Share

Chapter 20- Hinala

Pagkalipas ng sandali...

"Pare, magpahinga na muna tayo saglit. Kanina pa tayo nagpapatag ng lupa rito," saad ni Rino sa kasamahan niya at nagtungo siya sa kalapit na upuan.

"Haizzz, nakaupo na rin sa wakas. Kanina pa masakit ang tuhod ko sa kakayuko para magpatag ng lupa," dagdag pang muli nito habang nakaupo.

Ang isa namang kasamahan niya ay sinandal naman ang hawak hawak niya na pala sa isang gilid ng pader.

"Alis muna ako saglit ah. Bili muna ako ng sigarilyo riyan sa tindahan malapit sa kanto. Iniwan na tayong dalawa rito ng mga kasamahan natin at nauna na sila sa sasakyan sa labas. Talaga naman oh, iniwan nila tayong nagpapakapagod pa ng todo rito samantalang sila, panay chilaks na lang sa labas," paalam naman ni Hermenio habang nagpupunas siya ng kanyang pawis sa paligid ng kanyang leeg gamit ang kanyang mahabang maliit na bimpo.

"Naku pare, hayaan muna. Tapos na rin naman tayo rito eh. Oh, akala ko ba aalis ka?" sita naman bigla ni Rino.

"Ah oo nga pala, ok sige pare...
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status