Home / Romance / Love and Revenge of the Lost Billionaire / Kabanata 5: Ang Pangatlong Lalaki

Share

Kabanata 5: Ang Pangatlong Lalaki

last update Last Updated: 2024-03-24 00:23:03

“Siguro wala ng tututol sa ipapakilala ko na magiging kasama natin sa Board of Director ang papalit sa aking nawawalang anak na si Larry Evangelista, walang iba kundi si Nathan Capriano.”

Mas lalong nagulat si Atty. Rene sa ipinalit kay Larry, ang mismong kaibigan na si Nathan. Gustuhin man niyang kontrahin ay wala siyang magawa dahil alam niyang kokontrahin lang siya ng mga kapwa niya Board of Directors.

Malakas na palakpakan at sunod-sunod na pagbati ang sumalubong kay Nathan sa pagpasok niya sa Conference Area.

"Una po sa lahat maraming salamat po sa inyong mainit na pagtanggap. Maraming salamat po sa ating bagong CEO at President Madam Margareth Evangelista. Bago pa ialok sa akin ang posisyon na ito ay pinag-isipin ko muna kong karapat-dapat ba ako na ipalit sa magaling at mabait na matalik kong kaibigan na si Larry,” pagkukunwari ni Nathan na nalulungkot sa pagkawala ni Larry.

“Alam ko na may mga hindi sang-ayon at nabigla sa balitang ako ang uupo bilang bagong Board of Director,” sabay tingin kay Atty. Rene.

“Hindi ko naman sila masisisi dahil wala pa akong masyadong napapatunayan. Ang tanging mababago ko lamang ay patunayan sa kanila na mali ang pagkakakilala nila sa akin. Maraming salamat po.” Malakas na palakpakan muli ang sumunod na narinig pagkatapos magsalita ni Nathan.

“Kung wala na sigurong sasabihan ang kahit sino sa atin ay marapat na siguro nating tapusin ang meeting,” wika ng bagong CEO na si Donya Margareth.

Walang nagawa si Atty. Rene sa mabilis na pagdagdag ng bagong Board of Director kaya naman mabilis din na natapos ang meeting. Ngunit isang tanong ang nabuo sa isip ng abogado kung nagkataon lang ba na iisang tao ang papalit sa puwesto ni Larry at iyon din ang taong kasama nito noong nahulog sa bundok.

Isa-isang naglabas ang lahat ng mga Board of Directors kasama si Atty. Rene na tanging pailing-iling na lang ang nagawa. Tanging sila Donya Margareth at Mr. Nelson Aguilar ang naiwan sa Conference Area.

“Madam Margareth, binigla mo naman ako sa naging desisyon mo na ilagay si Nathan bilang pinakabagong Board of Director. Mabuti na lang ay pumayag agad ang iba kaya hindi na nakapaporma si Atty. Rene,” wika ni Mr. Nelson sa biglaang desisyon ni Donya Margareth.

“Mr. Nelson, pasensya ka na kung hindi man lang kita nasabihan. Sinadya ko kayong biglain para malaman ko kung sino ang tingin kong magiging problema ko sa kumpanyang ito,” sagot ni Donya Margareth.

“Andoon na tayo na napatunayan natin na magiging hadlang sa atin si Atty. Rene, pero kahit ano naman ang gawin niya ay wala pa rin siyang magagawa dahil wala namang papanig sa kanya sa mga Board of Directors. Ang sa akin lang ay maghinay-hinay ka naman sa mga mabilis mong desisyon, baka makahalata sila o magkaroon ng ideya kung bakit masyadong mabilis ang pag-angat ni Nathan sa Xyclone Mining Inc,” paliwanag ni Mr. Nelson Aguilar.

“Wala naman magagawa ang mga sumasalungat o sasalungat sa akin hanggang hawak natin ang majority vote ng Board of Directors. At iyan ang trabaho mo na panatilihin na nasa panig natin ang karamihan. Siguraduhin mong hindi tayo magkakaproblema sa kahit sino sa kanila kung ayaw mong sumunod kina Rafael at sa anak niyang si Larry,” sagot ni Donya Margareth habang nakatitig nang masama kay Mr. Nelson.

“Oo naman Madam, makakaasa ka sa akin tungkol sa ganyan.” Biglang nakaramdam ng takot kaya nagbago ang tono ng sagot ni Mr. Nelson nang makita niya kung paano siya tignan nang masama ni Donya Margareth.

