Share

Kabanata 4

Mabilis ako nitong pinasandal sa pader ng banyo. Tinakpan nito ang bibig ko gamit ang isang kamay niya kaya kahit anong sigaw ko ay walang lumalabas na boses sa aking bibig. Sinipa pa nito ang pintuan kaya kumalabog ito ng malakas bago sumarado.

Para akong aatakihin sa puso dahil sa nararamdamang kaba at takot. Napapikit na lamang ako habang nagpupumiglas. Ngunit di ko magawang makawala dahil kinulong ako ng isang braso nitong kasingtigas ata ng kahoy.

"Pakawalan mo 'ko! Ahhhhh! Bastos ka!"

Sigaw kong muli sa pagmumukha nito nang lumuwag ang pagkakatakip niya. Ni hindi ko magawang magdilat ng mga mata dahil sa takot. Takot na makita itong hubo't hubad sa harapan ko at baka kung ano pang kahalayan ang gawin nito sa 'kin.

"Fuck! What did you just say? Paano ako naging bastos samantalang ikaw itong trespassing!? Who the heck are you!?" Umalingawngaw ang baritonong boses nito sa loob ng banyo. Ramdam ko ang galit at gigil nito.

"Ma----- ma----- maniningil ako ng renta!" Nagkandautal utal na sagot ko dahil sa matinding kaba.

"Tang ina! At sinong nagbigay sayo ng permiso na pumasok? At talagang sinilipan mo pa ako! Gustong gusto mo ba ang nakikita mo huh!?" Galit na usal nito.

"Yuck! Anong gusto? Ang laswa mo nga! Baboy ka!"

Ganting sigaw ko naman. Dinahan dahan ko ang pagmulat ng mga mata ngunit halos maduling ako sa sobrang lapit namin. Hindi masyadong klaro sa akin ang pagmumukha niya. Basta ang napansin ko lang agad ay ang matangos nitong ilong at ang mapupulang labi. Ayaw kong tingnan ang ibaba nito at baka makita ko na naman ang alaga niyang nakakapanindig balahibo sa laki.

"Malaswa pala huh!" Anito pa at nanunudyong mas inilapit pa ang hubad na katawan niya sa akin.

Kaya nang maramdaman ko na hindi na gaanong mahigpit ang pagkakahawak nito sa 'kin ay nakakuha agad ako ng tiyempo para makawala.

"Ahhh lumayo ka bastos!" Sigaw ko at sinipa ang pagitan ng mga hita nito kaya napaigking itong napahawak sa pagkalalaki niya.

Tinulak ko siya ng ubod lakas kaya napalayo siya sa 'kin. Napakabilis ng naging kilos ko para makalabas ng banyo.

"Fuck you!" I heard him screamed in anger.

Kumaripas ako ng takbo palabas. At nang medyo nakalayo na ay napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito. Hingal na hingal ako at para akong kakapusan ng hininga sa nangyari.

"Ze, ayos ka lang? Para kang nakakita ng multo."

Tanong ng isang ginang na tenant nang makita ako nito sa may hallway.

Sunod sunod ang pagtango ko sabay turo sa unit kung saan ako nanggaling. "May..... may," Hindi ko matapos tapos ang sasabihin.

Tang-ina! Anong sasabihin ko? Na may nakita akong lalaki na hubo't hubad na nagmamasturbate habang naliligo?

At ang tanong, bakit ko nga ba nakita? Hindi ba't ako naman ang nanilip dahil sa labis na kuryosidad!? Tang ina talaga! Ngayon ko lang napagtanto na kasalanan ito ng pagiging chismosa ko.

"May ano?" Ulit ng ginang kaya nag-isip ako ng magandang idadahilan.

"I mean, nag- eehersisyo po ako Mrs. Ruiz. Kasi may... may marathon po kami next year ay next month po pala, sasali kasi ako." Palusot ko at ngumiti ng peke na hindi naman nito mahahalata. Pero totoong may marathon talaga kami sa unibersidad. Di ko lang sure kung kailan, pero di rin naman ako sasali.

Natawa na lamang ang ginang at napailing.

"Kaya pala rinig na rinig ko ang kalampag ng mga paa mo sa pagtakbo. Pero huwag ka dito magtatakbo iha at baka maingayan ang ibang umuupa." Sambit naman nito sa mahinahong boses kaya humingi na lamang ako ng pasensiya.

Ilang minuto pa akong nagpahinga bago nagpatuloy maningil sa ibang mga unit. Pagkatapos nito ay uuwi na ako. Wala na akong balak balikan ang lalaking bastos na yun. Bahala na si Mrs. Fuentes maningil dun total yun lang naman ang hindi ko nasingil.

