“Sir, bakit po kayo intresado sa pabango ko?” tanong ni Hanna sa amo. Wala naman problema kung bading ito. Pero imposible dahil magaling ito sa kama. Namula ang kanyang mukha na naisip.
“Babayaran ko. Dalin mo sa akin ang pabangong ginamit mo.”
“Sige po,” aniya na nagtataka pa din sa biglang interes nito sa pabangong gamit niya. Itinuro sa kanya ng lola niya ang paggawa ng pabango gamit ang iba’t ibang bulaklak. Ang amoy ng rosas ang kanyang pinakapaborito.
“Sige, makakaalis ka na.”
“Sir, ang lakas na ng ulan.”
“Ayun, may waiting shed. Sumilong ka. Get out!” Taboy nito sa kanya.
“Ang dilim po sa waiting shed baka ma-rape ako dyan. Tsaka wala akong dalang payong. Ihatid mo na po ako, please. Kahit sa kabayanan lang po.”
Sandaling nag-isip ang binata. “Sige, pero sa isang kundisyon.”
“Ano po, sir?”
“Paamoy ng leeg mo ng three minutes.”
“Po? Aamuyin ninyo ako? Sige po.” Ang weird ng sinabi nito pero okay lang basta ihatid siya nito at malakas ang ulan.
“I-type mo ang address sa monitor.” May pinidot ito sa harap at nagbigay na ang direksyon ang kotse.
Inabala niya ang sarili sa tanawin sa labas ng sasakyan. Huminto sila sa madilim na bahagi ng kalsada.
“Sir, doon pa po ang bahay namin.”
“Paamoy muna,”
Ang weird talaga ng request ng lalaki. Hinawi niya ang buhok at inilapit ang leeg sa binata kahit pa naasiwa siya.
“Close your eyes.” Sumunod naman siya. Hindi dumidikit ang balat nito sa kanya. Kaso nalalanghap niya ang mabangong hininga nito na tumatama sa kanyang leeg.
Idinilat niya ang isang mata. Nakita niyang nakapikit ito at halos nakadikit ang ilong sa leeg niya. Ano kaya ang tinitira ng boss niya? Medyo kinabahan siya. May saltik yata ito.
“Sir, tapos na po ang three minutes.”
Nagmulat ito ng mata at mamumungay itong tumingin sa kanya. Kinilabutan siya sa pagnanasang nabanaag sa mata ng kanyang boss.
“Sige sir, lakarin ko na lang. Malapit na po ang bahay namin. Salamat po!”
Agad siyang lumabas ng sasakyan. Napakadaming nangyari ngayong araw. Pero labis ang kanyang tuwa dahil may pera na pang-chemo ang kapatid. Talagang hindi natutulog ang Diyos. Sa sandaling akala niya ay wala ng pag-asa, may dumadating na tulong na hulog ng langit.
***
Naiwan si Ethan sa loob ng sasakyan. Naaamoy pa din niya ang babae sa loob. Napatingin siya sa shorts na suot na nakabukol. Tinigasan siya sa amoy pa lang ng babae. Gusto niyang murahin ang sarili. He’s being obsessed with that scent!
Nasa bahay na siya ay naaalala pa din niya ang amoy ng bagong empleyado.
Naghilamos siya. Nag-iinit pa din ang kanyang katawan. Napasandal siya sa pader. Ipinikit nila ang mga mata. May mga maiinit na eksenang naglalaro sa kanyang isip. Ang babaeng inangkin niya sa bachelor’s party na hindi maalis sa isip niya.
Umorder ng mga babae ang organizer. Nakasayaw at inangkin niya ang nakamaskarang babae. Hindi maalis sa isip niya ang amoy nito. Isa pang hindi niya malilimutan ay ang balat sa kanang pisngi ng pwetan nito na korte ng mapa ng Pilipinas na nakita niya ng magising siya. Nakasubsob ang dalaga sa kama. Pagbalik niya galing CR ay wala na ito. Tanging pulang mantsa sa bed sheet ang naiwan ng babae at isang kwintas.
Kinabukasan ay pumasok na si Ethan sa kumpanya. Hindi pa siya nauupo ay tinanong niya si Terry, ang kanyang secretary.
