Home / Romance / Love or Lust / Chapter 3- Mapaglarong Tadhana

Share

Chapter 3- Mapaglarong Tadhana

last update Last Updated: 2022-07-06 17:17:24

Tuluy-tuloy pa rin si Don Hiego sa paglamas sa malulusog na mga s**o ni Safira habang tuluy-tuloy din ang pagkatok ng sinuman sa labas ng kanilang kwarto. Hanggang sa tinapik na ni Safira ang matandang milyonaryo.

"Hmmmm... may kumakatok kanina pa sa labas. Labasin mo na kaya para hindi na tayo maabala rito. Pwede ba iyon?" mahinang usal ni Safira sa kaniya habang tinuturo ng kanyang kaliwang hintuturo ang gawi ng kanilang pintuan.

"Nakakainis naman kung sino man ang istorbo na iyon oh! Nakakabitin tuloy... pero sige baby hintayin mo lang ako riyan ah... babalik si daddy hehehehehe," mahinang usal ng matanda habang ngumingisi pa ito sabay bangon mula sa higaan.

Nagdaan ang buong magdamag na halos mabilis lang natapos ang pagniniig na naganap sa pagitan ni Safira at ng matandang milyonaryo.

Nakaramdam ng pagkaboredom si Safira dahil sa buong magdamag na pinagsaluhan nila ay pumaibabaw lang ang matanda sa kanya at mabilis na siyang nakaraos pagkalipas lang ng halos kinse minutos.

Ni hindi man lang siya masyadong pinagpawisan at napagod sa ginawa nila. Pagkatapos ng mga naganap sa kanila ay biglang bumangon ang matanda pagkatapos niyang magpahinga saglit sa higaan. May kinuha siya mula sa bulsa sa loob mismo ng kanyang jacket na americana. 

"Hi my dear.... kindly accept this gift in exchange of your magnificient effort and precious time with me,"  mahinahong saad nito sabay abot ng isang makapal na libong papel na pera na malapit sa kanyang tabi. 

"My lovely lady, I just wanted to extend our connection between us. Please message me...  here's my calling card." Sabay halik nito sa kaliwang kamay ni Safira. Ngumiti na lang ng tipid ang babae sa kanya. 

Sa kabilang banda, habang natutulog na parehas si Safira at ng matandang milyonaryo sa loob ng inokupa nilang kwarto ay tahimik na bumangon si Safira mula sa kanilang higaan at iniwan na niyang mag isa ang natutulog na matanda.

Pagkalabas niya ng kwartong iyon ay palihim siyang pumunta sa storage area ng hotel na iyon at kumuha ng damit ng isang cleaner saka siya nagmadaling magpalit ng damit. Dumaan siya sa fire exit para hindi mapansin lahat na nakaalis na siya lalo na ang natutulog na matanda. 

Lumipas ang isang linggo, sa kalagitnaan ng discussion ng kanilang guro sa unang bungad ng subject nila ng umagang iyon ay may pinakilala sa kanilang lahat ang guro nila na isang bagong transferee student. 

"Before we proceed to our new topic for this day, I would like to call your attention for our new student. He is transferred from Ateneo De Manila. Mr. Morgen, can you please come inside here and introduce yourself to us," saad ng guro nila sa Business Management course.

Pumasok na nga si Grievo Morgen sa loob ng klase nila mula sa labas ng classroom nila at ipinakilala niya ang kanyang sarili sa harapan.

"Good morning to all of you... I hope that we are going to have a harmonious relationship with each other here for the next succeeding months. Thank you," simpleng litanya ni Grievo Morgen sa kanilang lahat saka siya umupo sa duluhang upuan.

Sa kabilang banda, sobrang nagulat at nakaramdam ng matinding nginig ng laman dahil sa galit si Herold nang makita niya kung sino ang bago nilang kaklase. Tinitignan niya ng matalim si Grievo habang nagsasalita ito sa harapan hanggang sa napaupo na ito sa duluhan ng klase nila. Nakilala niya ang taong sumuntok sa kanya sa kalsada nung nangdaang isang linggo.

