Share

Kabanata 1

Author: Reianne M.
last update Last Updated: 2022-09-13 15:30:25

Breakfast.

Hinawi ko ang mahabang buhok ko nang sumabog ito pagbaba ko ng sasakyan na nirent namin. Kinuha ko ang maliit kong shoulder bag saka ito inilagay sa aking balikat.

"Hindi masyadong malaki ang nabili nating bahay pero ayos na ito kaysa nangungupahan tayo," sabi ni Mama.

Pinagmasdan ko ang kulay mint green na bahay na nasa tapat namin. Up and down man, mas maliit naman ito tingnan kaysa sa mga bahay na nasa kalapit namin, lalo na sa bahay na nasa tapat namin na halos akupahin ang buong block na kahilera. Mas komportable nga lang itong bahay namin ngayon kaysa sa inuupahan namin noon.

"Maganda naman ito, Ma. Nakakahinayang nga lang na nilipat natin ng school si Chime. Alam mo namang paborito siya ng mga teachers niya sa Pasay."

"Okay lang naman po, Pa. Nakapagpaalam naman ako sa kanilang lahat," nakangiting sabi ko.

Adasha Chime Morin. Hindi na yata nawawala ang pangalan ko sa listahan ng mga may honors tuwing may recognition sa aming school. Kahit tuwing program, ako ang nags-speech. I am the favourite of my schoolmates and teachers.

Si Mama ang naglakad ng papers ko para sa pagtransfer ko sa bagong school na papasukan ko. Sumama lang ako sa kaniya no'ng ie-enroll niya na ako. Nilibot ko ang malaking school na lilipatan ko. Mas malaki at mas maganda itong tingnan kaysa sa school ko no'ng nakaraan. May iilang estudyante rin na nag-iikot. Ang iba sa kanila, halatang kabisado na ang campus.

"Hi. Bago ka rito?" Nilingon ko ang lalaking bumati sa akin.

Tumango ako at tipid na ngumiti. "Nagtransfer ako."

Naglakad ako papunta sa quadrangle kung saan may malaking puno na nakatayo. May apat na lamesa sa ilalim no'n. Sa bawat lamesa, may apat na upuan na gawa sa puno. Naupo ako sa isa roon saka inilipag ang maliit kong bag sa lamesa.

"Anong grade ka?" Tanong niya.

Nilingon ko ang lalaking sumunod pala sa akin. Matangkad siya. Kaninang magkatabi kami, hanggang leeg niya lang ako kahit na may katangkaran ako. Halata ring nakawax ang buhok niya dahil maayos iyon kahit na malakas ang hangin. Matangos ang kaniyang ilong. Itim ang kaniyang mga mata na kapag nasisinagan ng araw ay nagiging kulay brown. Makapal ang kilay at pilik-mata niya. Kahit malayo siya, iyon ang unang mapapansin mo. Bagay ang kaniyang pantay-pantay na ngipin sa kulay pink niyang labi na laging nakangiti. Pero mas nakakapukaw ng atensyon ang cross na earring na nasa left ear niya.

It looks cool...

"Grade 8," tipid na sagot ko.

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya saka pinagmasdan ang iilang estudyante na kasama ang kanilang parents na dumaraan sa harapan namin.

Nagulat ako nang malakas siyang tumawa. Tinapik-tapik niya pa ang lamesa na nasa gitna namin.

"Magkaparehas lang pala tayo e. Anong pangalan mo?" Tanong niya ulit.

"C-Chime," sagot ko.

"C-Chime..." Panggagaya niya sa pagkakautal ko. Malakas siyang humalakhak saka tinapik muli ang lamesa. "Biro lang. Ako si Kylo."

Tipid akong tumango sa kaniya. Tumayo lang ako nang makitang lumabas si Mama sa office, at mukhang hinahanap ako.

Nakangiti akong kumaway kay Mama na agad din naman akong nakita. Ngumiti siya bago naglakad papunta sa akin. Napansin ko rin ang pagtayo ng lalaki sa tapat ko, mukhang nakatingin din kay Mama.