Abot- abot ang kaba ko sa takot na baka lumabas ang lalaki at hanapin ako. Baka gantihan ako dahil napuruhan ng sipa ko yung malaking junjun niya.

"Huwag naman sana!" Usal ko sa isipan.

Kaya naman matapos masingil ang mga natirang unit ay kumaripas agad ako ng alis. Dumiritso na 'ko sa boarding house ko at dito na nagpalipas ng oras. Mamaya ko nalang ibibigay ang nakolekta ko kay Mrs. Fuentes total sabi ng ginang ay hapon pa raw siya makakabalik.

Nakailang tungga nako ng tubig sa baso para bawasan ang kaba sa dibdib ko ngunit pakiramdam ko ay di man lang ito nakatulong. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ay ang alaga ng lalaking iyon ang nakikita ko.

"Shit! Shit!"

Ilang beses kong tinapik ang noo ko. Nakakatrauma jusko! Ibang iba ang impact nito sa pagkababae ko lalo pa't inosente talaga ako sa mga ganoon. Never in my wildest dreams na makakakita ako ng ari ng lalaki sa totoong buhay. At ang masaklap, lalaking nagmamasturbate pa. Yucccckkky!

Windang na windang pa rin ako nang biglang may malakas na boses na nagsalita.

"Hoy Zelena Liwayway! Bakit hindi ka nagtext na nandito ka na pala aber!?"

Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa pagkagulat.

Napahawak pa 'ko sa dibdib kong sobrang lakas ng kabog bago tiningnan ng masama si Lyneth, ang nag-iisang bestfriend ko na ubod ng ingay at ligalig.

Inis kong binato sa kanya ang plastic na basong hawak ko kaya nasapol ang malapad nitong noo, buti nalang wala na itong lamang tubig.

Asar akong umupo sa higaan kong gawa sa kawayan.

"Aba aba! Ikaw pa ang may ganang magalit ngayon? Ano bang nangyayari sayo?" Nagmamaktol itong pinulot ang baso bago umupo sa tabi ko.

"Jusko Lynlyn wag mo akong sermonan! May trauma ako ngayon. As in malalang trauma!" Bulalas ko kaya nanlaki ang mga mata nitong niyugyog ang balikat ko.

"Ano!? Bakit? Anong nangyari sayo Liwayway?"

"Ang OA mo! Pwede bang umayos ka muna huh? Kahit ngayon lang! Isarado mo muna yang bibig mong parang armalite." Umiiling na turan ko kaya sumenyas itong zini- zipper kunyari ang bibig niya para magpatuloy na ako sa sasabihin ko.

Lokarit talaga!

Hindi ko alam kung paano ko ekukwento sa kanya dahil talagang nakakahiya yung ginawa ko. Pero kung wala naman akong pagsasabihan ay parang sasabog yung utak ko sa kakaisip sa nangyari. Isa pa, kahit naman ubod ng daldal itong si Lyneth ay mapagkakatiwalaan ko naman siya pagdating sa mga sekreto.

Nanlaki na ang mga mata nito na mukhang nababagot na sa paghihintay kaya napakwento nalang ako sa kanya kalaunan.

Pero di ko na kinuwento yung pagsasarili ng lalaki. Para kasing sobrang personal na pagkaganun. Kaya sasarilinin ko na muna iyon.

"Ano? Ginawa mo yun?" Gulat na gulat ito at napalakas pa ang boses kaya tinakpan ko pa ang bibig nito.

"Huwag kang maingay sabi eh!"

"Pero seryoso, bakit mo nga sinilip?" Mahina at kalmado na ang boses na tanong nito matapos kong kunin ang kamay kong nakatakip sa bunganga niya.

"Eh di ko naman sinasadya eh! Isa pa, kasalanan niya kasi di siya marunong maglock ng pintuan." Dahilan ko dahil iyon lang ang nakikita ko para pagtakpan kahit papaano ang mali ko. Na kung tutuusin eh ako naman talaga ang may kasalanan.

"Sus! Kahit anong paliwanag mo Liwayway, kasalanan mo pa rin kasi trespassing ka! Teka anong itsura? Gwapo ba?" Ngayo'y parang nae-excite pa ang bruha.

"Ewan ko, nakasideview nung nakita ko. Tsaka wala akong pakialam sa hitsura nun!" Ani ko, pinaikot ko pa ang mga mata. Naalala ko bigla yung matangos na ilong nung lalaki at saka nung nakapikit siya habang sarap na sarap sa ginagawa.

