Share

Kabanata 2

Author: Reianne M.
last update Last Updated: 2022-09-13 15:30:49

Ballpen.

Kulang na lang ay sa bahay na matulog si Kylo dahil araw-araw siyang naroon. Tuwing Sunday, sumasama siya sa amin nina Mama at Papa na magsimba. Para namin siyang inampon.

Mabilis na napalapit sa kaniya ang loob ng magulang ko kaya sa kaniya rin ako pinagkakatiwala ng dalawa tuwing may pasok sila. Sa araw naman na ito, aalis kaming dalawa para mamili ng gamit para sa school.

"Alam mo bang ngayon lang ako bumili ng school supplies ko? Lagi kasing inuutos kay Ate Tina," sabi niya.

Inayos ko ang clip na nasa aking buhok habang nakatingin sa salamin. Tinapunan ko ng tingin si Kylo na pinanonood ako sa ginagawa ko.

"Talaga?" Sagot ko. "Madalas, magkakasama kami nina Mama at Papa kapag bumibili ng gamit ko. Parang family bonding na rin namin."

Tumango-tango siya sa likod ko. "Hindi ka ba nagtatali ng buhok?" Biglang tanong niya.

"Minsan lang. Tinatamad kasi ako minsang talian ang buhok ko. Masyadong mahaba e," sagot ko.

Tumango siya sa akin. Ngumiti ako sa harapan ng salamin nang makuntento ako sa ayos ko. Hinarap ko si Kylo na titig na titig sa akin. Pabiro ko siyang inirapan bago siya lagpasan.

"Tara na. Baka maraming tao sa mall ngayon," yaya ko sa kaniya.

Chineck kong muli ang bintana ng bahay bago ayusin ang kurtina namin. Nagpresinta si Kylo kanina na siya ang magsa-sara ng bintana namin pero tiningnan ko lang ulit. Kinuha ko ang susi ng bahay na nakasabit sa sala.

"Ako na ang magsa-sara. Mauna ka nang lumabas," sabi ni Kylo.

Tumango ako sa kaniya bago iabot sa kaniya ang susi. Nakita ko pang chineck niya ang lahat ng outlet bago ako sinenyasan na lumabas na.

May malapit na mall sa subdivision. Doon kami nagpunta ni Kylo. Kasama namin si Ate Tina na nakabantay sa likod namin tapos si Kuya Peter na driver nila.

Maraming mga kasing edad namin ni Kylo ang nakita kong naglilibot sa mall. May mga iilan pa akong narinig na bumati sa kaniya. Gano'n siya kakilala ng mga tao rito.

"Kakain ba muna tayo o mamimili na?" Tanong niya sa akin nang madaanan namin ang National Bookstore.

"Gutom ka na ba?" Balik kong tanong.

"Gutom ka na?" Tanong niya rin sa akin.

Tinapunan ko siya ng tingin. Humalakhak siya saka hinawakan ang likod ko para itulak nang marahan para gumilid. Ni hindi ko napansing nasa gitna pala kami.

"Hindi pa ako gutom, pero kung gutom ka na..."

"Hindi pa rin ako gutom. Ang dami mong dinalang pagkain kanina."

Natawa siya sa sinabi ko. Pakiramdam ko nakakatipid ako sa pagkain mula nang makilala ko si Kylo. Minsan kasi, nagdadala siya ng ulam sa bahay na siyang pinagsasaluhan namin.

"May color coding ba ang notebooks sa school?" Mahinang tanong ko.

"Wala naman yata?" Patanong niyang sagot.

"Yata? Hindi ka sure?" Gulat na tanong ko.

"Pinapasa ko lang kasi ang notebook ko nang basta. Kahit walang sulat basta sinabi nilang ipapasa, binibigay ko."

Natikom ko ang bibig ko sa sinabi niya. I don't really understand why some students are not fan of studying tapos kapag bumagsak sila, nagkukumahog sila sa teacher to pass them. I know some of them have their own reasons pero itong kagaya ni Kylo na mukhang nagbubulakbol lang, it's not valid.

"I know... Hindi tama ang ginawa ko, Miss. Don't worry, kapag 'di ako nagsulat ng notes ko, papayagan kitang saksakin ako ng ballpen."

Natawa ako sa sinabi niya. Sabay kaming naglakad papunta sa mga notebooks. Eight ang subjects namin sa Grade 8, pero kumuha ako ng sampung notebook dahil mahilig akong mag-calligraphy at para na din may extra ako.

