Share

Kabanata 2.2 Hacel

Buong byahe ay nakatulog ako sa balikat ng kaibigan. Sinabihan na gisingin na lang ako kapag malapit na sa mismong site.

Lingid sa kaalamaan ko na buong magdamag na nakamasid si Darius saakin at may malalim na iniisip ang binata.

"Please huwag, Rhyl. Ibaba mo ang baril" nagmamakaawang saad ko nang itutok ng bata ang baril sa lalaking nasa likod niya.

Duguan si Rhyl pati na rin ako dahil sa mababato at matatarik na lugar na dinaan namin para lang takasan ang aming kalaban.

"Iputok mo, bata. Napakahina mo naman!!" Saka humalakhak ang lalaking parang hayop na tumitig saakin.

Nakita ko ang namuong puot sa mata ni Rhyl at naging blangko ang ekspresyon. Narinig ko ang pagkalabit ng batang lalaki sa gatilyo ng baril.

Agad nanlaki ang mata ko kasabay ng pag-agos ng aking mga luha.

"Huwaaaag!!!"

Nagising na lamang ako na pawis na pawis. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at basa ito, umiyak ako? Tanong ko sa sarili.

Mabilis ang pagtaas baba ng aking dibdib. Ngunit mas nagulat ako nang makitang nasa harapan ko si Darius at seryosong nakatitig saakin.

Napagtanto kong mag-isa na lamang ako sa sasakyan.

"Bakit ka pa nandirito, Mr. Madrigal?" Pormal kong tanong.

"I was busy digging the soil outside at narinig kitang sumigaw. Kala ko napano ka na." At naging abala ito sa pagsuri sa mukha ko.

"Nanaginip lang ako. Bumalik ka na sa ginagawa mo" agap na sagot ko at natigil ako sa pagtayo sana nang may biglang pinatong na damit si Darius sa hita ko.

"Inutusan din ako ni Ma'am Eleanor to give you this cloth. Uniform sa tree planting. Sige, aalis na ako. Magbihis ka na." saka dali dali itong umalis at sinarado nang agresibo ang pinto ng shuttle bus.

"Mahirap talagang kasundo si Eleanor. Sabing bantayan ako e." Reklamo ko habang nagbibihis.

Kulay mint green shirt ang damit na may globo at puno na disenyo sa gitna at may nakasulat na theme. Pinaresan ko ito ng mom jeans at itim na belt para naman gumanda ang suot ko. Pinusod ko ang mahabang buhok at lumabas na.

"Ms. Samonte! Mukha kang studyante sa porma mo!" Sigaw ni Eleanor dahil doon ay napatingin ang lahat sa saakin lalo na si Darius. May namuong multo ng ngiti sa kanyang mga labi.

"Looking youger talaga si Ma'am Samonte e, kaya mabenta sa mga engineering" pasunod ni Chin at inakbayan pa ako.

"Ang hot mo mami Bianca" bulong pa nito. Humagikgik ako sa sinabi ng kaibigan at piniling tumulong sa mga studyante.

'Di ko namalayan ay napunta ako sa parte ng mga mababato. Mula sa akingkinatatayuan ay malakas ang hampas ng alon mula sa dagat.

Ang nakapusod kong buhok ay unti-unting natanggal sa pagkabuhol hanggang sa sumabog nang agresibo angaking kulay tsokolateng buhok sa hangin.

"Ms. Samonte" napapikit ako nang marinig sa saaking likuran ang baritanong boses na iyon.

Tipid ang ngiti ko at sinagot ang studyante. "Yes, Mr Madrigal? You need help?"

Hindi sumagot si Darius at tumitig lang saakin. Animo'y para kaming nasa isang drama na nagtititigan sa pagitan ng naglalakihang hampas ng alon.

"I----" naputol ang sana'y sasabihin ni Darius nang biglang sinapo nito ang ulo na parang may masakit.

"Mr. Madrigal! Are you okay?" Nag-aaalala akong lumapit at inabot ang magkabilang balikat ng binata upang matignan ito nang maayos.

Tanging ungol lang ang sagot ni Darius at namimilipit itong napaupo hawak-hawak ang ulo.

"Darius!!!" Sigaw ko. Hindi ko makita ang itsura ng binata dahi nakatungo ito habang hawak ang dalawa niyang kamay ang kanyang ulo.

"Masakit ba ang ulo mo? Ipupunta na kita sa clinic. Tell me what you feel" sunod-sunod na saad ko dahil nakikita kong hirap ang binata sa sitwasyon.

Muling nanumbalik ang dating memorya na minsan nang binaon ko sa limot.

Ngunit mas kailangan kong tulungan si Darius ngayon kaysa mag-senti.

"Nilalagnat ka ba? Tell me? Can I check your forehead?" Agad kong dinampi ang likod ng kanang palad ko sa noo ng binata habang ang kaliwang kamay ay nakasuporta sa balikat nito.

"Tatayo tayo, ipupunta kita sa first-aid area" ani ko ngunti bago pa makatayo ay pinigilan siya ng pagpulupot ng braso ni Darius sa kanyang bewang.

"Get your hands-off Mr. Madrigal" malamig kong saad. "That is not right. Never right." Agad akong tumayo at kinalas ang lahat ng pagkahawak sa studyante.

