Share

Kabanata 4

Penulis: Reianne M.
last update Terakhir Diperbarui: 2022-10-14 17:40:06

Relationship.

"Ky, kuhanan mo ng maraming pictures si Chime, ha?" Paalala ni Mama kay Kylo.

"Noted, Tita. Don't worry, ako ang bahala sa prinsesa mo..." Humalakhak si Kylo bago akbayan si Mama.

Ngayon magaganap ang program. Hindi makakapunta si Mama dahil may pasok siya, si Papa naman ay nasa station na nila at tuwing linggo lang umuuwi.

Naiwan kaming dalawa ni Kylo sa bahay nang pumasok si Mama. Tinulungan niya akong maglinis ng bahay. Nagluto na rin ako ng pagkain namin para sa almusal, dito kasi siya natulog para raw maaga rin siyang makapag-ayos.

"Anong oras tayo papasok?" Tanong niya.

"Mga 9 daw. Aayusin pa nila ang buhok ko," sagot ko.

"Sa pick-up tayo sasakay mamaya para hindi masira ang gown mo. Nasabi ko na kay Kuya Peter 'yan," sabi niya.

Tumango ako. Inutusan ko siyang maghain na nang patapos na akong magluto ng fried rice. Siya na rin ang nagtimpla ng gatas naming dalawa.

"Kinakabahan ako..." Sabi ko habang binabalingan ang gown na nakalagay sa mannequin.

Ito ang unang beses kong gagawin iyon sa school namin pero kung sa school namin sa Pasay ko ito gagawin, sigurado akong hindi ako masyadong kabado dahil sanay ako roon. Iyon nga lang, ang ibang teacher namin ay hindi na pumapayag na isali ako sa mga ganitong laban dahil alam naman daw na ako ang mananalo.

"Bakit? Kaya mo 'yan!" Sabi ni Kylo sabay kagay sa sausage.

Pasado 9 na kami nakapasok ng school. Hinati pa namin ang classroom dahil nasa room din ang nagro-room sa amin tuwing morning. Pinatakpan ni Gian ang susuotin ko para raw walang makakita no'n hangga't hindi nagsisimula ang event. Chineck niya pa ito nang mailapag ni Kuya Peter sa loob ng classroom.

Si Yuna ang nag-ayos ng buhok ko. Loose braid ang ginawa niya tapos ay nagbudbod ng glitters sa buhok ko. Manghang-mangha ako sa buhok ko nang matapos niya akong ayusan. Simple lang naman iyon pero masasabi kong magaling si Yuna sa ganitong bagay.

"Si Ate po ang lalaban sa fashion bash?" Tanong ng grade seven student na ka-room namin.

"Yup..." sagot ni Lily habang nanonood sa amin.

"Ang ganda niya po."

Napangiti ako sa sinabi ng estudyante. Ang iilan sa kanila ay nanonood sa amin habang ang iba ay mukhang inaayusan din ang muse nila.

"Goodluck po, Ate!" Sabi sa akin ng isa pang nanonood.

"Goodluck din sa inyo," nakangiting sabi ko.

Sunod namang inayos ni Yuna ang mukha ko. Nilagyan niya iyon ng medyo dark make-up dahil medyo dark din ang kulay ng susuotin ko. Dark blue ang gown na ginamit namin, at ang sabi ni Yuna dapat ipares namin ang make-up ko sa susuotin ko.

Mamaya ko pa susuotin ang costume ko. May isang oras pa bago magsimula ang event. Nilingon ko ang mga classmates kong busy naman sa paghahanda para sa speech choir. Si Gian ay pormal na pormal dahil siya ang lalaban sa spoken word poetry namin mamaya. Ang ilan naming classmates ay nasa speech choir, habang ang natitira ang siyang nag-asikaso ng costume namin.

Hindi ko itatangging pinagkagastusan talaga namin ang program na ito. Naka-kimona at barong ang mga gaganap sa speech choir namin. Mauuna iyon bago ang fashion bash kaya makakanood ako.

