Dumating si Mang Karding sa lugar kung saan niya nakita si Larry.
Agad niyang nakita ang isang malaking bag na halos nabalutan ng alikabok, may kaunti itong punit at talsik ng dugo. Kinuha ito ng matandang lalaki at iginala ang mga mata na baka may makita pa itong ibang gamit na kasama ng bag na makatuulong upang makilala si Larry.Maya-maya ay may narinig si Mang Karding na kaluskos at ingay ng mga taong nag-uusap. Mabilis na kumaripas ng takbo ang matanda upang hindi siya maabutan ng mga taong parating na dala-dala ang bag ni Larry.Mabuti na lamang ay wala sa kanyang nakakita o nakapansin man lang habang palayo ito sa lugar nang pinagbagsakan ni Larry.“Mga Sir, andito na po tayo sa lugar na maaaring pagbagsakan ng kaibigan ninyo, kaya lang sa sobrang lawak nito hindi natin masasabi kung gaano tayo matatagalan sa paghahanap,” sagot ng isang Rescuer na kasama nila Nathan at Gilbert. ”Hindi po ba ninyo kabisado ang lugar na ito o wala man lang ba kayong ibang paraan para mapabilis ang paghahanap? Nang mahanap agad ang kaibigan namin?” pagtatanong ni Nathan na parang nag-aalala kay Larry. “Sa ngayon Sir, kailangan lang talaga natin na bilisan ang paghahanap dahil kalaban din natin ang oras. Ang maipapangako po lang natin ay gagawin namin ang lahat para mahanap sa abot ng aming makakaya. Habang hinahanap po namin siya ay mas magandang umuwi na lang po muna kayo upang makapagpahinga. Mag-iwan na lang kayo ng contact number para mabilis namin kayong ma-update sa nangyayari pong paghahanap,” sagot ng Team Leader ng mga Rescuer.“Tama siya Nathan, kailangang umuwi muna tayo para hindi tayo makaabala sa paghahanap nila at maibalita na rin natin ang nangyari sa kanya,” pagsang-ayon ni Gilbert.***Samantala sa tahanan nila Mang Karding.“Anong nangyari sa iyo bakit ka hinihingal?” tanong ni Aling Cecilia matapos nitong magulat sa biglaang pagbukas ng pinto nang dumating ang asawa na si Mang Karding.“May narinig akong mga lalaki na parating sa lugar kung saan ko nakita ang lalaking ito kaya mabilis akong kumaripas nang takbo para hindi nila ako makita o masundan,” pagpapaliwanag ni Mang Karding habang hinahabol ang kanyang hininga.“Karding, hindi ka ba natatakot na baka masamang tao itong tinutulungan natin at ang mga taong naghahanap sa kanya ay mga pulis o mga taong ginawan niya nang hindi maganda?”“Cecilia, malakas ang kutob ko na mabuting tao siya, pero aaminin ko nagdalawang-isip ako noong una kung tutulungan ko ba siya. Sinubukan kong magkunwari na hindi ko siya nakita pero nangibabaw pa rin ang awa ko,” wika ni Mang Karding habang nakatingin kay Larry.***Lumipas ang mahigit isang buwan dumating sa bahay nila Mang Karding at Aling Cecilia ang kanilang nag-iisang anak na si Gwen. Ngunit ang tanging nasa loob lamang ng bahay ay si Larry na medyo nagpapagaling pa rin sa mga sugat na nakuha niya.Pinangalanan nilang Erik dahil nagkaroon ito ng amnisya pagkatapos nitong mahulog sa bangin.“Nay! Tay! Andito na po ako,” masiglang bati ng magandang dalaga na si Gwen nang biglang lumabas si Erik na tanging naka-short lamang at walang pantaas na damit.Nanlaki ang mata ni Gwen nang makita niya ang makisig na katawan ni Erik pero may suot pa rin itong tela sa kanyang ulo dahil hindi pa lubos na magaling ang mga sugat nito.