Share

Chapter 6- Buhay ko ay na Sa'yo, Buhay mo ay nasa Akin

"Ano ba iyan?! Bakit napaingay niyan! Patahanin mo nga iyang batang yan! Masisira na ang tenga ka sa lakas ng iyak niyan eh." sita ng malakas ni Maleyna at agarang utos niya sa kanyang anak na si Marietta na kasalukuyan namang nasa tabi ng batang nagwawala na si Clairre Vleo.

"Bakit nagrereklamo ka riyan? Ikaw ang nag ampon sa kanya rito hindi ba? Nagdagdag ka lang sakit ng ulo ulit sa bahay na ito eh. Dagdag palamunin pa... ano bang magiging silbi niyan sa iyo ah?" sita bigla sa kanya ng asawa niyang kanina pa naglalaklak ng alak na nakasandal sa pintuan papuntang labas ng bahay nila.

Nagpintig ang tainga ni Maleyna bigla nang marinig niya ang pagsita sa kanya ng batugan niyang asawa.

"Bakit ikaw ba may silbi ka ba? Eh.. sakit ka lang din ng ulo rito eh. Ang galing mong manita riyan pero ikaw panay lang laklak ng alak riyan buong magdamag. Imbis na iyan ang atupagin mo.. maghanap ka naman ng trabaho para magkaroon ka rin ng silbi! Hindi yung puro ka lang nakaasa sa pinapadala kong pera sa bahay na ito galing sa kinikita ko sa bar. Atsaka, huwag mong pakikialaman ang tungkol sa bata na iyan... may plano pa ako riyan. Kung hindi, malilintikan ka sa akin!" sigaw bigla ni Maleyna na sobrang nagngingitngit sa galit habang nag aayos siya ng kanyang mga gamit.

Nasa malayong baryo sila nakatira na matatagpuan sa probinsya ng Zambales. Doon niya rin dinala ang batang si Clairre Vleo upang mailayo na siya ng tuluyan sa mga taong maghahanap sa kanya. Hindi masyadong uso ang telebisyon sa lugar nila. Mahina rin ang sagap ng internet sa baryo nila kung kaya't parating nahuhuli sa balita ang lugar na iyon.

Sakto ang lugar na iyon upang hindi malaman ng mga awtoridad na naroon dinala ang batang pinambayad sa kanya ni Bakuro. Sa mga sandaling iyon ay naghahanda na si Maleyna upang makabalik siya ulit sa Manila. Isang linggo lang ang hiniling niya sa kanyang boss na bakasyon para makauwi siya sa Zambales.

"Teka nga... Ang tagal na pala ng batang iyan dito sa atin..... nene pa rin ang tinatawag natin sa kanya. Ano ba ang pangalan niyan ah?" tanong bigla ni Berdugo sa kanya.

Hindi kaagad nakasagot si Maleyna. Malalim siyang nag isip kung ano ang ipapangalan niya sa kanya. Halos tatlong taon pa lang ang bata kung kaya't sa tuwing kakausapin nila ito ay pautal utal pa ito magsalita at halos wala pang muwang ang isip nito.

"SAFIRA.... iyan ang pangalan ng batang iyan. Magmula ngayon ayan na ang itatawag ninyo sa kanya maliwanag ba?" saad bigla ni Maleyna.

Lumapit si Maleyna sa batang kanina pa umiiyak subalit napatahan na rin ni Marietta.

"Narinig mo ba iyon iha? Huwag ka ng umiyak ah... tandaan mo na ang pangalan mo magmula ngayon ay SAFIRA. Isa ka na ngayong SENDON. Kaya ang pangalan mo na ngayon ay SAFIRA SENDON. Naiintindihan mo na ba iyon?" masinsinang saad ni Maleyna sa harapan ng batang si Clairre Vleo na titig na titig naman sa kanya. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na si Maleyna sa kanila saka na siya umalis ng kanilang bahay.

Bumiyahe na siya papuntang Manila.

SA KABILANG BANDA.....

Napapadalas ang pagpunta ni Grievo sa bahay ng mga MORGEN dahil halos marami siyang nakukuha na pwede niyang ipangalakal doon. Bukod pa roon ay napakabait ng katulong na tumutulong sa kanya dahil binibigyan din siya nito ng pagkain para may mabaon siya.

Dumating sa punto na naroon ang mag asawang MORGEN sa naturang bahay na iyon. Kasalukuyang kausap ni Grievo ang katulong banda sa gate ng napakalaking bahay na iyon at nag eeehersisyo si Mrs. Morgen sa kanilang hardin kasama ang aso nila na isang golden retriever.

