LOGINMaraming salamat sa walang sawang pagbabasa at pag-suporta. Dahil sa inyo, patuloy akong nagsusulat at nangangarap. Love you all!
Kinurot ni Felicity ang sariling braso.Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit siya nakakaisip ng kahalayan?Sa loob ng banyo, tumigil sa paggalaw si Damon. Lumingon ito sa kanyang direksiyon.Tumama sa kanya ang tingin nito mula sa one-way mirror.“Felicity,” tawag nito, sapat ang lakas upang marinig niya sa ibabaw ng lagaslas ng tubig. “Nagbago na ba ang isip mo?”Hindi niya maibuka ang mga labi. Nagtalukbong na lamang siya ng kumot at nagkunwaring mahimbing ang tulog. Baka sakaling isipin nitong hindi niya narinig ang tanong.“Alam kong gising ka,” dagdag nito. “At kanina ka pa nakatingin. Nagustuhan mo ba ang view?”Nanigas si Felicity sa ilalim ng kumot.Lalo niya iyong itinaas hanggang matakpan ang buong mukha. Gusto niyang maglaho sa ilalim ng kama. Nahuli pala siya ng demonyo!Doon lamang niya napagtantong lalo niyang inilagay sa panganib ang sarili dahil sa pagsisinungaling tungkol sa labindalawang lalaking naka-sex niya. Sa kagustuhan niyang patunayang experienced siya, mistu
“Hindi,” kalmadong sagot ni Damon.Kahit madilim, nakita niya ang pag-angat ng sulok ng mga labi nito.“Kung hindi ka gago, tigilan mo ang kalokohang iyan. Hindi kasama sa kontrata natin ang pakikipag-sex.”“Hindi rin naman ipinagbabawal.”“Hindi porke’t nasa honeymoon villa tayo at iisang kama ang ginagamit natin, gagawin na nating totoo ang kasal na ito.”Inayos niya ang kumot sa kanyang dibdib, kahit wala namang nakalantad sa suot niyang oversized na sando. Hindi siya uurong. Hindi niya hahayaang makita nitong nabalisa siya sa alok nito.Iniangat ni Damon ang ulo mula sa unan. “Para kang natatakot.”“Hindi ako natatakot. Naiinis ako.”Umangat ito, nakaalalay ang isang siko, at humarap sa kanya. Sa pagitan nila ay naroon pa rin ang hanay ng mga unan na inilagay niya bilang harang. Gayunman, tila wala iyong silbi nang tumama sa kanya ang matalim na titig nito.“Don’t tell me virgin ka pa?”Parang may apoy na kumalat mula sa leeg ni Felicity hanggang sa magkabilang pisngi.“Excuse me?
Mabilis na itinago ni Felicity ang lingerie.“Wala kang nakita!” Ibinalik niya iyon sa maleta at tinakpan ng ibang damit.Sumandal si Damon sa gilid ng kama. “Baka kaya ka naglagay ng harang dahil hindi mo mapagkakatiwalaan ang sarili mo.”“Excuse me?”“Baka ikaw ang biglang mag-first move mamaya.”“Wow, sa panaginip mo lang mangyayari ’yan.” Hinalungkat niya ang maleta. “At si Ate Fiona ang naghanda ng mga ito. Hindi ako.”Isa-isa niyang inilabas ang mga damit, puro maiikli at manipis na nightwear ang naroon. Ang iba ay may lace, malalim ang neckline, o halos wala nang maitatago sa katawan niya.Wala ni isang matinong pantulog.“May fashion show ba?” tukso ni Damon.“Manahimik ka.”Sa huli, wala siyang nagawa kundi kumuha ng shorts mula sa maleta at isang puting sando mula sa mga damit nito.“Pahiram nito,” sabi niya bago nagtungo sa banyo.“Hindi ka man lang naghintay ng sagot.”“Hindi ka naman tatanggi.”Matapos maligo, isinuot niya ang puting sando. Maluwag iyon sa katawan niya at
“Mom, marami akong trabaho sa kompanya,” pagtutol ni Damon.“At wala po akong dalang damit,” dagdag ni Felicity. “Hindi po ako nakapaghanda.”Ngumiti lamang si Donya Mercy.“Huwag kayong mag-alala. Nakaimpake na ang mga maleta ninyo. Tinulungan ako nina Angel at Fiona. Nasa sasakyan na ang mga iyon.”Napalingon si Felicity sa magkapatid nilang nakaupo sa kabilang mesa. Kumaway si Fiona habang nakangiti naman si Angel.“Three hours from now ang flight ninyo,” pagpapatuloy ni Donya Mercy. “Kaya aalis kayo pagkatapos ng reception.”“Pero—”“Kaibigan ko ang may-ari ng resort,” putol nito kay Damon. “Matagal kong inayos ang complimentary honeymoon package na iyan. Seven days and six nights.”“At gusto kong makatanggap ng pictures at videos araw-araw,” dagdag ng matanda. “Para makita kong nag-e-enjoy kayong dalawa.”“Araw-araw po?” hindi napigilang tanong ni Felicity.“Oo. Kahit maiikling videos lang.”Naramdaman niyang humawak si Damon sa kanyang baywang. Humarap ito sa mga nakangiting bis
