Share

Magging Ok Din Ang Lahat

 

 

Naging masinsinan ang pag-uusap ni Blue at Lancer kahapon pagkatapos nilang ma-rescue si Sadako. May mga bagay siyang natuklasan tungkol sa dalaga na talagang ikinagulat at ikinalungkot niya. Isang usapan na hindi nagpatulog sa kanya kagabi…

“Ikaw si Lancer? Hindi mo ba ‘ko nakikilala?”tanong ni Blue.

“Ikaw si Blue, di’ba? Sinong tao ang hindi makakakilala sa’yo?”

“Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin. Pumunta kami sa bahay n’yo 12 years ago. Nakita kitang naglalaro ng laruan na computer.”

“Ah. Tanda ko na. At saka natatandaan ko rin na pangalan mo ang huling binanggit ni Tatay. Ikaw ang totoong may kasalananan kung bakit nagkaganyan si Ate Porsche at bakit nagkaganito ang aming pamilya,” galit nitong pahayag sa kanya. Bawat salitang binibitawan ay may diin at pait na hatid sa kanya.

“I’m sorry pero hindi ko gaanong maintindihan ang sinasabi mo.”

“Pangalan mo ang huling sinabi ni Tatay nang sabihin niya sa amin na hindi siya ang nagmamaneho ng araw na ‘yon.”

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status