Sa kabilang banda naman, nasurpresa si Grievo ng mahagip ng kanyang pansin si Safira, nang nadaanan niya ito na nakaupo malapit sa ile sa gitnang pwesto. Hanggang sa pag upo niya ay nakatutok lang ang kanyang atensyon sa magandang babae na nakaupo sa kanyang tapat. Hindi niya inakala na muli silang magtatagpo ng babaeng tinulungan niya noong isang linggo. 

Sa kabilang banda naman, hindi na rin siya maalala ni Safira dahil kinalimutan na nito kung anuman ang nangyaring pagtatagpo nila noong nakaraang linggo.

Sumapit ang break time, nakita ni Grievo na lumabas kaagad si Safira ng kanilang klase at nagpunta sa isang canteen na may kalayuan mula sa kanilang building.Sinundan niya ito patungo sa kanyang pupuntahan.

Habang naglalakad siya sa isang pasilyo na hindi masyadong nilalakaran ng ibang mga estudyante ay may biglang humarang sa kanyang nilalakaran. 

"Ooooopppsss... ooopppss.. Mr. Morgen tama ba ang pagkakatawag ko sa iyo? Bago ka lumagpas ng lakad mula rito.... may kailangan ka munang pagbayaran?" bigkas kaagad ng isang lalaking humarang sa dadaanan niya. Isa siya sa mga barkada ni Herold. 

"Kailangang bayaran? Ano bang pinagsasabi mo? Ngayon lang kita nakita at naniningil ka ng UTANG? Hindi nga kita kilala eh," pagsagot naman ni Grievo sa kanya ng seryoso. 

"Wala kang pagkakautang sa akin kundi kay...." sambit muli ng kausap ni Grievo.

"Kanino?"

"Sa akin! Hayop ka! Tanggapin mo itong malupit kong ganti sa iyo!" Biglang sigaw ni Herold na biglang sumulpot sa kanang gilid niya, saka niya itinaas ang kanyang kaliwang kamao sa ere at hinampas sa pisngi ni Grievo ng pagkalakas lakas.

PAK!

Nagulat si Grievo sa pangyayari saka siya biglang natumba sa lapag.

"Nakaganti rin ako sa iyo tampalasan ka! Bakit ka nga pala lumipat pa rito? Sinusundan mo ba si Safira?" galit na sambit ni Herold habang matalim pa rin niyang tinitingnan si Grievo na nakaupo pa rin sa sahig.

Nakatingin lang si Grievo sa kanya at dahan dahan siyang tumatayo mula sa lapag.

"Nag aaral ka pala rito..." 

"May sira ka ba sa tuktok? Ikaw lang naman ang bagong salta rito na akala mo kung sinong nagpakilala kanina sa loob ng klase namin.  Hoy! Ikaw ah, binabalaan kita... huwag mong malapit lapitan si Safira... akin lang si Safira. Huwag na huwag kang magtatangka!" pagbabanta pang saad nito kay Grievo.

"Huh? Sino ka ba sa inaakala mo? Boyfriend ni Safira? Eh, tinanggi ka niya hindi ba? Hindi mo siya pag aari. Atsaka, ikaw dapat ang lumayo sa kanya kasi pinagtangkaan mo na siya noong isang linggo hindi ba?" galit na pabalik na sagot ni Grievo sa kanya.

Napatahimik bigla si Herold. Halos hindi siya makapagsalita sa mga oras na iyon at lumihis sa ibang direksyon ang kanyang paningin. Hindi na siya makatingin ng diretso sa kausap niya.

"Huh? Ano yung sinasabi niya Herold? May ginawa ka bang hindi maganda kay Ms. Manang kaya hindi mo na siya kinakausap o inaasar ng buong linggong ito? Totoo ba iyon Herold?" pag uusisa naman ng ilan niyang mga barkada na kasama niya roon.