***

Hinihintay nila Claire at Gilbert sa isang restaurant na hindi kalayuan sa opisina ng Xyclone Mining Inc. si Nathan habang tinatanggap nito ang promotion na nakuha sa nasabing kumpanya.

“Ano bang sinasabi mo Gilbert baka may makarinig pa sa iyo na ibang tao? Kalimutan mo na iyon dahil mga lasing lang tayo kaya nangyari iyon at hindi na iyon mauulit kahit kailan!” galit na wika ni Claire habang napatayo ito sa kinauupuan nito.

“Relax ka lang Beautiful, kalma at maupo ka lang,” pang-aasar ni Gilbert habang nakatawa pa ito kay Claire.

“Gilbert, please lang sana huling pag-uusap na natin ito tungkol sa bagay na ito at ibaon na natin sa limot kung anuman ang nangyari noong gabing iyon,” mahinahong pakiusap ni Claire sa muling pagbalik nito sa pagkakaupo.

“Alam mo Claire sa ganda mong iyan ay hindi ka basta madaling kalimutan ng kahit sinong lalaki. Ang iba nga diyan pumatay pa para lang makuha ang gandang iyan.” Hinawakan ni Gilbert ang kamay ni Claire at balak sanang halikan, ngunit tumanggi ang magandang babae at biglang hinila ang kamay.

“Hindi ka ba talaga mapakiusapan?” tanong ni Claire.

“Kung sabihin ko sa iyong hindi ako madaling pakiusapan,” sagot ni Gilbert habang nakangiti ito sa harapan ni Claire.

“Ano bang gusto mong gawin ko para lang tumigil at kalimutan na natin itong usapan na ito?” tanong ni Claire.

“Madali lang,” sagot ni Gilbert sabay hawak sa makinis na braso ni Claire. “Gusto ko ulit na makasama ka nang isang gabi sa aking condo at kapag pumayag ka doon ko lang sisimulan kalimutan ang iyong alindog,” sagot ni Gilbert at muling hinawakan ang kamay ni Claire at tinangkang halikan ulit ito. Sa pagkakataong ito ay hindi na tumutol si Claire.

“Kung sakaling hindi ako pumayag anong gagawin mo?” paghahamon ni Claire.

“Baka pagsisihan mo, sasabihin ko kay Nathan na may nangyari sa atin katunayan ipapadala ko pa sa kanya ang video na magkasama tayo sa aking kama. At kung sakaling tanggap niya na naging kahati ako sa katawan mo dahil sanay naman siya sa ganoon noong kayo pa ni Larry,” pananakot ni Gilbert.

“Hayop ka Gilbert! Kahit naman malaman niya ang nangyari sa atin sigurado naman akong hindi ako hihiwalayan noon,” pagmamalaki ni Claire dahil alam niya kung gaano siya kamahal ni Nathan.

“Sabagay patay na patay nga pala sa iyo ang kaibigan kong traydor. Kung ganoon siya na lang ang isusumbong ko na maykagagawan sa pagpatay kay Larry.” Hindi agad nakasagot si Claire sa sinabi ni Gilbert dahil alam niyang hindi ito nagbabanta lang o nagbibiro at kaya nitong gawin ang sinasabi niya na isusumbong niya talaga sa mga pulis si Nathan.

Medyo napatigil Sila sa kanilang usapan ng mapansin ni Gilbert na parating na si Nathan nang mapansin nito na papasok na ito sa restaurant.

“Parating na si Nathan gusto ko nang marinig kung payag ka na ba sa gusto ko?” tanong ni Gilbert.

“Oo na pumapayag na ako, siguraduhin mo lang na tutupad ka sa usapan natin.” Pumayag din si Claire sa takot na baka mapahamak si Nathan.

“Hihintayin kita mamayang gabi sa condo,” mahinang salita ni Gilbert dahil ilang hakbang na lang si Nathan sa table nila.

“Pasensya na kayo kung pinaghintay ko kayo, nainip ba kayo?” tanong ni Nathan at masayang humalik kay Claire habang nakipag-fist bump naman kay Gilbert.

“Hindi naman Pre, katunayan hindi nga namin napansin ni Claire ang oras dahil sa napakagandang napagkuwentuhan namin,” nakangiting wika ni Gilbert habang nakatingin kay Claire.

Nairita si Claire sa sinabi ni Gilbert sa hindi inaasahan ay napansin iyon ni Nathan. “Bakit parang malungkot ka Honey akala ko ba maganda ung napagkuwentuhan ninyo?” tanong ni Nathan kay Claire sabay upo sa tabi ni Claire.

