LOGINNang makaalis si Manang at naiwanan akong mag isa ay binalot ako ng labis na takot hindi dahil may kalansay rito sa loob ng basement na kasa- kasama ko kundi dahil takot akong matulad sa kanila, na ganito rin ang kahahantungan ko. Tipong basta na lamang natapos ang buhay nang hindi man lang nakalaban, ni walang hustisya at malabong mabigyan ng hustisya ang pagkawala ng mga babaeng ito.
At kung magmamatigas pa ako ay alam ko na magiging ganito ang kahihinatnan ng buhay ko. Buhay na kahit napakalaki at napakaraming kulang ay pinono ko pa rin ng pangarap hindi lang para sa aking sarili kundi para sa mga naging pamilya ko sa bahay ampunan, sa mga batang katulad ko na naniniwala sa kakayahan ko. Hindi! Hindi pwedeng basta na lamang dito magtatapos ang lahat. Kaya wala na akong ibang naiisip pa na solusyon kundi ang naging payo ni Manang Linda. Tama siya, kailangan ko munang maging sunod sunuran kay Rosana para makuha ang loob ng bruhang iyon. Nang sa ganun ay mapagplanuhan ko ang pagtakas. Kaya naman kinabukasan, nang makabalik si Manang para maghatid ng tubig ay hinanda ko na ang sarili ko. "Tubig lang ang pinabigay sayo ni Madam Senyora ngayon para magtanda ka raw. Pasalamat ka pa nga kasi pinahatiran ka niya ng pagkain kahapon, ibig sabihin nito ay ayaw ka pa niyang maging kalansay." Anito nang bumungad kaya napalunok ako ng mariin. Tang ina ng bruhang yon. Bakit ako magpapasalamat gayung alam ko naman na ayaw niya akong malagutan ng hininga rito kasi papakinabangan pa niya ako. Napahinga ako ng malalim saka buong loob na nagsalita para sa namuong plano sa aking isipan. "Manang, payag na po ako sa kagustuhan ni Ma'am Rosana. Handa na po akong sumunod sa anumang nais niya na gagawin ko." Salaysay ko at kita ko ang gulat at pagtataka sa mga mata nito kaya kusa na rin akong nagpaliwanag para hindi ito magduda. "Ayaw ko pong magaya sa mga kalansay na yan. Tama po ang naging payo mo sa 'kin kahapon. Keysa po mabulok ako rito." Dagdag ko pa kaya kalaunay napabuntong hininga ito ng malakas. "Mabuti naman at napag isip isip mo rin yan. Oh siya, pupuntahan ko lang si Madam para ipaalam sa kanya ang naging desisyon mo." Diretsahang tugon nito saka dali daling umalis. Napalunok ako ng mariin at ilang beses na nagpakawala ng malalim na buntong hininga para palakasin pa ang loob. Kaya ko 'to! Kailangan kong kayanin na makipagplastikan sa bruhang Rosana iyon upang makatakas ako rito. At hindi nagtagal ay bumalik na nga si Manang Linda pero this time ay hindi na ito nag iisa. Speaking of the bruha.... "Magmakaawa ka ngayon din sa harapan ko para maniwala ako sayo at palalabasin kita rito!" Umalingawngaw ang boses ng bruha habang nakahalukipkip ito sa harapan ko. Walang pagdadalawang isip akong lumapit sa kanya ngunit mabilis nitong iniharang ang isang kamay niya para hindi ako tuluyang makalapit. "Lumuhod ka!" Mariing utos pa nito kaya agaran akong sumunod at buong pagpapakumbabang iniyuko ang aking ulo. "Patawad po sa nagawa ko Ma'am Rosana. Hinding hindi na po iyon mauulit. Susunod na po ako sa kung anumang iuutos niyo." Buong loob na pagmamakaawa ako sa medyo paos na boses dahil sa magdamagang pag iyak. "Hmmmp! Sana ay magtanda ka na! Dahil sa susunod na kakalabanin mo ako at susuwayin, pwes alam mo na ang kalalagyan mo!" Singhal nito saka nito sinipa ang braso ko kaya napasubsob ako sa sahig dahil sa kawalan ng balanse. "Iakyat mo na yan sa kwarto niya Linda at