“Elijah…” Gabi na ng makarating si Laura sa bahay ng kasintahan niya para sana humingi ng tulong dahil sa unti-unting pag bagsak ng company nila at kasong kinahaharap ng daddy niya, pero hindi akalain ni Laura na ungol ng ibang babae ang sasalubong sa kaniya.
“Sia, Damn!” Yes, move like that!” Untag naman ng sarap na sarap na si Elijah ang sumunod niyang narinig.
“Ugh, Elijah!” Mula sa kinatatayuan ni Laura ay tanaw niya ang likuran ng hubad na secretary ni Elijah habang sarap na sarap ito sa ginagawa, “sabi ko naman sa’yo, ako lang ang makakapagbigay sayo ng ganito. Bakit hindi mo pa kasi iwan ang babae na iyon?”
“Sabi ko naman sa’yo ay maghintay ka lang, wala rin namang magbabago kung kami pa o hindi. Ilang buwan na natin itong ginagawa, hanggang ngayon naman ay hindi pa rin niya tayo nahuhuli.” Malambing ang boses ng kasintahan ni Laura.
Kitang-kita rin niya kung paano nito tignan ang babaeng katalik, kahit minsan ay hindi niya nakita ang ganoong emosyon sa mukha ni Elijah.
“Ewan ko rin naman ba sa iyo, bakit nagtitiis ka sa babaeng iyon, nakuha mo na ang gusto mo na tulong mula sa pamilya niya. Wala na siyang silbi sa’yo, lalo na ngayon na pabagsak na ang pamilya nila.” May pangungutya ang boses ng babae habang sinasabi iyon, wari’y parang sobra nitong ikinatutuwa ang pangyayari sa sa pamilya ni Laura.
Muling nagdikit ang labi ng dalawa na hindi man lang nararamdaman ang presensya ni Laura.
Hindi lubos na maarok ni Laura ang lahat ng mga salitang narinig mula sa dalawa, hindi niya matanggap na ginamit lang siya ng lalaki.
Sa tagal ng relasyon na pinaniwalaan niyang totoo ay hindi pala, mali pala siya.
“Mga walang hiya kayo!” Walang pagpipigil na hinagis ni Laura ang bitbit na mga papeles at bag sa kanilang dalawa, “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Elijah? Ilang araw lang akong naging busy sa kasong kinakaharap ng daddy ko dahil rin sayo, nagloloko ka na agad. Parang kailan lang nung nangako ka na magpapakasal tayo!”
Dalawang linggo na rin ng huli silang magkita simula ng unti-unting bumagsak ang company nila Laura, idagdag pa ang pagdakip ng mga pulis sa daddy niya para imbestigahan. Akala niya ay makakahingi siya ng tulong kay Elijah pero mali siya.
“Walang kasal na mangyayari.” Mabilis na untag ni Elijah na ngayon ay yakap-yakap ang babaeng katabi na parang pinoprotektahan ito mula kaniya.
“Ano?” Tulala na parang hindi naiintindihan ni Laura ang salitang binigkas ng lalaki, “anong ibig mong sabihin na walang kasal na mangyayari, Elijah?”
“Nagdadalang tao si Sia, hindi ko pwedeng balewalain ‘yun dahil anak namin ito.” Mababa ang boses ngunit buo ang loob na sagot ni Elijah sa kaniya, hinawakan pa nito ang flat na t’yan ng katabi at hinaplos iyon ng marahan. “Gusto ko ng sariling pamilya, Laura. At masaya ako na magkakaanak na ako.”
Mas lalong nanlata si Laura sa narinig mula sa kay Elijah.
Mabait si Elijah, sa loob ng apat na taon nilang pagsasama ay wala namang gaanong naging problema si Laura. Akala kasi niya normal lang ang minsang malamig na pakikitungo nito, ‘yun pala ay sa iba naglalambing.
“Gusto mo na palang bumuo ng pamilya, bakit hindi mo sinabi sa akin? Kaya ko rin ibigay sa’yo ang anak na pinapangarap mo.” Mapait ni sabi ni Laura, bumagsak ang tingin niya sa kamay ni Elijah na nakapatong sa t’yan ng secretary niya.
Pinangarap niya rin ‘yun, paulit-ulit. Gusto rin niyang bumuo ng pamilya, pero hindi nawawala si Elijah sa lahat ng iyon. Si Elijah ang pinangarap niyang maging ama ng mga magiging anak niya, pero hindi sila pareho.
