Share

Chapter 3

Author: Miss Rose
last update Last Updated: 2024-12-19 17:10:30

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking balat. Pumasok ang ihip ng hangin sa nakabukas na bintana ng aming kwarto kaya napahinga ako ng malalim. Kinapa ko ang aking tabi ngunit napakunot lamang ang aking noo dahil wala akong matamaan. Nang tingnan ko ay totoo ngang wala na si Edward sa aking tabi. Hindi niya man lang ako ginising!

Nakakalungkot lang isipin. Matapos may mangyari sa amin kagabi ay hindi man lang niya ako ginising para sabay kaming kumain ng agahan. Dahil sa pagod ng katawan ay hindi ko namalayan ang pag alis ni Edward. At kung hindi pa dahil sa init ng araw ay baka abutin ako ng tanghaling tapat sa aming kama. 

Maingat akong tumayo at pumunta sa banyo. Ramdam ko ang hapdi sa aking gitna kaya naman dahan-dahan lamang ako sa paglalakad. Sigurado akong nagulat ang aking asawa nang magising siya at makita ang aming hubad na katawan. Usually, kapag nalalasing siya ay hindi niya alam ang kanyang ginagawa. Sana lang ay hindi niya pinagsisihan ang nangyari sa amin kagabi. 

Maya maya pa’y tumawag si mommy sa phone. Pinapapunta niya kami ni Edward mamayang gabi para sa dinner. Last week lamang ay pumalit sa posisyon ang aking daddy bilang chairman ng Kingwood Corporation. Sa sobrang busy ay ngayon pa lamang kami makakapag celebrate.

Matapos mag ayos ay bumaba na rin ako para kumain. Nakita ko mula sa bintana si Manang na nasa gate at may kinakausap na lalaki. Natatabunan ni manang ang lalaki kaya hindi ko makita ang kanyang itsura.

“Magandang umaga ho, Ma'am Sol.” Masiglang bati sa akin ni Shiela habang naglilinis siya ng kabinet. Dalawa lamang ang kasambahay namin sa bahay, si Shiela at si Manang. Mayroon kaming driver pero nitong isang buwan lamang ay nag retire na rin siya.

Bumati ako pabalik sa kanya at nagtanong, “Anong oras nakaalis ng bahay si Edward?” 

“Kanina pa po nakaalis si Sir Edward may aasikasuhin daw po sa kompanya.” Parang nag aalangan niyang sagot.

“Nga pala Ma'am Sol, ibinilin po ni Sir Edward na kayo raw muna mag asikaso sa bagong driver na magsisimula ngayon. Baka po nandito na siya sa mga oras na ito.” Dagdag niya pa. Sakto naman ay bumukas ang pinto at pumasok si Manang at ang kausap niyang lalaki kanina.

“Oh! Ayan na po ata ma'am ang bagong driver." 

Naglakad ako palapit sa kanila. Wala akong ideya na kumuha na pala ng bagong driver si Edward. Ni hindi niya ako kinausap tungkol dito kaya hindi ko alam kung nahihirapan na siya papuntang building. Siguro nga’y hassle na para sa kanya ang mag drive dahil may kalayuan ang bahay namin sa building ng aming kompanya.

“Magandang umaga, ma'am." Bati ng nasa harapan ko at munting yumuko. Nakatingin lamang ako sa kanya. Nakasuot siya ng kulay itim na polo at slacks. 

“Iha, siya ang bagong driver na nahanap ng asawa mo. Simula ngayon ay siya na ang maghahatid-sundo sainyo.” Saad ni Manang at nag senyal pa siya sa lalaki na ipakilala ang sarili sa akin. Narinig ko ang kanyang pagtikhim bago binuka ang bibig.

“Ako si Keith Aveline at 30 years old na ako. Nalaman ko na naghahanap si Sir Edward ng driver noong isang araw kaya agaran akong nag apply.” Pagpapakilala niya sa kanyang malalim na boses. May munting ngiti sa kanyang labi ngunit hindi ako ngumiti pabalik at tumango na lamang. 

Nakita ko na pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang ba ito pero pakiramdam ko ay madilim ang kanyang ekspresyon. Tila ba ay may galit siya ngunit gayunpaman ay hindi maipagkakaila na siya ay nagtataglay ng kakisigan at gwapohan. Kumunot ang aking noo dahil masyadong overwhelming ang kanyang presensya para sa isang driver lamang. Dumagdag pa na parang may something sa kanya gaya ng kanyang awra na sumisigaw ng awtoridad. Maaliwalas at malinis man tingnan ang kanyang mukha ngunit ang kanyang kilay na medyo nakakunot ay sumasalungat. 

“Alam mo ba na stay-in ka dito? Nasabi na ba sayo ni Edward ang mga kailangan mong gawin?” Tanong ko sa kanya dahil baka mamaya ay wala siyang kaalam alam sa kanyang magiging trabaho.