“Terry, may update ba sa babaeng ipinapahanap ko sa’yo?”
“Boss, wala pa din. Dumating ang mga babae galing sa black market. Online ang transaction. Tapos hindi kilala ng event organizer ang mga babae. Basta nakapasa ito sa requirements, ipinadala na sa party.”
“Imposibleng wala tayong impormasyong makuha. Magbayad ka kahit magkano.”
“Ang isa pa nga nating problema, nakakulong ang event organizer dahil sa kasong human trafficking.”
“Itong kwintas. Ipagtanong mo kung kanino ito.” Kinuha niya ito sa bulsa.
“Sir, saan ko po ipagtatanong?”
“Wala akong pakialam kung saan basta sundin mo ang sinasabi ko!” singhal niya. Nahintakutan ang secretary.
“Paano kung madami pong umangkin sa kwintas?”
“May balat sa puwet ang may-ari niyan.”
Natawa ang kausap niya na nauwi sa pag-ubo ng makitang masama ang tingin niya. “Boss, baka makasuhan ka kung titignan mo ang puwet ng bawat babaeng aangkin ng kwintas!”
“Anong ginagawa ng pera? Madaling magpatahimik ng tao kapag tinapalan mo ng pera sa bibig.”
Napakamot sa ulo ang secretary. “Sige, boss. Mag-uutos ako sa mga tauhan natin ng ipinapagawa mo.”
“Nga pala, papuntahin mo dito ang bagong dyanitres.”
“Boss, maganda ang babaeng iyon. Type mo ba? Mas okay na ‘yan kesa hanapin mo ang babaeng may balat sa puwet.”
“Magpost ka na din ng job hiring para maging bagong secretary ko. Ilagay mo sa job posting, hindi pakialamero.”
“Boss, naman, nagbibiro lang ako. Sige, tatawagin ko na.”
Pagbalik ng secretary ay kasama na nito si Hanna. “Nasaan ang pabango?”
Inabot ng dalaga ang maliit na botelya.
Binuksan niya ang maliit na bote at inamoy. Umiling ito. Niloloko mo ba ako? Hindi ito ang amoy.
“Sir, iyan po pabangong gamit ko. Naiiba po ang amoy depende sa taong gumagamit, may tinatawag po tayong body chemistry. Kahit parehas ang gamitin nating pabango. Magkaiba ang amoy natin dahil sa body chemistry.”
“Tara dito. Gamitin mo. Ikaw din, Terry. Ilagay ninyo ang pabango sa ilalim ng tenga ninyo,” utos niya sa dalawa.
Inamoy niya ang pabango sa leeg ni Terry. “Sir, may kiliti ako dyan.” Tumigil sa ito pagtawa ng tapunan ng masamang tingin ng boss.
“Ikaw naman,” anito sa kanya.
Ipinikit niya ang mga mata. Sinamyo niya ang bango ng dalaga. Ilang beses siyang lumunok. Parehas ang amoy ng dalawang babae. Mas matapang ng konti ang amoy ng dyanitres kaysa sa babaeng nakasiping niya ng ilang ulit ng gabing iyon.
“Babayaran ko ang pabangong ito. Magkano?”
“Wala po sir. Free po para sa inyo,” nakangiting sabi niya.
“Nothing is free. Magkano?”
“Sige po, 200 na lang po.”
Naglabas ito ng 1,000 at inabot sa kanya. “Keep the change.”
Tinanggap nito ang pera at akmang lalabas na ng opisina.
“Wait, maglinis ka dito sa loob. Maalikabok na.”
“Okay po, sir. Kuha lang po ako ng gamit.” Lumabas muna ang dalaga.
“Boss, obvious namang type ninyo si Hanna,” anang secretary niyang todo ang ngiting nanunukso.
“Type din kitang sibakin sa trabaho kapag hindi ka tumigil sa kadaldalan mo. Sa tingin mo magkakagusto ako sa dyanitres?”
“Eh, boss, ‘yun babaeng bayaran nga pinapahanap mo.”
“Shut up! Hinahanap ko lang siya dahil ---. Bakit ba ako nagpapaliwanag sa’yo. Lumabas ka na."
