Share

Love is Sweeter the Second Time Around
Love is Sweeter the Second Time Around
Penulis: Reianne M.

Simula

Simula.

"Chime! Ang Mama mo, nasaan?"

Nanginginig kong iniwas ang sarili ko sa mariin na pagkakahawak ni Papa. Nagmamadali akong tinapos ang hinuhugasan kong plato bago siya pagtuunan ng pansin.

"Papa, naman. Alam mo namang wala na si Mama," malumanay na sagot ko.

"Anong wala? Nasaan? Pauwiin mo!" Malakas na sigaw niya.

Napapikit ako sa lakas ng sigaw niya. Hinawakan ko ang braso niya saka siya hinatak papasok ng kaniyang kwarto. Kinuha ko ang gamot niya saka iyon iniabot sa kaniya. Seryoso niya akong tiningnan bagay na ikinatakot ko.

"Para saan ang gamot na ito?" Tanong niya.

Hindi ako nakasagot. Hindi ko masabi na para ito sa pampatulog niya. Mukhang hindi niya rin naman hinihintay ang sagot ko dahil agad niya itong ininom. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang unti-unti siyang pumipikit. Inayos ko pa ang pagkakahiga niya bago siya muling tapunan ng tingin.

Buti naman at nakatulog na agad...

Higit apat na taon na mula nang mamatay si Mama dahil sa cancer. Sumunod naman no'n ang sunod-sunod na kamalasan sa buhay ko. Tapos ngayon, ako ang nag-aasikaso kay Papa dahil sa Alzheimer's niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa buhay ko. Ni hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera.

Lahat ng in-apply-an kong trabaho, hindi ako tinatanggap. Dapat daw ay college graduate. Dapat daw may experience sa trabaho. Gulong-gulo ang utak ko. Kaya hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung bakit sa huli, sa isang hindi magandang trabaho ako napunta.

"Sigurado ka bang wala kang balak na magpa-book?" Tanong ni Madam, manager ng club na papasukan ko.

Mariin akong umiling. Nanginginig ko pang nilaro ang mga daliri ko habang nakayuko. Hindi ko magawang tumingin sa kaniya nang diretso.

"Sayang. Malaki ang kikitain mo roon," sabi niya.

"H-Hindi po talaga," tanging nasagot ko.

Dinig ko ang malakas na pagbuntong-hininga niya. Napapikit tuloy ako sa takot.

"Marami ang babastos sa'yo rito lalo na't bago ka saka alam mo naman ba itong pinapasukan mo?" Tanong niya.

Tumango ako.

"Sasayaw ka sa stage habang nag-iinuman ang mga tao sa paligid mo. May mambabastos sa'yo. Kaya kapag hindi ka komportable, pahihintulutan kitang sampalin sila o kahit na patayin mo pa," natatawang sabi niya.

Mabilis na kumalabog ang dibdib ko sa sinabi niya.

"Joke lang. Ano ka ba? Pero kapag hindi ka komportable lalo na kapag hinihipuan ka, sabihin mo sa akin. Kahit naman nasa club ka, kailangan pa rin ng consent mo para hawakan ka."

Tumango ako sa sinabi niya.

Doon tuluyang bumaba ang pagkatao ko. I saw my schoolmates murmuring while I'm performing. Ang iba'y vinivideohan pa ako. Pumipikit na lang ako. Hindi ko kayang makipagsagutan pa sa kanila. They are successful while here I am. Nilalamon ng kahirapan...ng karumihan.

Kung nakapagtapos ba ako, flight attendant na ako? Successful din kaya ako kagaya nila? Maganda kaya ang buhay ko? Masaya kaya ako?

Hinang-hina akong bumaba ng stage nang matapos ang performance ko. Mabilis kong kinuha ang jacket ko saka iyon sinuot.

"Narinig kong pinag-uusapan ka ng isang grupo sa labas," sabi ni Aileen.

"T-Talaga?" Maang-maangan kong tanong.

Tumango siya. "Schoolmates ka raw nila. Ewan ko, hindi ko masyadong naintindihan ang sinasabi dahil puro Englishero."

Mahina akong natawa sa sinabi niya. Napaigtad ako nang mahina niyang hampasin ang braso ko.

"Ikaw naman! Kung magta-trabaho ka sa ganito, lubusin mo na. Sana naman ay tinuloy mo ang pag-aaral mo kaysa naman puro sa tatay mo binuhos lahat," sabi niya.