"Ano ba naman kayo?! Magpapaniwala ba kayo sa gunggong na iyan?! Hala sige makaalis na nga tayo rito. Nakaganti na rin naman tayo hindi ba?" Sabay layas ni Herold sa harapan ni Grievo at sumama na rin ang kanyang mga katropa sa kanya. Tumingin lang na matalim si Grievo sa kanila habang palayo na sila sa kanya. 

Sa kabilang banda, tahimik lang na kumakain si Safira sa loob ng isang malaking canteen kasama ang kanyang nag iisang kaibigan na si Festisha.

Sa kalagitnaan ng pagkain nila ay napukaw ang atensyon ni Safira sa binabalita sa television.

"Isang bigating negosyante na nagngangalang Don Hiego ang natagpuang patay sa loob ng kanyang sariling condo sa Shangrila Hotel. Pinaghihinalaang atake sa puso ang mabilis na kinamatay ng kilalang negosyante. Hindi na naagapan pa ang kanyang buhay nang madala siya sa hospital. Kasalukuyan na ring binabiopsy ang kanyang katawan."

Ito ang mga litanya ng pagrereport ang napanood nila mula sa malaking television na nakadikit sa isang gilid ng dingding.

Sobrang titig na titig si Safira sa panonood niya sa balita dahil alam niya sa sarili niya na siya ang dahilan kung bakit namatay ang nasabing negosyante.

"Hoy girl! Ok ka lang ba riyan? Naistatwa ka na riyan ah... kilala mo ba yung binalitang namatay na negosyante?" biglang pag uusisa naman sa kanya ni Festisha nang mapansin niya ang pagbabago ng awra ni Safira sa napanood nila. 

"Huh? Naku hindi ah... nacurious lang ako sa balita," Pagdedeny na lang ni Safira sa kausap niya saka niya itinutok na lang ang kanyang paningin sa kinakain niya.

 

Naalala bigla ni Safira kung paano niya napatay ang matandang milyonaryo na nakasiping niya noong nakaraang linggo. 

Habang nasa kalagitnaan sila ng pagroromansa, naglagay ng kalmot na madiin si Safira malapit sa batok ng prospect niya. Saka siya nagbaon ng isang super liit na pill doon mismo sa sugat niya para manuot iyon sa loob ng sugat at dumikit sa pinakalaman sa loob. 

Ang pill na iyon ay isang timeline capsulated medicine na umaabot ng apat na araw hanggang lima bago siya mag crack sa loob ng katawan ng tao. Ito'y nag spread ng virus sa loob at magsisimula ng magkaroon ng komplikasyon ang taong na infected na saka ito mamamatay. 

Karamihan sa mga taong nagiging prospect ni Safira ay kinikilala muna niyang maigi ang background nila bago niya lapitan at akitin. Inaalam muna niya kung sila ba ay may koneksyon sa may ari ng dating bar na pinasukan niya na pinapamahalaan ng isang malaking sindikato sa bansa. 

Napag alaman niya na si Don Hiego ang isa sa mga regular ng kostumer at naging kasosyo sa negosyo ng dating ex boyfriend niya na si Riego, anak ng sindikato na may ari ng bar na dati niyang pinagsilbihan. 

Pinapatay ni Safira ang ilan sa mga nagiging prospect niya. Bago ang pagroromansa at pag kuha niya ng kabayaran sa serbisyo niya ay saka niya sinasagawa ang tahimik na paglason sa kanila sa kalagitnaan ng pagroromansa na ginagawa nila.

