Pagkarating niya sa café, agad niyang nakita si Leona. Nakaupo ito sa sulok, gaya ng dati, may hawak na mainit na tasa ng kape at tila kinakabahan. Nang makita siya, agad itong tumayo, ngumiti nang pilit, at kinawayan siya.Umupo si Caleb sa tapat nito, pilit na itinago ang bigat ng emosyon sa kanyang dibdib. Napatingin si Leona sa kanyang mga mata, at tila nakita ang luhang pilit na ikinukubli.“Salamat sa pagpunta,” bungad ni Leona, sabay abot ng isang paper bag. “Pasalubong ko galing Baguio. Naalala ko kasi, gusto mo ng strawberry jam.”Kinuha niya iyon at pinilit ngumiti. “Salamat. Pasensya ka na kung… parang lutang ako ngayon.”“Okay lang,” sagot ni Leona, pinipilit din ang tapang. “Kaya nga gusto kong makipagkita. Kasi… ayokong mas lalo ka pang masaktan. Ayokong isa pa akong maging dahilan ng bigat sa’yo.”Napakunot ang noo ni Caleb. “Anong ibig mong sabihin?”Huminga nang malalim si Leona bago nagsalita. “Caleb, alam kong hindi pa buo ang puso mo para sa akin. Alam kong bahagi
Napatingin siya kay Renzelle na para bang hindi niya ito kilala. Ang buong mundo niya ay biglang tumigil sa pag-ikot. Anim na buwan? Anim na buwan na lang ang itatagal ni Hannah? Parang sinaksak ang dibdib niya ng paulit-ulit.“Anong… anong ibig mong sabihin?” paos niyang tanong. “Anim na buwan? Hindi... hindi puwede ‘yan. Hindi pwedeng ganyan na lang.”“Caleb…” umiwas ng tingin si Renzelle, pilit pinipigilan ang sariling luha, “Ginawa na ng mga doktor ang lahat. Wala nang pwedeng operahan, wala nang pwedeng subukang therapy. Kung susubukan pa naming isalba siya, baka mas lumala pa. Kaya pinili na lang naming… na maging tahimik. Na gawing magaan ang huling mga araw niya.”Hindi na niya napigilan. Tumulo na ang mga luha ni Caleb habang napaupo siya sa malamig na sahig ng hallway. Tinakpan niya ang mukha gamit ang kanyang mga palad, pilit sinisikil ang hikbi na gustong sumabog.“Bakit… bakit hindi sinabi sa akin?” basag na tanong niya. “Karapatan ko… kahit paano—”“Hindi mo na siya pag-
Pagkalabas ni Caleb ng silid, parang nawala ang direksyon ng kanyang mga paa. Wala na siyang balak pumunta kung saan man. Ang tanging alam niya, masakit. Mas masakit pa sa inaasahan niya.Sa hallway ng ospital, napasandal siya sa malamig na pader, pilit pinipigilan ang pag-agos ng kanyang luha. Lalaki siya. Sanay na siyang saktan. Pero iba ang pakiramdam ngayon—ibang klase ang sakit kapag ang taong mahal mo, itinataboy ka na na parang wala kang karapatang mag-alala.Ganito rin kaya ang naramdaman ni Hannah, noong itaboy niya ito at harapan niyang pinili si Leona?"Mali ba na alalahanin siya?" mahina niyang bulong sa sarili. "Mali bang umasa na kahit kaunti... may halaga pa rin ako sa kanya?"Hindi niya namalayang nandoon na pala si Renzelle, lumabas para sundan siya.“Caleb…” mahinahon ang tinig nito, ngunit dama ang lungkot. “Sana.. hayaan mo na si Hannah na maghilom ng sugat na idinulot mo sa kanya. Hayaan mo na siyang makabangon ng maayos. Masaya na siya sa piling ni Edward."Napal
Habang binabaybay ni Caleb ang daan patungong ospital, dama niya ang mabilis na pintig ng kanyang dibdib. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang epekto sa kanya ng narinig. Hindi na sila mag-asawa, wala na silang ugnayan. Ayaw na nito sa kanya, kahit mahal niya pa ito, ngunit nang marinig ang salitang "may sakit," si Hannah, parang may tumusok sa kanyang puso.Hindi siya handang marinig iyon mula sa ibang tao. Hindi siya handang malaman iyon nang hindi galing kay Hannah mismo. Kaya ba namumutla ito palagi?Pagkarating niya sa ospital, agad siyang nagtungo sa information desk.“Excuse me, may naka-confine bang Hannah Ignacio dito?” tanong niya, kahit hindi siya sigurado kung iyon ang apelyido na ginagamit nito.Nagtinginan ang mga nurse. “Sir, patient confidentiality po—”“Kaibigan ako. Kailangan ko lang malaman kung nandito siya. Please…” Bahagyang pakiusap niya, kahit halata sa mukha ang tensyon.Mabait ang isang nurse na tila naawa sa kanya. “Sir, nasa Room 506 siya. Pero ka
Napapikit muli si Hannah, pinipigil ang tuluyang pag-agos ng emosyon sa kanyang dibdib. Mahina man ang katawan, malinaw ang sigaw ng puso niyang halos hindi na rin malaman kung kakapit pa ba o bibitiw na lang.“Edward…” mahina ngunit buo ang tono niya, “Paano kung wala na talaga? Paano kung kahit sa America, wala ring magagawa? Paano kung…”“Hindi tayo aabot sa ‘paano kung’,” putol ni Edward, marahang hinaplos ang pisngi niya, “dahil hindi pa ito ang ending. Hindi ito ang huling kabanata, Hannah. At kahit anong mangyari, hindi mo na kailangang harapin ‘to mag-isa. Kasama mo na ako.”Napatingin si Hannah sa kanya—mahina, maputla, pero puno ng damdaming noon pa niya kinikimkim.“Pasensya ka na… kung naging makasarili ako,” aniya sa pagitan ng paghikbi. “Ayoko lang na makita mo akong unti-unting nawawala… Gusto kong maalala mo ako bilang masaya, malakas… hindi ganito.”"Tapos na, okay na ang lahat. Ang mahalaga, alagaan mo ang iyong sarili at ang anak natin." nakangiting sabi ni Edward s
Tumango si Edward, mabigat ang bawat hakbang niya papasok sa silid ng ospital. Para siyang binagsakan ng langit at lupa sa natuklasan.Nandoon si Hannah, nakahiga, maputla at may nakakabit na swero sa kamay. Tila isang basag na porselana—marupok, mahina, at tila isang ihip ng hangin na lang ang bubura sa kanya sa mundo.Ang magandang mukha ng kanyang asawa, ay parang naging sa isang multo na lamang.Lumapit siya, dahan-dahan, at umupo sa gilid ng kama. Marahan niyang hinawakan ang kamay nito. Malamig. Manipis. Hinaplos haplos niya iyon.“Hannah…” bulong niya, pero hindi pa rin ito gumagalaw.Ipinikit niya ang mga mata, pilit pinipigil ang luha. Sa dami ng pinagdaanan nito, ngayon pa ba ito susuko? Binantayan niya ng matagal ang babae, from ninong to asawa, pero hindi man lang niya nalaman ang kalagayan ng kalusugan nito. Nagkulang siya sa pagbabantay, may nakaligtas sa kanyang detalye ng buhay nito.Nasa ganung pag-iisip siya nang gumalaw ang mga daliri nito.“Ni-ninong?” mahinang tin