Share

Kabanata 317 Crazy in Love

last update Huling Na-update: 2025-10-24 10:42:49
Tahimik ang umaga sa loob ng CEO’s office.

Nasa maliit na mesa si Maya, nakayuko habang naglilista ng mga bagong kombinasyon ng pabango, lavender with amber, cedar with spice, vanilla with musk.

Inabot niya ang vial ng bergamot, ngunit sumabit ang daliri sa gilid ng mesa.

Bumagsak ang bote, tumilamsik ang likido at nagkalat ang bubog sa sahig.

“Oh no!” dali-dali niyang dinampot ang mga piraso. “Sayang naman ‘to.”

Habang pinupulot niya, may mainit na hapdi sa daliri niya.

“Aray…”

May dugong tumulo sa sahig.

Biglang umalingawngaw ang boses mula sa intercom.

“Maya! What happened?”

“Ah, wala po, Sir. Nabagsak ko lang po ‘yung bote, pasensya na po, hindi ko po sinasadya. Ibawas na lang po sa sweldo ko,” aniyang nakahanda sa sermon ng CEO.

“No, it’s not okay. Come here. Lilinisin ko ang sugat mo.”

“Sir, pupunta na lang po ako sa clinic.”

“Maya.”

Isang salita lang, pero may bigat. Utos at pag-aalala sa iisang boses.

Dahan-dahan siyang tumayo, lumingon sa glass wall.

At doon niya nakita, ang s
Maria Bonifacia

Please read my other books in GoodNovel. 1. Never Fall Again to the Heartless Billionaire (Book 1-3) - Completed 2. Love for Rent (1.2M views-Book1-7) - Completed 3. The CEO's Cold Ex-Wife- Ongoing 4. Unlove Me Not - Completed 5. The Ex-Convict Billionaire - Completed Taos pusong pasasalamat po!

| 48
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (10)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Thanks much po
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po!
goodnovel comment avatar
Maria Sugilon
update pls ... update pls
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 518 The Wedding Problems

    “Ke masaya ka o hindi,” sabi ni Nanay Lily, hindi inaalis ang ngiti sa labi, “huwag mong idamay ang anak ko.”Natigilan si Donya Ester.“Ikaw ang pinili,” dagdag ni Nanay Lily. “Walang dahilan para magtanim ka ng galit sa puso.”Napangiti si Donya Ester. “Oo, ako ang pinili,” bulong niya. “Pero ikaw ang mahal noon hanggang ngayon.”“Anong bang sinasabi mo?” gulat na tanong ni Nanay Lily. “Matagal na panahon na ang lumipas. Matatanda na tayo. May sarili na tayong pamilya.”Tumikhim si Don Apollo, sinenyasan ang pagputol ng bulungan. Tumayo ito nang bahagya sa kinauupuan, ang tinig ay kontrolado ngunit malamig.“So ano ang dahilan at napasyal ang mga Ramos sa mansyon?”Huminga nang malalim si Nanay Lily. Tumayo siya, hawak ang maliit na handbag, diretso ang tindig kahit halatang kabado.“Don Apollo, una sa lahat ay nagpapasalamat kami sa pagpapaaral ninyo kay Daryl,” sabi niya, malinaw ang boses. “Tunay na hindi niya maaabot ang anumang narating niya kung wala ang tulong ninyo.”Sumunod

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 518 Wedding Preparations

    Tahimik ang gabi sa ospital.Mahina ang ilaw sa private room ni Daryl, sapat lang para makita ni Iris ang mahinahong pag-angat-baba ng dibdib nito habang mahimbing ang tulog. Nakaupo siya sa gilid ng kama, may kumot sa balikat, hawak ang cellphone pero mas nakatutok ang mga mata niya kay Daryl.Tumunog ang cellphone niya. Tumatawag si Nanay Lily.Agad niyang sinagot ang video call.“Iris,” bungad ng matandang babae, bakas ang pag-aalala sa mukha. Sa likod nito, nakasilip si Lola Celia, may hawak na rosaryo. “Kumusta ka na, anak? Diyos ko, nakita namin sa balita ang nangyari.”“Okay na po ako, Nay,” agad na sabi ni Iris, pilit na kalmado. “Nasa ospital lang kami. Safe naman po.”“Si Daryl? Kumusta? Hindi namin makontak,” tanong ni Lola Celia, lumalapit sa camera.Inilapit ni Iris ang phone, ipinakita ang natutulog na binata. May benda ang braso.“Eto po,” mahina niyang sabi. “Nagpapahinga. Tulog po.”Napabuntong-hininga si Nanay Lily. “Salamat sa Diyos at safe kayong dalawa.”Nagising