linisan para mapakinabangan na!" Mariing utos nito kay Manang saka mabilisang tumalikod. Gumagawa pa ng ingay sa tiles na sahig ang suot nitong sandals na may mahabang takong. "Panindigan mo lahat ng sinabi mo kay Madam Senyora Emeryn, huwag mo na ulit siya bigyan ng sakit ng ulo dahil isang beses lang iyon nagbibigay ng pagkakataon kaya huwag mong sasayangin." Tugon ni Manang Linda saka ako nito inalalayang makatayo. Wala akong naging ibang sagot kundi ang marahan na pagtango lang. Ramdam ko naman na may kabutihan sa puso niya si Manang Linda kaso hindi ko pwedeng ipaalam sa kanya ang namumuong plano sa utak ko dahil alam ko na nasa amo pa rin nitong bruha ang katapatan niya. Wala akong ibang maaasahan at magiging kakampi kundi ang sarili ko lang. Inalalayan pa ako ni Manang sa paglalakad hanggang sa tuluyan kaming makalabas ng basement. At habang papaakyat kami sa kwartong tinutuluyan ko ay hindi ko inaasahang makikita sa kauna unahang pagkakataon ang ibang mga babae na kagaya ko ay ginagawang bugaw ni Rosana. Sakto kasing pagdaan namin ni Manang ay may tatlong babae na nagsilabasan sa kani- kanilang kwarto ng sabay. Lahat sila ay may mga hitsura at mapuputi ang kutis. Ang sesexy pa ng katawan lalo pa at napakaiksi ng suot nilang shorts at mini skirt. Tipong isang lipad lang ng hangin ay kita na ang suot nilang panty. Pero hindi sila katulad ko. Dahil sa nakikita ko ay parang napakasaya pa nila at mukhang nagagalak sa kalaswaan ng trabahong kanilang pinapasok. "Sabi ni Mama Osang ay foursome daw ang gusto ni Mr. Guevarra, iyong milyonaryong negosyante." Rinig kong masaya na wika ng isa kaya nagtilian pa ang dalawa. "Aba aba! Game na game ako diyan. Naging customer ko yon last time eh, ang laki magbigay ng tip tsaka ang laki din ng junjun niya!" Nakangiting ani ng isa kaya lihim akong napabuntong hininga habang matamang nakikinig. "Kayo lang ba? Ofcourse ako din! Kayo ang bahalang magpaligaya sa itaas niyang ulo basta ako na ang bahala sa ibaba! Gigilingan ko yon ng matindi, tingnan lang natin kung hindi mauubos ang lakas at katas ng lalaking yon. Tiyak hahanap hanapin ako nun. Sisiguraduhin ko yon." Pagmamalaki pa ng isa. Jusmeyo! Paano kaya nila nasisikmurang babuyin ang kanilang puri at pagkababae kapalit ng pera? At nang medyo makalapit kami ni Manang ay sabay silang napalingon sa akin. Alanganin akong napangiti lalo na ng mapansin ko ang pagtaas ng kilay ng isa at ang sabay sabay na tinging pinukol nila sa akin mula ulo hanggang paa. "Siya ba yung bago?" Rinig na rinig kong tanong ng isa. At ang naging sagot naman ng mga kasama niya ay talagang sinadya pang lakasan para mas marinig ko pa. "Siya nga! Iyong kumalaban kay Mama Osang. Buti at binigyan pa ng pagkakataon yan." Sagot ng isa pa na sinundan pa ng pang iinsulto. "Hindi naman kagandahan, ang payat pa! Saang basurahan naman kaya napulot ni Mama Osang yan." Dagdag pa nito at ako na ang kusang nag iwas ng tingin. Hindi ko na narinig pa ang sunod nilang sinabi dahil medyo nakalayo na kami ni Manang Linda. Hanggang sa narating na nga namin ang kwarto ko na agaran din nitong binuksan. "Huwag mo ng pansinin ang sinabi ng mga yon. Pagtitiyagaan ka ba ni Madam kung hindi ka maganda?" Biglang wika ni Manang Linda kaya napabaling ang atensyon ko sa kanya. Maganda? Ako maganda? Pero baka nga dahil noon pa man ay marami na talagang pumupuri sa akin. Pero sana pala ay hindi nalang ako naging maganda dahil ang