Hindi niya gusto ang nangyayari sa sarili. Bakit tila siya nababaliw sa amoy ng babaeng nakasiping ng isang gabi? At pati ibang babae ay dinadamay niya?
Naalala niya ang unang pagkakataon na nagkatagpo ang babae. Nakakatawang hindi nga niya man lang naitanong ang pangalan nito. Nasa kusina siya upang kumuha ng baso at nagsalin ng alak. Nakita niya ang babaeng hirap na hirap mag-zipper ng damit.
“Kailangan mo ng tulong?”
“Oo, paki-zipper.” Marahan niyang isinara ang zipper ng damit. Maganda ang hubog ng katawan ng babae. Humarap ito at nakita niyang nakamaskara. Makapal din ang lipstick at makeup nito sa mata.
“Salamat.” Kinuha nito ang baso sa kamay niya at tinungga ang lamang alak.
“Easy, hindi ‘yan tubig,” aniya.
“Pahingi pa ng isa. Pampalakas ng loob para sa show mamaya.”
Kumuha siya ng isa pang baso at dinala ang bote ng wine sa garden. Niyaya niya ang babae.
“Kaibigan ka ba ng ikakasal?” Muling tumungga ng alak ang babae.
Tumango siya. “Nakita kita kanina, bakit parang malungkot ka? Broken-hearted ka ba?”
Maari siyang magsabi sa babaeng kaharap ng kahit ano tutal ay hindi na naman sila magkikita ulit.
“Well, nahuli ko lang naman ang girlfriend ko at ang stepbrother ko na nagse-sex sa mismong condo unit ko.”
Umiling ang babae. “Sa gwapo mong ‘yan? Nagawa ka pang pagtaksilan ng girlfriend mo? Huwag kang mag-alala. Darating din ang babaeng magmamahal sa’yo ng tapat.”
“She’s my childhood sweetheart. Napakaganda at talino niya. She’s perfect. Yayayain ko na sana siyang magpakasal.”
Itinaas niya ang baso ng alak. “Shot tayo para sa sakit sa dibdib na nararamdaman mo.”
“Asan ba ang stepbrother mong traydor? Sasampalin ko para sa’yo,” medyo bulol nitong sabi.
“Ang lalaking ikakasal kaya may bachelor’s party ngayon.”
Tinapik nito ang kanyang balikat at hinagod ang kanyang likod. Kinuha nito ang ulo niya at isinandal sa dibdib. Nalanghap niya ang mabangong amoy ng babae. Nakaramdam siya ng kapayapaan at init ng katawan.
Muling pumasok sa opisina ng amo si Hanna. Inawat siya noong una ni Ate Mila. Hindi naman daw nagpapalinis sa loob ng private office ang CEO kapag nandoon ito. May dala siyang pamunas at panlinis. Halos pwede nga siyang manalamin sa kintab ng opisina nito. Walang alikabok. Nagpanggap na lamang siyang naglilinis kahit malinis naman. Madali lang pala ang trabaho niya. Malaki ang sweldo at may sideline pa siya.Marahas na bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang stepbrother ng binata, si Lucas Sebastian Tolentino. Tumalikod siya at baka mamukhaan siya nito na isa siya sa dancer noong bachelor’s party nito.“Bakit disapprove ang project ko?” Inihagis nito ang mga folder sa table ng boss.“Dahil basura ang proyekto ng team mo,” anitong hindi man lang nasindak sa galit ng bagong dating.“Gumaganti ka ba dahil ako ang pinili ni Cali? Anim na buwan na ang nakakalipas. Kasal na kami. Hindi mo pa din ba tanggap na natalo kita? The high and the mighty Charles Ethan Rodriguez is a loser!” sarkastikong