"Girl na girl ang notebook, ha?" Kumento niya sa notebook na inilipag ko sa pushcart na tulak ni Ate Tina.

Pastel colors ang notebook ng napili ko. Mas gusto ko kasi ang light colors, hindi masyadong masakit sa mata. Isa-isa kong binuklat ang notebooks na nakuha ko. Pinalitan ko pa ang isa dahil may lukot ang isang page.

"Ikaw pumili ng notebook ko. Tinatamad akong mamili," sabi ni Kylo habang inaayos ang pagkakalagay ng notebooks ko sa basket na hawak niya.

Saglit niyang nilingon si Ate Tina bago ngumuso at nag-iwas ng tingin.

Dark colors ang pinili ko sa kaniya. Isa-isa ko ring binuklat ang notebooks bago iyon iabot sa kaniya.

"Ayos na ba 'yan?" Tanong ko.

Tumango siya saka iyon inilagay sa pushcart. "Naalala ko na ang binili sa akin ni Ate Tina last year puro transformers na notebooks. Nakakainis!"

Natawa ako sa biglaan niyang sinabi, gano'n din si Ate Tina na medyo naubo pa.

"Ano pa ba kailangan?"

"Papers. Like intermediate pads," sagot ko.

"Ha? Kailangan pa 'yan? Nanghihingi lang ako e," tumatawang sabi niya.

Pabiro ko lang siyang inirapan bago lagpasan Kumuha ako ng apat na set ng papers. May 1/4, 1/2 na lengthwise and crosswise, at intermediate pad na kasama na sa tingin ko ay mas mura kaysa sa isa-isa.

Ako na rin ang pumili ng pencil case ni Kylo. Nakamasahid lang sila sa akin habang namimili ako. I even bought us scissors, ballpens, correction tape, tape, highlighter, pencils, ruler, eraser, and pentelpen. Kumain kami after namin mamili. Bibili pa raw kasi siya ng bag dahil wala pa siya no'n.

"Magka-klase ba kayo ni Kylo?" Tanong ni Mama habang pinaplantsa ang aking uniform.

"Hindi ko pa po alam, Ma."

"Sabihin mo sa kaniyang i-text ako kapag nakarating na kayo sa school, ha?"

"Magpapahatid po yata kami sa driver nila."

That is what he told me last night bago siya pumasok sa bahay nila.

"At kapag uwian?"

"Hindi ko po alam, Ma. Sabay naman po ang uwian namin kaya sure akong magkasabay kaming uuwi kahit hindi kami classmates," sagot ko.

Mamaya pang tanghali ang pasok namin. 12:30 to be exact. Maaga lang akong nagising dahil sa mga paalala ni Mama bago siya pumasok. Si Papa kasi ay nagstay-in dahil malayo-layo ang station niya rito sa bahay.

"Bumalik ka sa pagtulog mo pag-alis ko para hindi ka antukin sa klase mo," paalala ni Mama bago humalik sa aking pisngi.

"Ingat po..."

Tumango lang siya bago tuluyang isara ang pintuan. Nakatulog naman ako kahit papaano pag-alis ni Mama. Iyon nga lang, nagising ako sa sunod-sunod na katok ni Kylo.

"Miss, breakfast na! First day of class dapat maaga tayo roon," dinig kong sigaw niya mula sa labas ng pintuan.

Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko bago bumangon. Humikab pa ako bago buksan ang pintuan. Parang nasanay na akong makita ni Kylo na bagong gising. Minsan kasi, siya na ang gumigising sa akin kapag nakakatulog ako tuwing papasok si Mama.

Uminom ako ng isang basong tubig bago nagtimpla ng hot chocolate para sa amin ni Kylo. Mama told me that coffee isn't good for us pa lalo na't bata pa kami kaya chocolate na lang or milk ang tinitimpla ko.

"Sabi ni Mama sa akin baka nagsasawa na raw kayo sa mukha ko. Nagsasawa ka na ba?" Tanong niya.

Natatawa ko siyang nilingon. Inilapag ko ang hot chocolate sa tapat niya bago ayusin ang plates na dala niya.

"Hindi naman," sagot ko.

"Inaasar ako sa bahay lagi. Dalhin ko na raw ang gamit ko rito dahil dito na raw ako nakatira. Tapos ang address daw dapat sa school I.D ko ay rito," nakangusong sabi niya.

Naupo ako sa tapat niya. Nilagyan niya ng ham ang plato ko bago ito lagyan ng ketchup. Sinalinan niya rin ng tubig ang baso sa gilid ko bago siya nagsimulang kumain.

