan. Ramdam niya ang init ng pagmamahal sa simpleng eksenang iyon, at parang may humaplos sa puso niya.“Hindi ko dapat tinatapon ang oras ko sa galit,” bulong niya sa sarili. “May anak akong parating. At kung totoo ngang malapit na an

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 110

    "TALAGA?" gulat na tanong ni Hannah kay Renzelle, "kailan pa sila naghiwalay?""Matagal na daw walang sila, kumakapit na lang si Raul Bermudez sa Romina na yun, at ngayon, may kanya kanya na silang buhay.. Hayaan mo na, deserve naman ni Leona ang masaktan ng todo. Sa sama ng ugali ng babaeng yun, baka nga mamaya, hindi pa siya affected sa mga ganap sa buhay niya."Napaisip siya. Parang ang laking karma naman ang nangyayari kina Leona at Caleb.. Iba talaga gumalaw ang Panginoon Mukhang bago siya mamatay, makakaganti na siya ng over load sa mga umapi sa kanya.Akala siguro ng mga iyon ay walang Diyos na siyang nakakakita ng lahat ng bagay.Masama man, subalit natuwa siya sa pinagdadaanan ng mga iyon. Matagal na niyang pangarap na makaganti, at ngayon nga, natutupad na iyon.Ang pasakit na ibinigay ng mga ito sa kanya ay mawawala lamang, kapag tuluyan na ang mga iyon na bumagsak.Pero-- parang hindi tama ang iniisip niyang iyon.“Hindi ko alam kung dapat akong matawa o maawa,” bulong ni

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status