Share

Love is a Horror Story
Love is a Horror Story
Author: Ukiyoto Publishing

Prologue

 

Haunted Kingdom. 4:00 p.m.

 

The secret to move on is to forget.

Tiningnan nang matagal ng bente otso anyos na babae ang mga gamot sa kanyang mga palad. Iba’t ibang uri ito ng gamot. May tubig naman sa kanyang harapan na nakapatong sa lamesa. Ayon sa nagbigay sa kanya ay kaya nitong tanggalin ang sakit at ang kalungkutang nararamdaman niya.

Inumin mo na, sabi niya sa sarili. Makakalimutan mo na ang mga masasakit na pangyayari sa buhay mo. Kapag wala kang maalala, hindi ka masasaktan.

Inilibot niya ang kanyang paningin. Nasa loob siya ng isang chamber na gawa sa kahoy ang mga dingding at kisame.

“Oras na,” bulong ng isang boses.

Tiningnan niya ang pinagmulan nito. Nakaupo ito sa isang sulok habang hawak nito ang cellphone sa kabilang kamay.

“Gusto mo bang mailigtas ang kapatid mo o hindi?” tanong nito sa kanya.

Ipinikit muna niya ang kanyang mga mata. Sa kanyang pagpikit ay inalala niya ang mga mukha ng mga mahal niya sa buhay. Ang kanyang kapatid, ang kanyang ina at ama na magkasunurang namatay dahil sa kawalan ng pera ay hindi na nila nagawang ipagamot ang sakit.

Sa kanyang pagmulat ay isinubo niya nang sabay-sabay ang mga gamot at lumagok ng tubig. Nakaramdam siya ng paggaan ng kanyang pakiramdam. Isang pakiramdam na mistulang nagdala sa kanya sa alapaap at unti-unting tinatanggal ang kanyang kalungkutan, ang kanyang pakiramdam at ang kanyang alaala.

Makakaganti rin ako sa’yo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status