“Sir, ano po ang sabi ninyo?” Kunot ang noong tanong niya.“Inaalok kitang maging fuck buddy or bed partner ko. Aling salita ang mahirap intindihin?”Hindi niya alam ang isasagot sa boss. Kagabi lang ay iniisip niya kung paano niya uumpisahan ang kasunduan nila ng mommy nito. At ngayon ay ito naman ang nagyayayang maging sexual partner siya. Magiging madali ang ipinapagawa ng nanay nito na willing magbayad ng isandaang milyon kapalit ng isang sanggol. Kinilabutan siya sa gulong pinapasok.“May bayad. Tatlong milyon sa loob ng anim na buwan,” anito ng hindi siya agad sumagot.Nakatitig lang siya sa gwapong lalaki. Babayaran na siya ng ina nito kaya hindi na ba siya magpapabayad sa binata?“Huwag mong sabihing naliliitan ka pa. Hindi nga sure kung aabot ng anim buwan, baka isang buwan pa lamang ay magsawa na ako sa’yo.”Naisip niyang sayang naman kung tatanggi siya sa bayad. Kaso parang nag-double compensation siya sa mag-ina. Parang nanamantala naman siya. Takot din naman siya sa karm
Tila siya pagong sa paglabas ng building ng Unicorn Marketing Agency. Tiyak na naghihintay na sa kanya si Don Fausto. Kasal o kulong. May dalawa siyang pamimilian.Hindi na siya sumakay ng dyip. Kung pwede lang pahintuin ang oras ay ginawa na niya. May nadinig siyang busina sa likuran. Ang magarang Bentley car ng CEO, si Ethan! Nagmamadali siyang lumapit sa car window nito at kinatok ng malakas.“Sir, matindi lang ang pangangailangan ko. Kailangan ko po ng one million.”“Hey, kapag nagasgasan mo ang paborito kong kotse, lagot ka sa akin.”“Sir, parang awa mo na. Kailangan ko ng isang milyon dahil kung hindi ay mapipilitan akong magpakasal sa taong hindi ko gusto.”Umismid ang binata. “Ilusyunada ka din. Ano ang akala mo sa sarili mo, bida sa telenobela? Ang sabihin mo ay gusto mong mag-shopping kaya ka nanghihingi ng isang milyon. Nakita ko kung paano mo inubos ang 250,000 na ibinayad ko sa’yo. Nagshopping ka at nagpa-salon. Tignan mo at puro bago ang gamit mo.”Paano ba niya sasabihi
Si Ethan ang sumagot. “Kasunduan po. Napagkasunduan po namin na huwag ng patagalin pa ang aming relasyon bilang magkasintahan. At nagpaplano na po kaming magpakasal.”Nagningning ang mata ng ama niyang oportunista. “Suportado ko ang pagmamahalan ninyo.” Tinapik pa nito sa balikat ang binata. Kay bait ng ama niya. Naglaho ang sungay at buntot nito.“Sige na ‘tay, aalis na po si Ethan. Goodnight, sweetheart,” aniya. Itinulak na niya ito papasok sa kotse.“Teka lang sweetheart, may sasabihin pa ako sa’yo. Tatay Edgar, ipagpapaalam ko lang po sana si Hanna ng ilang minuto para magkasarilinan po kami.”“Walang problema. May malapit na motel diyan sa malapit. Sa unang kanto, liko ka sa kaliwa.”Nasamid silang dalawa ni Ethan. Wala talagang preno ang bibig ng tatay niya.“Oh, bakit ganyan ang tingin ninyo sa akin. Ano ba ang ginagawa ng magkasintahan? Imposibleng magtititigan lang kayo. Mga bata pa kayo at malakas, kayang kaya ninyo ang ilang rounds. O sige, mauna na ako. Kung gusto ninyo ma
“Kung in-love ka na sa akin. Condolences sa puso mo. It will be broken into million pieces.” Malamig ang titig ni Ethan sa kanya.Agad siyang bumawi. “Joke lang, sir. Masyado ka namang seryoso sa buhay. Hindi ako ma-iin-love sa kagaya mo. Tsaka may iba akong mahal.” Pagsisinungaling niya. Naging mailap ang mga mata niya. Alam naman niyang hindi dapat mahulog ang damdamin niya sa boss. Langit at lupa ang pagitan nila.“Anong sabi mo?” Hinawakan nito ng mahigpit ang kanyang braso.“May iba akong mahal kaya huwag kang matakot na ma-fall ako sa’yo. Hindi mangyayari ‘yon.”“Binasa mo ba nag kasunduan natin? Hindi ka makikipagrelasyon sa iba habang nagpapanggap kang girlfriend ko. Hindi ko gusto ang may kahati sa kahit ano, bagay man o tao.”“Hindi ko naman siya boyfriend. Naghihintay ako sa pagbabalik niya.”“Akin ka, Hanna. Naiintindihan mo?”Gusto sana niyang kiligin sa sinabi nito pero alam niyang nagbabanta lamang ang binata. Marahan siyang tumango. Tinitigan niya ang gwapong mukha ng