"Chime, may aasikasuhin lang ako, ha?" Sabi ni Kylo.

Tumango ako sa kaniya sabay kuha ng inaabot niyang bag niya. "Okay. Ingat ka."

"May inutos sa akin si Ma'am Padua pero manonood ako sa'yo. Hintayin mo ako. Kapag nagsimula ang fashion bash na hindi mo ako nakita sa audience, mag back-out ka."

"E baka gusto mong mag-blackout ngayon," singhal sa kaniya ni Liam.

"Ang sama talaga ng ugali ng ng taga-section one except kay Chime," singhal ni Kylo.

"Ingay mo, Fortunato! Labas na lagot ka kay Mrs. Padua, mainitin pa naman ulo no'n..." Pananakot sa kaniya ni Gian.

"Edi magalit siya. Siya na lang nga mag-uutos, demanding pa siya," sabi niya bago umismid.

Natawa na lang ako. Madalas man siyang kaasaran ng mga classmates ko, nakikita kong napapalapit na siya sa amin. Nakikita ko rin naman sa mga classmates ko na natutuwa sila kay Kylo. Just like what I've said before, marunong siyang makisama. Magaan siyang kasama...at mabilis niyang makukuha ang loob mo.

Kabado kaming lahat habang pinapanood ang speech choir ng iba't ibang grade levels. Halos lahat ay halatang pinaghandaan ito nang sobra. Ang ilan ay narinig kong hindi nagparticipate.

"Ang kalaban natin lagi ay section three," bulong ni Felicity.

"Huh? Hindi section two?" Kunot-noong tanong ko.

Umiling siya saka umismid. "Hindi namin kasundo ang section two dahil mayayabang masyado ang nandoon. Mga hindi naman nagpa-participate sa mga ganitong event. Lagi silang nag-aaway kapag may ganito kasi nagsasapawan sila which is not good. Dapat nagkakaisa."

Malakas kaming nagsigawan nang matapos ang performance ng section namin. Alam kong ginawa nila ang best nila kaya nagtitiwala akong mananalo kami.

"Magbihis ka na, Chime. Grade ten na lang tapos fashion bash na," sabi ni Yuna.

Pinasara namin ang classroom saglit para makapagbihis ako. Nasa labas din naman ang mga Grade seven dahil nanonood din sila. Tinulungan ako nina Yuna, Felicity, at Lily para suotin ang costume ko. Kinuhanan pa nila ako ng maraming litrato gamit ang cellphone ni Kylo na binilin niya sa section namin.

Ngiting-ngiti ako sa harapan nang matapos ang aking pagpapakilala. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sina Mama at Tita Kayla sa audience na kumakaway sa akin habang hawak ang camera. Si Kylo ay nasa gilid nila na ngiting-ngiti sa akin at pumapalakpak nang malakas katabi ang classmates ko.

Matapos ang performance naming lahat, sumunod ang spoken word poetry. Kaunti na lang ang mga nanood dahil mukhang ang fashion bash talaga ang hinihintay mabuti na lang at satisfied ako sa performance ko.

Nanalo kami sa speech choir habang first placer kami Spoken word poetry. Mahirap talagang talunin ang higher level.

"Ang nagwagi sa naganap na fashion bash ay si..."

Ngiting-ngiti ako habang nakaharap sa judges. Nabibingi ako sa magkahalong sigawan at kalabog ng dibdib ko. Kakaiba ang sigawan ng mga estudyante rito, halatang lahat ay sabik sa resulta.

"Chime 'yan!" Sigaw ni Kylo.

"Adasha Chime Morin ng Baitang 9 seksyon ikauna..."

Rinig ko ang malakas na sigawan ng mga classmates ko habang naglalakad ako papunta sa gitnang bahagi ng stage. Ngumiti ako sa mga teachers, at principal namin na naroon. Isinabit nila sa akin ang sash bago iniabot ang isang throphy at isang simpleng bouquet ng bulaklak.