"Oh?" Dinig kong bulong ni Kylo. "Tita Lia?"

Kunot-noo ko siyang binalingan. Kilala niya si Mama?

"Oh, Kylo? Dito ka rin pala nag-aaral," bati sa kaniya ni Mama.

"Opo e," kinamot niya ang kaniyang batok.

"Akala ko sa private ka dahil mayaman kayo," tumatawang sabi ni Mama.

"Nako po! Nakick ako roon noon dahil pasaway raw ako," sagot naman niya.

Kinuha ko ang hawak ni Mama na envelope saka ito inilapag sa lamesa. Naupo si Mama kaya naman naupo rin ako. Hindi ko akalain na uupo rin itong si Kylo at mukhang makikipagkwentuhan pa kay Mama.

"Nakilala mo na pala itong anak ko?" Binalingan ako ni Mama.

"Ah, opo. Nilapitan ko po kanina ang ganda kasi..." Humalakhak siya. "Hindi na po ako nagtaka na nalaman kong anak mo siya. Parehas po kayong maganda."

Napangiti ako sa sinabi niya, si Mama naman ay natawa. Mukhang magaling mambola ang lalaking ito. Pati si Mama ay nauuto niya.

"Doon siya nakatira sa tapat natin," bulong sa akin ni Mama.

Naalala kong nakwento sa akin ni Mama ang tungkol sa pakikipag-usap niya sa may-ari ng bahay sa tapat namin. Mababait daw ang mga tao roon.

"Mahilig ka ba sa swimming pool? Kung gusto mo, iimbitahan kita sa bahay. May swimming pool kami sa loob," sabi niya.

Namangha ako sa sinabi niya. Gano'n sila kayaman? Hindi na dapat ako nagtaka roon dahil kita naman sa labas na halos sakupin nila ang buong block ng tapat namin.

"Hindi masyadong marunong lumangoy si Chime, Hijo. Kaya hindi namin pinapayagan sa mga swimming," sabi ni Mama.

"Ay, nako! Ayos lang po. Kung pwede, next time tuturuan ko siya. Pero syempre kung ayos lang sa inyo," tumatawang sagot niya.

"Sa susunod, Hijo..." Sagot ni Mama. "Ano nga palang ginagawa mo rito? Nag-enroll ka?"

Umiling siya. "Hindi po. Bored na po kasi ako sa bahay kaya pumunta ako rito."

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ni Mama.

Sign iyon na uuwi na kami. Inayos ang files na nasa loob ng envelope saka iyon kinuha. Nauna na akong tumayo sa kanilang dalawa.

"Kung uuwi na po kayo, sasabay na ako."

"Oh, halika na. Sa bahay ka na magmeryenda kung gusto mo."

Nauna akong naglakad sa kanila. Nginitian ko pa ang mga nadadaanan ko. Hinawi ko ang mahaba kong buhok nang makalabas ako ng school. Dito kasi kami naghihintay ng jeep na sasakyan tapos naglalakad kami papasok ng subdivision.

Masasabi kong comfortable ako sa buhay ko ngayon. Si Mama ay secretary sa isang company. Si Papa naman ay isang Police officer kaya medyo maganda ang pasok ng pera sa amin.

"Wow. Daming trophy," rinig kong bulong ni Kylo pagpasok ng aming bahay.

Bahagya akong nahiya roon. Nasa tapat kasi ng pintuan ang isang malaking glass cabinet na puno ng certificate, medals, trophy, at sash ko. May mga frame pa sa gilid no'n kuha sa mga competition na sinalihan ko. Iyon talaga ang unang inayos ni Mama paglipat namin.

"Adasha Chime Morin. Champion in Quizbee...Unang parangal sa naganap na—"

"Pwede bang maupo ka na?" Tanong ko.

Nilapitan ko siya saka tinakpan ang mga certificate ko na binabasa niya.

"Grabe. Nakakahiya naman lumapit sa'yo. Pakiramdam ko ikaw ang perpektong babaeng nakilala ko," tumatawang sabi niya.

"Marami akong bagay na hindi kayang gawin," sagot ko.

"Like, what?"