"Mahal ang gamot ni Papa," sagot ko. "Kailangan pang regular ang check up niya sa hospi—"

"E s***a! Mamamatay rin naman, pinapahaba mo pa ang buhay!" Singhal niya.

"Aileen!" Madiin kong saway sa kaniya. "Papa ko pa rin siya!"

"Pero anong ginawa sa'yo?" Tanong niya.

Natahimik ako sa sinabi niya. Kung mayroon man akong nakakausap tungkol sa buhay ko, si Aileen iyon. Siya na yata ang may alam ng liko ng bituka ko, bukod sa iilang nakilala ko sa Las Piñas.

"Hindi ko maintindihan, Chime! Kung ako ang nasa lugar mo, papatayin ko na lang iyon!"

Naputol ang pag-uusap namin nang tawagin si Aileen ni Madam. Mukhang dumating na ang customer niya sa gabing ito. Tapos naman na ang trabaho ko rito kaya isa-isa ko nang inayos ang gamit ko.

"Chime!"

Liningon ko ang lalaking tumawag sa akin. Nanlaki pa nag mga mata ko nang isara niya ang staff room.

"Anong ginagawa mo rito? Bawal ang hindi staff dito," sabi ko sa kaniya.

Nagmamadali siyang lumapit sa akin saka tinakpan ang aking bibig. Kinuha niya ang gamit ko saka ako pinasok sa comfort room sa loob ng staff room. Mabilis na kumalabog ang dibdib ko nang ilock niya ito.

"Hmm..."

Hindi ko magawang magreklamo sa kaniya dahil sobrang diin ng pagkakahawak niya sa akin. Nangilid ang luha ko habang nananalangin. I don't want another heartbreak from this kind of trauma. I'm still processing everything that happened to me before. Ayaw ko na...

"Inaabangan ka ng schoolmates natin sa labas. I heard them talking about taking you somewhere and doing shits with you," mahinang bulong niya.

Napapikit ako sa sinabi niya. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Hindi ko na rin napigilan ang panginginig ng paa ko. Kung hindi lang ako hawak nitong lalaking ito, sigurado akong natumba na ako.

In a room full of evil, there is always an angel. At siya iyon.

Marahan niya akong binitawan. Binaba niya ang takip ng toilet bowl saka ako roon inupo. Iniabot niya sa akin ang bag ko habang seryosong nakatingin sa pintuan.

"Nasaan na? She's not here!" Dinig kong sigaw ng lalaki sa labas.

"Hindi ko pa naman nakikitang lumabas," sabi ng isa pa.

"Check the comfort room!"

Kinakabahan akong tiningnan ang lalaki sa harapan ko. Sinenyasan niya lang akong manahimik bagay na sinunod ko. Mariin akong pumikit nang marinig ang sunod-sunod na pagkalabog ng pintuan ng comfort room. Nagulat ako nang hawakan ng lalaki ang kamay ko saka iyon marahang pinisil.

"Teka! Nagjejebs ako, pogi!"

Napakagat-labi ako para pigilan ang pagngiti ko. Bigla ba naman kasing inipit ng lalaking kaharap ko ang boses niya.

"Putangina! Dude, she's not here!" Dinig kong sabi sa labas.

"Sinetch ba hinahanap niyo? Baka bet niyong ako na lang ang lafangin! I'm so willing," humagikgik pa ang lalaki sa harapan ko.

"Shut up, Gay!"

"Let's go! Let's try na lang again some other time. Baka bukas nandito ulit 'yon."

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang pagsara ng pintuan ng staff room. Binitawan ng lalaki ang kamay ko saka marahang binuksan ang pintuan ng comfort room.

"I'll just check them first. Babalik ako kaagad kapag wala na sila. Stay here for a while," paalala niya bago ako iniwan.

Nanginginig kong sinarado ang pintuan ng comfort room. Napapikit ako habang inaalala ang nangyayari. Gustong-gusto ko nang umalis dito. Sa tagal ko na rito, ilang beses na akong muntik mapahamak. Kung mayroon lang talaga akong trabahong mapapasukan...

"Chime, it's me..." Dalawang beses na kumatok ang lalaki sa labas. "You can go out now. Umalis na sila."

Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Nanginginig pa ang kamay ko habang binubuksan ang lock ng comfort room. Mahigpit kong hinawakan ang bag ko bago binuksan ang pintuan.

"I'm sorry kung nagulat kita kanina," sabi niya sa akin.

"S-Salamat..." mariin akong pumikit nang maramdaman ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata. "H-Hindi ko alam kung paano kitang pasasalamatan."

"No, it's nothing."

"H-Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung hindi ka dumating," sabi ko.

Napansin ko ang pagtahimik niya kaya inangat ko ang tingin ko sa kaniya. Seryoso ang tingin niya sa akin. Kinuha niya ang bag na hawak ko saka ako pinaupo sa harapan ng vanity mirror.

"Out mo na ba?" Tanong niya.

Tumango ako.

"Kung okay lang sa'yo, ihahatid kita."

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko magawang makasagot. Bakit ba mabait sa akin ang taong ito? I don't even know him, or his name...

"Hindi mo na yata ako naaalala..." mahina siyang tumawa. "Ako iyong laging binubully ng mga seniors kasi patpatin ako. Then, one time pinagtanggol mo ako. Pinatawag mo sila sa guidance, at doon natigil ang pambubully sa akin."

Tumango-tango ako sa kwento niya. Medyo naaalala ko nga iyon. Iyong nasa upper year na laging kinakawawa ng seniors kasi nerd daw. Typical na rason ng mga walang magawa sa buhay.

"I am Shaun. I forgot to thank you for that. Nalaman ko rin kasi na hindi ka na pumasok weeks after that incident," sabi niya.

"A-Ah. Marami kasing nangyari sa buhay ko," tanging nasagot ko.

Tumango siya. "You must have a hard time living like this. If it's okay with you, tutulungan kitang makahanap ng ibang trabaho."

Tumango ako. "G-Gusto ko na ring umalis dito."

"Matagal ka na ba rito?" Tanong niya.

"Almost 2 years na," sagot ko.

"Matagal na rin. Hindi ka ba nag-apply sa iba?" Tanong niya.

"I tried pero kailangan college graduate o kaya naman may working experience," sagot ko. "May mga babysitting din naman akong nakuha pero kailangan stay-in. Hindi naman ako pwede dahil inaalagaan ko ang P-Papa ko."

"I see. I'll help you get a better work. Much safer than this," sabi niya.

"Salamat."

Nang gabing iyon, hinatid niya ako sa bahay. Nalaman kong ahead pala siya sa akin ng isang taon. Marami siyang alam tungkol sa achievements ko sa school. Bagay na nakakahiya. Sino ba namang mag-aakala na ang honor student ng campus, e nagta-trabaho na lang sa club ngayon.

Shaun is a good person. Halos maging hatid-sundo ko na siya tuwing papasok ako sa club. Hindi naman siya nakikialam sa ginagawa ko. He's just watching me. Nakikialam lang siya kapag may nambabastos sa akin.

"Baka hindi ako makapunta bukas, ha?" Sabi niya nang makalabas kami sa club.

"Bakit?" Tanong ko. "I mean, sige. Ayos lang."

Mahina siyang natawa. "Kailangan kong magreview. Alam mo naman yata kung ga'no kasakit sa ulo ang law."

Tumango ako. "Goodluck!"

"Sure akong makakapasa ako. May goodluck galing sa'yo e," tumatawang sabi niya.

Pabiro ko na lang siyang inirapan. Nasa third year na raw siya sa law school na pinapasukan niya. Tapos niya naman na raw ang pagsusulat ng digest niya pero next week daw ay may exams sila kaya kailangan niyang tutukan.

Tahimik akong pumasok ng club kinabukasan. May iilan nang tao roon na nililinis ang club. Nagbatian lang kami bago ako pumasok sa staff room kung saan kami laging nag-aayos.

"Walang bodyguard today?" Tanong ni Aileen habang naglalagay ng false eyelashes.

"May gagawin sa school," sagot ko.

Inismiran niya ako. Natatawa ko na lang siyang pinanood sa salamin. Halos isang oras lang ang performance ko sa gabing iyon na mabilis ko namang natapos. Dumiretso agad ako sa staff room para kuhanin ang jacket ko saka ito itinabon sa aking sarili. May performance pa ako mamaya bago ako makakauwi.

"Chime, may naghahanap sa'yo sa labas."