“Relax,” bulong ni Damon. “Hindi kita kakainin.”Naramdaman ni Felicity ang init ng hininga nito sa kanyang pisngi. Ilang pulgada na lamang ang pagitan ng kanilang mga labi, ngunit tila nakalimutan ng lalaki na daan-daang matang nakatutok sa kanila.“Baka mukbangin mo ako,” pabulong niyang sagot.Kumislap ang amusement sa mga mata ni Damon bago nito inilapat ang mga labi sa kanya.Maingat lamang ang unang dampi. Isang halik na sapat para sa mga bisita at mga camera, walang kahulugan at bahagi lamang ng pagpapanggap bilang bagong kasal.Iyon ang dapat mangyari.Ngunit nang mapahawak si Felicity sa dibdib nito, humigpit ang braso ni Damon sa kanyang baywang. Lalo siyang inilapit ng lalaki hanggang halos wala nang espasyong namamagitan sa kanilang mga katawan.Lumalim ang halik.Nawala sa pandinig ni Felicity ang mahinang tugtog sa loob ng simbahan. Nakalimutan niya ang paring nakatayo sa harap nila at ang kanilang mga pamilyang nakasaksi sa lahat.Ang tanging nararamdaman niya ay ang in
Labinlimang minuto nang lampas sa itinakdang oras ng seremonya, ngunit nananatiling nakasara ang malaking pinto ng simbahan.Muling tiningnan ni Damon ang kanyang relo bago ibinalik ang tingin sa entrance. Nakaupo na ang lahat ng bisita. Nasa kani-kanilang puwesto na rin ang buong entourage.Si Felicity lamang ang wala.Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa ng kanyang tuxedo at muling tinawagan ang bride.Nagri-ring lang ngunit walang sumasagot.Kanina pa siya nakikipag-ugnayan sa coordinator. Ayon dito, umalis na sa hotel sina Felicity at Fiona sakay ng bridal car. Ngunit wala pang nakaaalam kung bakit hindi pa sila dumarating.Mahigpit na hinawakan ni Damon ang cellphone. Hindi siya nag-aalala dahil gusto niyang makita si Felicity. Nag-aalala lamang siya sa kahihiyang idudulot nito kapag hindi sumipot.Iyon lang.Mawawala ang kasiyahan ng kanyang ina. Kapag may nangyaring masama rito dahil sa ginawa ni Felicity, hinding-hindi niya ito mapapatawad.Ngunit hindi maipaliwanag ng dahi
Tahimik ang gabi. Nasa loob ng kubo si Lucas, hawak ang cellphone, tinitingnan ang chat thread nila ni Maylee. Ang mga huling mensahe ay mula pa noong nakaraang linggo.Nag-type siya ng mensahe.“Good evening, Ms. Maylee. I just want to apologize for calling you the other night. I was drunk, and I
Humigpit ang dibdib ni Maya habang binabasa ang mensahe.Tinitigan niya ang cellphone, paulit-ulit binabasa ang text.Tila umikot ang mundo niya.Nakatulala siya sa screen, pinipigilan ang luha.She stared blankly at her phone, the last message from Lucas still glowing on the screen.Your perfume an
Habang sa loob ng ospital, sabay-sabay napalingon sa TV sina Lucas, Donya Ester, Iris, at Camille na bagong dating.Tensyonado at walang makapagsalita.“Shit, sino ang nagpakalat ng Marriage Certificate?” galit na sabi ni Lucas.“Malamang si Maya Marasigan. Mukhang gusto talaga ng gulo ng babaeng iy
Kumatok si Dahlia, may bitbit na mangkok na may takip si Maya.“Mang Dennis! May dala po kaming lugaw!”Mabilis na napalingon si Lucas.“Oh no,” bulong niya, napatayong bigla. Nasa harapan pa rin niya sina Iris at Daryl.“Bro,” sabi ni Daryl, “Si Maya ba ‘yun?!”“Kuya, anong gagawin namin? Baka maki







