Share

Kabanata 2.1 Gentleman

Hindi na ako sinundan pa ni Darius  sa loob ng Casa Real kahit pa malapit sa kaniya ang mga ito at puwede siyang pumasok anumang oras niya gustuhin. Kilala ang mga Real at Madrigal bilang isa sa mga maimpluwensyang tao sa kanilang lugar at respetado ninuman.

"Bianca! Finally, you are here na!" Eksahiradang saad ni Celestine Real isang ganap na lawyer, nang makitang papasok ako na ng Casa.

"Sa wakas nakauwi ka na" ngiting balik ko sa kaibigan. Mag-iisang taon na kasi itong hindi umuwi dahil sa patong patong na kasong hinahandle niya.

Agad na niyakap ko ito at tuluyan nang pumasok sa loob. Sa higanteng double doors ay makikita mo na ang karangyaan ng pamilya Real.

Apat na malalaking gusali ang nagsisilbing haligi ng buong mansyon at may nakaukit na mga kadaanang disenyo at ang mahabang hagdanan ay dinamitan ng pulang carpet. Mga nakakaakit at nagsisikihang na chandeliers ang bumubungad sa paningin ni Bianca.

Umupo ang dalawa sa sofa at nag-umipisang kumain ng red forest na cake. Nang may maalala ay napatigil ako sa pagnguya.

"Oww, Daniel was talking about you earlier! Sayang at hindi kayo nagka-abot! Hey, the eldest son of Madrigal clan is interested in you" kilig na hayag ni Celestine.

"He let me borrow his suit kanina sa school. I accidentally poured my drink sa uniporme ko. Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano diyaan, Tine." Ngunit parang hindi naniniwala ang kaibigan sa mga sinabi ko.

At nang makabawi ay binigkas ang mga tanong na kanina pa namumuo sa aking isipan.

"Siya nga pala, Tine. Kailan pa nakauwi ng bansa ang anak ni Mayor Madrigal?" Mahinang tanong ko at nakatuon lang sa cake ang tingin habang tinutusok tusok ito.

Napatigil si Celestine at nanlaki ang mata nang may naalala rin. "Ah oo. Kakauwi niya last July and dito niya tatapusin ang pagkakaral niya. Bakit? Nagkita na ba kayo?"

"Nag-aaral siya sa university na pinapasukan ko and the worst student siya ni Eleanor. I meet him earlier and he's driving me nuts. Hindi ko alam kung kilala niya pa ba ako o hindi na?"

"Really?" Tanong ng kaibigan at parang may iniisip pa ito. "Ang alam ko nagka-coma siya after that incident and tito Alfonso clearly said na nagka-amnesia si Darius. They are really private about sa kaso niyo noon and madaling na shutdown ang mga usap-usapan tungkol doon."

"Lumipad pa sila ng France and doon pina-gamot si Darius the day after that incident" dagdag pa nito.

Napapikit sako nang maalala ang sakit ng nakaraan. Akala ko ay naghilom na ito, ngunit hindi pa pala.

"Hindi ko siya nakilala agad kanina at isa pa Rhyl ang alam kong pangalan niya. Napakabata niya pa noon nang mangyari iyon. I don't think he will recognize me, Tine."

"I hope he won't. Mas lalo lang gugulo ulit." Saad ng kaibigan at marahang hinaplos ang balikat ko.

"Be careful, Bianca. Hindi pa natuldukan ang insedenteng iyon ng hustisya. Mag-doble ingat ka, the culprit maybe just hiding somewhere" May pag-aalalang saad ni Christine.

Nang matapos ang usapan at kamustahin namin ni Celestine ay napagpasyahan ko nang umuwi dahil marami pa akong tatapusin na lesson outline. Sa paglalakad pauwi saamin ay nag-ring ang aking cellphone. Agad kong sinagot ito nang makita ang caller name.

"Eleanor"

"Kumusta ang pag-substitute mo, Bae?" Nakarinig ako ng hikab sa kabilang linya palatandaan na late na.

"It's a disaster.I met one of your student. Remember Rhyl? Iyong batang muntik nang mapatay noon? He's Darius Rhyl Frio fucking Madrigal. He's the son of Mayor Madrigal, Elea!" May pangambang sagot ko sa kaibigan.

"Ano?! Hindi ko alam ang bagay na iyan. Saka hindi pa mayor noon si Sir Madrigal nang mangyari ang insidenteng iyon." May halong concern ang narinig ko sa boses ng kaibigan.

"Nawa'y hindi na kami magkita ulit. Parehas kaming naghirap noon kaya mas magandang ibaon niya na lang sa limot ang nangyari. He's still young, Elea."

"Paumanhin. Hindi ko alam na pinayagang umuwi ni Mayor Madrigal ang anak kung malalagay lang sa kaguluhan ang buhay nito." Napaisip ako sa sinabi ng kaibigan.

Napahilamos na lang ako sa aking mukha. "Iiwasan ko siya hanggat maari. Lalo na at nasa iisang paaralan at isla kami ng pinupuntahan. We suffered both, mas maiging hindi niya na maalala pa."

Kinalunesan ay maaga akong tumawid ng isla at mas pinili kong sumakay sa malaking bangka kaysa sa landing barge. Dahil malaki ang chance na makikita ko si Darius lalo na at araw ng pasukan.