mukhang ito ang dahilan kung bakit nagkainteres sa 'kin ang bruhang Rosana na yon. "Po? Ah, hi-- hindi naman po Manang. Hindi naman po big deal sa 'kin yung sinabi nila. Hindi lang kasi ako makapaniwala na ang saya saya nila sa ginagawa nila." Pagdadahilan na sagot ko saka naupo sa kama upang ipagpahinga ang sarili. "Masasaan ba at magiging kagaya ka rin nila. Masasanay ka rin Emeryn. Maging praktikal ka lang. Oh siya, maglinis ka na ng katawan maya maya dahil utos yon ni Madam. Baka may booking ka mamaya." Tugon ni Manang saka ito lumabas ng kwarto. Tang inang booking na yan! Kaya kailangang makapagplano ako ng magandang laro upang maisalba pa ang aking puri. De baleng hubot hubad akong sasayaw sa harapan ng mga lalaking manyakis basta mananatiling birhen ang pagkababae ko. Kung paano ko gagawin yon? Iyon ang paghahandaan at pagpaplanuhan ko.( Author’s POV )Tahimik ngunit napakalamig ng hangin bago sumikat ang araw. Sa malayo, maririnig ang mumunting hampas ng alon at pag-awit ng mga ibon na tila ba sumasalubong sa isang araw na napakahalaga, ang araw ng pag iisa para sa panibagong yugto ng naudlot na pagmamahalan.Sa isang pribadong bench malapit sa bagong tayong mini garden sa kanilang bakuran ay nakaupo sina Emeryn at Dreymon, magkahawak-kamay habang nakatanaw sa malawak na karagatan na abot tanaw. Nasa pagitan nila ang malamig na kape at dalawang white roses na ipinulot lamang ni Dreymon kaninang umaga para ibigay sa babaeng minamahal.Maganda ang panahon, may banayad na hangin na humahaplos sa mukha nila. Ilang buwan na ang lumipas mula nang bumalik ang lahat sa dati, o marahil higit pa sa dati, dahil mas matibay na ang tiwala at pagmamahal na bumabalot sa kanila ngayon. Pagmamahalang alam nila na walang sinuman ang makakatibag.Muling bumalik ang lakas ni Dreymon. Matapos ang mahabang gamutan, therapy at panalangin
( Emeryn’s POV )“Resort Paraiso’’Naririto kami ngayon ni Zairus sa isang napakagandang beachfront resort na may puting buhangin, malamig na hangin at napakalinaw ng dagat na tila nanunuya sa kaguluhan ng isipan ko. Napakabiglaan ng pag-ayang itong ni Zairus at wala siyang naging ibang paliwanag kundi nais niyang makapagrelax ako sa lahat ng mga nangyari these past few weeks. And I really appreciate his effort kahit pa man inaalala ko pa rin ang kalagayan ni Dreymon ngayon. Na kahit hindi ko na siya ulit nadadalaw ng palihim ay updated naman sa akin ang doktor niya at ayon nga sa impormasyon ay nakalabas na raw si Dreymon ng hospital kahapon pa. Kaya kahit papaano ay napanatag ako kahit pa gustong gusto ko pa rin na personal siyang makita.Feeling ko nga nagiging sobrang unfair na ako kay Zairus dahil I am physically present by his side but I am mentally and emotionally absent naman. But I am really trying my best na ibigay ang atensyon ko sa kanya para hindi niya naman maramdaman n
(Zairus POV)Tahimik ang gabi. Tahimik pero parang may mga sigaw na gustong kumawala sa dibdib ko.Nasa sofa ako ngayon hawak ang tasa ng kape na kanina pa malamig. Sa ibabaw ng mesa ay may mga papeles galing sa kumpanya, pero hindi ko mabasa kahit isang linya dahil sa totoo lang — wala naman talaga akong ibang naiisip kundi ang babaeng minamahal ko.Si Emeryn.Ang babaeng akala ko’y sa wakas ay sa akin na matapos niyang tanggapin ang kasal na alok ko.Ang babaeng matagal kong inalagaan, minahal, inunawa, at pilit kong pinasaya.Pero ngayong mga huling araw… parang unti-unti na siyang lumalayo, hindi man sa kilos ngunit sa isip.Ramdam ko. Ramdam kong hindi na ako ang laman ng isipan niya. Na kapag tinitingnan ko siya ay parang nakatingin siya sa malayo —sa kung saan naroon ang isang lalaking minsang nanakit sa kanya ngunit ngayo’y muling pinatunayan ang pagmamahal na handang magsakripisyo at ialay ang buhay para sa kanya.At sa tuwing maririnig ko ang pangalan ni Dreymon, aaminin kon
