Share

Kabanata 3.1 Job

Napabuntong hininga ako nang makitang mag-ala singko na ng hapon. Usapan kasi namin ni Eleanor na magkikita kami sa baba ng engineering department para isauli ang black suit ni Daniel.

'Di katagalan ay nakita ko na ring pababa ito. Nakita kong nakangisi ng nakakaloko ang kaibigan.

"Umayos ka Eleanor. Kung may binabalak ka man, itigil mo na'yan" at inilabas ang paper bag na pinaglagyan ko ng suit.

Tumaas kilay ni Eleanor "Nako Bianca, hindi ko iaabot 'yan. Ikaw ang mag-abot dahil ikaw mismo ang pinahiraman"

"Minsan, ang hirap mong paki-usapan talaga. Pero sige, ako na ang mag-aabot" usad ko at excited naman akonh kinaladkad ni Eleanor paakyat. Maingay ang mga takong namin na binabagtas ang hagdan na para bang nagmamadali.

Nasa hallway na kami papunta sa office nang makasalubong namin ang grupo ni Hazel. Imbes na batiin kami bilang paggalang ay nagparinig pa si Hacel ng makahulugang linya.

"Humahanap talaga ng paraan para magpapansin. So desperate." Madiin na hayag niya at nakatingin saakin. Rinig namin iyon gunit mas piniling huwag na lamang pansinin.

Hahakbang na sana kami ngunit humarang si Hacel. Ngumiti ito ng pilit at tumingin tingin pa sa paligid.

"Know your limit, Ms.Samonte" prangka niyang saakin. Kumunot ang kilay naming magkaibigan sa narinig.

Napansin ko na may nagvi-video na kaibigan ni Hacel. Napangisi ako nang mapagtantong may flash ang camera ng babae.

"Eleanor, please report these students trying to ditch their classes." Panimula ko. Lumakad ako ng paikot sa grupo ni Hacel.

"Based sa uniform niyo, tourism students kayo. How come na mapupunta kayo rito? Kung mayroon man kayong tipo rito, sa labas niyo antayin, okay? Huwag obvious sa pagpapa-pansin" binigyan ko ng diin ang huling salita at tumitig ng madiin kay Hacel.

Lumapit ako sa kaibigan ni Hacel na kumukuha ng video sa kanila. "Give me your phone, Ms. Andres" malamig na utos ko.

Nanginginig namang inabot ng babae ang cellphone saakin yumuko pa ito na parang takot na takot sa awra ko.

"Bullying instructors ay may kalakip na mabigat na parusa. You are old enough to act like some spoiled brat highshool kids." Panenermon ko at binura ang video nila kanina habang sinasagot ko si Hacel.

"Go to your classes or we will report you" Banta naman ni Eleanor.

Hindi pa sana aalis si Hacel kung hindi pa siya kinaladlakad ng mga kaibigan niya. Malamig ko siyang tinitigan.

"She's jelous. Patay na patay 'yan kay Darius" saad ni Eleanor.

"Wala akong panahon sa kanila, Eleanor." Mababang sabat ko at tinungo ang office ng Engineering department.

Walang ano-ano'y binuksan ni Eleanor ang pintuan. Nagulat kaming pareho nang makita ang mga tao sa loob ng opisina. Si Daniel Madrigal na nakatayo, ang dean ng college nila na nakapamewang at si Darius na kampanteng nakaupo at naka-dekwatro pa ito.

Parehas na dumapo ang tingin ni Daniel at Darius saakin. Samantalang lumapit naman si Eleanor sa dean para tanungin ang nangyayari.

May ngiti sa labing tinignan ako ni Daniel dahil nakita niya ang hawak na paper bag na dala ko. Kabalitaran naman ng titig ni Darius. Parang mahihimatay ako sa lamig ng titig niya at dinagdagan pa ng pag-tiim bagang nito.

"Goodafternoon, Sir. Daniel. Isasauli ko na itong suit na ipinahiram mo saakin. Salamat pala" maingat na hayag ko at lumapit upang iabot.

"You are welcome Miss Samonte." Masayang sagot ni Daniel at pumunta ito sa desk upang ilagay ang paper bag doon.

Naiwang mag-dalawa kami ni Darius. Hindi ko siya tinapunan ng tingin kahit alam kong nakatingin ito saakin.

Nakarinig ako ng agresibong singhap mula saaking likuran. "Really? Pinuntahan pa talaga rito."

Hindi ko sinagot ang binata at lumapit na lang kay Eleanor.

"Antayin mo na lang ako sa sofa. May aayusin lang ako sa computer" utos ni Eleanor at pinili kong sundin ang kaibigan. Nakita kong nag-uusap si Daniel at Darius nang makita kong papalabas ang dalawa ay umiwas ako ng tingin.

"We are leaving Ms. Samonte. Ingat kayo sa pag-uwi" saad ni Daniel at nakadungaw saakin ang dalawang Madrigal. Napansin kong hindi ako binigyan ng tingin ni Darius at dali-dali itong lumabas.

"Kayo rin sir Daniel" tipid kong balik.

Makalipas ang ilang minuto ay nakatanggap ako ng text sa aking landly na siyang hudyat na hindi ko na mahihintay si Eleanor.

"Eleanor, mauuna na ako. Na-hospital 'yong anak ni ate Gina, puntahan ko muna sila."

"Osya, mag-iingat ka ha?" Nagbeso muna kami at pormal na nagpaalam sa dean bago lumabas ng opisina.

Nang pababa na sana ako ng hagdan ay may narinig siyang kakaibang tunog titignan ko na sana ito ngunit bago pa ako makahakbang sa isang baitan ng hagdan ay may marahas na brasong humablot sa saakin.

