Share

Chapter 97

Author: Middle Child
last update Huling Na-update: 2025-06-03 19:46:44

Pagkauwi ni Hannah, agad siyang sinalubong ni Renzelle sa may pintuan ng bahay. Alam niyang nabalitaan na nito ang nangyari sa kanya. Halatang halata ang pagkabahala nito, saka siya sinalubong at niyakap ng mahigpit. Halatang nakahinga na ito ng maluwag.

“Anong nangyari? Sinundan ka ba nila? Gusto mo bang pumunta na tayo sa presinto?” sunod-sunod na tanong ni Renzelle, habang inaakay siya papasok ng bahay at binigyan siya ng tubig. "Umalis ang ninong mo, at sinabing ako na muna ang bahala sayo. Marahil ay aasikasuhin niya ang kalokohang ginawa ng babaeng iyon.

Umiling si Hannah. “Hindi na kailangan. Natakot rin si Miraflor nang malaman niyang may eavesdropping app ako. Ayokong palakihin pa. Basta’t alam na nila na hindi na ako ang dating ako. Gusto kong kabahan sila sa akin.”

Napayuko si Renzelle. “Kailangan mo pa rin ng bodyguard. Baka may susunod na gawin sila. Alam mo naman ang dati mong biyenan, lahat gagawin ng dahil sa salapi.”

“Wala silang lakas ng loob, lalo na kung alam nilan
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 101

    "SAAN KA GALING?!" galit na tanong ni Miraflor sa kanyang anak. Sa loob ng ilang linggo, muling bumalik si Caleb sa kanilang bahay, bitbit ang payat na katawan at sugatang puso."Ma, wag niyo muna akong pagalitan ngayon, pagod ako.." mahina niyang tugon."Pagod? saan ka napagod ha? Ano? nakalapit ka ba kay Hannah? napiulit mo ba siyang bumalik sayo? sana naman, may maganda kang balita. Ginagawa na namin ni Leona ang lahat kahit nasasaktan lang si Leona, para lang mapagbigyan ka..""Mapagbigyan ako, o magawa ang plano niyo?" sagot niya sa kanyang ina."Pareho na din yun. Tandaan mo, ginagawa namin ang lahat ng ito para mabawi ang nawala sa atin. Kapag nakuha na muli natin ang kapangyarihan sa International Trading Company, maaari na ulit nating dispatsahin ang babaeng iyon at--" isang lagapak ng pinto ang narinig ni Miraflor."Lintik na to!" inis na sabi niya, "Hoy, Caleb, napakawalanghiya mo talagang anak! bastos!" pagtutungayaw niya. "Napakawalang utang na loob ng batang ito!"Biglan

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 100

    “Kasi, hindi sila masaya sa buhay nila.”Pagkasabi ni Hannah nito, saglit siyang tumigil sa paglalakad at tiningnan ang paligid. Nasa harap na pala sila ng isang coffee shop. “Tara, kape muna tayo. Libre ko,” aya niya kay Renzelle.“Talaga? Aba, swerte ko ngayon ah,” natatawang sagot ng kaibigan habang sabay silang pumasok sa café.Umupo sila sa isang sulok, tanaw ang kabuuan ng mall sa malalawak nitong bintana. Tahimik na um-order si Hannah ng dalawang cappuccino at blueberry cheesecake para sa kanila. Habang naghihintay, tinitigan niya ang sariling repleksyon sa salamin. Wala na ang dating Hannah na puno ng lungkot sa mga mata. Pero kahit papaano, hindi pa rin niya maikakailang may bakas pa rin ng sakit doon—mga sugat na iniwan ni Caleb.“Kung tatanungin mo ko, Hannah,” sabi ni Renzelle habang inaabot ang baso ng tubig, “kahit anong lakas mo ngayon, kahit gaano ka pa kasaya kay Edward, may parte pa rin sayo na hindi mo pa nasasara.”“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Hannah, bagam

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 99

    Naglalakad si Hanna sa mall kasama si Renzelle, ng makasalubong na naman nila ang mga babaeng walang dangal, sina Ellaine at Leona.Nakasimangot si Leona na tumingin sa kanyan, hanggang unti unting lumuwag ang kunot ng noo nito saka ngumiti.Naglakad ito papalapit sa kanila."Hi ,Hannah," bati nito, "kumusta ka na?""Okay lang, lalo na nung hindi ko na kayo nakikita.." nakasimangot na sagot ni Hannah."Ganun ba?" hindi maaaring magalit si Leona. Masisira ang plano nila ni Miraflor kapag pinatulan niya ang panunuya ni Hannah. Ngumiti siya."Nakakaawa naman si Caleb, nasa opisina niya, laging lasing.." napailing si Leona, kung ako lang ba ang kailangan niya, matutulungan ko siya.""Eh ano namang pakialam ko dun?" sagot ni Hannah, "Di ba, ikaw na ang kinakasama ng dati kong asawa? bakit hindi ikaw ang mag asikaso?""Hiwalay na kami ni Caleb, hannah, at alam kong may pagtingin ka pa rin sa kanya.. magkakaanak na nga kayo, hindi ba?" sagot ni Leona."Leona, sino namang may sabi sayong mah