“Napag-usapan na namin ma'am ang tungkol sa bagay na iyan.”

Natikom ko ang aking bibig. Nakatitig lamang ako sa kanya ngunit nang bahagya niyang itaas ang isang kilay ay tumikhim ako bago tumawag ng kasambahay. 

“Bakit ho ma'am Sol?" Agad na lumapit si Shiela. 

"Ituro mo sa kanya ang kanyang matutuluyan. At Manang, ikaw na ang bahala sa ibang bagay.” Pagkatapos ay umalis na ako sa harapan nila at pumunta sa kusina para ipagpatuloy ang pagkain.

Wala akong trabaho. O mas tamang sabihin na hindi ako pinayagan ng aking asawa na mag trabaho. Matapos ko mag graduate sa kolehiyo ay ikinasal na ako kay Edward. At ang gusto ni Edward ay dito lamang ako sa bahay at siya na raw bahala sa kompanya.

Nang pumatak ala sais ng gabi ay sakto namang dumating si Edward kaya hindi rin nagtagal at gumayak na kami sa bahay ng mga magulang ko.

“Saan ba tayo liliko, sir?" Narinig ko ang pag tanong ng driver sa asawa ko. Ako lamang ang nasa back seat dahil umupo si Edward sa unahan katabi ng driver.

“Sa kanan. Tandaan mo na ang daan na ito dahil madalas kami dito bumisita.” Saad ni Edward at lumingon siya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. Tumango lamang siya at muling bumaling sa harapan. 

Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa nangyari kagabi. Pero sa tingin ko ay hindi na namin mapag-uusapan pa iyon kaya mananatili na lang akong tahimik.

Nang makarating ay sinalubong kami ng isang kasambahay at giniya sa hardin. Hindi pa man kami nakakalayo ay lumingon ako sa likod. Nakita kong tumagal ang tingin ng driver sa aking asawa bago lumipat sa akin. Napaigtad ako ng bigla siyang ngumiti sa akin. Ramdam kong bumilis ang tibok ng aking puso kaya napa iwas ako ng tingin at napahawak sa dibdib.

Kalma, Solana! 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love beyond the gilded cage    Chapter 16

    Nangalahati na namin ang strawberry cake kaya tumigil na rin kami at tinago ito sa loob ng ref. Tuwang-tuwa ako dahil kahit first try pa lamang ay naging maayos naman ang resulta. “Try naman natin ang paborito mong cake next time. Aaralin ko,” sabi ko kay Keith habang nililinis ang mga ginamit namin sa pag-bake.“Sure.” Tumango siya at tumulong na rin sa paglilinis.“Ahem!” pilit na tikhim ng kung sino mang nasa likuran namin.Sabay kaming napalingon at nakita ang kasambahay na bagong ligo soot ang maikling palda at v-neck na pantaas. Kitang kita ang malulusog niyang cleavage na mukhang sinadya pa para magpapansin sa katabi ko na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin rin sa kanya.Malanding ngumiti ito kay Keith na hindi nginitian pabalik. Nang bumaling sa’kin ang kanyang tingin ay bigla itong naasiwa at natanggal ang ngiti. May inilahad ito sa kanyang palad na maliit na papel.“Pinapabigay ni Sir,” mataray niyang sabi saka ito padabog na nilapag sa mesa. “Ano ‘to?” Mukha it

  • Love beyond the gilded cage    Chapter 15

    Nang makarating sa bahay ay agad kong nilantakan ang leche flan. Nandito ako ngayon sa veranda habang nakatingin kay Keith na naglilinis ng kotse. Seryoso ang kanyang mukha, malayo sa nang aasar at mahilig tumawa kapag magkasama kami. Ang kanyang noo ay bahagya pang nakakunot, kunti na lang talaga ay magdidikit na sila. May galit ba siya sa kotse?Naubos ko na ang isang tub kaya kumuha naman ako ng strawberry at ‘yun naman ang nilantakan. Madami rin ang strawberry na binili niya kaya sana may pera pa siya sa bulsa, mahal pa naman ang mga ito. Lumiwanag ang aking mukha ng may maisip. Sa sobrang dami nito ay siguradong hindi ko mauubos at baka masira lang. Kaya naisip ko na mag bake ng strawberry cake. Masayang tumayo ako at lumapit kay Keith na nagulat pa sa paglapit ko.“Bakit? Mababasa ka dito ma'am,” paalala niya. Ngumiti ako sa kanya ng malawak. Ilalabas ko na ang aking karisma at kapal ng mukha. “Sandali lang. Pwede ko bang mahiram cellphone mo? Titingin lang ako ng video kung

