Share

Kabanata 3.2 Taste your lips

Pumasok ulit ako ng infirmary upang ipagpatuloy ang paggamot sa mga nasugatan.

Napansin kongmas nadagdagan ang mga sugatan at napilayang mga estudyante.

"Antatanda niyo na nakuha niyo pang magsuntukan dahil lang sa basketball na 'yan." Sermon ni Eleanor sa mga estundyanteng engineer nang makapasok ito sa loob ng infirmary.

"Ma'am Reyes, 'yong mga marine students po ang nauna. Dumepensa lang po kami" pangangatwiran ni Derrick at ngumiwi ito nang sumakit ang pilay.

"Kahit na. Graduating students na kayo dapat ay umiiwas na kayo sa gulo. Gusto niyo bang hindi magtapos ng maaga? Imbes award ang makuha niyo! Ayan bugbog ang abot niyo!" Ngitngit ni Eleanor kaya nilapitan na ko na siya.

Nagkaroon kasi ng gulo kanina habang ginaganap ang elimination round sa basketball. Dahil nga mainit ang laban ng engineering department at marine department ay nauwi sa suntukan ang laro.

"Eleanor, hayaan mo munang magpagaling ang mga estudyante mo. Saka mo na sila sermunan kapag ayos na sila" pagpapakalma ko sa kaibigan at hinikayat na lumabas na muna ito.

"Ako nang bahala muna sa mga studyante mo." Pagmamabuting loob ko.

"Sige. Basta sinasabi ko sa'yo Bianca ha, mag-iingat ka kay Darius. Lalo pa't nasa paligid si Hacel na feeling girlfriend" pag-papaalala saakin ng kaibigan.

"Hindi ko alam kung anong problema ni Hacel saakin"

"Malamang sis, sunod nang sunod sa'yo si Darius. Parang dati lang nong bata pa siya. Crush na crush ka e no----" tinakpan ko ang bibig ng kaibigan at tumingin tingin pa sa paligid na parang may nakarinig ng pag-uusap namin.

"Eleanor! Huwag mong mabanggit banggit ang bagay na tapos na. Please??" Kinakabahang pakiupsap ko.

"Sorry. Gusto ko lang na mag-ingat ka" ani Eleanor at hinaplos ang aking braso.

Tumango lang ako at takot pa rin na baka may nakarinig sa sinabi ni Eleanor.

Pagkatapos ay pumasok na ulit  sa loob upang tapusin ang panggagamot.

"Paabot nga ako ng betadine." Utos ko sa student nurse na kasama habang ginagamot ang malaking sugat ng isang estudyante na rumaragasa pa ang dugo.

Kitang kita ng mga estudyante sa loob kung gaano kabilis ang kilos ko sa pag-gamot ng mga sugat. Tila'y isa nang batikan na nars.

"Grabe talaga si Miss Samonte. Pang k-drama ang datingan sa pag-gamot"

Sumingkit ang mata ni Darius dahil lahat ay nakatingin saakin instructor. Hinila niya ang folds ng isang hospital bed upang masarado kami.

"Don't stare at her like that. She's not a student" banta nito. Tumahimik ang lahat at nagsikanya-kayang pahinga.

"You are expert in hospital setting. How come hindi ka nagtrabaho bilang nurse?" Tanong ni Darius  nang lapitan niya ako.

Nagkuyom ng kamao ko sa narinig mula sa binata. Ang trahedyang iyon ang dahilan kung bakit mas pinili ko na lamang  magturo at manahimik.

"Mas mahal ko ang pagtuturo" maikling sagot ko at sinuri ang kaibigan ni Darius na napilayan.

"You little liar. Kitang-kita ang sensiredad mo sa pag-gamot ng estudyante" balik ni Darius. Humarap ako dahil sana'y sasabatan niya ito ngunit nakita kong may sugat ito sa gilid ng labi.

"Come here, Mr. Madrigal. Gagamutin ko ang sugat mo." Pormal kong sambit at pumwesto sila sa dulong kama.

Inilabas ko ang betadine, gasa at micropore para sa maikling cut ni Darius sa gilid ng labi.

"Umupo ka. May maliit kang sugat, lilinisan ko lang" pagpapaliwanag ko.

Sinunod naman lahat ni Darius ang sinabi ko.