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 517 Choosing Him

    “Okay ka lang?” unang tanong ni Daryl, hindi alintana ang pinsala sa sarili.Tumango si Iris, umiiyak. “Kung hindi ka humarang baka--”Hindi na niya tinapos. Paano kung sa mukha niya sumaboy ang asido?Dumating ang ambulansya. Humahangos si Lucas, nanginginig sa galit ng lapitan ang kapatid.Tiningnan nito ang paso sa braso ni Daryl, saka ang basag na bote sa sahig. Nagtagis ang kanyang bagang.Yumakap siya kay Daryl, mahigpit, walang pakialam sa mga matang nakatingin.Agad silang ipinasok sa ambulansya.Tahimik ang private room sa ospital. Naupo si Iris sa gilid ng kama ni Daryl, hawak ang maliit na tray ng cotton at gamot. Maingat niyang hinila pababa ang manggas ng polo nito. Bumungad ang pamumula at paso sa braso, may benda na ang iba, pero may parte pang kailangang linisin.“Masakit ba?” tanong niya.Umiling si Daryl, pilit ang ngiti. “Kayang tiisin. Malayo sa bituka.”“Don’t lie,” aniyang seryoso, sabay dampi ng cotton sa balat. Napasinghap si Daryl, pero hindi umangal. Si Iris a

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 516 Signing the Deal

    Tahimik ang room ni Iris.May nakalatag na mga papel sa mesa at may dalawang ballpen.“Rule number one,” seryosong sabi ni Iris, naka-cross ang braso habang nakatingin kay Daryl. “Separate rooms.”Tumango si Daryl agad. “Okay.”“Rule number two,” tuloy niya, parang abogado sa korte. “Walang hahawak. Kahit kamay.”“Okay,” sagot ulit niya, walang reklamo.“Rule number three,”“Wait,” napatawa si Daryl. “Ikaw ang nag-propose ng kasal pero parang ang dami mong rules, napaka-strict.”Napatingin si Iris kay Daryl, bahagyang namula. “I just want everything clear.”“Biro lang,” anang binatang ngumiti. “Masusunod ang lahat ng gusto mo.”Napatingin siya sa lalaki. Bakit parang mas nagiging gwapo si Daryl sa paningin niya? Parang may kumalabit sa dibdib niya, pero mabilis niyang inawat ang sarili.“Rule number four,” balik-seryoso niya. “Public appearances kapag kailangan. With sweet gestures at holding hands sa harap ng media kung kailangan.”“Noted.”“Rule number five,” dagdag pa niya, “walang

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 515 Fake Marriage

    Napalingon si Don Apollo kay Harvey. “Sigurado ka bang kakayanin mo siya? Hindi siya madaling kontrolin.”Ngumiti si Harvey. “Hindi ko kailangang kontrolin si Iris. Kailangan ko lang siyang itali sa tamang dahilan.”“Hindi ka ba nagmamadali? Gusto ko sanang ligawan mo siya kahit kasal na kayo at huwag mong pilitin sa ayaw niya,” anang Don. “Baka magmatigas siya. At higit sa lahat huwag na huwag mo siyang sasaktan. Nag-iisa kong anak na babae ‘yan. At pinagkakatiwalaan kita.”“Don Apollo, trust me. Akong bahala.”Tahimik si Don Apollo sandali.“Gagamitin natin ang argumento ng seguridad,” dagdag ni Harvey. “Public image. Board confidence. Protection. Matalino si Iris. She won’t risk everything para lang sa lalaking wala namang pangalan.”“May punto ka. Papayag siya sa gusto ko,” sabi ni Don Apollo.Tumango si Harvey. “She will.”Hindi gumalaw si Iris hanggang marinig niyang magsara ang pinto ng kwarto at nagpaalam si Harvey.Nanatili siyang nakapikit. Kalamado ang paghinga. Parang mahim

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 514 Plane Crash

    Mabilis na hinila ni Daryl si Iris palapit, ibinalot ang braso sa kanya, tinakpan ang ulo niya.“Iris,” sigaw niya sa gitna ng ingay, “look at me.”Tumingin siya, takot, pero buo.“Nandito lang ako,” sabi ni Daryl, halos pabulong. “Hindi kita bibitawan.”Biglang umuga ng malakas ang eroplano.Parang hinigop pababa ang lahat.Hinigpitan ni Daryl ang yakap.At sa labas ng bintana, papalapit ang lupa,Masyadong mabilis para pigilan.Biglang bumagsak ang katahimikan sa loob ng private jet.Kasunod noon, isang malakas na kalabog. Parang may nagbanggaan sa harapan. Umuga ang eroplano, mas malakas kaysa kanina. May tunog ng metal na humahampas sa metal, at isang sigaw na tuluyang naputol.“Iris,” mariing tawag ni Daryl, sabay tumayo kahit halos mawalan ng balanse. “Stay seated.”Hindi na siya naghintay ng sagot. Tumakbo siya papunta sa cockpit, hinila ang emergency latch. Bumungad ang eksenang hindi niya kailanman inakalang makikita, ang piloto, tila wala ng buhay, nakasubsob sa gilid ng upu

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status