"Kami muna magpapa-picture!" Sigaw ni Kylo nang makitang nilapitan ako ng mg classmates ko.

"Congratulations, Chime!"

"Thank you, guys. Nagbunga lahat ng pinaghirapan natin," nakangiti kong sabi habang pinapakita sa kanila ang trophy na hawak ko.

Nilapitan ako nina Mama at Tita Kayla. Halos makalimutan ko nang nandoon sila. Una akong kinunan ng litrato ni Mama nang mag-isa. Sunod ay kasama ko siya tapos kaming tatlo nina Tita Kayla.

"I knew it already that you'll win, Chime..." Sabi ni Tita Kayla sa akin.

"Salamat po, Tita..."

"Ma, kami naman magpi-picture..." Singit ni Kylo na hawak ang DSLR camera.

Kinuha iyon ni Tita Kayla saka inismiran ang anak. "Ang demanding kong bunso."

Nagtawanan kami sa sinabi ni Tita Kayla. Inaasar pa nila si Kylo na mukhang Mama's boy raw. Medyo totoo naman iyon.

Humarap ako sa camera nang itutok iyon sa amin ni Tita Kayla. Hinawakan ni Kylo ang bandang likod ko na siyang ikinagulat ko. Nanginginig akong ngumiti, pilit na binabaliwala ang malakas na kalabog ng dibdib ko.

"Anak, sa camera ang tingin..." Saway ni Tita Kayla.

Ni hindi ko magawang lingunin si Kylo na unti-unting humaharap sa camera. Nagpicture rin kaming lahat ng mga classmates ko. May iilan ding teachers at students na nagpa-picture sa akin.

"Naghanda kami ni Lia ng kaunting salo-salo sa bahay dahil alam naming mananalo itong si Chime, makakapunta ba kayo?" Tanong ni Tita Kayla.

"Opo naman, Tita." Sabay-sabay na sagot ng classmates ko.

Kinuha ni Kylo ang hawak kong bouquet ng bulaklak saka ang trophy bago iniabot sa akin ang tubig. Ininuman ko iyon habang nakatingin sa kaniya na inaayos ang gamit ko.

"Ky, go invite your classmates. Baka anong sabihin sa'yo at inabanduna mo na ang section mo," sabi ni Tita Kayla sa kaniya.

"Yes, Ma..."

Tumingin siya sa akin, mukhang nagpapaalam, tinanguan ko naman. Bitbit niya ang gamit naming dalawa nang lumabas siya sa classroom namin. Binati ako ng Grade seven na ka-room namin. Pati ang muse nila ay nagpa-picture sa akin.

"Congratulations, Ate Chime. Ang ganda-ganda mo po," bati niya sa akin.

"Salamat. You look pretty, too..." Nakangiting sabi ko. "And nice performance, by the way."

Maaga kaming pinalabas dahil tapos naman na ang program. Pinayagan din ang mga classmates ko na sumama sa amin pero hindi sila pwedeng magpaabot ng gabi. Ang mga classmates ni Kylo ay sumama rin, ang iba ay hindi.

Hindi kami kasya sa dalawang van na dala ni Tita Kayla kaya nagrent na lang siya ng jeep para magkasya kami. Sa bahay muna ako dumiretso pagdating namin doon. Ni hindi pa kasi ako nakakapagbihis.

"Ky, samahan mo muna si Chime magbihis at mag-aasikaso kami sa inyo," utos ni Mama nang makababa kami.

"Yes, Tita."

Inalalayan ako ni Kylo bumaba, hanggang ngayon kasi suot ko pa ang gown ko kaya medyo nahihirapan akong kumilos. Iniabot sa kaniya ni Mama ang susi na tinanggap niya naman.

"Akin na ang bag ko..." Sabi ko nang makitang hirap na hirap siyang buksan ang gate.

"Hindi na. Kaya ko naman 'to..." Ani niya.