  • Love beyond the gilded cage    Chapter 14

    “Dati ka bang clown sa past life mo?” pigil tawa kong tanong sa kanya. Pansin ko ang pamumula ng kanyang tainga at ang aligaga na mata, hindi matukoy kung saan nga ba ito ipupukol. Halatang nahihiya siya. Mas ginanahan tuloy akong asarin siya. “Ang effortless mo magpatawa, minsan sa joke mo minsan naman sa itsura mo. Sigurado ka bang hindi ka joker sa past life mo?” Pinakawalan ko ang aking halakhak at hinuli ang kanyang tingin. Ang kanyang kulay itim na mata ay tumitig sa akin. Ngayon na magkalapit kami ay mas lalo kong natitigan ang kanyang mga mata. Nakikita ko ang aking repleksyon dito at may kung ano akong naramdaman, tila ba hinihigop ako ng kanyang mga titig. Umawang ang kanyang labi kaya bumaba ang tingin ko doon. He then licked his lower lip, making it wet. “Saan ka nakatingin, ma'am? Gusto mo ba ako halikan?”Sa isang iglap, bumaliktad ang mesa. Ako na ngayon ang namumula ang mukha at nabitag sa kanyang pang aasar.“Hindi ‘no!” agap kong depensa sa sarili.“Sus, okay la

  • Love beyond the gilded cage    Chapter 13

    Nagising ako dahil sa sama ng aking pakiramdam at muntikan pa ngang matumba pagkabangon. Kahit masakit ang buong katawan ay pinilit kong makapasok sa banyo at sumuka. Matapos ang kalahating oras na pagpapakalma sa sarili ay napatitig ako sa salamin.Magulo ang buhok, ang nangangayayat na katawan ay halos matabunan na ng mga pasa at sugat. ‘Kaya mo yan, Solana. Magpakatatag ka para sa anak mo at sa pamilya,’ bulong ko sa sarili habang hinihimas ang aking sinapupunan. Lantang gulay akong bumaba para kumain ng agahan. Matapos ang interaksyon namin ni Keith sa garden noong isang araw ay hindi ko na siya nasilayan pa. Hindi na rin ako nagtaka dahil may mga araw talaga na pinapatawag siya ni Edward sa building.Habang pinagpapatuloy ko ang aking pagkain ay may narinig akong mga yabag papasok sa kusina. Lumundag ang aking puso sa kaba at natigil sa ere ang kamay na nagtatangkang abutin ang baso sa pag-aakalang si Edward ang papalapit.Bumaba ang aking balikat nang tumambad ang lalaking mat

  • Love beyond the gilded cage    Chapter 12

    Matapos niya akong gamutin ay sinamahan niya naman ako tumambay sa garden. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Edward, kung bakit hindi niya sinasama ang driver niya sa building. Hindi ko masabing good thing ‘to para sa’kin dahil hindi ko rin alam kong kaninong side talaga ang driver na’to.Kahit pa ilang beses niya na akong tinulungan, may duda pa rin ako. Still, I'm thankful that he was with me. He comforted me in some ways. Nang makaupo sa hanging chair ay saka lamang niya napansin na kanina pa ako nakatitig sa kanya. “Bakit?” nagtataka niyang tanong. Nakatayo siya sa harapan ko soot ang kanyang black polo shirt na bumabagay sa kanyang pangangatawan. Hapit na hapit ito kumpara sa una niyang soot na black polo shirt. Bumabakat tuloy ang kanyang muscles na gustong gusto kong tingnan. Napa-iwas agad ako ng tingin at naramdaman ang pag iinit ng aking mukha. Hindi kasi ganyan kay Edward kahit pa maskulado naman siya. Kahit nagtataka ay hindi pa rin mawala ang halos magdugtong niyan

  • Love beyond the gilded cage    Chapter 11

    Sa mga oras na’to, wala na akong ibang maisip kundi ang tahimik na magpasalamat na may pumagitna sa amin. “Huwag kang makikialam dito, away mag asawa ‘to!” Ang galit na tingin ni Edward ay napunta kay Keith na marahas pa niyang tinabig para maabot ako. Ngunit nabigo lamang siya dahil kung ipagtatabi sila ay nag-mistulang maliit si Edward sa tangkad at malaking pangangatawan ni Keith. Kaya hindi man lamang naalis sa pwesto si Keith.Nakikita ko mula sa aking kinatatayuan ang lapad ng kanyang likod maging ang balikat nito. Walang duda, napakabatak ng kanyang muscle na animo’y nag g-gym. Walang-wala ang katawan ni Edward dito. “Sir, mas maganda kung mag usap kayo kapag pareho na kayong kalmado. Hindi sa lahat ng bagay ay madadaan sa away at pisikalan,” walang emosyong sabi ni Keith. “Aba, pinapangaralan mo ba ako?” naiinis na sagot naman ng aking asawa. “Advice lang ho, sir.” Sabay silip sa akin. “Umalis ka sa harap ko ngayon din!” Muli ay humakbang ito palapit at pinilit na maalis

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status