Share

Kabanata 8: Pagpipigil at Pag-iwas

Tinanghali nang gumising si Nathan dahil sa paghihintay at pagpunta nito sa bahay ni Claire. Araw ng Linggo ay naisipan nitong puntahan si Gilbert sa kanyang condo upang ayain itong uminom nang mailabas ang sama ng loob niya kay Claire. Dahil hindi magawang magalit ni Nathan kay Claire ay sa kaibigan na lamang niya ito sinasabi.

Napabangon sa kanyang higaan si Gilbert nang marinig niyang tumunog ang door bell ng condo niya.

“Si Claire na naman ba ito? Hindi ko naman siya pinapunta dito,” bulong ni Gilbert sa sarili.

Sa pagbukas niya ng pinto ay laking gulat ni Gilbert nang makita niya ang mukha ni Nathan.

Biglang pumasok sa isip niya na baka alam na ni Nathan ang tungkol sa kanila ni Claire.

“Anong nangyari sa iyo Gilbert? Para kang gulat na gulat nang makita mo ako. Lagi naman akong pumupunta dito sa condo mo kapag wala tayong pasok,” ang nagtatakang tanong ni Nathan sa kaibigan.

“Hindi naman ako sa nagulat, akala ko lang kasi hindi ka pupunta dito dahil may lakad kayo ni Clair
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status