Naghahanap siya ng hustisya at paghihiganti para matunton niya ang pinagtataguan ng mastermind na mga sindikatong pinagsilbihan niya... sa pagpatay sa inaakala niyang totoong pamilya niya. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love or Lust   Chapter 24- Stalker

    "Ano bang problema ng mga yun ah? Hindi naman ako nanggulo ah," pagtataka ni Herold nang maiwan sila sa kanilang kinauupuan matapos silang iwanan nila Safira. "Hindi mo ba na gets? Ikaw ang problema.... kanina ko pa sinasabi sa iyo pare eh..... na hindi tama ang pagpunta natin dito," reklamo rin ni Clarton. "Pare naman.... paano ka magugustuhan ng chika babe mo kung ganyan ang approach mo?" singit naman ni Bromeo. "Exactly.... paano niya ako magugustuhan kung hindi ako makikipagsabayan sa ugok na iyon! Ano ba? Ganoon na lang ba iyon na titingnan ko na lang si Grievo na nakaka iskor na siya sa chicks ko? Unting unti na lang uupakan ko na ulit ang ugok na iyon eh!" Halos magngitngit na sa inis si Herold sa harapan ng kanyang mga kaibigan. "Hala pare.... tama na nga yan. Bilisan na lang natin ang pagkain oh. Malapit ng matapos ang break time natin," singit naman Bromeo. Sa kabilang banda, sumapit na naman ang buong araw hanggang sa natapos na ang kanilang klase. Kasalukuyang papunta

  • Love or Lust   Chapter 23- Pagsuyo

    Sa kasalukuyan..... BEEEEEEPPPPP! BEEEEEEPPPPP! "Manong? Anong nangyari?" pagtatanong na pagulat ni Safira sa driver ng taxi habang nasa biyahe pa rin sila nang biglang prumeno ang kanyang sinasakyan ng malakas at paulit ulit pa iyong nag beep. Ilang kanto na lang ay mapupuntahan na nila ang condominium na tinutuluyan ni Safira sa Manila. "Ay Ms. pasensya na. May biglang tumawid kasi na aso sa kalsada. Pasensya na. Nasaan na nga ulit ang bababaan mo?" pabalik na tanong kaagad ng driver. "Ayun Manong oh. Sa pangatlong kantong iyon. Nakikita ninyo ba iyong malaking gate na puti na iyon? Doon mo na lang ako ibaba," saad naman ni Safira. Nagising mula sa malalim na pag iisip si Safira. Hindi na niya namalayan na wala na pala sila sa Ermita, Manila kung saan niya muling nakita ang dating bar na pinagtrabahuan niya... na ngayon ay naparenovate na at iba na rin ang nagmamay ari. Naputol ang malalim na paglalakbay sa nakaraan ng kanyang diwa dahil sa biglaang nangyari. Bumalik na m

  • Love or Lust   Chapter 22- Banta

    "Ate Marietta dali! Bilisan pa natin ang paglalakad," bulong ni Safira sa ate niya. Halos hinahatak na nito ang ate niya habang nagmamadali sila pabalik sa naturang bahay nila. Wala ng kaimik imik si Marietta bunga ng trauma na ibinigay ng pagkakataon sa kanila. Patuloy lang silang naglalakad hanggang sa may batang tindero na humarang sa dinadaanan nila. "Hi mga ate..... baka gusto ninyong bumili ng mga puto ko. Maawa na po kayo.... bilhin na po ninyo ito para makauwi na po ako kasi kanina pa po akong madaling araw naglalako," pagmamakaawa ng batang tindero. "Ah bata pasensya na, wala kasi kaming dalang pera rito eh. Pasensya ka na talaga," saad bigla ni Safira. "Sige na ho... maawa na ho kayo. Bilhin na ninyo ito oh," pagpupumilit pa ng bata. "Bata kasi.... wala nga kaming dala------" Napahinto sa pagsasalita si Safira nang may naaninagan siyang isang pamilyar na mukha ng tao ang nakatingin ngayon sa kinaroroonan nila. May lalaking nakasandal sa isang bakod hindi kalayuan sa b

