Share

Kabanata 4: Ang Nakawan sa Kapangyarihan

“Mahigit isang buwan mula noong umakyat kayo ng bundok pero hanggang ngayon hindi pa rin nakikita ang bangkay ni Larry,” pag-aalala ni Claire habang nakahiga sa kama na katabi si Nathan.

“Pumunta ka ba dito sa condo ko para sabihin lang iyan? Iniisip mo bang buhay pa si Larry at bigla na lang magpakita sa atin,” sagot ni Nathan habang hawak ang cellphone.

“Baka nakalimutan mo na ako mismo ang tumulak sa kanya. Kitang-kita ko kung paano siya nahulog sa bangin at sinugurado ko iyon dahil ayaw ko na siyang mabuhay para tuluyan na kitang maagaw sa kanya.”

“Nararamdaman ko naman iyon kung gaano mo ako kamahal. Hindi lang talaga mawala ang takot ko na baka itong nararanasan natin na kaligayahan ay hindi magtagal,” sagot ni Claire na halatang nag-aalala.

Inilapag ni Nathan ang hawak na cellphone matapos nitong makita na nalulungkot si Claire pagkatapos ay humarap kay Claire hinawakan ang mukha at iniharap sa kanyang mukha. Dahan-dahan niya itong hinalikan sa labi.

Nawala ang lungkot at pag-aalala ni Claire na nakita sa kanyang mukha. Hindi ito nagpatalo at gumanti ng halik kay Nathan.

Halos ilang minutong naglapat ang kanilang mga labi hanggang sa gumala ang dalawang kamay ni Nathan papunta sa malulusog at mapuputing dibdib ni Claire. Hinimas ni Nathan nang dahan-dahan dahilan upang mas lalong magustuhan ni Claire ang ginagawa sa kanya.

Mabilis na umandar ang gabi sa pagitan nila Nathan at Claire na halos pinagpawisan ang buong katawan sa loob ng malamig na kuwarto.

***

Samantala sa mansyon ng mga Evangelista.

Nagising si Don Rafael ng 2:30 AM nang madaling araw sa sobrang pag-aalala sa anak nitong si Larry maya-maya pa ay nanikip ang dibdib nito.

“Margareth! Margareth!” ginigising ni Don Rafael ang kanyang asawa habang nakahawak ang kanang kamay sa dibdib.

Lingid sa kaalaman ni Don Rafael gising na pala sa oras na iyon si Donya Margareth at alam kung anong nangyayari sa kanya. Nagkunwari lang itong tulog at parang walang naririnig kahit nahihirapan ang asawa.

Ilang minuto pa ang lumipas nang mapansin ni Donya Margareth na tumigil na sa pagsasalita si Don Rafael doon lang niya naisip na tuluyan nang tumalab ang gamot na ipinainom nito sa asawa. Doon lang niya naisip na itigil na ang pagkukunwaring tulog.

Upang hindi mapaghinalaan ay nagpanggap itong natataranta habang nagsisigaw sa paglabas ng kuwarto habang tinatawag ang mga kasamahan sa bahay.

Maya-maya ay lumabas ang personal at pinagkakatiwalaang driver ni Don Robert na si Mang Rudy.

“Rudy! Rudy! Buti nagising ka agad!” sigaw ni Donya Margareth na sanay na sanay na sa pagkukunwari na parang may malasakit sa asawang inatake.

“Madam, ano po ang nangyari?” tanong ni Rudy habang nakasuot pa ito ng pantulog at halatang nagulat sa pagkakagising.

“Bilisan mo inatake si Rafael dalhin natin siya sa ospital!” utos ni Donya Margareth.

Hindi na nagdalawang-isip si Rudy mabilis itong tumakbo at inihanda ang sasakyan na gagamitin saka nito binalikan si Don Rafael sa kuwarto upang akayin para maisugod sa ospital.

***

Ilang oras ang dumaan matapos maitakbo si Don Rafael sa ospital ay idineklara sa Emergency Room na patay na ito.

Nagtagumpay si Donya Margareth sa plano nitong patayin ang asawa. Pinalipas lang ang isang linggo pagkatapos ilibing ang asawa ay tinawagan nito si Mr. Nelson Aguilar isa sa mga Board of Director ng Xyclone Mining Inc. ang kumpanyang pagmamay-ari ng mga Evangelista Family na itinayo at pinalaki ni Don Rafael Evangelista.

Gusto ni Donya Margareth na magpatawag ng meeting para sa mga Board of Directors para mailipat na sa kanya ang pagiging Presidente ng Xyclone Mining Inc. lalo na ngayon na patay na ang asawa niyang si Don Rafael at wala pang balita sa nag-iisang anak ni Don Rafael na si Larry Evangelista kung buhay pa ba ito o patay na.