"Hindi ako marunong magswimming," sagot ko.

"Uhuh?"

"Hindi ako marunong magbike. Hindi rin ako masyadong marunong sa gawaing-bahay."

"Iyon lang ba?" Tanong niya.

Kumunot ang noo ko. Nag-iisip pa ako kung ano pa bang mga bagay ang hindi ko kaya. Alam ko marami talaga akong hindi kayang gawin pero nakalimutan ko ang mga iyon.

"Ako nga, bobo sa Science lalo naman sa Math. Bumagsak ako nang ilang beses noon, nadaan sa summer class," sabi niya, tumatawa pa.

"I hate Math and Science, too. Inaaral ko lang talaga kaya nage-gets ko. You just need more patience and more reviews."

"Gagawin ko 'yan, basta sabi ni Miss Champion," sabi niya.

"Pwede ba?" Tanong ko. "Stop calling me that. Nakakahiya."

"Aba? Anong nakakahiya roon? Mas nakakahiya nga na ang bungad sa'yo pagpasok mo ng kwarto ko ay mga shoe collection ko. Tapos sa inyo, mga achievements mo."

Hindi na ako sumagot sa sinabi niya. Mukhang hindi talaga siya nauubusan ng sasabihin. Madaldal talaga siya masyado. Lahat ng bagay may masasabi niya, bagay na nakakatuwa. Dahil sa bahay namin, lahat kami ay tahimik. Si Papa lang ang medyo madaldal. Well, ako rin naman... Kapag nasa school.

"Saan 'tong picture na 'to?" Tanong niya sabay turo sa isang frame.

Nilapitan ko ang tinuro niya. Nakasuot ako ng kulay pink na ball gown habang nakangiting hawak ang korona na nasa ulo ko.

"A-Ah. Nanalo ako ng Little Miss Campus niyan," sagot ko.

Iyon ang unang pageant na sinalihan ko. Kinder pa lang ako riyan. Ang sabi ni Mama, i-try lang daw namin. Kaya tuwang-tuwa kami nang manalo ako roon dahil hindi rin naman kami nag-eexpect na mananalo ako. Pero, hindi ako nahilig sa pageant kaya hindi rin ako pinipilit ni Mama.

"Cute," sabi niya.

Ngumiti na lang ako sa kaniya. "Maupo ka muna. Magbibihis lang ako. Baka nagluluto na si Mama ng meryenda."

Tumango siya. Marahan siyang sumunod sa akin. Nakita ko pang pinalibot niya ang kaniyang paningin sa loob ng bahay. Bumuntong-hininga na lang ako bago siya iwan doon. Narinig ko pang tinawag siya ni Mama bago ako makapasok ng aking kwarto.

Nagpalit lang ako ng puting t-shirt at maong shorts. Sinuklay at tinali ko ang aking mahabang buhok bago ako bumaba.

"Nako. May pagkamahiyain 'yang si Chime," rinig kong sabi ni Mama.

"Pansin ko nga po. Ang mahal po ng pagsasalita niya. Masyadong tipid sumagot," tumatawang sagot ni Kylo.

"Kapag naging close mo naman siya, medyo madaldal naman siya," sabi ni Mama.

Tumikhim si Kylo nang maramdaman ang presensya ko. Nagkunwari pa siyang kumukuha ng Maruya na niluto ni Mama.

"Ang sarap po nitong saging, Tita."

"Maruya ang tawag diyan, Hijo," natatawang sabi ni Mama.

"A-Alam ko po," sagot ni Kylo kahit na halatang hindi naman.

Naupo ako sa tabi ni Mama. Nilagyan niya ang plato ko ng Maruya saka sinalinan ng tubig ang aking baso. Saglit kong tinapunan ng tingin si Kylo nang mapansin ang titig nito sa akin. Ngumiti siya nang malaki bago kagatan ang Maruya na nasa tinidor niya.

Uminom ako nang kaunting tubig bago hiwain sa maliit na bahagi ang Maruya na nasa plato ko saka iyon kinain. Narinig kong naubo siya kaya naman agad siyang sinalinan ng juice ni Mama.