“Hindi naman Hon, napagod lang ako sa ginawa ko kaganina sa office,” pagsisinungaling ni Claire.

“May nakalimutan akong gawin, kailangan ko na palang magpaalam sa inyo. Pasensya na kayo hindi ko na kayo masasamahan sa pagse-celebrate sa promotion na nakuha mo,” pagpapaalam ni Gilbert sabay sulyap ulit kay Claire na parang nagpapahiwatig na huwag kalimutan ang kanilang napag-usapan.

Sa pag-alis ni Gilbert ay masayang ikinuwento ni Nathan ang nangyari sa meeting ng mga Board of Directors, kung paano siya ipinaglaban ni Donya Margareth sa pagtutol ni Atty. Rene. Pinilit na makinig ni Claire upang hindi siya mapansin ni Nathan at hindi magduda tungkol sa kanilang dalawa ni Gilbert.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love and Revenge of the Lost Billionaire   Kabanata 37: Ang Pagbabanta

    Pagkauwi ni Erik sa tinutuluyan niyang bahay galing sa bahay nila Leslie ay napansin siya ni Niknok na parang balisa at hindi mapakali. “Kuya Erik, anong nangyayari sa iyo, bakit parang may malalim kang iniisip at hindi ka mapakali?” pagtatakang tanong ni Niknok. “Pasensya ka na Nok, huwag mo na lang ako pansinin, ok lang naman ako,” pagtatago ng lihim ni Erik. “Maganda siguro Kuya kong kumain muna tayo, sakto at katatapos ko lang din magluto,” pag-aaya ni Niknok habang inaayos ang mga pagkain sa mesa. Hindi na pinilit ni Niknok na tanungin ulit si Erik kung ano ang pinoproblema. Kung nagtiwala lamang sana si Erik kay Niknok ay malaki ang maitutulong nito sa kanyang iniisip dahil alam lahat ng binatilyo kung ano talaga ang totoong nangyari sa kanilang dalawa ni Leslie. Tinanggihan din ni Erik ang alok na pagkain ni Niknok kaya pumasok na lamang ito sa kuwartong tinutulugan upang makapagsarili at makapagmuni-muni kung ano ang susunod niyang gagawin sa nangyari. *** Ilang araw

  • Love and Revenge of the Lost Billionaire   Kabanata 36: Mautak na Dalaga

    Nakatulog sa tabi ni Erik si Niknok habang sa sobrang asar ni Leslie ay natulog na lang sa kabilang kuwarto. Kinaumagahan maagang nagising si Niknok dahil sa pag-aalala na baka pasukin ng mga magnanakaw ang bahay ni Gwen kaya maagang nagpaalam kay Leslie para umuwi. “Hindi ka ba muna mag-aalmusal?” tanong ni Leslie na medyo nasasabik dahil aalis na ang istorbong si Niknok at nang masolo na niya ang natutulog pa rin na si Erik. “Hindi na siguro Ate, meron namang pagkain sa bahay ni Ate Gwen at medyo nagmamadali ako,” paalam ni Niknok. Sa pag-alis na pag-alis ni Niknok ay agad na nagtungo si Leslie sa kuwartong kinalalagyan ni Erik. Nakasuot pa rin ito ng brief at walang pantaas na damit kaya bakat na bakat ang ipinagmamalaki ng binata. Agad na ni-lock ang pinto ng kuwarto ni Leslie upang wala munang mang-iistorbo sa kanila. Mabilis na hinubad ni Leslie ang suot niyang sando at maiksing short kaya ang natira na lamang sa suot niya ay ang bra at panty. Hinamas nang bahag

  • Love and Revenge of the Lost Billionaire   Kabanata 35: Naudlot na Plano

    Matamlay na dumating si Erik sa bahay galing sa kanyang trabaho nang salubungin ni Niknok. “Kuya Erik, mukhang nanghihina ka, may sakit ka po ba?” pag-aalalang tanong ni NIknok habang tinutulungan si Erik na magbuhat sa dala nitong bag. “Ok lang naman ako, siguro medyo napagod lang sa trabaho dahil hindi pa siguro sanay ang katawan ko sa mga bagong ginagawa. Tingin ko naman isa o dalawang linggo masasanay na ang katawan ko sa araw-araw na pagtratrabaho,” mahinahong sagot ni Erik. “Kuya bakit ka naman nanghihina sa trabaho mo? Kung tutuusin mas mahihirap pa nga ang ginagawa mo noong nasa bundok pa tayo,” pagtataka ni Niknok na nakatitig kay Erik. “Alam ko na Kuya, kung bakit ka nanghihina,” dugtong na wika ni Niknok. “Ano na naman ang naisip mo? Sigurado ako kalokohan na naman ‘yan,” sambit ni Erik na medyo napangiti dahil sa nagkaroon ng hinala kung ano ang posibleng sasabihin ng kanyang kasama na si Niknok. “Kaya ka nanghihina dahil ilang araw mo nang hindi nakikita si Ate