"Huwag kang malikot. Didiinan ko 'to" banta ko dahil galaw nang galaw si Darius na parang nagtutuya ito.

"Ansungit naman ng nurse na 'to" panloloko ni Darius at humalakhak ito ng mahina nang makitang nagsalubong ang dalawang kilay ko.

"Pasaway kang pasyente" at nilagyan na lang ng band-aid ang maliit na sugat nito "Umiwas ka sa mga gulo nang hindi ka mapahamak"

"Im not a troublemaker. Sadyang nadamay lang ako kanina" sagot ni Darius at hahaplusin sana ang sugat ngunit ang malambot na kamay ko ang nahawakan niya.

Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa magaspang na kamay na humaplos saakin. Napangisi si Darius nang makita ang reaksyon ko.

"Where is Darius?!!!!" Sigaw ni Hacel nang makapasok ng infirmary.

Agad kong tinanggal ang kamay ni Darius na nakahawak sa kamay ko at inayos ang mga gamit.

Tinuro siya ng mga kaklase niya kaya agad naman siyang nakita ni Hacel. May pag-alala at kasiyahan sa mukha nito nang makita si Darius ngunit napalitan iyon ng inis nang makita niya ako sa gilid nito.

"Darius! For Pete'sake anong nangyari sayo?? I'm worried whole the time!!!" Eksaheradang usal nito at niyakap pa si Darius.

Mabilis siyang tinulak nang mahina ni Darius dahil doon ay mas nainis pa si Hacel.

"I'm alright, Hacel" at diretso itong tinitigan si Hacel. "Besides, Ms. Bianca treated my cut and check me"

Nagtagis ang bagang ni Hacel at hinarap ako.

"Thank you Ma'am Bianca for treating my boyfriend. I owe you a lot" at pilit itong ngumiti.

Lumapit ito saakin at bumulong "Trying hard to be relevant? Well hindi ka papansinin ni Darius"

Tinignank o lang siya nang walang emosyon at ngumisi.

"Hacel, what are you doing?" Inis na tanong ni Darius. Ngunit hindi ko na binigyan  pagkakataon si Hacel para sumagot.

"Your girlfriend told me na maiwan ko muna kayo. Restwell Mr. Madrigal" usal ko at binitbit lahat ng gamit at nagpaalam para lumabas na ng infirmary.

Narinig ko na pinagsabihan ni Darius si Hacel at pinaalis pa ito sa loob.

Dumiretso agad ako sa daungan ng landing barge at piniling pumwesto sa gilid upang masaksihan na naman ang takipsilim.

Inaalala ko ang trabahong ipapagawa saakin ni Mayor Madrigal. Alam niya naman na ako ang kasama ni Darius noong mangyari ang kiddnapan at kaming dalawa ang hostage.

Pala-isipan kung bakit ako pa ang kukunin ni Mayor para sa trabahong pwede namang iba ang gumawa.

"Bianca. Can we talk?" Nagulat ako nang si Daniel ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

"Sige lang sir. Ano ba ang pag-uusapan natin?" Pormal na sagot ko.

Tumitig lang saakin si Daniel. Nilagay nito ang dalawang kamay sa bulsa ng itim niyang slacks.

"I just want you to know na handa akong tumulong if ever na mahihirapan ka sa trabaho mo kay tito Alfonso" usal ni Daniel.

"Paano mo nalaman?" Takang tanong ko.

"Well, iyan ang topic kanina sa Casa. Pero hindi alam ni Darius ang tungkol dito." Pagpapaliwanag niya.

Sasabat pa sana ako ngunit agad ding nag-paalam si Daniel dahil may tawag na kailangan niyang sagutin.

"Having some conversation with my cousin again, huh?" Napamura na lang ako sa ere nang marinig na naman ang boses ni Darius.

"Yes. Alam kong ayaw mong makipag-usap saakin. And you prefer my cousin to talk with" nag-igting panga si Darius at inis na umalis.

"Hindi ko alam ang gagawin ko sa'yo" sabat koat tinitignan si Darius na parang mandirigma kung maglakad.

Gabi na ng makauwi ako sa Isla at ni hindi ko na nakita pa si Darius kahit noong dumaong na ang landing barge.

Sa huli'y napagpasyahan kong magpahinga na at maaga pa ako sa Casa Madrigal bukas.