“Kaya mo akong bigyan ng anak? Eh halik nga ay hindi mo magawa ng tama, tuwing hahalikan kita ay para lang akong humahalik sa pader, mabuti nalang rin at nahuli mo kami. Hindi na ako mahihirapan na hiwalayan ka, Laura.”
Walang patumpik-tumpik na saad ni Elijah kay Laura.
Pagak na natawa si Laura sa narinig, “ngayon na wala ka ng mapapala sa pamilya ko ay wala na rin akong silbi, tama baa ko, Elijah?”
“Alam mo naman pala, bakit hindi ka pa umalis? Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Elijah, magkakaanak na kami at hindi na kayong dalawa. Wala ka ng lugar sa bahay na ito, bakit hindi ka nalang humanap ng lawyer na tutulong sa kaso ng daddy mo?” Mapagmataas na sabat ni Sia, “ewan ko lang kung may tutulong sa inyo gayon na wala na kayong pera para pambayad.”
Gustong murahin ni Laura ang babae, pero pinilit niyang pigilan ang sarili. Para sa batang dala-dala nito, “H’wag kang mag-alala, sisiguraduhin ko na mananagot ang totoong may kasalanan sa kasong kinakaharap ni Daddy.” Humarap siya kay Elijah, “Pinapalaya na kita, sana maging masaya ka sa panloloko mo hindi lang sakin pati kay Daddy.”
“Mr. Jintalan, mabuti naman at dumating ka.” Nakangiti ang mga matatandang businessman habang palapit si Elijah sa table kung nasaan sila, “akala namin ay hindi ka sisipot, lalo na at hindi mo naman na kailangan ang ganitong mga okasyon.” Makahulugan pa na sabi ng isa.Napangisi naman si Elijah dahil sa narinig, umiling siya at umakto na parang hindi naiintindihan ang ibig sabihin ng matanda. “Nako, bakit naman hindi ako a-attend sa ganitong okasyon lalo na at alam ko na andito kayo?”Muli silang nagtawanan, nanatili ang ngiti sa labi ni Elijah. Ang mga matatanda na ang tingin lang sa kaniya dati ay boyfriend ni Laura ay sa wakas alam na kung paano siya tawagin sa kung sino talaga siya.Napapailing nalang siya sa isip habang sumisimsim ang wine sa kupita na hawak, alam niyang iba ang nagagawa ng kapangyarihan at pera kung paano ang pakikitungo ng tao. Ngayon na meron na siya pareho, labis ang pagbabago ng mga ito.“Magkakaroon ako ng branch sa Singapore, baka gusto mo na makita ang pl
Ang tanawin sa labas ng veranda ay talagang maganda, pero hindi maitatago ni Laura na mas higit doon ang ngiting sumilay sa labi ng lawyer. Sobrang sarap noon sa mata na parang kinikiliti ang puso niya.Nabalik lang ang kaniyang atensyon ng umihip ang malamig na hangin, agad niyang hinaplos ang expose na mga braso. Nakasuot lamang siya ng cocktail dress, nagsimula na rin na mamula ang kaniyang ilong, pisngi, hanggang leeg. Mas lalong lumabas ang maputi niyang balat.Napabuntong hininga naman si Adan at maingat na hinubad ang suit jacket at walang pasabing pinatong ito sa balikat niya, “gamitin mo, hindi kita dinala dito para ma- hospital na naman.”Hindi iyon tinanggihan ni Laura, sa halip ay binalot niya iyon sa sarili. Sa paraan na iyon ay mas amoy niya ang lawyer muna sa jacket nito, hindi niya maiwasan na mas lalong mamula ang pisngi dahil sa kaniyang ginawa.“Thank you.” Bulong niya, halos makagat pa niya ang dila sa kaba. Ayaw niyang malaman ni Adan ang ginagawa niya, pero hindi