“Magandang gabi kumpanyero! Kailangan na siguro natin pag-usapan ang pag-upo ko bilang kapalit ng yumao kong asawa bilang Presidente ng Xyclone Mining Inc.,” nakangiting bati ni Donya Margareth sa kausap na isang kaibigan, si Mr. Nelson Aguilar.

“Bilib na talaga ako sa iyo ang ganda ng ginawa mo at sakto sa lahat ng pagkakataon. Kung kasama ka lang ni Mr. Larry Evangelista noong nahulog siya iisipin ko na ikaw rin ang dahilan nang pagkamatay niya,” pagbibiro ni Mr. Nelson.

“Sinabi ko naman sa iyo na kukunin ko ang pagiging Presidente ng kumpanya mabigyan lang ako ng magandang pagkakataon,” pagyayabang ni Donya Margareth.

“Alam ko naman na darating iyon kaya lang hindi ko inaasahan na ganito kabilis,” wika ni Mr. Nelson.

“Mabilis at malinis ang ginawa ko kaya kailangan na rin sigurong bilisan mo rin upang kilalanin na ako bilang bagong Presidente nang maisakatuparan ko na ang matagal ko nang plano at pinapangarap,” sagot ni Donya Margareth habang bakas sa mga mata nito na may mga susunod pang mga plano na hindi maganda.

“Huwag kang mag-alala bukas na bukas din ay magpapatawag ako ng urgent meeting para sa mga Board of Directors,” pagsang-ayon ni Mr. Nelson sa gustong mangyari ni Donya Margareth.

***

Halos isang linggo ang lumipas ay dumating na rin sa wakas ang araw na pinakahihintay at hinahangad na meeting ni Donya Margareth. Halos kumpleto ang lahat ng mga Board of Directors, tanging si Larry lang ang wala.

“Magandang umaga sa inyong lahat. Siguro hindi na kaila sa inyo kung bakit tayo biglang nagpatawag ng meeting,” paunang bungad na pagbati ni Mr. Nelson sa mga kapwa niya Board of Directors.

“First of all I would like to nominee Mrs. Margareth Evangelista as the next Presidente and CEO of Xyclone Mining Inc,” dugtong ni Mr. Nelson kasunod ang malakas na palakpakan na tanda na halos sumasang-ayon ang lahat ng Board of Directors na si Donya Margareth na ang susunod na magiging Presidente ng kumpanya.

“Maliban kay Mrs. Margareth Evangelista may gusto pa ba kayong i-nominate?”

Wala nang nagtangka kahit isa sa mga Board of Directors na i-challenge si Donya Margareth bilang Presidente at CEO ng kumpanya ng Xyclone Mining Inc. Mabilis na natapos ang pagpili nang papalit kay Don Rafael.

“Una sa lahat ay nagpapasalamat ako sa tiwalang ibinigay ninyo sa akin. Alam ko na hindi ganoon kadali ang responsibilidad at mamuno sa isang malaking kumpanya na gaya ng Xyclone Mining Inc.,” wika ni Donya Margareth.

“Sa unang araw ng pag-upo ko bilang CEO at Presidente ay gusto kong ipakilala sa inyo ang bago nating makakasama na magiging Board of Director na papalit sa iniwang posisyon ng aking anak na si Larry Evangelista,” dugtong ni Donya Margareth.

Nabigla ang lahat sa sinabi ni Donya Margareth lalong-lalo na si Atty. Rene Salazar, isa ring Board of Directors na kaibigan at abogado ni Don Rafael. Pinutol niya ang pagsasalita ng bagong elect na CEO at Presidente.

“Saglit lang, Donya Margareth, maaari bang maputol muna kita sa iyong pagsasalita. Tama ba ang narinig namin na may ipapalit ka na kay Larry?” tanong ni Atty. Rene.

“Tama ang narinig mo Atty. Rene! Kailangan na natin palitan si Larry gaya ng ginawa natin sa pagpalit sa asawa ko.”

“Pasensya ka na Madam, hindi naman sa kumukontra ako sa mga plano mo, hindi ba masyado pang maaga para palitan si Larry gayong hindi pa naman napapatunayan na patay na siya dahil hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ang bangkay nito,” dugtong ni Atty. Rene.

“Atorney, baka nakalimutan mo kung may tao mang nasasaktan sa nangyari kay Larry ay siguro ako iyon, kahit hindi ako ang biological na ina niya ay hindi na iba sa akin ang batang iyon. Ang gusto ko lang naman ay mag-moveon sa mga sunod-sunod na kamalasan na nangyayari sa buhay ko,” pagdradrama ni Donya Margareth upang makuha nito ang simpatya ni Atty. Rene at ng ibang kasamahan.

Hindi na nakaimik si Atty. Rene kaya bumalik na lang ito sa kanyang pagkaupo tanda na sumasang-ayon na ito sa gustong mangyari ni Donya Margareth kahit labag sa kalooban niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status