Nahawakan ko ang braso at naramdaman mabalbon ito kaya'y binunot ko iyon para makatakas.

"Fuck! Why so brutal, Bianca? " Garalgal na boses ni Darius na bumulong saakin.

"Pakawalan mo ako!" Titili sana ako ngunit tinakpan ni Darius ang bunganga ko at kinulong ang dalawang braso niya sa pader. Idiniin pa ako lalo ni Darius sa pader nang pumilagpis..

"Be quiet. Ma-iistorbo natin sila" bulong muli ni Darius. Hindi  ko makuha ang sinasabi ni niya ngunit nalaman nko iyon nang may marinig akong ungol ng babae at lalaki sa gilid ng hallway.

Nanlalaki ang mga mata kong tumingin kay Darius. Ang binata naman ay ngumisi ng nakakaloko at inilapit ang bibig sa tenga ko para bumulong.

"Please don't be carried Ms. Samonte"

Mas lalong nanlalaki ang mata ko nang mas lumakas ang ungol sa ibaba. Napapikit na lang ako dahil sa kakaibang tensyon na nararamdaman ko. Tumingin ako kay Darius dahil naging seryoso na ang mukha nito na para bang nahihirapan.

Nagkaroon ako ng pagkakataon para makawala sa hawak niya. Nang makawala ito ako ay hinila ko si Darius paakyat at dumirestso kami sa hallway ng third floor para makapag pahangin.

Hinihingal kong binitaana ang kamay ni Darius at suminghap ng sariwang hangin.

"Thats not appropriate Mr. Madrigal. You are invading their privacy." Asik ko.

"Well. Mas mapapahiya sila kapag dumaan ako sa harap nila habang nagsi-sex sila" ngising sagot ni Darius.

Napasapo na lang ako sa noo dahil sa napaka-prangka ng bunganga ni Darius.

"Osya, mauna na akong bababa. I know you have issues when it comes to me being near with you" hayag ni Darius at mabilis na bumaba ito.

Naiwang akong nakatulala dahil sa asal ni Darius. Bakit bigla itong bumait at dumistansya.

Minabuti ko na lamang na pumunta sa hospital at dalawin ang anak ng landlady kong may sakit. Pagkatapos dumalaw ay pinili kong umuwi ng apartment.

Inayos ko ang mga gamit na dadalhin ko bukas sa pag-uwi sa isla. Masyadong mabilis ang araw at Biyernes na naman bukas.

Kinaumagahan, pinili ni ko na pumunta muna sa infirmary ng school dahil wala rin naman siyang gagawin sa opisina.

"Napaka hard working mo talaga Bianca!" At pabirong hinampas ako ni Chin. "Kailan ka kaya magkaka-boyfriend?" Hirit pa nito.

"Ikaw, kailan ka kaya pipiliin?" Pang-aasar naman ko naman sa co-instructor.

Umungol si Chin na parang nasaktan at sinapo pa ang dibdib. Tumawa lang ako at kinuha ang stethoscope at bumaba na ng department.

"Sakto at andito ka ngayon Ms.Samonte slash Nurse Bianca. May elimination kasi sa basketball, baka may injured patients tayo mamaya-maya." Masayang hayag ni Doktora Santos na university doctor namin.

May kirot akong naramdaman nang marinig ko ang sambit ni Doktora Santos na 'Nurse Bianca' Ang pangalan na gusto kong marinig ngunit dahil sa nangyaring trahedya ay binaon ko na lamang ito sa limot.

Napagpasyahan kong  muna ng tv habang nag-aantay ng pasyente sa infirmary.

[Dumating na sa bansa si Mayor Madrigal kasunod lamang ng anak niyang si Darius Rhyl Frio Madrigal.]

Nagulat ako nang mapanood at marinig ang balita tungkol sa pagdating ng ama ni Darius.

[Ayon kay Mayor Madrigal, may importante siyang inasikasong negosyo sa France kung kaya't malimit itong nasa bansa]

Hindi ko na tinapos ang balita at pinatay na ang tv. Alam ko ang tunay na rason kung bakit umalis ng Pilipinas si Mayor Madrigal. At ngayong nasa bansa na ito, malaki ang tyansa na magkikita kami.

Naputol ang pag-iisip ko nang nagmamadaling iniupo ni Darius ang bitbit niyang kaibigan sa infirmary bed.

Agad akong lumapit sa kanila. Nagulat si Darius nang makita ako. Siguro dahil mukha akong tunay nurse sa aking suot.

"Anong nangyari?" Tanong ko at sinuri ang binting hindi maigalaw ng kaibigan ni Darius.

"Nabalian po ako Ms. Nurse." Sagot ng kaibigan ni Darius.

"Cut it Derrick, instructor siya rito. Hindi studyante" malamig na utas ni Darius.

"Oww, sorry Ma'am. Akala ko po student nurse kayo."

"Its alright. Let me see your injured leg" pagkatapos ay sinuri ko si Derrick.

Nakita ko na inisnaban ako ni Darius. Lihim akong natawa sa asal ng binata.

Nang matapos kong gamutin si Derrick ay lumabas ako saglit ng infirmary dahil may natanggap na tawag.

[Yes? This is Ms. Samonte]

[Good evening Ms. Samonte this is Agnes, secretary of Mayor Madrigal. Gusto ka niyang makausap ng pormal sa personal. May trabaho siyang ipo-propose sayo.]

Napabuntong hininga ako nang. Alam kong mangyayari ito.

[Sige. Pupunta ako bukas sa Casa Madrigal.]

Hindi ko alam kung ano ang ipapagawa saakin ni Mayor Madrigal. Sana'y kayanin ko ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status