Ako ay kinalma ng papasikat na araw. Ang pang-umagang hangin ay nagbibigay ng lakas para sa bagong araw ng laban sa buhay. Pinagdasal ko na umayon sana ang panahon sa mga nais kong mangyari ngunit hindi ako pinagbigyan nito.

Kumunot ang mata ko nang nabasa ang announcement ni dean sa aming group chat. Kaya agad kong tinawagan si Eleanor.

Lakad takbo ang ginawa ko nang papasok siya ng school gate. "Elea, tree planting at magme-merge ang nursing at engineering department?" Kinakabahan kong tanong.

"Yes, kaka-confirm lang saamin kanina. Required na sumama ang mga instructors at wala kang choice makikita mo na naman si Darius." Nag-aalalang sagot ng kaibigan.

"This is bad. Paano kung maumpog siya at makilala ako?" Naghihisterikal kong tanong habang papasok ng department ngunit napahinto ako nang makitang nagsisisakayatan na ng shuttle bus ang mga nursing at engineering student.

"Putek" saad ko nang makitang ako na lang ang hindi pa nakakasakay na faculty sa nursing.

"Walangya, bilisan mo Bae! Hindi ka makikilala niyan. Dito ka sumakay sa pang-apat na shuttle bus. Huwag kang lakad virgin diyaan!"

"Napakabastos talaga ng bunganga mong babae ka!" Sigaw ko sa kaibigan ngunit bungisngis lang ang nakuha nito. Napailing na lang ako.

"Ayan late pa" dada saakin ni Chin nang paakyat ako ng shuttle bus. Kumaway si Eleanor saakin sa may bandang likuran. Nagulat ako na mix pala ang laman ng bus. Biglang nakaramdam ako ng kaba at inilibot ang buong paningin sasakyan. Nakahinga ako nang maluwang nang hindi ko nakita si Darius.

"Looking for someone, Ms Samonte?" Agad na nanlalaki ang mga ko nang makilala ang boses ng iyon. Nilingon ko ito at nakitang nakadungaw ito saakin nang seryoso. Mukhang magkasunod lang kaming pumasok sa shuttle bus.

"By the way, mas exciting palang sumakay sa bangka kaysa landing barge" dagdag pa ni Darius at tuluyan akong dinaanan at umupo sa likuran.

Nanghihina akong humilig sa gilid ng upuan. Ibig sabihin ay nakasunod sa saakin si Darius the whole time nang hindi  ko manlang namamalayan.

Nagtak ako na hindi manlang napansin ang presesnya ni Darius sa bangka kanina. Iwinaglit ko iyon sa isipan.

"Baka pinagloloko niya lang ako." Bulong ko sa sarili.

"Ayos ka lang?" Tanong saakin ni Chin nang makitang medyo namutla ako.

"Oo. Hiningal lang akong tumakbo. Papaalis na 'tong bus nang makita ako e."

Umayos ako ng tayo at hinanap ang attendance sheet. Ang pang-huling studyante na papaprimahan ko sa sheet ay nasa bandang dulo kung nasaan si Darius.

Tinignan ko ang kaibigan at nakatayo ito sa tabi ng lalaking gusto kong iwasan buong buhay.

Lumapit ako sa likuran at nakita ko kaagad ang paglipad ng titig ni Darius saakin. Hindi ko magawang tignan ito, dahil siguro sa nangyari noon bumabalik lahat ng mga malalagim na alaala.

"Bakit late ka? May night life ka na sa Santiago 'no?" Panimulang asar ni Eleanor saakin. Sinamaan ko lang ito ng tingin.

"Manahimik ka, Elea please. Nakakahiya pa naman 'yang bunganga mong napaka-banal." Asik ko. Humagikgik lang ang kaibigan at siniko pa ako sabay tinuro si Darius gamit ang labi.

"Tigilan mo 'yan Eleanor Teresa" banta ko ngunit kinindatan niya lang ako.

"Siguro nakipag-date ka kay Sir Daniel sa Casa Real kagabi 'no?" Tila'y sinadyang linakasan ni Eleanor ang boses na para bang may gustong kumpirmahin sa reaksyon ni Darius.

Nagsalubong ang tsokolateng kilay ko at tinapon ang tingin kay Darius. Dumilim ang tingin nito at nag-igting panga at saka matalim na tumingin saakin.

"It's dangerous, Bae. I think mas naging worst siya kumpara noon." Bulong ng kaibigan. "Don't worry, babantayan ko siya para hindi makalapit sa'yo sa coastal mamaya."

Nagstanding kami dahil may mga studyante pang dumating. Nakaramdam ako ng mainit na presensya sa  likuran ko at mas nanlaki ang mata ko nang mapagtantong si Darius ito.

"So, you really like my cousin, huh?" Malamig nitong usal. Hindi ko siya pinansin at tinignan ang paligid kung may nakamasid ba saamin. Laking pasasalamat ko dahil lahat ay nakatuon sa kanilang cellphones.

"You may take my seat, Ms. Samonte" Huling bulong ni Darius bago pumunta sa harapan at umupo sa tabi ng driver.

Hindi ako makagalaw ngunit siniko ako ni Eleanor na nagpanumbalik sa kanyang ulirat.

"In fairness napaka-gentleman" at kinindatan pa ako. Sa huli'y umupo kami sa bakanteng upuan na iniwan ni Darius.

Isa't kalahating oras ang byahe mula shool hanggang sa lugar para sa mangrove planting. Proyekto ito ng university at napiling i-merge ang nursing at engineering department.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status