LOGINKatatapos ko lang magshower ng masipat ko siyang umiinom ng wine at nakatitig sa bintana, agad akong lumapit, nag-aya naman siya na uminom rin ako ngunit tumanggi na ako, dahil ayoko ng bumiyahe ng nakainom, dahil gusto kong makarating ng San Agustin na hindi hilo. Pansin kong parang hindi siya nagmamadali kagaya ng nangyari kahapon, sa kilos niya ay parang magtatagal pa kami rito. “I don't think na kailangan natin na umalis! Simula niya at ibinaba ang baso ng wine niyang walang laman sa lamesa, naglakad siya sa kinaroroonan ko, sa harap ng salamin at nagtutuyo ng basa kong buhok. “B-bakit naman? Aalis kana naman ba?” iniisip ko ang trabaho niya lalo na ang mga busines trip niya abroad, tiyak na mapepending iyon kung sasama siya sa akin sa San Agustin. “Nope, may nalaman lang ako about sa emergency sa sulat mo at sa halip na magpanic ako kahapon at ngayon nagpadala ako ng tauhan sa San Agustin para tignan sila at nasa mabuti naman sila kalagayan.”Hindi na ako nagulat dahil hindi
Ngayon lang muli ko nakatitigan ang kanyang mukha na muntikan ko na talagang kalimutan, sa pagkakatitig ko sa kanya ay gusto kong basahin ang nilalaman ng isip niya, ano ba ibig sabihin ng mga mata niyang nakatitig sa akin, ano nga ba ang palagay na niya sa akin, ako pa rin ba ang babaing gusto niyang makasama, ako pa rin pa ang nais niyang manatili sa kanya habang buhay o katulad ko ay gusto na niya akong kalimutan. Nalungkot ako sa kaisipang iyon, mabigat sa pakiramdam dahil kahit na anong gawin ko ay siya pa rin ang gusto ko. Siya pa rin ang nais ko ang minamahal ko, ang nagpapatindi ng sakit sa dibdib ko at ang taong patuloy nanagpalaluha din sa mga mata ko. Marahan ako umalis sa pagkakadagan sa kanya, ng maramdaman ko ang mga mata kong namamasa ng luha. Bumalik ako sa kabilang linya ng higaan at isinubsob ang sarili sa unang naghihintay ng mahigpit kong yakap, marahan kong pinikit ang dalawa kong mata at tumulo ang gabutil na luha. Pigil ang paghinga na sa palagay ko ay makaka
Nag file na ako ng resignation letter to Ms. Toquero,ayaw ko na ng kahit na anong kaugnayan pa kay Earniel, kung nahanap na niya ang trabaho ko at bahay ko ay bakit pa ako mananatili.Nakaupo ako sa harapan ng desk ni Ms. Toquero habang hawak niya at binabasa ang papel na resignation ko, napapailing pa siya at hinayang na hinayang.“Sigurado ka na talaga sa desisyon mo? Natakot ka ba ng husto kay Mr. Lao?” ani sa akin ni Ms. Toquero, hindi niya inasahan ang pag-alis ko sa Hotel, ngunit mas hindi ko inaasahan na Boss ko si Earniel. “Oo may emergency sa probinsiya kaya kailangan ko umalis!” pag-aalibi ko na siyang nakasulat sa puting papel.“Okay ipapasa ko na lang kay Mr. Lao ito! Sana aprubado sa kanya, kulang pa naman kami sa tao!” wala pa silang nakasalang na papalit sa akin, kaya kahit ayoko pang umalis ay naghahati ang desisyon ko.Pagkatagi ni Ms. Toquero sa papel ay naglakad na ako palabas, pagkasara pa lang ng pinto ay abot langit na ang lungkot ko.Ayoko kong umalis pero pag
Malapit sa isang train station ang nahanap ko na bagong apartment, maliit at kongkreto sapat sa iisang tao, hindi ko nagawang bumalik ng San Agustin dahil ayokong mag-alala muli ang mga magulang ko, lalo pa at nasa kanila na ang anak namin na si Earen na kanilang alaga. Hindi ko alam kung gaano ako tatagal rito, ngunit parang gusto kong sanayin ang sarili na mag-isa. Abala ang mata ko sa pagtingin sa terris ng apartment, nasa ikalimang palapag ang tinitirhan ko numero 57, may fire exit na hagdan kung sakaling may sakuna, at elevator para mabilis makaakyat at baba. May kakaunting gamit kaya hindi ko na kailangan mamili ng sobra. Itinago ko na din ang sim na nakasalpak sa phone ko at ang pera sa card ko ay inilabas ko na. Dahil buo na ang aking pasya wala ng balikan, dahil iyon rin naman ang hiniling niya. Nagtry na din ako maghanap ng pwedeng pagkaabalahan, kagaya ng paghahanap ng trabaho. Matapos ang isang linggo ay nakakuha naman ako ng trabaho isang receptionist sa isang mali