"Dahan-dahan, Hijo."

Mabilis siyang uminom ng juice bago ngumiti kay Mama. "Sorry, Tita. Ang sarap kasi sobra. Parang gusto ko tuloy araw-arawin na bumisita rito dahil may meryenda."

Natawa si Mama sa sinabi niya. "May pasok ako sa trabaho, Hijo. Ngayon lang ako umabsent dahil inasikaso ko ang enrollment ni Chime."

"Oh, edi sino pong kasama ni Chime rito bukas?" Tanong niya.

"Siya lang. Marunong naman siyang magluto para sa sarili niya," sabi ni Mama.

"Ay, edi kung gano'n po, Tita, pupunta ako rito para may kasama si Chime. Mahirap na po kapag naiwan siyang mag-isa rito lalo na po't bago lang kayo rito," sabi niya kay Mama.

Tumango si Mama sa sinabi niya. "Mabuti pa nga, Hijo. Ipagkakatiwala ko sa'yo ang anak—"

"Ma, hindi na po. Baka may gagawin si Kylo bukas," sagot ko.

Malakas na naubo si Kylo sa sinabi ko. Uminom muli siya ng juice bago sunod-sunod na umiling sa akin.

"Wala!" Mabilis niyang agap. "Wala akong gagawin. Kaya nga ako nasa school kanina kasi bored ako sa bahay e. Edi rito na lang ako tatambay para naman may kasama ka rin," sabi niya.

"Kung hindi naman makakaabala sa'yo, pwede ka namang bumisita rito basta ay magpaalam ka sa inyo," sabi ni Mama.

"Opo naman, Tita."

Ako ang nagpresintang maghugas ng plato pagtapos kumain. Si Mama kasi ay pinapakita pa kay Kylo ang photo album ko kaya hinayaan ko na lang sila roon.

"Hindi bagay sa magandang kamay mo ang maghugas ng plato," rinig kong sabi ni Kylo.

"Simpleng gawain lang naman ang paghuhugas ng plato saka wala namang binabagayan ito," malumanay kong sagot.

"Mag-aaral ako maghugas ng plato para kapag tapos na kayong kumain, magdoorbell ka na lang sa bahay..." Natatawang sabi niya. "Tapos ako na maghuhugas ng plato niyo."

Sabay kaming natawa sa sinabi niya. Pansin kong mahilig magbiro si Kylo. Hindi na ako magtataka kung marami siyang kaibigan sa school dahil halata rin namang palakaibigan siya. No'ng gabing iyon, sa bahay rin nagdinner si Kylo. Kung hindi pa siya tinawagan ng Mama niya, mukhang hindi pa siya uuwi.

Sabay na pumasok ng trabaho sina Mama at Papa kinabukasan. Nagwa-walis ako sa tapat ng bahay namin nang marinig ko ang pagbukas ng gate sa likod ko na nagpalingon sa akin.

Kumunot ang noo ko nang makita ang bagong ligo na si Kylo. May hawak siyang isang malaking tray. Ngumiti siya nang makita ako.

"Good morning, beautiful!" Malakas na bati niya. "Nagbreakfast ka na?"

"Tapos na," sagot ko.

Kahit may pasok sina Mama at Papa, sabay-sabay kaming kumakain ng breakfast. Sa lunch naman ay ako mag-isa at pagdating ng dinner, magkakasabay ulit kami.

"Ako hindi pa e. Dito na lang ako kakain," sabi niya.

Nagulat ako nang naupo siya sa tabi ng mga dahon na nawalis ko.

"H-Hoy! Sa loob ka na kumain. Marumi riyan," saway ko sa kaniya.

"Samahan mo ako sa loob. Pangit naman kung iyong may-ari ng bahay nagwawalis sa labas tapos ako kumakain sa loob," sagot niya.

"O-Oh, sige. Tumayo ka na riyan," muling saway ko.

"Yes, Miss Champion!" Mabilis na sabi niya bago tumayo.

Napangiti na lang ako sa ginawa niya. Tinapon ko muna sa trash can namin ang mga nawalis ko bago kami pumasok ng bahay. Wala na nga akong balak kumain kaso ay umiral na naman ang katigasan ng ulo ni Kylo.