Nililipat na ni Grievo lahat ng mga patapon ng gamit na binigay sa kanya ng katulong doon na nagngangalang Aling Hilda at tinutulungan din siya nito nang biglang tumakbo papuntang labasan ang aso.

Nakalabas na ang aso mula sa malaking gate na iyon at bigla itong tumawid sa kalsada. Sakto namang may paparating na mabilis na sasakyang toyotang kulay pula na maaaring sumagasa sa aso.  Bigla namang huminto sa gitna ng kalsada yung aso. Walang ano anu'y napatakbo ng mabilis si Grievo para iligtas yung aso kahit nasa murang sampong taong gulang palang siya ay mabilisan siyang humarurot ng takbo para irescue ang aso.

"Naku po! Iho maghulus dili ka! Ahhhhhh!" malakas na sigaw ng katulong nang nagulat ito sa ginawang pagtakbo ng batang si Grievo papuntang kalsada. Dahil sa pangyayari ay narinig iyon ni Mrs. Morgen na kasalukuyan namang tumatakbo palabas ng gate dahil sinubukan nitong habulin ang aso niyang nakawala sa gate.

Sa kabilang banda naman, napatulak naman ni Grievo ang aso ng malakas papunta sa kabilang kalsada kasama siya. Dahil sa kalakasan ng pagtulak niya ay nagpagulong gulong siya sa sahig ng kalsada hanggang sa bumunggo sa gilid ng gutter ang ulo niya hanggang sa nawalan ito ng malay. Ang sasakyang muntik ng bumunggo sa kanila ay nagpatuloy lang sa pagharurot at hindi nito sinubukang huminto para tingnan ang kalagayan nila.

"Diyos ko po! Bata! Bata! Ano ng nangyari sa iyo?! Diyos ko po!" sigaw nang paulit ulit nito habang natatarantang tumatakbo ang katulong palapit kay Grievo.

Natataranta ring sumunod si Mrs. Morgen at ang gwardiya nila sa kinaroroonan ng bata. Dali daling binuhat ng gwardiya ang batang walang malay na si Grievo mula sa sahig ng kalsada mula sa utos ni Mrs. Morgen saka sila nagmadaling bumalik ng bahay at agaran nitong sinakay sa loob ng kotse ang bata. Si Mrs. Morgen na ang nag atubiling dalhin siya sa pinakamalapit na hospital. Naiwan na lamang silang dalawa na nakatayo malapit sa gate habang sinusundan nila ng tingin ang humaharurot nitong sasakyan. 

St. Luke's Medical Center...

Nagmulat ng paningin ng dahan-dahan ang batang si Grievo. Nakita niya na para bang ang lamig sa loob ng kwarto kung nasaan siya naroroon. Sumilaw sa kanyang paningin ang napakaliwanag ng ilaw na nagmumula sa kisame hanggang sa inikot niya ang kanyang paningin sa kanyang paligid at napahinto lamang ito sa isang nakangiting babae na nakatayo sa kanang gilid ng kamang hinihigaan niya ngayon.

"Kamusta ka na iho? Masakit pa ba ang ulo mo?" biglang tanong kaagad ni Mrs.Morgen sa kanya na nakangiti. Ramdam ni Grievo ang taos pusong pag aalala nito para sa kanya at napakagaan na awrang dinudulot nito sa kanya.

"Opo.... masakit pa po. Sino po kayo? Nasaan po ba ako?" biglang tanong ni Grievo sa kanya. Titig na titig ito kay Ms. Morgen. 

"Ahhh.. ganito kasi iho. Naaalala mo pa ba ang ginawa mo kanina? Bigla ka na lang tumakbo papuntang kalsada na kinaresulta ng pagkagulong mo sa lapag hanggang sa bumunggo ang ulo mo sa gilid ng gutter. Kaya ka nandito ngayon sa hospital," pagtugon ni Mrs. Morgen sa nagtatanong na si Grievo.

"Ganoon po ba. Pasensya na po dahil naabala ko pa po kayo," saad muli ni Grievo.

"Naku! Iho.... ok lang iyon. Ako pa nga ang dapat magpasalamat ng todo sa iyo kasi iniligtas mo ang aso ko. Naku iho.... bakit mo ba naisipang tumakbo kanina para lang iligtas si Groofy. Hindi ka ba natakot na baka mabangga ka ng sasakyan?" pag aalalang tanong naman nito sa kanya.

"Sino pong Groofy?"- Grievo

"Yung aso ko. Iyon ang pangalan niya. Sobrang delikado ng ginawa mo," saad muli ni Mrs. Morgen. 