"Huwag ka nang magluto ng rice, ha? Kukuha na lang ako sa bahay," sabi niya.

"Hindi ka ba pagagalitan? Nakakahiya naman sa Mama mo," sabi ko.

"Anong pagagalitan? E sinabi nga sa akin na dalhin ko na ang ref dito e..." Natatawang sagot niya. "O kaya raw maggrocery ako para sa inyo tutal daw ay dito ako naglalagi."

Umuwi naman agad si Kylo matapos naming kumain. Babalik daw siya rito para sa lunch namin. Naglinis naman ako sa bahay habang naghihintay ng oras. 10 am nang magpasya akong maligo. Pagbaba ko, sakto naman ako pagkatok ni Kylo.

"Miss!" Malakas na sigaw niya.

"Wait lang," malumanay kong sagot.

Sinuklayan ko ang mahaba kong buhok habang naglalakad papunta sa pintuan. Nakita ko siyang nakaupo sa tapat ng pintuan habang hawak ang isang tray.

"Ang tagal mo," reklamo niya bago pumasok.

Naamoy ko agad ang bango ng dala niyang ulam. Caldereta. He told me that this is his favourite ulam. Mukha rin namang magugustuhan ko iyon dahil halos linggo-linggo siyang nagdadala ng gano'n sa bahay.

"Sorry," sagot ko.

Mabilis kong inasikaso ang lamesa bago naupo sa tapat niya. Nakaligo na rin siya kagaya ko pero hindi pa kami nakasuot ng uniform.

"Ako na ang maghuhugas ng plato. Magblowdry ka na ng buhok mo," sabi niya matapos kong uminom ng tubig.

Hinintay ko muna siyang matapos kumain bago ko sinunod ang utos niya. Isang bow clip ang inipit ko sa likod ng buhok ko. Nagpaalam si Kylo na magbibihis na kaya naman nagmadali akong magtoothbrush pagkatapos kong mag-ipit ng buhok.

Unlike my previous school, ang palda namin ay combination ng color yellow green, black, and brown. May gano'n ding pattern sa gilid ng blouse namin at may badge sa bandang dibdib kung saan naka-lagay ang grade level namin. Sinusuot ko ang sapatos ko nang pumasok si Kylo sa bahay. Kinuha niya ang bag ko habang hinihintay akong ayusin nang huling beses ang aking sarili.

"Baka ngayon magdistribution ng books. Kapag hindi tayo classmates, hintayin mo ako sa classroom niyo sa uwian. Ako magda-dala ng books mo," paalala niya.

"Huh? Ako na," giit ko.

"Basta, hintayin mo ako. Hahanapin ko classroom mo mamaya kapag hindi tayo classmates pero sana talaga classmates tayo," sabi niya.

Sinarado ko ang pintuan ng bahay, iniabot ko ang susi kay Kylo. Iiwan kasi ito sa kanila dahil wala pa kaming duplicate ng susi. Binuksan niya ang pintuan sa backseat ng sasakyan nila saka ako pinaunang sumakay.

"Thank you po, Kuya..." Sabi ko nang makarating kami sa school.

"Thanks, Kuya..." Rinig kong sabi rin ni Kylo.

Marahan akong bumaba ng sasakyan. Kinuha ko ang bag ko kay Kylo saka siya hinihintay na bumaba ng sasakyan. The students were watching us curiously. Bumati ako sa guard, at narinig kong gano'n din si Kylo.

"Ako na ang titingin ng section mo. Huwag ka nang makipagsiksikan. Dito ka lang," sabi niya sabay turo sa mga estudyanteng naggigitgitan sa harap ng malaking bulletin board.

Tumango ako sa sinabi niya. Ngumiti ako sa mga tumitingin sa akin habang hinihintay si Kylo. Pinanood ko siyang nakipagbatian at nakipag-fistbump sa mga lalaking nadaanan niya. Nagtawanan sila nang ilang beses bago siya tumingin sa bulletin board. Nakita kong humawi ang mga estudyante roon nang makita siya. Seryoso niyang tiningnan ang bulletin board.

"Hi. Anong section mo?" Tanong ng isang lalaki habang nakatingin sa patch na nasa uniform ko.

"Hindi ko pa alam e," sagot ko.

"Tingnan natin?" Tanong niya.

Umiling ako. Binalingan ko si Kylo na sumigaw bago ito nagmamadaling tumakbo papunta sa akin. Saglit na kumunot ang noo niya nang makita ang lalaki sa gilid ko. Umalis naman ito kaagad nang makita siya.