“Siguro, ikaw si Gwen, ang anak nila Tito Karding at Tita Cecilia?” mahinahong tanong ni Erik habang inaayos ang habang hawak nito ang kanyang ulo na halatang iniinda pa rin ang kirot ng mga sugat.“Bakit mo ako kilala? Asan ang mga magulang ko?” tanong nang naguguluhan at nalilitong si Gwen habang hawak-hawak pa nito ang kanyang mga dalang bag.“Huwag kang matakot hindi naman ako masamang tao. Higit sa lahat hindi ako magnanakaw sigurado akong ganyan ang iniisip mo,” pagpapaliwanag ni Erik habang papunta ito sa kusina upang tignan kung ano ang maaaring ialok sa bagong dating na anak nila Mang Karding at Aling Cecilia.“Anong ginagawa mo diyan sa kusina? Siguro naghahanap ka kung ano ang puwedeng manakaw.” Pinipilit ni Gwen na huwag ipahalata na habang nanginginig ang boses dahil sa takot na baka saktan siya ni Erik.“Nagugutom ka ba? Gusto mo bang ipaghanda kita nang makakain?” pagmamagandang loob ni Erik habang naglalakad ito papalapit kay Gwen.“Huwag kang lalapit, hanggang diyan ka lang kung ayaw mong sumigaw ako,” pagbabanta ni Gwen kahit takot na takot na ito na baka kung anong gawin sa kanya ni Erik.“Bakit ka ba natatakot? Hindi naman ako masamang tao,” tanong ni Erik pero patuloy pa rin ito sa paghakbang papalapit kay Gwen.Hindi na napigilan ni Gwen ang takot. “Magnanakaw! Magnanakaw!” sigaw ni Gwen habang napaatras ito dahil sa naghahalo ang takot at pagkataranta.“Huwag kang sumigaw, sinasayang mo lang ang boses mo. Wala namang ibang makaririnig na ibang tao dahil nasa kabundukan tayo,” awat ni Erik sa takot na takot na si Gwen.Mas lalong natakot si Gwen nang marinig niya ang sinabi ni Erik ngunit tumigil ito sa pagsigaw pero patuloy pa rin sa pagsasalita. “Huwag kang lalapit sa akin, masama kang tao!”Nang biglang dumating ang mag-asawang sila Mang Karding at Aling Cecilia.“Ano bang nangyayari sa iyo anak? Dinig na dinig ang boses mo kahit nasa kabilang ibayo pa kami ng Tatay mo,” awat ni Aling Cecilia sa anak na nagwawala sa takot.“Oo nga pala, hindi pa pala kayo magkakilala at ngayon lang kayo nagkita ng pinsan mong si Erik,” dugtong ni Aling Cecilia.“Pinsan?” pagtataka ni Gwen dahil simula pa noong bata hanggang sa marating niya ang edad niya ngayon ay wala siyang matandaan na ikinuwento man lang ng mga magulang niya na meron pala siyang pinsan.“Oo anak, pinsan mo si Erik. Andito siya sa bahay para magbakasyon at magpagaling na rin dahil nagkaroon siya ng amnisya kaya wala rin siyang matandaan sa nangyari sa kanya,” paliwanag ni Aling Cecilia habang papunta sa kusina upang maghanda ng makakain.“Paano babalik ang memorya niya kung dito siya magbabakasyon? Di ba mas maganda kung ang napupuntahan at nakikita niya ay iyong mga dating lugar na napuntahan niya?”Nagkatingin ang mag-asawa sa sinabi ng anak nilang si Gwen. Sa takot na baka mabuko sa pagsisinulang tungkol sa totoong pagkatao ni Erik ay agad na pinutol ni Mang Karding ang usapan at nag-aya nang kumain.***Samantala sa mansyon ni Don Rafael.“Kumusta na ang lakad ninyo? Nakita na ba ninyo ang anak ko?” mahinahong tanong ni Don Rafael habang nakaupo ito sa paborito niyang upuan na matatagpuan sa loob ng malaking sala.