"Wala akong panahon para makipaglaro sa kung ano man ang larong inuumpisahan mo. Kung nagpapanggap ka lang na may sakit better do it harder"

"It's not even harder pero naniwala ka na. Madali kang maloko, Ms. Samonte" balik ng binata. Nanatili pa rin itong nakaupo at nakatingala saakin.

Ang may kahabaan nitong jet black na buhok ay malayang ginugulo ng agresibong hangin na mula sa dagat.

"I'm an instructor and it is my job to look out to my students lalo na kapag ganitong event, Mr. Madrigal" matigas kong sagot at tumingin din ito ng malamig sa kausap.

"I don't know but you seem so familiar. Hindi ko alam kung kailan at saan kita nakita." Halos sumabog ang puso ko sa kaba nang marinig ang mga iyon kay Darius.

Nanlamig ang sking mukha at nanginig ang tuhod sa kaba. Hindi maaaring mangyari iyon, sigaw ko sa isip. Dapat ay huwag niya nang maalala pa, isip ni Bianca.

"Magkababayan tayo. Natural lang na pamilyar ang mukha ko sa iyo."

"No. Magmula no'ng nakita kita no'ng exam day. I know I met you long time ago. I just can't figure it out kung paano." Tumayo si Darius at pinagpagan ang black slack na nadikitan ng puting buhangin.

"Totoong sumakit ang ulo ko. Nangyayari lang 'to kapag lumalapit ako sa dagat." Dagdag pa niya.

"Why are you sared sa tuwing lumalapit ako sa'yo?" Hindi kaagad ako makaisip ng isasagot. Ngunit kailangan kong sumabat.

"I don't like the idea that my students were invading my privacy. Sa paraan ng pakikipag-usap at pakikitungo mo saakin, parang hindi mo ako nakikita as older than you" lumayo ako ng kaonti at pinagpatuloy ang sinasabi.

"Iniiwasan kita dahil ayaw kong magkaroon ng issue. Maliwanag ba 'yon sa'yo?" Mapaghimutok kong tanong ngunit tanging tiim bagang lamang ang nakuha ko kay Darius.

"Maliwanag saakin lahat ng sinasabi mo. I just want to know deeper the woman who I always see in my dreams, at ikaw 'yon." Malaman na sabat ni Darius. Pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hangin dahil sa narinig.

"We can be friends, Ms. Samonte"

"I don't wanna be friends sa mga bata" asik ko at nakipatagisan siya ng titig.

"Darius Frio!" Sigaw ni Daniel Madrigal pinsan niyang buo, mula sa kinaroroonan ng shuttle bus.

Sabay naming nilingon si Daniel at agad namang binalik ni Darius ang tingin saakin.

"If he's hitting on you, iwasan mo siya. My cousin is dealing with someone else."

Agad akong umalma sa binanggit niya.

"We have nothing. Pinahiraman lang ako ng suit dahil nabasa ako. And please Mr. Madrigal, matuto ka namang mag-po at opo saakin or call me Ma'am or Ms" medyo tumaas ang tono ng boses ko.

Napapansin ko kasi na parang kaibigan o ka-edad lang ang paraan ng pakikipag-usap nito saakin.

"Alright, Miss Samonte" madilim itong ngumisi at sinundan pa ang sinabi. "Someday, mapapasaakin ang pagkakataon"

Hihirit pa sana ako na magtatanong kung ano bang ibig sabihin ng huling binanggit ni Darius ngunit isang matinis na boses ang tumawag sa pangalan niya.

"Dariiiiii!" Parehas kaming lumingon sa babaaeng kasama ni Daniel na papalapit sa kanila.

Matangkad ang babae at tisay, mukhang pang-artista ang datingan at tindig.

"Hacel" mababang saad ni Darius at dali-dali sinalubong ito ngunit tinakbo ni Hacel ang distansya nila at niyakap si Darius nang napaka-higpit.

Agad akong tumalikod at kinuha ang mga gamit sa pagbubungkal ng lupa at dumiretsyo sa tent. Nagtaas ako ng kilay nang makitang papalapit si Eleonor saakin.

"Nakita ko kanina kayo ni Darius sa batuhan. Sis, hindi pwede 'yong ganon!" May diin na bulong ng kaibigan kay Bianca.

"I was just helping him. Akala ko sumasakit ang ulo niya, 'yon pala pinagti-tripan lang ako." Paliwanag ko.

"Hinahanap ka kanina ni Sir Daniel, pero nakita niya kayong dalawa ni Darius sa batuhan." Agad na nag-alala sa sinabi ng kaibigan.

"Daniel must know the case, Eleanor. Mukhang nasabi na ni Celestine ang tungkol sa nangyari noon" agap na sagot ko.

"No. Alam na ni Sir Daniel ang kasong iyon." Balik ni Eleanor na nagpagulat saakin. "Ayokong manguna sa pag-explain. Sa kanya ka na lang magtanong."

"Weird. Wala namang kababata si Darius dati na babae. How come na sumulpot 'yang Hacel?" Napalingon ako kay Eleanor dahil sa sinabi ng kaibigan.

"Saan mo nalaman na magkababata sila?" Balik kong tanong at isa-isang hiniwa ang beef steak na inorder ko.

"From Sir Daniel"

Aksidenteng akong napatingin kay Hacel naabutan ko itong nakatitig sa saakin. Ngunit mas kinagulat ko ang pagtalim ng titig na parang may pinaghuhugutan. Tinitigan ko lang si Hacel na parang walang nakita

''What's your problem, Hacel?'' Bulong ko sa saaking isipan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status