"Sino 'yon?" Tanong niya.

"I don't know. Tinatanong niya ang section ko," sagot ko.

Tumango siya.

"Ano? Nakita mo na? Anong section ko?" Tanong ko sa kaniya.

Malakas siyang humalakhak. "Classmates tayo!"

"Talaga?" Kumislap ang mata ko sa sinabi niya.

Tumango siya bago ako itulak nang marahan para magsimulang maglakad. Magkatabi kami sa gitnang row ng classroom. May iilan ng estudyante roon na nagku-kwentuhan. Mukhang magkakakilala sila.

"Ky, bakit nandiyan ka?" Rinig kong tanong sa kaniya ng isang lalaking pumasok.

"Ayaw ko sa likod e. Walang electric fan," dinig kong sagot niya.

Pinanood kong kumunot ang noo ng lalaki sa sinabi niya. Saglit akong tinapunan nito ng tingin bago tumango kay Kylo.

Napansin kong wala ngang color coding ang subjects sa school na ito. Pinasulat sa amin ang mga kailangan naming dalhin na requirements bukas. Nagkaroon din kami ng saglit na introduce yourself bago lumabas ang teacher namin.

"Ky, may extra ballpen ka?" Rinig kong tanong ng lalaking lumapit sa kaniya kanina.

"Wala," sagot niya bago isara ang pencil case niyang puno ng ballpen.

"Peram ako! Ang damot mo," sabi ng lalaki.

"Hindi nga pwede, special ang ballpen ko!" Giit niya habang nakatingin sa ballpen niyang nilagyan ko ng pangalan niya sa loob.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Wakas

    Wakas."What happened to you, son?" Nag-aalalang tanong ni Mama nang makita akong wala sa sariling pumasok ng bahay."Wala na kami, Ma. Nakipaghiwalay si Chime sa akin," sumbong ko.Nakita ko ang pagkabigla niya sa sinabi ko. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko habang nakatingin sa aking ina. Marahan niya akong binalot ng yakap. Hindi ko maintindihan ang rason niya. Kilala ko si Chime at kung inaakala niyang susukuan ko siya, hindi! Bukas ay kakausapin ko ulit siya. Bukas ay babalik ako sa kaniya para kausapin siya nang maayos. Babalik iyon sa akin. Mahal niya ako e. Parehas lang kami na hindi kaya kapag nawala sa piling ng isa't isa.Bumalik ako sa inn kinabukasan. May dala pa akong pagkain para sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit nandito siya at wala sa bahay nila na nilipatan. Balak kong sabihin sa kaniya na nabawi ko na ang bahay nila at pwede na silang bumalik ni Tito roon pero nakipaghiwalay siya."Ay, Sir, kagabi pa po naka-checkout si Ma'am," sabi sa akin ng staff doon."What?

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 35

    Pregnant.Sinalubong ako ng sunod-sunod na pagduduwal pagdilat ko. Narinig ko pa ang kalabog mula sa labas at ang mahinang mura ni Kylo na hindi ko na pinansin pa. Pinunasan ko ang labi ko at nagmumog bago ako lumabas ng bathroom.Naabutan kong hawak-hawak ni Kylo ang likod niya. Mukhang nalaglag pa sa kama. Ngumiwi siya habang naglalakad palapit sa akin."Ayos ka lang?" Tanong niya sa akin.Inirapan ko siya at dumiretso sa labas ng kwarto. Narinig ko pa ang daing niya na masakit ang likod niya pero hindi ko na pinansin. Diretso ang lakad ko pababa ng hagdan at dumiretso agad sa kusina. Binuksan ko ang ref at naghanap ng maluluto bilang almusal namin."Hon, ilang araw na 'yan ha? Hindi mo pa balak magpatingin?" Tanong niya sa akin.Napairap na lang ako habang kumukuha ng itlog sa ref. I secretly used pregnancy test and it tested positive. Gusto ko sanang sabihin kay Kylo pero naiinis ako kapag nakikita ko siya."Hon!" Tawag niya sa akin.Niyakap niya ako mula sa likod at sininghot ang