"Ang pangit kung panonoorin mo lang akong kumain. Dapat kumain ka rin kahit kaunti," sabi niya.

Kaunti raw... pero halos itambak niya na ang dalang fried rice sa plato ko.

"Nagdala ako ng plates para hindi ikaw ang maghugas ng plato. Iuuwi ko na lang 'to pagtapos natin," sabi niya.

"Kahit na. Dapat huhugasan pa rin 'yan, Kylo. Hindi magandang tingnan iyon," sabi ko.

Tumango na lang siya bago isubo ang sausage. "Opo, Miss. Ako na ang maghuhugas, ha? Nagpa-practice na ako no'n."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Wakas

    Wakas."What happened to you, son?" Nag-aalalang tanong ni Mama nang makita akong wala sa sariling pumasok ng bahay."Wala na kami, Ma. Nakipaghiwalay si Chime sa akin," sumbong ko.Nakita ko ang pagkabigla niya sa sinabi ko. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko habang nakatingin sa aking ina. Marahan niya akong binalot ng yakap. Hindi ko maintindihan ang rason niya. Kilala ko si Chime at kung inaakala niyang susukuan ko siya, hindi! Bukas ay kakausapin ko ulit siya. Bukas ay babalik ako sa kaniya para kausapin siya nang maayos. Babalik iyon sa akin. Mahal niya ako e. Parehas lang kami na hindi kaya kapag nawala sa piling ng isa't isa.Bumalik ako sa inn kinabukasan. May dala pa akong pagkain para sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit nandito siya at wala sa bahay nila na nilipatan. Balak kong sabihin sa kaniya na nabawi ko na ang bahay nila at pwede na silang bumalik ni Tito roon pero nakipaghiwalay siya."Ay, Sir, kagabi pa po naka-checkout si Ma'am," sabi sa akin ng staff doon."What?

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 35

    Pregnant.Sinalubong ako ng sunod-sunod na pagduduwal pagdilat ko. Narinig ko pa ang kalabog mula sa labas at ang mahinang mura ni Kylo na hindi ko na pinansin pa. Pinunasan ko ang labi ko at nagmumog bago ako lumabas ng bathroom.Naabutan kong hawak-hawak ni Kylo ang likod niya. Mukhang nalaglag pa sa kama. Ngumiwi siya habang naglalakad palapit sa akin."Ayos ka lang?" Tanong niya sa akin.Inirapan ko siya at dumiretso sa labas ng kwarto. Narinig ko pa ang daing niya na masakit ang likod niya pero hindi ko na pinansin. Diretso ang lakad ko pababa ng hagdan at dumiretso agad sa kusina. Binuksan ko ang ref at naghanap ng maluluto bilang almusal namin."Hon, ilang araw na 'yan ha? Hindi mo pa balak magpatingin?" Tanong niya sa akin.Napairap na lang ako habang kumukuha ng itlog sa ref. I secretly used pregnancy test and it tested positive. Gusto ko sanang sabihin kay Kylo pero naiinis ako kapag nakikita ko siya."Hon!" Tawag niya sa akin.Niyakap niya ako mula sa likod at sininghot ang

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 34

    Marry.Everything right now is perfect to me. Tiningnan ko si Kylo na nakaluhod sa harap ni Papa at tinutulungan siyang maligo sa bathroom. Napangiti na lang ako habang pinanonood sila. Tahimik akong naglakad palabas ng bathroom at inayos ang kwarto ni Papa.Binalingan ko ang larawan ni Mama na nakapatong sa tabi ng kama ni Papa. Inayos ko iyon at nginitian. I hope that she's watching us from heaven. Sana masaya siya at wala nang sakit na dinaramdam."Hon, ang towel ni Tito?" Sigaw ni Kylo mula sa bathroom."Teka lang!" Sigaw ko habang inaayos ang bedsheet ng kama.Minadali ko iyon bago kuhanin ang towel na naka-sabit sa pintuan at iniabot iyon kay Kylo. Ngumiti siya sa akin bago pumasok muli sa bathroom."Kylo! Chime!" Sigaw naman ni Ate Trina mula sa baba. "Handa na raw ang sasakyan sabi ni Jose!""Sige po, Ate. Inaasikaso lang si Papa ni Kylo!" Sigaw ko.Wala kaming pasok ngayon at nagyaya si Kylo na pumuntang Las Piñas. Aniya, nagtext na raw siya kay Manang na pupunta kami roon ng