  • Love and Revenge of the Lost Billionaire   Kabanata 34: Ang Totoong Ama

    Sa sobrang sama ng loob na nangyari kay Dra. Lorena nang mabasa niya ang sagot sa kanya sa email nang akala niyang anak na si Larry ay dumalaw na lang ito sa kanyang kaibigan na kapwa doktor na si Dr. Miguel Sanchez. “Bakit ka napadalaw?” maiksing tanong ni Dr. Miguel sa kaibigan na si Dra. Lorena. “Kaya kita pinuntahan ay hindi lang para dalawin ko kundi para magpaalam na rin,” maiksing tugon ni Dra. Lorena. “Anong sabi mo magpapaalam ka?” nagulat na tanong ni Dr. Miguel. “Saan ka pupunta? Halos kailan lang na nag-usap tayo na lalakasan mo na ang loob mo para magpakilala sa anak mong si Larry, tapos ngayon sasabihin mo sa akin aalis ka ulit. Para ano? Para magtago at maduwag ulit?” dugtong na sambit ni Dok Miguel na medyo mainit ang ulo dahil sa planong pag-iwas ulit ni Dra. Lorena sa kanyang anak. “Sana naman maintindihan mo ako. Ano pa ang gagawin ko dito kung mismong anak ko na ang ayaw akong kilalanin bilang ina niya?” pagtatampo ni Dra. Lorena. “Lorena, sa isang email lang

  • Love and Revenge of the Lost Billionaire   Kabanata 33: Ang Magiging Ama

    Matapos na umamin ni Claire kay Nathan tungkol sa kanyang pagbubuntis ay agad na nagpaalam si Nathan sa kasintahan. “Claire, pupunta pala ako kina Gilbert dahil may pag-uusapan kami tungkol sa isang project ng Xyclone Mining Inc.,” pagpapaalam ni Nathan na halatang nagdadahilan lamang para mailabas ang sama ng loob sa kaibigan. “Sigurado ka bang trabaho lang ang pag-uusapan ninyo ni Gilbert?” paghihinalang tanong ni Claire. “Napapansin ko sa iyo kapag pupunta ako kay Gilbert lagi kang nagdududa, galit ka ba sa kanya o wala ka lang tiwala sa kanya?” tanong ni Nathan na medyo naaasar sa kasintahan. “Hindi naman sa wala akong tiwala, alam ko kasi na kapag kayo ang nag-uusap madalas puro babae lang naman ang pinag-uusapan ninyo,” pagmamaktol ni Claire. “Hon, hindi naman sa ganoon. Alam mo naman si Gilbert, matagal na natin na kaibigan ang taong ‘yan kaya pinagbibigyan ko na lang kung ano ang gusto niyang pag-usapan. Kung babae wala naman masama dahil binata naman ang kaibigan ko. Kun

  • Love and Revenge of the Lost Billionaire   Kabanata 32: Ang Paghihiwalay

    Nakauwi sa sariling bahay na nanlulumo si Dra. Lorena Ignacio dahil sa hindi nangyari ang kanyang inaasahan na makausap ang anak na si Larry nang maipagtapat ang totoong pagkatao at relasyon niya sa binata. Sa sobrang pagod at panghihina ay dumeretso na agad sa kanyang sariling kuwarto, hindi na naisip na maghapunan. Nang nasa loob na siya ng kuwarto ay naisipan ng doktora na buksan ang kanyang laptop. Bumulaga sa kanyang paningin ang matagal na niyang hinihintay na sagot sa email mula sa Xycone Mining, Inc. na nagnanais ng doktora na magkaroon ng appointment sa isa sa mga Board of Director ng kumpanya na si Larry Evangelista. Umasa ang doktora na mababasa niya sa email ang pagpayag ng kanyang anak na si Larry Evangelista na magkaroon sila ng appointment nang makapag-usap ng personal, ngunit kabaligtaran ang naging sagot sa email. “Maaari bang huwag na ninyo ako istorbohin, kung hangad lamang ninyo na perahan ako ay hindi kayo magtatagumpay at sana tigilan na ninyo kung ano man