“Hurry, can’t you move faster?” Inip na tanong ni Adan habang nakasandal sa kotse at paulit-ulit na tinitignan ang oras sa relong suot niya, “sabi mo ay ayaw mong makatanggap ng maraming atensyon sa pupuntahan natin, pero sa tagal mong gumalaw ay baka tayo ang pinaka-late doon.”Napaikot naman ang mata ni Laura, gusto niyang magreklamo at sabihin na ang lalaki rin naman ang dahilan bakit sila natagalan. “Ito na nga, nagmamadali na.”~Mabuti nalang rin at hindi traffic ng mga oras na iyon dahilan para agad silang makarating sa venue, pagpasok palang nila ng building ay marami na agad ang sumalubong sa lalaking kasama niya. Isa na roon ang isang babaeng naka velvet red dress na talagang bumagay sa maputi nitong balat.“Adan,” matamis nitong tawag sa pangalan ng lawyer habang may matamis na ngiting nakapaskil sa labi niya, “akala ko ay hindi ka darating, ngayon ka lang na-late sa mga ganitong event.”Ilang minuto pa na tinitigan ni Laura ang babae bago niya makilala ito, Ang female arti
Tulad ng pinagkasunduan at alok na serbisyo ni Laura, nung hapon rin na ‘yun ay agad siyang naghanda para magluto ng hapunan.“Sinabi ko na ipagluluto ko siya ng pagkain, pero paano ko gagawin yun kung ganito lang ang laman ng refrigerator niya?” Stress na tinignan ni Laura ang mga can beer, bottled water, at iilan na pack food na kailangan na lang iinit.Hindi naman niya magawang guluhin ang lawyer na ngayon ay nakatalikod sa kaniya habang suot ang reading glass nito at isa-isang binabasa ang mga papel na nakakalat sa lamesa.Ilang saglit pa ay lumingon ito sa kaniya dahilan para mapaigtad siya, “baka mabutas ang likod ko sa titig mo, kung may gusto kang sabihin ay sabihin mo na.”Hindi ganoon kalamig ang tono ng boses nito, pero dahil sa suot niyang reading glass ay mas lalong naging intimidating ang aura niya. Hindi agad nakakibo si Laura, nagdadalawang -isip pa rin kung sasabihin niya ang kaniya pa niyang problema.Sa huli ay wala siyang nagawa kundi ang umamin, “hmm, sa totoo la
Paghinto palang ng kotse ay ramdam na agad ni Laura ang katahimikan ng paligid, sa totoo lang ay umaasa siyang pagdating nila ay naguunahan ang mga maid na lumabas para salubungin ang lawyer pero kabaliktaran ang lahat sa inaasahan niya.Tatlong palapag ang bahay nito ngunit sa labas palang ay masasabi na niya agad na maluwang iyon, “h’wag kang masyadong kabahan, marami ang kwarto at pwede mong piliin ang pinakamalayo sa kwarto ko, kung gugustuhin mo ay pwede tayong hindi magkita sa loob ng bahay hanggang matapos ang pag stay mo dito.”Seryoso ang mukha ni Adan habang sinasabi iyon, walang halong biro ang bawat salita. Hindi tuloy alam ni Laura kung talagang seryoso iyon o sarkastiko lamang ito.“Hindi naman ako kinakabahan, isa pa ay ikaw ang tumanggi sa akin nung nakaraan.” Pagbalik niyang sabi habang seryoso rin ang mukha, pero mabilis siyang tumingin palayo ng maramdam ang tingin ni Adan sa kaniya.“Well, hindi naman ako hayok at walang pusong lalaki. Pero kung ipipilit mo talaga
Dalawang-araw pa ang tinagal ni Laura sa hospital bago siya tuluyan na ma- discharged. Hindi na bumalik si Adan simula ng mangyari ang bagay na ‘yun, wala pa rin siyang idea kung ano ang dahilan ng pagka-bad moon bigla ng lawyer.“Nakakahiya naman kung tatawagan ko siya,” bulong niya sa sarili habang hawak ang cellphone at bitbit sa kabilang kamay ang maliit na bag. Paika-ika pa man ay sinubukan na niyang maglakad sa hallway, alam niyang sa mukha ng iba ay para siyang kawawa pero wala naman siyang magagawa.Sinubukan niyang katawan ang kaibigan pero mukhang busy, wala naman siyang ibang matatawagan dahil nasa detention center pa ang daddy niya.Nakakailang hakbang palang siya ng may humawak sa braso niya at pigilan siyang maglakad, “bakit parang nagmamadali kang umalis Ms. Zapanta na parang tinatakasan? Sa tingin mo ba ay makakauwi ka mag-isa ng ganyan ang sitwasyon mo?” Umagang-umaga palang ay magkasalubong na kilay agad ang bumungad sa kaniya.“Mr. Del Rosario, anong ginagawa mo dit