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 98

    ISANG madungis, mabaho at nakakarimarim na Caleb ang nadatnan ni Leona sa opisina. Magulo ang lamesa, nagkalat ang mga papel at bote ng alak. Lumabas siya para alamin kung ano ang nangyayari."Pinababa na po siya sa pwesto. Tapos, bigla na siyang tumigil magtrabaho. Ayaw niyang umuwi, ayaw niyang maligo, ni magbihis.. Ilang beses na namin siyang kinukumbinsi, subalit nagagalit siya." paliwanag ng sekretarya."Ano daw ang dahilan bukod diyan?" tanong pa niya dito."Hindi ko po alam ma'am.."Minabuti niyang tawagan si Miraflor upang ibalita kung ano ang nangyayari kay Caleb.Saglit na nag ring ang telepono, bago iyon sagutin, "Hello?""Mommy, ako to, si Leona..""Oh, bakit? may problema ba?""Mommy.. si Caleb, talagang pinabayaan na ang kanyang sarili.." sumbong niya sa ina ni Caleb.Narinig niya ng bumuntung hininga ito, saka muling nagsalita, "Leona, hayaan mo muna siya, pumunta ka dito sa bahay at mag usap tayo. Mahalaga ang sasabihin ko sayo.."Bahagyang napatigil si Leona sa kinata

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 97

    Pagkauwi ni Hannah, agad siyang sinalubong ni Renzelle sa may pintuan ng bahay. Alam niyang nabalitaan na nito ang nangyari sa kanya. Halatang halata ang pagkabahala nito, saka siya sinalubong at niyakap ng mahigpit. Halatang nakahinga na ito ng maluwag.“Anong nangyari? Sinundan ka ba nila? Gusto mo bang pumunta na tayo sa presinto?” sunod-sunod na tanong ni Renzelle, habang inaakay siya papasok ng bahay at binigyan siya ng tubig. "Umalis ang ninong mo, at sinabing ako na muna ang bahala sayo. Marahil ay aasikasuhin niya ang kalokohang ginawa ng babaeng iyon.Umiling si Hannah. “Hindi na kailangan. Natakot rin si Miraflor nang malaman niyang may eavesdropping app ako. Ayokong palakihin pa. Basta’t alam na nila na hindi na ako ang dating ako. Gusto kong kabahan sila sa akin.”Napayuko si Renzelle. “Kailangan mo pa rin ng bodyguard. Baka may susunod na gawin sila. Alam mo naman ang dati mong biyenan, lahat gagawin ng dahil sa salapi.”“Wala silang lakas ng loob, lalo na kung alam nilan

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 96

    Natulala si Caleb sa mariing sampal ng kanyang ina. Sa tagal ng panahon, ngayon lang siya sinaktan nito nang ganoon. Hindi dahil sa pisikal na sakit siya nasaktan, kundi sa kahulugang dala nito—ang pagkadismaya, ang pagkasuklam, at ang bigat ng pagkatalo na tila lahat ay isinisisi sa kanya.“Mama…” mahina niyang tawag.“Anong mama-mama?!” sigaw ni Miraflor, habol ang hininga, “giniba mo ang lahat ng itinayo ko! Giniba mo ang pangalan ng pamilya natin! Sa babae lang, Caleb! Sa isang babaeng walang kwenta!”"Si Hannah ay hindi—"“Hindi ano? Hindi kaladkarin? Hindi traydor? Caleb! Muntik na tayong makulong noon dahil sa kanya! Muntik na tayong gumuho! Tapos ngayon, ibibigay mo lang lahat ng ito sa isang Edward Ignacio?!”Hindi sumagot si Caleb. Tinitigan lang niya ang kanyang ina, ang babae na itinuring niyang haligi ng kanyang buhay, ngunit ngayon ay tila naging demonyo ng kanyang konsensya. Hindi siya makapagsalita. Wala siyang maisagot. Sapagkat sa kaibuturan ng puso niya, alam niyang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status