Jusmeyo! Kaya kahit gaano pa yun kagwapo, ayaw ko pa rin kasi bastos yun!

"Pero daks ba?" Humahagikhik na turan pa ni Lyneth kaya kinurot ko na ang tagiliran niya.

"Aray naman Liwayway! Magboyfriend ka na kasi para naman mawala na yang trauma mo. Akala ko naman kung anong trauma na! Jusko naman, pag ikaw nakatikim hahanap hanapin mo talaga sa sarap!" Bungisngis pa nito kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.

Palibhasa kasi ay hindi na ito inosente sa sex. May boyfriend kasi si Lyneth at sobrang mahal ng bruha kaya talagang naisuko niya na ang bataan. Minsan nga napapangiwi nalang ako sa tuwing nagkukwento ito tungkol sa kalaswaang ginagawa nilang magjowa. Parang di ko pa kayang isipin na susubok ako sa ganoon.

Nagtagal pa ng ilang oras ang bruha sa boarding house ko. Nagpasalamat na rin ako kahit papaano dahil panandaliang nabaling sa ibang paksa ang isipan ko.

Pero nang magpaalam ito dahil kikitain pa ang boyfriend niya ay nanumbalik na naman sa utak ko ang hubo't hubad na imahe ng lalaking iyon.

Hanggang sa nakatanggap ako ng mensahe mula kay Mrs. Fuentes na nakauwi na ito kaya hinatid ko kaagad ang perang nasingil ko.

"Kompleto po iyan Mrs. Fuentes. Isa lang po ang hindi ko nasingil." Ani ko sa ginang matapos ibigay sa kanya ang pera.

Ngumiti ito at nagpasalamat.

Pero hindi muna ako nito pinaalis dahil may importante raw na sasabihin, bagay na bigla kong ikinakaba.

"Ze nakatanggap ako ng reklamo mula sa isang tenant, kay Mr. Perez. Actually pupunta siya ngayon dito para makausap ako ng personal," Hindi pa man ito tapos sa pagsasalita ay bigla akong napatayo sa kinauupuan ko.

Shit! Mr. Perez, si Mr. Masturbate...

Muling sumibol ang kabang nararamdaman ko. Pero ngayon ay may kasama na itong takot. Takot na baka madamay itong katangi tanging sideline ko na siyang pantawid bayad ko sa inuupahang boarding house.

At bago pa man ako makasagot ay kapwa kami napalingon ni Mrs. Fuentes sa labas nang tumunog ang pagbukas ng gate.

"Ayan na pala si Mr. Perez." Ani ng ginang nang makita ang lalaking pumasok.

Napaawang ako at halos natuod sa kinatatayuan ko nang magpang- abot ang mga mata namin ng lalaking kanina pa di mawala wala sa isipan ko. Para bang bigla na lamang tumigil ang mundo ko.

At ngayon ko lang nasilayan ng mas malinaw ang kabuuan ng mukha nito. At isang salita lang ang masasabi ko habang di inaalis ang mga mata sa napakagwapo nitong mukha.

Perpekto. Dahil wala kang maipipintas sa pisikal nitong anyo na talo pa ang nagagwapuhang mga artista at modelo. Buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganito kagwapong nilalang.

Yun nga lang...BASTOS ito!

Shit!

Ilang beses akong napakurap dahil sandali kong nakalimutan ang kalaswaang ginawa nito dahil nalinlang ako ng gwapo nitong mukha.

"That woman Mrs. Fuentes, pumasok yan ng walang permiso sa loob ng unit ko at sini,"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at para akong nanumbalik sa biglaang pagkawala sa konsentrasyon.

At bago pa man nito matapos ang sumbong niya ay patakbo ko itong nilapitan at ako naman ngayon ang nagtakip sa bibig nito gamit ang aking kamay.

Hindi ko na ito patatapusin sa sasabihin niya dahil tiyak, mawawalan ako ng sideline! Sideline para makabayad sa inuupuhan kong kwarto.

"Ahhh ehhh Mrs. Fuentes, kakilala ko po kasi 'to si Mr. Perez. Diba tol? Mag- uusap lang po kami sa labas."

Palusot ko sa ginang na mababanaag ang kalituhan sa mukha.

Walang pasabing hinila ko ng ubod lakas ang kamay ng lalaki papalabas ng bahay. Bahala na kung anong isipin nito basta ang mahalaga sa akin ngayon ay maisalba ang renta ko!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status