Nilingon ko ang classmates namin na kumakaway sa amin. Ngumiti ako sa kanila saka kumaway pabalik.

"Magbibihis lang ako. Hintayin niyo ako," sabi ko.

"Dalian mo, ha? Nakakahiya sa parents niyo," sabi nila.

Tumango ako bago pumasok ng bahay. Malakas akong bumuntong-hininga nang makaupo ako sa sofa. Pumikit ako roon habang nakasandal.

Ang sakit ng katawan ko. Nakakapagod...

"You okay?" Tanong ni Kylo.

Tumango ako habang nakapikit. "Nakakapagod pala. Hindi kami ganito magcelebrate ng Buwan ng Wika sa Pasay, nakakagulat dito."

"Pinaghahandaan talaga ang lahat ng events dito. Nakita mo naman siguro ang Valentine's no'ng last year, diba?"

Hindi ko makakalimutan iyon. Ilang beses akong hinatak sa Marriage booth na talagang aakalain mong nasa church ka. Kung hindi lang nagsisigaw si Kylo roon, marami na sigurong naikasal sa akin.

"Magpahinga ka muna kung gusto mo. Sasabihin ko na—"

"Hindi na. Magbibihis na ako," sagot ko.

Nagulat ako nang lumuhod si Kylo sa harapan ko. Hinubad niya ang heels na suot ko saka iyon inilagay sa shoe stand namin. Marahan akong tumayo saka dumiretso sa hagdan. Ni hindi ko na nilingon si Kylo. These past few days, hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ko tuwing nandiyan siya.

I don't want to risk our friendship. I want us this way. Ayaw kong mawala iyon. Ayaw kong masira iyon. Takot akong mawala siya sa buhay ko. Kaya hangga't kaya ko, binabaliwala ko ang nararamdaman ko. I like him...so much. That it frustrates me a lot knowing na masisira ang friendship namin kung aamin ako.

Nagulat ako nang bumungad sa akin ang isang malaking bouquet ng White roses pagpasok ko ng kwarto ko. Saglit kong nilingon si Kylo na nakayuko habang nakaupo sa sofa. Marahan akong pumasok sa kwarto ko saka iyon sinara. Nilapitan ko ang bulaklak saka kinuha ang card na nakaipit doon.

'Congratulations. I know that you'll win and you'll do your best. I'm so proud of you.

—Ky'

Pumikit ako nang mariin habang iniiling ang aking ulo. Hindi ko gusto ang mga ideya na pumapasok sa utak ko. Maingat kong inilapag ang bulaklak sa kama ko bago hubarin ang gown ko. Ingat na ingat pa akong hubarin iyon dahil sayang ang pinaghirapan namin.

Saglit akong naligo saka nagbihis ng simpleng short at puting t-shirt. Nagblowdry rin ako ng buhok ko bago ako bumaba habang nagsusuklay.

"Uhh, naligo ako. Sorry natagalan," sabi ko habang naglalakad papunta sa salamin.

"Wala ka bang itatanong?" Tanong niya na nakapagpalingon sa akin. "Tungkol sa bulaklak..."

"Ayaw kong masira tayo kapag nagtanong ako, Ky..." Nanginginig kong sagot.

"Hindi naman tayo masisi—"

"At paano mo nasabi 'yan?" Tanong ko.

Malakas siyang bumuntong-hininga. Tumayo siya saka lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko habang nakatingin sa mga mata ko.

"Let's try. Kapag hindi nagwork, itigil natin. Magiging magkaibigan tayo ulit kung hindi talaga kaya," sabi niya.

"You think it's easy that way?" Tanong ko. "It's not. Kapag nagkaroon ng lamat ang relasyon natin, hindi na maibabalik iyon. Hindi na mawawala 'yon."

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya nang maramdaman ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko.

"Susugal ako, Chime. Kaya kong sumugal..." Nanginginig niyang sagot.