"H-Ha? Sino raw?"

"Hindi ko alam e. Pero sobrang pogi," humalakhak si Ezra na isa ring trabahador dito.

"Nako! Sa ganda ni Chime, dapat din talaga pogi ang papalibot sa kaniya," singit ni Aileen habang nagre-retouch.

"Loko!" Saway ko.

Hinubad ko ang suot kong stiletto saka lumabas ng staff room. Tinuro sa akin ni Ezra kung nasaan ang lalaki. Halos manginig ang paa ko habang unti-unting lumalapit sa kaniya. Parang gusto ko na lang bumalik sa loob pero huli na dahil humarap siya sa akin.

"Nalaman kong dito nagta-trabaho ang tinitingalang babae sa school. Tama nga sila."

Kitang-kita ko ang lamig sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Pinasadahan niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Madiin niyang hinawakan ang braso ko bago ako hatakin palabas ng club.

"N-Nasasaktan ako, Kylo!" D***g ko habang pilit na inaalis ang pagkakahawak niya sa akin.

"Hindi ko akalain na makakaya mong magtrabaho sa ganitong lugar, Chime."

"A-Ano bang pakialam mo?" Inis na sigaw ko.

"W-What?" Gulat na tanong niya. Mukhang hindi niya inaasahan ang pagsigaw ko. "Hindi na kita kilal—"

"Hindi mo na talaga ako kilala. Kaya pwede bang 'wag mo akong pakialaman? Nagta-trabaho ak—"

"Trabaho ang tawag mo sa ginagawa mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Nagsa-sayaw ka sa harapan ng maraming lalaki. Pinagpi-piyestahan ang katawa—"

"Hindi ko alam kung bakit kailangan mo pang makialam sa ginagawa ko, Kylo. Matagal na tayong tapos kaya sana itigil mo na ang panggugulo sa akin."

"Hindi kita ginugulo, Chime! Ginigising kita kasi putanginang hindi ikaw 'to!" Malakas na sigaw niya.

Marahas niyang binitawan ang braso ko. Napahawak ako roon at kitang-kita ko ang pamumula nito dahil sa diin ng pagkakahawak niya kanina. Nagulat ako nang malakas na suntukin ni Kylo ang pader na nasa likod ko.

"Putangina, Chime. Pinakawalan kita kasi iyon ang hinihiling mo. Kahit masakit sa akin na tanggapin ang desisyon mo, pumayag ako. Gano'n kasi kita kamahal e. Tapos ngayon..."

Madiin niyang tinuro ang club. Gigil na gigil siyang nakatingin sa akin...na kung kaya niya akong saktan, magagawa niya.

"Nandiyan ka? Ano, Chime? Anong ginagawa mo sa buhay mo? Hindi naman ito ang plano mo para sa sarili mo, ha?" Sabi niya sa akin.

Unti-unting nangilid ang luha ko habang nakatingin sa kaniya. Marahan niyang hinawakan ang mukha ko bago pumikit nang mariin saka sinandal ang kaniyang noo sa aking balikat.

"Anong nangyari, Chime? A-Anong nangyari sa'yo?" Humihikbing tanong niya.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paghikbi ko. Hindi ko kayang marinig ang mga bagay na ito galing sa bibig niya. Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan.

"Chime! Hinahanap ka ni Madam!"

Marahan kong tinulak si Kylo nang tawagin ako ni Aileen.

"S-Sandali. Susunod ako," sagot ko.

Ramdam ko ang titig ni Kylo sa gilid ko. Tipid akong ngumiti sa kaniya saka tumungo.

"Papasok na ako," paalam ko.

"Iwan mo na 'yang trabaho mo, Chime."

Umiling ako sa sinabi niya. "Tigilan mo na ako. Sana kung babalik ka rito, magkunwari ka na lang na hindi ako kilala."

"Wow!" Hindi makapaniwalang sigaw niya.

"Please, Kylo. Ayaw ko ng gulo."

"Bakit ang dali para sa'yong sabihin 'yan? Bakit kayang-kaya mo akong ipagtabuyan? Tapos ako ito pa rin..." Madiin niyang tinuro ang dibdib niya. "Ikaw pa rin. Putanginang, hinahanap-hanap pa rin kita kahit tatlong taon na mula nang magmakaawa ka sa akin na hiwalayan ka!"

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status