  • Love or Lust   Chapter 21- Sabwatan

    Parang kinukutuban na ng hindi maganda si kuya Kiko sa pulis na kasama nila at sa dalawang estrangherong lalaki na naabutan nila na lumabas mula sa bahay nila Marietta. Habang papasok na silang lahat sa nasabing bahay ay mabilisan niyang hinawakan ang kanang kamay ni Marietta saka niya tinitigan ito ng mahiwaga. Hinayaan muna niyang maunang makapasok sa loob ang tatlo bago sila sumunod na dalawa sa pagpasok. Habang nangyayari iyon ay dumaan sa harapan ng bahay ang tatlong mga lalaki na barkada nila kuya Kiko at Berdugo sabay bati nila kay kuya Kiko sa pamamagitan ng patawag nito ng malakas sa kinaroroonan nila. "Hala pare magandang gabi sa inyo! Sinusundo mo na ba si pareng Berdugo?" sigaw ng malakas ng isa sa tatlong lalaki. Dahil sa pagtawag na iyon ay biglang napahinto sina kuya Kiko at Marietta sa pagpasok sa loob saka napalingon sa pwesto nila. "Hala mga kumpanyero kayo pala! Hala dali! Sama kayo rito sa loob! Dali na pasok na rin kayo!" sigaw na pagyaya ni kuya Kiko sa kani

  • Love or Lust   Chapter 20- Hinala

    Pagkalipas ng sandali... "Pare, magpahinga na muna tayo saglit. Kanina pa tayo nagpapatag ng lupa rito," saad ni Rino sa kasamahan niya at nagtungo siya sa kalapit na upuan. "Haizzz, nakaupo na rin sa wakas. Kanina pa masakit ang tuhod ko sa kakayuko para magpatag ng lupa," dagdag pang muli nito habang nakaupo. Ang isa namang kasamahan niya ay sinandal naman ang hawak hawak niya na pala sa isang gilid ng pader. "Alis muna ako saglit ah. Bili muna ako ng sigarilyo riyan sa tindahan malapit sa kanto. Iniwan na tayong dalawa rito ng mga kasamahan natin at nauna na sila sa sasakyan sa labas. Talaga naman oh, iniwan nila tayong nagpapakapagod pa ng todo rito samantalang sila, panay chilaks na lang sa labas," paalam naman ni Hermenio habang nagpupunas siya ng kanyang pawis sa paligid ng kanyang leeg gamit ang kanyang mahabang maliit na bimpo. "Naku pare, hayaan muna. Tapos na rin naman tayo rito eh. Oh, akala ko ba aalis ka?" sita naman bigla ni Rino. "Ah oo nga pala, ok sige pare...

  • Love or Lust   Chapter 19- Kahindik hindik na Pangyayari

    "Oh, rito na lang tayo kumuha ng ipambabalot sa patay sa labas. Mukha namang maraming mga nakatagong mga kumot dito oh. Nakakatamad namang maghalukay pa sa ibang mga kwarto rito eh.... buti na lang, mas malapit ang kwartong ito," saad ng isang tauhan nila Riego na nakapasok sa mismong kwarto ni Safira. Pagkatapos nitong magsalita ay may isa ulit na lalaking sumunod na bumukas din sa pintuan at pumasok sa loob. "Bakit naman kasi pinapa kumplikado pa nila ang sitwasyon kung pwede namang ibaon na lang sa lupa ung bangkay na iyon? Ang dami naman nilang arte eh," reklamo namang saad ng pangalawang tao na nakapasok na rin. Sa kabilang banda, rinig na rinig ni Safira ang nag uusap na dalawang tao sa loob ng kanyang kwarto. Halos nangangatog sa sobrang kaba ang kanyang buong katawan. At hawak hawak ni Safira ang kanyang bibig nang mariin upang mapigilan niya na marinig nila ang kanyang paghikbi at pagsinghot. Nagsimula na ngang magkalkal sa kama ni Safira ang dalawang lalaki. Kinuha nila a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status