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 33

    Alumni.Ang mga sumunod na linggo ay mas naging magaan para sa amin. Our relationship that we built now became stronger not that it was weak before.Binalingan ko si Kylo na nagsusukat ng kaniyang suit. Nasa akin ang atensyon niya kahit na kinakausap siya ng staff. Nagsusukat kami ngayon ng gown at suit para sa darating na grand alumni sa dati naming school noong high school kami."Hon, kinakabahan ako," sabi ko sa kaniya matapos naming lumabas ng boutique.May isang linggo pa kaming preparation para sa alumni at medyo late na kaming nagsukat ng susuotin. Mabuti na lang at may connection siya sa Blue, boutique shop ng kilalang Pinay fashion designer na si Ms. Fritzy, kaya medyo nagkaroon kami ng special treatment para mapabilis ang pag-aayos ng susuotin namin.Mahina siyang humalakhak. "I'm with you, Hon, and besides our friends were looking for you. Miss ka na ng mga 'yon."Bumuntong-hininga ako. Hindi ko maiwasang kabahan dahil pakiramdam ko kumalat din sa kanila ang pagta-trabaho k

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 32

    Warning: R18+If you are a minor or not open to this kind of scene you can skip this and proceed to the next chapter. ———Everything."Tito, good morning po!" Maligayang bati ni Kylo nang pumasok ng bahay.Binalingan ko siya at pinanlisikan ng mga mata. Dumapo sa akin ang tingin niya pero inirapan ko lang siya. Humalakhak siya habang naglalakad papunta sa akin."Good morning, Hon!" Tuwang-tuwa niyang bati.Inirapan ko lang siya. Inayos ko ang pagkakahain sa lamesa at inignora siya. Inilapag niya ang dalang mga pagkain sa lamesa namin habang humahalakhak."Sorry na, Hon..." Sabi niya. Lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likod. Siniksik niya ang kaniyang mukha sa akin kaya bahagyang nagtaasan ang balahibo ko."Sorry na. Male-late ang kain ni Tito kung itinuloy natin," bulong niya."Wala naman akong sinabi!" Giit ko."Pero galit ka e," malambing niyang bulong. "Babawi tayo mamayang gabi. I swear.""Ayaw ko na!" Sabi ko bago alisin ang pagkakayakap niya sa akin.Malakas siyang h

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 31

    Fixed."Please? Let's fix us," sabi niya sa akin. Masuyo niyang hinawakan ang kamay ko. Marahan niya akong hinatak palapit sa kaniya. Pinalis niya ang luha sa pisngi ko. Napapikit ako sa ginawa niyang iyon."Baka hindi siya para sa atin, H-Hon," sabi niya. "Hindi ka ba n-nasasaktan?" Umiiyak kong tanong. "Nawalan tayo ng anak, Ky!"Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay wala lang iyon sa kaniya. Saglit ko lang nakita ang sakit sa mga mata niya pero ngayon na nakatingin siya sa akin, hindi ko na makita iyon."M-masakit, Chime. Sobrang sakit," bulong niya sa akin. "Pero mas hindi ko kayang mawala ka e. Hindi ko kayang ikaw ang lumayo sa akin ulit."Hinawakan niya nang marahan ang aking pisngi. Pinagdikit niya ang noo namin. Sabay kaming umiyak habang nakatingin sa isa't isa. Nanghihina ako. Mahigpit akong yumakap sa kaniya at malakas na humagulgol."Kylo, ang baby natin..." umiiyak kong sumbong sa kaniya. "Ni hindi ko man lang siya nahawakan.""Shh..." Pag-aalo niya sa akin. "I'm s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status