Gulat akong tumingin sa kaniya nang maramdaman ko ang pagpatak ng luha niya sa aking kamay.

"I just like you so much. Please? Let's give us a try."

Malakas akong bumuntong-hininga bago tumango sa kaniya. "Okay. Let's try."

Nagulat ako nang yakapin niya ako nang mahigpit bago halikan ang aking noo. Pinunasan niya ang mga mata niya habang nakatingin sa akin, nakangiti.

"Thank you. I'll do everything to be your first and last love."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Wakas

    Wakas."What happened to you, son?" Nag-aalalang tanong ni Mama nang makita akong wala sa sariling pumasok ng bahay."Wala na kami, Ma. Nakipaghiwalay si Chime sa akin," sumbong ko.Nakita ko ang pagkabigla niya sa sinabi ko. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko habang nakatingin sa aking ina. Marahan niya akong binalot ng yakap. Hindi ko maintindihan ang rason niya. Kilala ko si Chime at kung inaakala niyang susukuan ko siya, hindi! Bukas ay kakausapin ko ulit siya. Bukas ay babalik ako sa kaniya para kausapin siya nang maayos. Babalik iyon sa akin. Mahal niya ako e. Parehas lang kami na hindi kaya kapag nawala sa piling ng isa't isa.Bumalik ako sa inn kinabukasan. May dala pa akong pagkain para sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit nandito siya at wala sa bahay nila na nilipatan. Balak kong sabihin sa kaniya na nabawi ko na ang bahay nila at pwede na silang bumalik ni Tito roon pero nakipaghiwalay siya."Ay, Sir, kagabi pa po naka-checkout si Ma'am," sabi sa akin ng staff doon."What?

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 35

    Pregnant.Sinalubong ako ng sunod-sunod na pagduduwal pagdilat ko. Narinig ko pa ang kalabog mula sa labas at ang mahinang mura ni Kylo na hindi ko na pinansin pa. Pinunasan ko ang labi ko at nagmumog bago ako lumabas ng bathroom.Naabutan kong hawak-hawak ni Kylo ang likod niya. Mukhang nalaglag pa sa kama. Ngumiwi siya habang naglalakad palapit sa akin."Ayos ka lang?" Tanong niya sa akin.Inirapan ko siya at dumiretso sa labas ng kwarto. Narinig ko pa ang daing niya na masakit ang likod niya pero hindi ko na pinansin. Diretso ang lakad ko pababa ng hagdan at dumiretso agad sa kusina. Binuksan ko ang ref at naghanap ng maluluto bilang almusal namin."Hon, ilang araw na 'yan ha? Hindi mo pa balak magpatingin?" Tanong niya sa akin.Napairap na lang ako habang kumukuha ng itlog sa ref. I secretly used pregnancy test and it tested positive. Gusto ko sanang sabihin kay Kylo pero naiinis ako kapag nakikita ko siya."Hon!" Tawag niya sa akin.Niyakap niya ako mula sa likod at sininghot ang

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 34

    Marry.Everything right now is perfect to me. Tiningnan ko si Kylo na nakaluhod sa harap ni Papa at tinutulungan siyang maligo sa bathroom. Napangiti na lang ako habang pinanonood sila. Tahimik akong naglakad palabas ng bathroom at inayos ang kwarto ni Papa.Binalingan ko ang larawan ni Mama na nakapatong sa tabi ng kama ni Papa. Inayos ko iyon at nginitian. I hope that she's watching us from heaven. Sana masaya siya at wala nang sakit na dinaramdam."Hon, ang towel ni Tito?" Sigaw ni Kylo mula sa bathroom."Teka lang!" Sigaw ko habang inaayos ang bedsheet ng kama.Minadali ko iyon bago kuhanin ang towel na naka-sabit sa pintuan at iniabot iyon kay Kylo. Ngumiti siya sa akin bago pumasok muli sa bathroom."Kylo! Chime!" Sigaw naman ni Ate Trina mula sa baba. "Handa na raw ang sasakyan sabi ni Jose!""Sige po, Ate. Inaasikaso lang si Papa ni Kylo!" Sigaw ko.Wala kaming pasok ngayon at nagyaya si Kylo na pumuntang Las Piñas. Aniya, nagtext na raw siya kay Manang na pupunta kami roon ng