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 34

    Marry.Everything right now is perfect to me. Tiningnan ko si Kylo na nakaluhod sa harap ni Papa at tinutulungan siyang maligo sa bathroom. Napangiti na lang ako habang pinanonood sila. Tahimik akong naglakad palabas ng bathroom at inayos ang kwarto ni Papa.Binalingan ko ang larawan ni Mama na nakapatong sa tabi ng kama ni Papa. Inayos ko iyon at nginitian. I hope that she's watching us from heaven. Sana masaya siya at wala nang sakit na dinaramdam."Hon, ang towel ni Tito?" Sigaw ni Kylo mula sa bathroom."Teka lang!" Sigaw ko habang inaayos ang bedsheet ng kama.Minadali ko iyon bago kuhanin ang towel na naka-sabit sa pintuan at iniabot iyon kay Kylo. Ngumiti siya sa akin bago pumasok muli sa bathroom."Kylo! Chime!" Sigaw naman ni Ate Trina mula sa baba. "Handa na raw ang sasakyan sabi ni Jose!""Sige po, Ate. Inaasikaso lang si Papa ni Kylo!" Sigaw ko.Wala kaming pasok ngayon at nagyaya si Kylo na pumuntang Las Piñas. Aniya, nagtext na raw siya kay Manang na pupunta kami roon ng

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 33

    Alumni.Ang mga sumunod na linggo ay mas naging magaan para sa amin. Our relationship that we built now became stronger not that it was weak before.Binalingan ko si Kylo na nagsusukat ng kaniyang suit. Nasa akin ang atensyon niya kahit na kinakausap siya ng staff. Nagsusukat kami ngayon ng gown at suit para sa darating na grand alumni sa dati naming school noong high school kami."Hon, kinakabahan ako," sabi ko sa kaniya matapos naming lumabas ng boutique.May isang linggo pa kaming preparation para sa alumni at medyo late na kaming nagsukat ng susuotin. Mabuti na lang at may connection siya sa Blue, boutique shop ng kilalang Pinay fashion designer na si Ms. Fritzy, kaya medyo nagkaroon kami ng special treatment para mapabilis ang pag-aayos ng susuotin namin.Mahina siyang humalakhak. "I'm with you, Hon, and besides our friends were looking for you. Miss ka na ng mga 'yon."Bumuntong-hininga ako. Hindi ko maiwasang kabahan dahil pakiramdam ko kumalat din sa kanila ang pagta-trabaho k

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 32

    Warning: R18+If you are a minor or not open to this kind of scene you can skip this and proceed to the next chapter. ———Everything."Tito, good morning po!" Maligayang bati ni Kylo nang pumasok ng bahay.Binalingan ko siya at pinanlisikan ng mga mata. Dumapo sa akin ang tingin niya pero inirapan ko lang siya. Humalakhak siya habang naglalakad papunta sa akin."Good morning, Hon!" Tuwang-tuwa niyang bati.Inirapan ko lang siya. Inayos ko ang pagkakahain sa lamesa at inignora siya. Inilapag niya ang dalang mga pagkain sa lamesa namin habang humahalakhak."Sorry na, Hon..." Sabi niya. Lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likod. Siniksik niya ang kaniyang mukha sa akin kaya bahagyang nagtaasan ang balahibo ko."Sorry na. Male-late ang kain ni Tito kung itinuloy natin," bulong niya."Wala naman akong sinabi!" Giit ko."Pero galit ka e," malambing niyang bulong. "Babawi tayo mamayang gabi. I swear.""Ayaw ko na!" Sabi ko bago alisin ang pagkakayakap niya sa akin.Malakas siyang h

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 31

    Fixed."Please? Let's fix us," sabi niya sa akin. Masuyo niyang hinawakan ang kamay ko. Marahan niya akong hinatak palapit sa kaniya. Pinalis niya ang luha sa pisngi ko. Napapikit ako sa ginawa niyang iyon."Baka hindi siya para sa atin, H-Hon," sabi niya. "Hindi ka ba n-nasasaktan?" Umiiyak kong tanong. "Nawalan tayo ng anak, Ky!"Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay wala lang iyon sa kaniya. Saglit ko lang nakita ang sakit sa mga mata niya pero ngayon na nakatingin siya sa akin, hindi ko na makita iyon."M-masakit, Chime. Sobrang sakit," bulong niya sa akin. "Pero mas hindi ko kayang mawala ka e. Hindi ko kayang ikaw ang lumayo sa akin ulit."Hinawakan niya nang marahan ang aking pisngi. Pinagdikit niya ang noo namin. Sabay kaming umiyak habang nakatingin sa isa't isa. Nanghihina ako. Mahigpit akong yumakap sa kaniya at malakas na humagulgol."Kylo, ang baby natin..." umiiyak kong sumbong sa kaniya. "Ni hindi ko man lang siya nahawakan.""Shh..." Pag-aalo niya sa akin. "I'm s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status