  • Love and Revenge of the Lost Billionaire   Kabanata 31: Kaibigang Taksil

    Matapos tulungan ni Leslie si Erik na magkatrabaho ay hinatid naman niya si Niknok sa bahay ni Gwen. Nagkataon naman na papasok pa lang si Gwen sa kanyang trabaho kaya nagkita sila ni Leslie habang pababa ng sasakyan si Niknok. “Best, saan ka pupunta?” maikling tanong ni Leslie sa kaibigan. “Papasok pa lang ako Best. Bakit pala sakay mo si Niknok nasaan si Erik?” tanong nang magtaka si Gwen na hindi kasama ni Niknok si Erik. “Nok, di ba sinabihan na kita na hindi mo dapat iniiwan si Kuya Erik mo!” pagalit na dugtong ni Gwen nang pakiramdam nito na hindi siya sinunod ni Niknok. Agad na sumagot si Leslie nang makita nitong hindi makasagot si Niknok upang hindi tuluyang magalit si Gwen. “Best, huwag mo nang pagalitan si Niknok, katunayan ako na ang nagsabi kay Niknok na huwag na niyang hintayin si Erik dahil kakilala ko naman ang may-ari ng pinapasukan niyang trabaho,” pagpapaliwanag ni Leslie sa kaibigan. “Talaga Best, may trabaho na si Erik?” nagulat na tanong ni Gwen. “Oo Best,

  • Love and Revenge of the Lost Billionaire   Kabanata 30: Bagong Trabaho, Bagong Buhay

    Sinimulan nang maglakad nila Erik at Niknok upang subukan ang kapalaran kung aayon ba ang suwerte sa binata. “Kuya Erik, saan mo ba balak maghanap? Masyadong magulo ang lugar dito. Pakiramdam ko mawawala ako dito. Ok lang sana kung kagaya sa bundok na lagi nating nilalakad na kapag kinabisado mo lang ang itsura ng mga puno siguradong hindi na tayo maliligaw. Hindi tulad dito nagtataasan ang buong paligid. Mahirap nito baka bumagsak pa ang mga iyan habang naglalakad tayo,” wika ni Niknok na halatang nag-aalala sa mga nakikita niya sa paligid. “Nok, hindi naman basta-basta babagsak ang mga nagtataasang gusali. Maaari pa siguro kung lumindol nang napakalakas,” usal ni Erik. “Daan nga pala muna tayo sa bahay ni Leslie hindi pa kasi ako nakakapagpaalam doon at para makapagpasalamat na rin sa tulong na ginawa niya,” dugtong ni Erik. “Alam mo ba Kuya, tingin ko doon kay Ate Leslie may gusto ‘yon sa iyo,” hinala ni Niknok. “Ikaw talaga Nok, kung anu-ano ang naiisip mo. Siguro likas lang t

  • Love and Revenge of the Lost Billionaire   Kabanata 29: Paghahanap ng Trabaho

    Kinaumagahan agad na nagtungo si Gwen sa kusina upang magluto sana para sa kakainin niya at sa dalawa niyang bisita na sina Erik at NIknok, ngunit nabigla ito nang makita niya sa mesa na mayroon nang nakahain ng almusal. “Magandang umaga po Ate Gwen!” masigasig na pagbati ni Niknok habang nakaupo na at hinihintay ang dalaga sa pag-upo upang sabayan sa pagkain. “Sino nagluto? Bakit hindi ninyo ako ginising?” tanong nang naguguluhan na si Gwen. “Si Kuya Erik po ang nagluto, sabi niya kasi huwag ka nang gisingin dahil nagpapahinga ka pa at puyat kaya inako na lang niya ang pagluluto,” sagot na mahinahon ni Niknok. “Nasaan na ang Kuya Erik mo ngayon?” muling tanong ng dalaga. “Kung hindi po ako nagkakamali nasa palikuran po upang maligo,” magalang na sagot ni Niknok. “Sabi rin po pala ni Kuya Erik kumain na lang daw tayo kasi hindi na po siya sasabay sa atin ibabaon na lang daw niya ung almusal sa pupuntahan niya,” dugtong na usal ng binatilyo. “Saan siya pupunta?” pagtatakang tanon

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status