( Emeryn’s POV )Tahimik na ang buong bahay, pero pakiramdam ko ang ingay-ingay ng kalooban ko. Nakauwi na ako mula sa ospital, mula sa gulong halos kumitil ng buhay ko— at ng buhay ni Dreymon.Pero kahit anong gawin ko, kahit ilang beses kong pilitin ang sarili ko na magpahinga at huwag na munang mag-isip ay binabagabag pa rin ako, siya pa rin ang laman ng isip ko.Dreymon…..Ang pangalan niya ay parang dumadaloy sa bawat tibok ng puso ko. Paulit-ulit. Unti-unti. Masakit at parang nilalamon ako ng guilt. Papaano nga bang hindi gayung committed na ako kay Zairus at sa susunod na buwan na gaganapin ang kasal namin, pero ang laman ng isipan ko ay ang ibang lalaki. Na hindi lang basta lalaki kundi ex husband ko pa.Oh shit!Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama habang hawak ang baso ng tubig na kanina pa hindi ko maubos- ubos. At ang mukha ng anak kong mahimbing na natutulog sa aking tabi ay mas lalo lang dumagdag sa pag-iisip ko kay Dreymon dahil talagang parang pinagbiyak na bunga ang d
LOVEBYMISSION Kabanata 146(Dreymon’s POV)Tahimik. Nagising akong napakatahimik ng paligid na ang tanging naririnig ko lang ay ang mahina at tuloy-tuloy na beep ng makina sa tabi ko. Mabigat ang talukap ng aking mga mata at tila ayaw pang bumukas pero pinilit ko. Kasabay ng tuluyan kong pagdilat ay unti-unti ko ring nararamdaman ang hapdi sa kaliwang bahagi ng dibdib ko. Ang paalala ng bala na muntik ng kumitil sa buhay ko.Bala…..Muling lumitaw sa utak ko ang huling nangyari. Napakurap ako ng ilang beses habang dahan dahang inilibot ang mga mata sa kabuuan ng paligid. Maputi ang kisame at ang pader. Amoy antiseptic na para bang nasa ospital ako.Ospital? Does it mean nakaligtas ako!??Pero bago ko pa masagot ang sariling katanungan ay bigla kong napansin ang isang babaeng nakaupo habang natutulog, nakasandal ang ulo nito sa upuan kaya kitang kita ko ang kagandahan ng maamo nitong mukha. E—- Emeryn!??Damn! Parang napahinto ang hininga ko at biglang bumagal ang mundo. Ang bawat hi
( Emeryn’s POV ) Tuluyang bumagsak ang katawan ni Dreymon sa harapan ko at dito ay parang biglang tumigil ang oras. “Dreymoooooon!” Isang sigaw ko pa na halos mapunit ang lalamunan ko. At lahat ng ingay sa paligid, ang kalansing ng mga baril, ang mga yabag ng mga tauhan ni Sophie, ang ugong ng mga sirena sa labas—- lahat ng iyon ay tila naglaho sa pandinig ko. Nilamon ako ng takot na siyang sumakal sa dibdib ko kaya parang hindi ako makahinga. Si Dreymon.. duguan siya.. may ilang tama ng baril sa katawan niya. At ang t-shirt na suot niya na madalas kong nakikita noon na sinusuot niya, ngayon ay puno ng pulang likido. Parang napakainit at lagkit nito sa mga kamay kong nanginginig…. “Jusko! Hindi… hindi… hindi totoo ito…” paulit-ulit kong bulong habang hinahaplos ang mukha niya. “Drey— mon— gu—mi– sing ka!!” Nagkandautal utal na wika ko at halos wala ng boses na lumalabas sa bibig ko sa lubhang pag-aalala at pagkataranta. Ngunit siya gumising at sumagot dahilan para humagulhol