Nakita niya ang takot sa mukha ni Ethan pagkakita sa matanda. “Lola Rosa, mayroon lang po kaming maliit na hindi pagkakaunawaan. Maaayos din po agad namin.” Umakbay ang binata sa kanya.“I saw everything, Ethan. Sinungaling ang dati mong kasintahan. Siya ang naunang makipag-away kay Hanna. Sa susunod, makinig ka muna sa taong totoong nagmamahal sa’yo,” pagtatanggol sa kanya ni Lola Rosa.“Kaya nga po kinakausap ko si Hanna ng mahinahon para malaman ko po ang side niya. Hindi lang po talaga maiiwasan ang pagtatalo kung minsan.”Tumunog ang cellphone ng binata. “Excuse me at sasagutin ko lang po ang tawag.”Tinabihan niya ang matanda. “Salamat po, Lola Rosa. Nakita ninyo po ba ng hilahin niya ang buhok ko?”“Hindi, wala akong nakita. Pinagtanggol lang kita dahil wala akong tiwala sa babaeng iyon.” Alanganing ngumiti niya sa matanda.“Lola Rosa, makakaasa po kayo na mapagkakatiwalaan ninyo ako.”“Hindi pa ako sure kung mapagkakatiwalaan ka nga o isa ka ding oportunista kagaya ng iba. Mag
“At bakit ikaw ang tinatawagan niya? Hindi ba at may asawa na siya? Dapat una niyang hingin ng tulong ang asawa niya,” sabi ni Hanna kay Ethan.“Wait, Hanna. Ipapaalala ko lang na hindi kita totoong girlfriend. Nagpapanggap lang tayo. Wala kang pakialam kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko. Bayad ka sa trabahong ito.”Tila siya sinampal sa nadinig. Nabitawan niya ang kamay ng amo. Bakit nga ba nawawala siya sa reyalidad? At bakit nasasaktan siya? Tila nagseselos siya kahit wala siyang karapatan.Tumawa siya upang itago ang pagkapahiya. “Sorry, sir. Sa sobrang ginagalingan ko sa trabaho, akala ko totoo na. Sige po, puntahan na ninyo si Ms. Cali at baka kailangan niya kayo.” Hindi na nagsayang ng ilang segundo ang binata at umalis na ito.Napaupo siya sa malambot na kama. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Tinampal niya ang magkabilang pisngi upang magising sa katotohanang nagpapanggap lamang sila. Imposibleng magkagusto ang CEO sa isang dyanitres.Lumabas na din siya ng condo unit ng
“Sir, masyado na pong personal na tanong ‘yan,” sabi ni Hanna sa boss.“Ayaw mong sagutin dahil baka nagsinungaling ka kanina sa duktor. Baka hindi lang isa ang lalaki. Magsabi ka ng totoo.”Pinigil niyang irapan ang binata sa kanyang tabi. “Si Dylan. Naalala mo ang lalaking kausap ko sa video call?” Wala na siyang maisip na iba. Hindi naman niya pwedeng sabihin na ito ang lalaki nakauna sa kanya at baka ipakulong pa siya nito dahil natangay niya ang wallet nito na may lamang halos dalawampung libo na nagastos na niya.Tila nagngalit ang bagang ng boss ng madinig ang pangalan ni Dylan. Ngunit malamang ay guni-guni lamang niya dahil imposibleng magalit ito sa kung sino mang lalaki ang nakakuha sa pagka-birhen niya.“Siguraduhin mo lang na hindi ka makikipag-ugnayan sa kahit na sinong lalaki habang may kasunduan tayo. Pag-aari kita. Naiintindihan mo?”Tumango siya. “Huwag po kayong mag-alala at mahal ko ang trabaho ko at ang perang kikitain ko.” At mahal kita! Huy! Bakit may pumapasok n