ISANG madungis, mabaho at nakakarimarim na Caleb ang nadatnan ni Leona sa opisina. Magulo ang lamesa, nagkalat ang mga papel at bote ng alak. Lumabas siya para alamin kung ano ang nangyayari."Pinababa na po siya sa pwesto. Tapos, bigla na siyang tumigil magtrabaho. Ayaw niyang umuwi, ayaw niyang maligo, ni magbihis.. Ilang beses na namin siyang kinukumbinsi, subalit nagagalit siya." paliwanag ng sekretarya."Ano daw ang dahilan bukod diyan?" tanong pa niya dito."Hindi ko po alam ma'am.."Minabuti niyang tawagan si Miraflor upang ibalita kung ano ang nangyayari kay Caleb.Saglit na nag ring ang telepono, bago iyon sagutin, "Hello?""Mommy, ako to, si Leona..""Oh, bakit? may problema ba?""Mommy.. si Caleb, talagang pinabayaan na ang kanyang sarili.." sumbong niya sa ina ni Caleb.Narinig niya ng bumuntung hininga ito, saka muling nagsalita, "Leona, hayaan mo muna siya, pumunta ka dito sa bahay at mag usap tayo. Mahalaga ang sasabihin ko sayo.."Bahagyang napatigil si Leona sa kinata
Pagkauwi ni Hannah, agad siyang sinalubong ni Renzelle sa may pintuan ng bahay. Alam niyang nabalitaan na nito ang nangyari sa kanya. Halatang halata ang pagkabahala nito, saka siya sinalubong at niyakap ng mahigpit. Halatang nakahinga na ito ng maluwag.“Anong nangyari? Sinundan ka ba nila? Gusto mo bang pumunta na tayo sa presinto?” sunod-sunod na tanong ni Renzelle, habang inaakay siya papasok ng bahay at binigyan siya ng tubig. "Umalis ang ninong mo, at sinabing ako na muna ang bahala sayo. Marahil ay aasikasuhin niya ang kalokohang ginawa ng babaeng iyon.Umiling si Hannah. “Hindi na kailangan. Natakot rin si Miraflor nang malaman niyang may eavesdropping app ako. Ayokong palakihin pa. Basta’t alam na nila na hindi na ako ang dating ako. Gusto kong kabahan sila sa akin.”Napayuko si Renzelle. “Kailangan mo pa rin ng bodyguard. Baka may susunod na gawin sila. Alam mo naman ang dati mong biyenan, lahat gagawin ng dahil sa salapi.”“Wala silang lakas ng loob, lalo na kung alam nilan
Natulala si Caleb sa mariing sampal ng kanyang ina. Sa tagal ng panahon, ngayon lang siya sinaktan nito nang ganoon. Hindi dahil sa pisikal na sakit siya nasaktan, kundi sa kahulugang dala nito—ang pagkadismaya, ang pagkasuklam, at ang bigat ng pagkatalo na tila lahat ay isinisisi sa kanya.“Mama…” mahina niyang tawag.“Anong mama-mama?!” sigaw ni Miraflor, habol ang hininga, “giniba mo ang lahat ng itinayo ko! Giniba mo ang pangalan ng pamilya natin! Sa babae lang, Caleb! Sa isang babaeng walang kwenta!”"Si Hannah ay hindi—"“Hindi ano? Hindi kaladkarin? Hindi traydor? Caleb! Muntik na tayong makulong noon dahil sa kanya! Muntik na tayong gumuho! Tapos ngayon, ibibigay mo lang lahat ng ito sa isang Edward Ignacio?!”Hindi sumagot si Caleb. Tinitigan lang niya ang kanyang ina, ang babae na itinuring niyang haligi ng kanyang buhay, ngunit ngayon ay tila naging demonyo ng kanyang konsensya. Hindi siya makapagsalita. Wala siyang maisagot. Sapagkat sa kaibuturan ng puso niya, alam niyang
PUMUNTA sila sa ospital upang makita si Dra. Marhian, subalit ang sabi ng secretary doon, nagleave daw ito. Marahil, alam na ng doctor na pupuntahan nila ang babae."Okay lang, hindi ko na naman siya balak habulin," sabi ni Edward, "Ang mahalaga sa akin ngayon, ay ang dinadala mo, na anak ko pala.. napakasaya ko..""Pero noon, nais mo itong ipalaglag.." malungkot na sabi ni Hannah.Tumingin si Edward sa babae. Bumuntunghininga, saka hinarap si Hannah ng maayos."Ayoko sana, na magkaroon ng alaala si Caleb sayo kaya naisip ko yun. Ikaw ang mahihirapan kung nagkataon. Makikita mo ang alaala niya habang buhay. Ang isa pa, gusto kong magkaroon ka ng maayos na buhay.""Pero-- Ninong-- kung sakali bang.. kung sakalai bang hindi ito sayo, halimbawa, tapos, nanganak ako at namatay, aalagaan mo ba ang bata?"Natahimik si Edward ng marinig iyon. Ano nga ba ang isasagot niya?"Wala akong maiisagot sayo sa ngayon, Hannah. Hindi naman maaaring magsinungaling ako sayo."Tahimik na bumalot ang palig
KINABUKASAN...Sinundo siya ni Renzelle sa kanilang bahay. Sa loob ng kanyang dibdib, may kirot na humahalo sa galit—galit para kay Edward na mistulang tinanggap na lang ang kanyang "kapalaran," at galit para sa babaeng doktor na tila ginamit ang propesyon upang manipulahin ang damdamin ng kanyang ninong.Habang binabaybay niya ang kalsada patungong ospital , kung saan umano nagtatrabaho si Dra. Marhian Doque, hindi niya mapigilang sariwain ang mga sandaling nakita niyang tila nasaktan ang lalaki sa kanyang tanong."Impotent." Ang salitang iyon ay tila panlimos sa dignidad ng isang lalaking tulad ni Edward—isang mabuting tao, responsable, at mapagmahal. At ngayon, habang pinaniniwala nitong hindi siya karapat-dapat maging ama, may isang buhay sa sinapupunan ni Hannah na tila sumasalungat sa lahat ng iyon."Ano? susugurin ba natin ang sinungaling na babaeng iyon?" tanong sa kanya ni Renzelle."Hindi, maghintay ka lang dito sa kotse at ako na ang papasok. Kapag hindi ako lumabas sa loob
"Matutuwa ako, siyempre.." sagot ni Edward.Sumaya ang puso ni Hannah ng marinig iyon, ngunit hindi nagtagal ang ngiti sa kanyang labi."Pero imposible.. Hannah.. ako ay-- ako ay isang impotent.." napabuntunghininga si Edward ng aminin iyon.Bilang isang lalaki, isang kakulangan ang hindi kayang makabuo ng anak. Walang kakayahang bumuhay ng binhi.Ayaw na sanang pag usapan ni Edward ang tungkol sa kanyang kakulangan, pero kailangan na niya iyong aminin kay Hannah.Napansin niya ang pagkatulala ni Hannah, at ang pagkunot ng noo nito. Parang hindi nito matanggap ang kanyang sinabi. Parang umaasa si Hannah, na iisipin niyang anak niya ang dinadala nito."Pasensiya ka na, kung hindi ko agad nasabi sayo. Ikinahihiya ko ang kakulangan kong iyon. Ayoko na sanang lumabas pa ito sa iba."Sandali nga.. sino naman ang nagsabi sayo na impotent ka?" parang naguguluhan si Hannah sa sinabi ng kanyang asawa."Matagal na, ilang taon na akong nagpacheck up, doon sa dati kong nobya at sa kaibigan ko, sa