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 33

    Alumni.Ang mga sumunod na linggo ay mas naging magaan para sa amin. Our relationship that we built now became stronger not that it was weak before.Binalingan ko si Kylo na nagsusukat ng kaniyang suit. Nasa akin ang atensyon niya kahit na kinakausap siya ng staff. Nagsusukat kami ngayon ng gown at suit para sa darating na grand alumni sa dati naming school noong high school kami."Hon, kinakabahan ako," sabi ko sa kaniya matapos naming lumabas ng boutique.May isang linggo pa kaming preparation para sa alumni at medyo late na kaming nagsukat ng susuotin. Mabuti na lang at may connection siya sa Blue, boutique shop ng kilalang Pinay fashion designer na si Ms. Fritzy, kaya medyo nagkaroon kami ng special treatment para mapabilis ang pag-aayos ng susuotin namin.Mahina siyang humalakhak. "I'm with you, Hon, and besides our friends were looking for you. Miss ka na ng mga 'yon."Bumuntong-hininga ako. Hindi ko maiwasang kabahan dahil pakiramdam ko kumalat din sa kanila ang pagta-trabaho k

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 32

    Warning: R18+If you are a minor or not open to this kind of scene you can skip this and proceed to the next chapter. ———Everything."Tito, good morning po!" Maligayang bati ni Kylo nang pumasok ng bahay.Binalingan ko siya at pinanlisikan ng mga mata. Dumapo sa akin ang tingin niya pero inirapan ko lang siya. Humalakhak siya habang naglalakad papunta sa akin."Good morning, Hon!" Tuwang-tuwa niyang bati.Inirapan ko lang siya. Inayos ko ang pagkakahain sa lamesa at inignora siya. Inilapag niya ang dalang mga pagkain sa lamesa namin habang humahalakhak."Sorry na, Hon..." Sabi niya. Lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likod. Siniksik niya ang kaniyang mukha sa akin kaya bahagyang nagtaasan ang balahibo ko."Sorry na. Male-late ang kain ni Tito kung itinuloy natin," bulong niya."Wala naman akong sinabi!" Giit ko."Pero galit ka e," malambing niyang bulong. "Babawi tayo mamayang gabi. I swear.""Ayaw ko na!" Sabi ko bago alisin ang pagkakayakap niya sa akin.Malakas siyang h

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 31

    Fixed."Please? Let's fix us," sabi niya sa akin. Masuyo niyang hinawakan ang kamay ko. Marahan niya akong hinatak palapit sa kaniya. Pinalis niya ang luha sa pisngi ko. Napapikit ako sa ginawa niyang iyon."Baka hindi siya para sa atin, H-Hon," sabi niya. "Hindi ka ba n-nasasaktan?" Umiiyak kong tanong. "Nawalan tayo ng anak, Ky!"Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay wala lang iyon sa kaniya. Saglit ko lang nakita ang sakit sa mga mata niya pero ngayon na nakatingin siya sa akin, hindi ko na makita iyon."M-masakit, Chime. Sobrang sakit," bulong niya sa akin. "Pero mas hindi ko kayang mawala ka e. Hindi ko kayang ikaw ang lumayo sa akin ulit."Hinawakan niya nang marahan ang aking pisngi. Pinagdikit niya ang noo namin. Sabay kaming umiyak habang nakatingin sa isa't isa. Nanghihina ako. Mahigpit akong yumakap sa kaniya at malakas na humagulgol."Kylo, ang baby natin..." umiiyak kong sumbong sa kaniya. "Ni hindi ko man lang siya nahawakan.""Shh..." Pag-aalo niya sa akin. "I'm s

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status