Akala ko ay okay na kami ng araw na iyon, ngunit pag-uwi niya ay matabang na naman siya sa akin, para akong multong dinaanan niya ng lumapit ako. Napahawak ako sa kwintas, para saan nga ba ito? Hindi ba ito sign ng pagiging okay namin o talaga bang simpleng regalo lang ito. Pinilit kong balewalain ang lahat kaya pinuntahan ko siya sa kwarto, napansin kong nakaupo siya sa kama at parang tulala. Agad kong binuksan at nilapitan siya, saka lang siya gumalaw. Sa wardrobe siya nagtungo. “Inihain na ko na ang dinner natin, baka pwedeng magsabay naman tayo!” Pinipilit ko ilagay ang ngiti sa labi ko kahit pa punong puno ng takot ang dibdib ko na baka tanggihan niya. “Kumain na ako sa labas, kaya ikaw na lang!” Matabang niyang sabi, at tuluyan ng nawala ang ngiti ko, hindi na rin ako nakipag argumento at lumabas muli ako ng kwarto. Bumalik ako sa kusina, unti-unti kong niligpit ang mga nakahain, nawalan na rin ako ng gana, kaya ang display na alak ang napagdiskitahan ko. Nang tamaan
Isang malakas na sound ng alarm ang nagpagising sa akin, dinampot ko ang phone na nasa loob ng drawer, na hindi ko nakita kahapon.Walang password kaya nabuksan ko kaagad, sa message app ako nagpunta, pero katulad ng sabi ng mayordoma ay wala naman ako natanggap na mensahe mula sa kanya.Saka ko tingnan pa lahat ng mga nasa notification, nahagip ng mata ko ang isang anniverary notes na kanina ay tumunog.Wedding anniversary ang nakasulat.“Para kanino?” kaya dagli akong bumangon at bumaba, sa mayordoma ako nagpunta na noon ay naghahanda ng almusal.“Magandang umaga Madam!” Bati nito sa akin.“May ideya ba kayo rito?” Pakita ko sa kanya ng phone“Sa pagkakaalam ko ay Wedding Anniversary ninyo iyan ni Master Lao!”“Wedding Anniversary namin?” Sa pag-iikot ko rito ay wala naman ako nakita na kahit anong magpapatunay na kasal kami, kahit pa sa kwarto.— “May ideya ba kayo kung kelan ang balik niya?”“Kadalasan naman ay gabi na siya umuuwi at sa opisina siya dumederetso! Meron ako numero n
Sa isang lumang ancestral house kami natigil ni Jerome, sa itsura nito ay parang wala ng nagtatangkang dumalaw. Bumaba ako at umapak sa makapal kapal na rin na dahon sa lupa, gaano na ba katagal may nagtao rito? Sa isip ko habang ginagala ang paningin sa sulok ng malaking espasyo.Tanging malulungkot
Panaginip o bangungot?Ganito ko nilalarawan ang disposisyon ko ngayon, habang nakaupo ako sa swivel chair sa opisina ni Earniel sa LAO EMPIRE GROUP of COMPANY.Sandamakmak ang mga nakahilera at patong patong na papel, kung susumahin ay parang aabutin ako ng tatlong araw sa pagbabasa.Paano ba ito naga
Napatayo ako sa tabi ni Earniel, ng maulinigan ko ang malakas na bulyaw ni Don Enricko sa akin, nakatayo siya malapit sa pinto habang pinapaingay sa sahig ang kanyang tungkod. Tumayo ako ng tuwid ngunit binaba ko ang tingin ko, ayokong magsalubong ang mga tingin namin.Na tanging galit lamang ang nab
Lagpas bente kwatro oras ang biyahe sa TREN, nakakainip at nakakabagot, tutulog, gigising kakain ay nasa loob kapa rin ng tren habang patagal ng patagal lalo akong nagnanais na makita si Earniel, at isa pa gusto ko malaman kung sino ang babae na iyon? Sino ang babaing gumamit ng numero niya para si







