Share

Chapter 19- Kahindik hindik na Pangyayari

"Oh, rito na lang tayo kumuha ng ipambabalot sa patay sa labas. Mukha namang maraming mga nakatagong mga kumot dito oh. Nakakatamad namang maghalukay pa sa ibang mga kwarto rito eh.... buti na lang, mas malapit ang kwartong ito," saad ng isang tauhan nila Riego na nakapasok sa mismong kwarto ni Safira.

Pagkatapos nitong magsalita ay may isa ulit na lalaking sumunod na bumukas din sa pintuan at pumasok sa loob.

"Bakit naman kasi pinapa kumplikado pa nila ang sitwasyon kung pwede namang ibaon na lang sa lupa ung bangkay na iyon? Ang dami naman nilang arte eh," reklamo namang saad ng pangalawang tao na nakapasok na rin.

Sa kabilang banda, rinig na rinig ni Safira ang nag uusap na dalawang tao sa loob ng kanyang kwarto. Halos nangangatog sa sobrang kaba ang kanyang buong katawan. At hawak hawak ni Safira ang kanyang bibig nang mariin upang mapigilan niya na marinig nila ang kanyang paghikbi at pagsinghot.

Nagsimula na ngang magkalkal sa kama ni Safira ang dalawang lalaki. Kinuha nila a
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status