Share

Chapter 18- Krimen

Safira's POV

Masyadong masakit sa akin ang pagkakaiwan ni Riego. Halos gabi gabi akong umiiyak at hindi ako masyadong makapagtrabaho sa shift ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Hindi na siya nagpunta pa muli sa bar matapos ng huling usap namin sa labas ng bar nang mahuli ko sila ni Mira na naglalampungan sa loob ng kanyang sasakyan.

Hindi ko na rin nakikita si Mira sa bar. Nabalitaan ko na lang na umalis na pala siya. Isang gabi, hindi ko namalayan na malakas pala ang pagkakahikbi ko habang nakalatukbong ako sa ilalim ng aking kumot. Galit na galit na pinagsisita ako ng mga kasamahan ko sa aming kwarto.

"Hoy Safira! Ano ba?! Gabi gabi ka na lang nag iingay riyan. Masyado ka ng nakakaabala ah. Nakakalimutan mo bang hindi mo ito sariling kwarto noh. Magpatulog ka naman!" angil ng isa sa mga ka room mate ko.

"Oo nga eh! Aba'y napupuyat kami ng sobra dahil sa iyo ah. Iniwan ka lang ng isang lalaki akala mo magugunaw na ang mundo para sa iyo. Buti nga sa iyo at iniwan ka, masyado ka kas
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status