Share

Wakas

Wakas.

"What happened to you, son?" Nag-aalalang tanong ni Mama nang makita akong wala sa sariling pumasok ng bahay.

"Wala na kami, Ma. Nakipaghiwalay si Chime sa akin," sumbong ko.

Nakita ko ang pagkabigla niya sa sinabi ko. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko habang nakatingin sa aking ina. Marahan niya akong binalot ng yakap.

Hindi ko maintindihan ang rason niya. Kilala ko si Chime at kung inaakala niyang susukuan ko siya, hindi! Bukas ay kakausapin ko ulit siya. Bukas ay babalik ako sa kaniya para kausapin siya nang maayos. Babalik iyon sa akin. Mahal niya ako e. Parehas lang kami na hindi kaya kapag nawala sa piling ng isa't isa.

Bumalik ako sa inn kinabukasan. May dala pa akong pagkain para sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit nandito siya at wala sa bahay nila na nilipatan. Balak kong sabihin sa kaniya na nabawi ko na ang bahay nila at pwede na silang bumalik ni Tito roon pero nakipaghiwalay siya.

"Ay, Sir, kagabi pa po naka-checkout si Ma'am," sabi sa akin ng staff doon.

"What?
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status