LOGINIn life, you don't know if you're always on top. Hindi mo alam kung kailan ka mananalo o matatalo-kung kailan ka paglalaruan ng tadhana. Destiny is our greatest enemy. Parang lahat kasi ng mangyayari sa buhay natin, nakatadha na-at wala kang magagawa kundi tanggapin ito. I have always been on top. All the people I know are proud of me-look up at me because I am good at everything. Pero tama nga silang hindi ka laging nasa taas. Sino bang mag-aakala na isang beses lang akong babagsak pero sobra iyon? Sobra-sobrang nahatak ako sa baba ng malaking trahedya sa buhay ko at hindi ko alam kung paano ako aahon. Mabuti na lang, bumalik siya. Siya ulit. Siya lang ang nag-iisang taong nagmamahal sa akin nang lubos kahit iniwan ko. It's always him. Walang iba.
View MoreWakas."What happened to you, son?" Nag-aalalang tanong ni Mama nang makita akong wala sa sariling pumasok ng bahay."Wala na kami, Ma. Nakipaghiwalay si Chime sa akin," sumbong ko.Nakita ko ang pagkabigla niya sa sinabi ko. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko habang nakatingin sa aking ina. Marahan niya akong binalot ng yakap. Hindi ko maintindihan ang rason niya. Kilala ko si Chime at kung inaakala niyang susukuan ko siya, hindi! Bukas ay kakausapin ko ulit siya. Bukas ay babalik ako sa kaniya para kausapin siya nang maayos. Babalik iyon sa akin. Mahal niya ako e. Parehas lang kami na hindi kaya kapag nawala sa piling ng isa't isa.Bumalik ako sa inn kinabukasan. May dala pa akong pagkain para sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit nandito siya at wala sa bahay nila na nilipatan. Balak kong sabihin sa kaniya na nabawi ko na ang bahay nila at pwede na silang bumalik ni Tito roon pero nakipaghiwalay siya."Ay, Sir, kagabi pa po naka-checkout si Ma'am," sabi sa akin ng staff doon."What?
Pregnant.Sinalubong ako ng sunod-sunod na pagduduwal pagdilat ko. Narinig ko pa ang kalabog mula sa labas at ang mahinang mura ni Kylo na hindi ko na pinansin pa. Pinunasan ko ang labi ko at nagmumog bago ako lumabas ng bathroom.Naabutan kong hawak-hawak ni Kylo ang likod niya. Mukhang nalaglag pa sa kama. Ngumiwi siya habang naglalakad palapit sa akin."Ayos ka lang?" Tanong niya sa akin.Inirapan ko siya at dumiretso sa labas ng kwarto. Narinig ko pa ang daing niya na masakit ang likod niya pero hindi ko na pinansin. Diretso ang lakad ko pababa ng hagdan at dumiretso agad sa kusina. Binuksan ko ang ref at naghanap ng maluluto bilang almusal namin."Hon, ilang araw na 'yan ha? Hindi mo pa balak magpatingin?" Tanong niya sa akin.Napairap na lang ako habang kumukuha ng itlog sa ref. I secretly used pregnancy test and it tested positive. Gusto ko sanang sabihin kay Kylo pero naiinis ako kapag nakikita ko siya."Hon!" Tawag niya sa akin.Niyakap niya ako mula sa likod at sininghot ang
Marry.Everything right now is perfect to me. Tiningnan ko si Kylo na nakaluhod sa harap ni Papa at tinutulungan siyang maligo sa bathroom. Napangiti na lang ako habang pinanonood sila. Tahimik akong naglakad palabas ng bathroom at inayos ang kwarto ni Papa.Binalingan ko ang larawan ni Mama na nakapatong sa tabi ng kama ni Papa. Inayos ko iyon at nginitian. I hope that she's watching us from heaven. Sana masaya siya at wala nang sakit na dinaramdam."Hon, ang towel ni Tito?" Sigaw ni Kylo mula sa bathroom."Teka lang!" Sigaw ko habang inaayos ang bedsheet ng kama.Minadali ko iyon bago kuhanin ang towel na naka-sabit sa pintuan at iniabot iyon kay Kylo. Ngumiti siya sa akin bago pumasok muli sa bathroom."Kylo! Chime!" Sigaw naman ni Ate Trina mula sa baba. "Handa na raw ang sasakyan sabi ni Jose!""Sige po, Ate. Inaasikaso lang si Papa ni Kylo!" Sigaw ko.Wala kaming pasok ngayon at nagyaya si Kylo na pumuntang Las Piñas. Aniya, nagtext na raw siya kay Manang na pupunta kami roon ng
Alumni.Ang mga sumunod na linggo ay mas naging magaan para sa amin. Our relationship that we built now became stronger not that it was weak before.Binalingan ko si Kylo na nagsusukat ng kaniyang suit. Nasa akin ang atensyon niya kahit na kinakausap siya ng staff. Nagsusukat kami ngayon ng gown at suit para sa darating na grand alumni sa dati naming school noong high school kami."Hon, kinakabahan ako," sabi ko sa kaniya matapos naming lumabas ng boutique.May isang linggo pa kaming preparation para sa alumni at medyo late na kaming nagsukat ng susuotin. Mabuti na lang at may connection siya sa Blue, boutique shop ng kilalang Pinay fashion designer na si Ms. Fritzy, kaya medyo nagkaroon kami ng special treatment para mapabilis ang pag-aayos ng susuotin namin.Mahina siyang humalakhak. "I'm with you, Hon, and besides our friends were looking for you. Miss ka na ng mga 'yon."Bumuntong-hininga ako. Hindi ko maiwasang kabahan dahil pakiramdam ko kumalat din sa kanila ang pagta-trabaho k


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.