"Nakita ko po kasi na bigla siyang huminto sa gitna ng kalsada. Naawa po ako na baka mabundol siya kasi sobrang bait ni Groofy," sagot naman nito sa kanya. 

"Ok sige iho. Magpahinga ka muna saka mamaya, tingnan natin kung pwede ka ng makalabas dito sa hospital. Hmmmm... Alam mo ba kung saan ka nakatira? Ihahatid na lang kita sa inyo," tanong muli ni Mrs. Morgen. 

"Po? Hindi ko po alam.... wala na po akong matitirahan. Sa lansangan lang po ako nakatira. Nagpapalipat lipat lang po ako ng lugar kung saan po ako maabutan. Debale po, yung di tulak kong kariton lang ang kasa kasama ko sa kahit saan man ako magpunta kapag nangangalakal ako," malungkot na sagot naman ni Grievo sa kanya. 

Nakaramdam ng matinding lungkot at awa si Mrs. Morgen sa kanya kung kaya't nag isip ito ng malalim hanggang sa..... 

"Ah ganoon ba iho, ok sige habang hindi ka pa magaling, pwede namang sa bahay ka na muna namin ikaw tumuloy. Reward ko rin iyon sa iyo  sa ginawa mong pagligtas sa aso ko. Ok po ba iyon?" 

"Talaga po ba? Hindi po ba nakakahiya sa inyo iyon? Ok lang po sa akin. Maraming salamat po,"  masayang sagot sa kanya ni Grievo. 

Nagdaan pa ang buong magdamag, nakalabas na nga ng kwarto si Grievo sa tulong ni Mrs.Morgen at umuwi na sila sa kanyang mansyon. Doon na niya pinatuloy ang bata habang masayang masaya naman si Aling Hilda dahil may magkakasama na sila ng matagal doon. Kalaunan, hindi na siya nakaalis sa kanila dahil naaliw ng todo si Mrs. Morgen sa kanya.

Napaka sipag at matulungin si Grievo sa mga gawain sa loob ng mansyon nila Mrs. Morgen. Kahit hindi naman siya binibigyan ng utos na kumilos sa loob ng bahay ay nagkukusa pa rin siya na tumulong tulong kay Aling Hilda. Napagdesisyunan na lang ni Mrs. Morgen na kupkupin si Grievo at tuluyang patirahin sa mansyon nila kasama nila. Ang iba pang dahilan ay dahil wala silang anak ni Mr. Morgen dahil sa pagkawala ng anak nila na si Clairre Vleo. Si Grievo ang tinuring nilang anak. 

Sa kabilang banda, nakilala ni Grievo ang batang babae na nasa larawan ng mansyon ng mag asawa. Bigla niyang naalala na siya pala ang batang babae na sinagip niya sa Luneta Park subalit kalaunan ay nakuha pa rin ng kidnaper. Agaran niya itong sinabi kay Mrs. Morgen.

"Siya po ba ang nawawala ninyong anak?" sopresang tanong ni Grievo kay Mrs. Morgen habang nagkukwento ito sa kanyang nag iisang anak na tatlong taon ng nawawala nang minsan na nakaupo silang dalawa sa isang veranda. Tinitingnan nila ang isang malaking photo album at hawak hawak iyon ng babae.

"Opo iho... mahigit tatlong taon na rin siyang nawawala mula ng may nangyaring hindi inaasahan sa Luneta Park nang bispiras ng taon." Umiiyak si Mrs. Morgen habang nakikipag usap siya kay Grievo.

"Parang nagkita na po kmi niyan sa lugar po mismo ng Luneta Park kasi naroon din po ako eh. Mga tatlong taon na rin po ang nakakaraan."- Grievo

"Sigurado ka ba iho? Paanong nangyari iyon?" Sobrang pagtatakang saad ni Mrs. Morgen sa kanya. Tutok na tutok na na ngayon ang kanyang buong mukha sa kausap na bata.

"May sumubok po kasi sa kanyang kumidnap. Sinubukan ko rin po siyang iligtas subalit nabigo ako kasi may pinaamoy yung kidnaper sa ilong ko hanggang sa  nawalan po ako ng malay. Pagkagising ko wala na po yung bata," tugon naman ni Grievo.

Nagimbal si Mrs. Morgen sa sinabi ni Grievo. Biglang pumasok sa isip niya na para bang hulog ng langit sa kanila si Grievo dahil siya ang naging sagot sa matagal na nilang panalangin para maging daan na mahanap nilang muli ang anak nilang nawawala. Kalaunan ay pinabuksan nila muli ni Mr. Morgen ang kaso sa paghahanap sa anak nila. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status