“Sir ikinalulungkot ko pong ibalita na nakita na ang katawan ng inyong anak na si Larry. Medyo inaagtas na po siya kaya hindi na siya halos makilala. Tanging ang mga suot na lang niya ang nagpatunay nang makita ito ng mga kaibigan niyang nakasama niya sa pag-akyat ng bundok,” wika ng imbestigador na kinuha ni Donya Margareth na asawa ni Don Rafael, ngunit hindi totoong ina ni Larry.Hindi na nakapagsalita si Don Rafael sa narinig. Maya-maya ay umagos na ang luha nito habang ang kanang kamay ay nakahawak sa kanyang dibdib.Tumayo si Don Rafael at pumasok sa kanyang kuwarto dahil sa paninikip ng dibdib nito. Habang hinatid ni Donya Margareth ang mga imbestigador sa labas ng kanilang mansyon.“Magaling ang pagkakabalita mo,” wika ni Donya Margareth at iniabot ang malaking halaga ng pera.“Salamat Madam! Siguradong maya-maya ay aatakehin na si Don Rafael dahil sa maling balita na ipinakalat natin tungkol sa kanyang anak,” wika ng nakangiting pekeng imbestigador na inupahan ni Donya Margareth para lokohin ang asawang may sakit sa puso.Pagkauwi ni Erik sa tinutuluyan niyang bahay galing sa bahay nila Leslie ay napansin siya ni Niknok na parang balisa at hindi mapakali. “Kuya Erik, anong nangyayari sa iyo, bakit parang may malalim kang iniisip at hindi ka mapakali?” pagtatakang tanong ni Niknok. “Pasensya ka na Nok, huwag mo na lang ako pansinin, ok lang naman ako,” pagtatago ng lihim ni Erik. “Maganda siguro Kuya kong kumain muna tayo, sakto at katatapos ko lang din magluto,” pag-aaya ni Niknok habang inaayos ang mga pagkain sa mesa. Hindi na pinilit ni Niknok na tanungin ulit si Erik kung ano ang pinoproblema. Kung nagtiwala lamang sana si Erik kay Niknok ay malaki ang maitutulong nito sa kanyang iniisip dahil alam lahat ng binatilyo kung ano talaga ang totoong nangyari sa kanilang dalawa ni Leslie. Tinanggihan din ni Erik ang alok na pagkain ni Niknok kaya pumasok na lamang ito sa kuwartong tinutulugan upang makapagsarili at makapagmuni-muni kung ano ang susunod niyang gagawin sa nangyari. *** Ilang araw
Nakatulog sa tabi ni Erik si Niknok habang sa sobrang asar ni Leslie ay natulog na lang sa kabilang kuwarto. Kinaumagahan maagang nagising si Niknok dahil sa pag-aalala na baka pasukin ng mga magnanakaw ang bahay ni Gwen kaya maagang nagpaalam kay Leslie para umuwi. “Hindi ka ba muna mag-aalmusal?” tanong ni Leslie na medyo nasasabik dahil aalis na ang istorbong si Niknok at nang masolo na niya ang natutulog pa rin na si Erik. “Hindi na siguro Ate, meron namang pagkain sa bahay ni Ate Gwen at medyo nagmamadali ako,” paalam ni Niknok. Sa pag-alis na pag-alis ni Niknok ay agad na nagtungo si Leslie sa kuwartong kinalalagyan ni Erik. Nakasuot pa rin ito ng brief at walang pantaas na damit kaya bakat na bakat ang ipinagmamalaki ng binata. Agad na ni-lock ang pinto ng kuwarto ni Leslie upang wala munang mang-iistorbo sa kanila. Mabilis na hinubad ni Leslie ang suot niyang sando at maiksing short kaya ang natira na lamang sa suot niya ay ang bra at panty. Hinamas nang bahag
Matamlay na dumating si Erik sa bahay galing sa kanyang trabaho nang salubungin ni Niknok. “Kuya Erik, mukhang nanghihina ka, may sakit ka po ba?” pag-aalalang tanong ni NIknok habang tinutulungan si Erik na magbuhat sa dala nitong bag. “Ok lang naman ako, siguro medyo napagod lang sa trabaho dahil hindi pa siguro sanay ang katawan ko sa mga bagong ginagawa. Tingin ko naman isa o dalawang linggo masasanay na ang katawan ko sa araw-araw na pagtratrabaho,” mahinahong sagot ni Erik. “Kuya bakit ka naman nanghihina sa trabaho mo? Kung tutuusin mas mahihirap pa nga ang ginagawa mo noong nasa bundok pa tayo,” pagtataka ni Niknok na nakatitig kay Erik. “Alam ko na Kuya, kung bakit ka nanghihina,” dugtong na wika ni Niknok. “Ano na naman ang naisip mo? Sigurado ako kalokohan na naman ‘yan,” sambit ni Erik na medyo napangiti dahil sa nagkaroon ng hinala kung ano ang posibleng sasabihin ng kanyang kasama na si Niknok. “Kaya ka nanghihina dahil ilang araw mo nang hindi nakikita si Ate