"Pa, mabait naman po si Mayor?" Tanong ko nang nasa hapag kaninan kami para sa umagahan.

"May dignidad at napakamabuting tao ni Sir Alfonso, Bianca"

'Yon ang nasa isip ko sa loob ng sampung minuto kong paglalakad papuntang Casa Madrigal.

Nang makarating siya sa gate ng mansion ay agad akong pinagbuksan ng mga gwardiya.

"Magandang araw po sa inyo, Binibining Bianca. Pinapapunta po kayo ni Mayor kanyang opisina" saad ng isang gwardiya.

Ngumiti at tumango ako sa mga ito at sumunod sa mga kamsambahay na inalalayan ako papunta sa opisina ni Mayor Alfonso.

Bago pa tuluyang makapasok sa opisina ay isang painting ng teenager ang pumukaw saaking pansin.

Agad ko itong namukhaan. Si Darius iyon noong nasa senior highschool pa lang siya.

Ang nasa painting ay ang saktong itsura, kulay ng buhok at hubog ng katawan ni Darius nang makilala ko siya noong senior high school ang binata. Ang larawan saaking harapan ay ang binatilyong Darius na kasama kong naghirap sa trahedyang iyon.

Ang mga luhang nagbabadya at napigil nang tinawag ako ni Mayor.

"Miss Samonte, tumuloy ka saaking opisina" paanyaya nito.

"Magandang umaga po Mayor. Nais niyo raw po akong makausap" panimula ko.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto kong maging personal tutor at assistant ka ni Darius hanggang sa makapagtapos siya."

"Alam kong mahirap ito para saiyo Miss Samonte. Alam kong napakasakit ng nangyari sa iyo noon. Ngunit ito lang ang tanging paraan para tulungan na maibalik ni Darius ang kanyang memorya."

"With the help of the woman he always cherish" tila'y parang gatilyo ang mga salitang binibitawan ni Mayor dahilan para sunod-sunod na pumatak ang mga ko.

"Alam kong magiging mapanganib siyang tao sa oras na babalik ang alaala niya, iha. Ngunit mas mapanganib na walang siyang maalala lalo pa't hindi pa nahuhuli ang kriminal na nagpahirap sa inyo."

Pumikit ako bago sumagot. "Tatanggapin ko po ang trabaho, Mayor. Una, sa kadahilanang mas matutulungan ko sa pinansyal ang aking pamilya at pang-huli, matulungan ko si Darius na gumaling. I will do my job with my best I can put."

Tumango si Mayor. "But may isa akong rule. Never fall inlove with him. Marami na akong nasisante dahil nagiging babae niya lang ang mga tutors niya." At tumawa pa si Mayor sa sinabi.

"Dont worry Sir. Malayong mangyayari iyon. I only see him as a young brother and student ko"

Sa huli'y nagpirma ako ng kontrata at napag-usapan na mas magandang sa headquarters ako mamalagi kapag nasa isla ako para matutukan ko si Darius.

Nang pababa na ako ng hagdan ay nakita kong masungit na naglalakad si Darius at malamig lang na tinignan saakin.

Hindi rin nakaiwas sa paningin ko ang igting panga ng binata. Kumunot ang noo ko at tuluyan nang bumaba.

Nang papalabas ako ng mansyon ay may matigas na brasong humablot sa aking maliit na bewang at ipinangko siya sa pader.

"Really? Young brother?? Your student??" Asik saakin ni Darius at matatalim na titig ang ginawad.

"Ano ba, Darius!! Let me go!" Sigaw ko.

"I fucking won't!" Matigas na mura ng binata at ikinulong niya ang dalawang kamay ko at ipinangko ito sa ulunan ko.

Habang ang isang kamay naman ay nakahawak sa aking bewang upang ipirmi ito

"Ano bang problema mo?!" Tila'y nawalan na ako ng pasensya.

"I don't fucking know! Nakakainis lang na ganoon ang tingin mo saakin!" Inis na sabat ni Darius.

"Stop that idea Darius! I see you as a younger brother. Nothing more nothing l---" hindi ko na natuloy ang sasabihin nang biglang inilapit ni Darius ang mukha nito saakin

Kaonting galaw lang ay magkakahalikan na kami.

"What? Are you scared that I will taste your lips?"

Napapikit na lang ako dahil mas inilapit pa ni Darius ang kanyang saakin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status