Sa sobrang sama ng loob na nangyari kay Dra. Lorena nang mabasa niya ang sagot sa kanya sa email nang akala niyang anak na si Larry ay dumalaw na lang ito sa kanyang kaibigan na kapwa doktor na si Dr. Miguel Sanchez. “Bakit ka napadalaw?” maiksing tanong ni Dr. Miguel sa kaibigan na si Dra. Lorena. “Kaya kita pinuntahan ay hindi lang para dalawin ko kundi para magpaalam na rin,” maiksing tugon ni Dra. Lorena. “Anong sabi mo magpapaalam ka?” nagulat na tanong ni Dr. Miguel. “Saan ka pupunta? Halos kailan lang na nag-usap tayo na lalakasan mo na ang loob mo para magpakilala sa anak mong si Larry, tapos ngayon sasabihin mo sa akin aalis ka ulit. Para ano? Para magtago at maduwag ulit?” dugtong na sambit ni Dok Miguel na medyo mainit ang ulo dahil sa planong pag-iwas ulit ni Dra. Lorena sa kanyang anak. “Sana naman maintindihan mo ako. Ano pa ang gagawin ko dito kung mismong anak ko na ang ayaw akong kilalanin bilang ina niya?” pagtatampo ni Dra. Lorena. “Lorena, sa isang email lang
Matapos na umamin ni Claire kay Nathan tungkol sa kanyang pagbubuntis ay agad na nagpaalam si Nathan sa kasintahan. “Claire, pupunta pala ako kina Gilbert dahil may pag-uusapan kami tungkol sa isang project ng Xyclone Mining Inc.,” pagpapaalam ni Nathan na halatang nagdadahilan lamang para mailabas ang sama ng loob sa kaibigan. “Sigurado ka bang trabaho lang ang pag-uusapan ninyo ni Gilbert?” paghihinalang tanong ni Claire. “Napapansin ko sa iyo kapag pupunta ako kay Gilbert lagi kang nagdududa, galit ka ba sa kanya o wala ka lang tiwala sa kanya?” tanong ni Nathan na medyo naaasar sa kasintahan. “Hindi naman sa wala akong tiwala, alam ko kasi na kapag kayo ang nag-uusap madalas puro babae lang naman ang pinag-uusapan ninyo,” pagmamaktol ni Claire. “Hon, hindi naman sa ganoon. Alam mo naman si Gilbert, matagal na natin na kaibigan ang taong ‘yan kaya pinagbibigyan ko na lang kung ano ang gusto niyang pag-usapan. Kung babae wala naman masama dahil binata naman ang kaibigan ko. Kun
Nakauwi sa sariling bahay na nanlulumo si Dra. Lorena Ignacio dahil sa hindi nangyari ang kanyang inaasahan na makausap ang anak na si Larry nang maipagtapat ang totoong pagkatao at relasyon niya sa binata. Sa sobrang pagod at panghihina ay dumeretso na agad sa kanyang sariling kuwarto, hindi na naisip na maghapunan. Nang nasa loob na siya ng kuwarto ay naisipan ng doktora na buksan ang kanyang laptop. Bumulaga sa kanyang paningin ang matagal na niyang hinihintay na sagot sa email mula sa Xycone Mining, Inc. na nagnanais ng doktora na magkaroon ng appointment sa isa sa mga Board of Director ng kumpanya na si Larry Evangelista. Umasa ang doktora na mababasa niya sa email ang pagpayag ng kanyang anak na si Larry Evangelista na magkaroon sila ng appointment nang makapag-usap ng personal, ngunit kabaligtaran ang naging sagot sa email. “Maaari bang huwag na ninyo ako istorbohin, kung hangad lamang ninyo na perahan ako ay hindi kayo magtatagumpay at sana tigilan na ninyo kung ano man