เข้าสู่ระบบPara po sa mga bagong mambabasa, please read my other books in GoodNovel. 1. Secret Affair with my Hot Ninong – Ongoing (latest) 2. Never Fall Again to the Heartless Billionaire (Book 1-3) - Completed 3. Love for Rent (1.3M views-Book1-7) - Completed 4. The CEO's Cold Ex-Wife - Ongoing 5. Unlove Me Not - Completed 6. The Ex-Convict Billionaire - Completed Maraming salamat po sa suporta!
Nanigas ang ngiti ni Fiona sa harap ng camera.Pero bago pa siya makaimbento ng sagot, nagsalita si Theo.“Why not?” Kalmado ang boses nito. “We have known each other since high school. We started as friends. Matagal naming itinago dahil ayaw naming mahaluan ng negosyo at pangalan ng pamilya ang relasyon namin. But now, we decided to go public.”Natahimik ang buong silid.Maging si Fiona.Dahil sa paraan ng pagkakasabi ni Theo, parang hindi iyon kasinungalingan.“Yeah,” sabi niya, pilit pinatatag ang boses. “Our love story started a long time ago. At hindi isang sapilitang marriage arrangement ang sisira sa amin.”Tahimik na humigpit ang hawak ni Theo sa kamay niya.“Ano ang masasabi mo sa paratang sa iyong ama tungkol sa pagkawala ng pondo ng kompanya?” tanong ng isa pang reporter.Biglang bumalik ang bigat ng mundo sa balikat ni Fiona.“Kasalukuyan pong gumugulong ang imbestigasyon,” sagot niya. “At naniniwala akong lalabas din ang katotohanan.”“Does your marriage have anything to
Hindi agad nakasagot si Fiona.Nakatayo siya sa gitna ng private lounge habang ramdam na ramdam ang bigat ng tingin ng ama, at ang ingay ng mundo sa labas ng pinto.Umupo si Don Lorenzo sa leather couch na para bang board meeting lang ang kaguluhang nangyayari. Tinanggal nito ang cufflinks, mahinahong itinupi ang manggas ng tuxedo, saka tumingin kay Theo mula ulo hanggang paa.“Name your price, Mr.?” tanong nito, ni hindi man lang alam ang pangalan ni Theo.Napasinghap si Fiona. “Dad.”Hindi siya pinansin ng ama.Nanatiling nakatayo si Theo, tahimik, kalmado, pero may dilim sa mga mata. Saglit itong tumingin kay Fiona. Hindi niya alam kung bakit parang mas nahirapan siyang huminga sa tinging iyon.Muling ibinalik ni Theo ang tingin kay Don Lorenzo.“Hindi lahat ng tao sa paligid ninyo nabibili ng salapi.”Saglit na tumahimik ang silid.Sa unang pagkakataon ngayong gabi, walang lumabas na salita kay Fiona. Dahil may punto si Theo. Pero alam niyang sa mundo nila, halos lahat ay may pres
Lumapit si Theo. Sapat para magmukha silang may seryosong pinag-uusapan. Sapat lang para hindi sumunod si Warren. Sapat lang para maramdaman ni Fiona ang init ng presensya nito sa tabi niya.Saglit siyang napabuntong-hininga. Mabango din si Theo. Agad niyang sinaway ang sarili.“Pagod na akong makiharap sa ibang tao,” mahina niyang amin.Hindi siya tumingin kay Theo nang sabihin iyon. Ayaw niyang makita nito ang mukha niya. Ayaw niyang mabasa nito kung gaano na siya kapagod.“Kung pagod ka, bakit ka nandito?”Napalingon siya. “You know nothing about business.”Tumahimik ito.At nang hindi ito sumagot, lalo siyang nainis. Dahil mas madali siyang magalit kaysa umamin na tama ito. Mas madali siyang manakit kaysa magpahawak sa taong laging handang sumalo sa kanya.Bumalik sila sa ballroom makalipas ang ilang minuto.At doon sumabog ang lahat.Sunod-sunod na tumunog ang phones. May mga bisitang napatingin sa screens nila. May isang babaeng napasinghap. May lalaking mabilis na bumulong sa k
BuodPara kay Fiona Ayala, si Theo Alarcon ay isa lang assistant na laging nandiyan, madaling lapitan at utusan.Hindi niya alam, matagal na siyang lihim na minamahal nito.Nang isang corporate scandal at arranged engagement ang nagbanta sa pangalan ng pamilya niya, kinailangan ni Fiona ng kasinungalingang magliligtas sa kanya.Isang pekeng kasal.Public sweet acts. Kunwaring pagmamahal.Pero habang pinapaniwala nila ang lahat, unti-unti ring naniwala ang puso ni Fiona. Nahulog siya kay Theo, sa lalaking itinuring niyang tagasalo, ngunit hindi kapantay.Huli na nang mapagtanto niyang mahal na niya ito. Dahil nang masaktan si Theo, pinili nitong umalis, kalimutan siya, at buuin ang sariling pangarap.Makalipas ang ilang taon, malapit nang malugi ang negosyo ng pamilya ni Fiona. Isang misteryosong negosyante ang bumili sa kompanya nila.At laking gulat niya nang makaharap muli si Theo, mayaman, malamig, at tila ibang tao na.Bumalik ba ito para iligtas siya… o para durugin ang puso niya
“Hospital,” paos na sabi ni Zion. “We’re going to the hospital.”Halos hindi na maalala ni Cassandra kung paano sila nakababa mula sa office.Ang tanging malinaw sa kanya ay ang mahigpit na hawak ni Zion sa kanyang kamay.Nang makasakay sila sa kotse, si Zion mismo ang nagmaneho. Nasa passenger seat si Cassandra, nakasandal nang bahagya habang hawak ang kanyang tiyan.Una niyang tinawagan ang kanyang ina.Nang sumagot ang ina, halos wala pang tatlong salita ang nasasabi niya ay nag-panic na ito.“Mom… manganganak na yata ako.”“Ano? Saan kayo? Nasaan si Zion? Masakit ba? Carlos! Carlos, manganganak na si Cassandra!”“Mom, St. Joseph Maternity Hospital.”“Narinig mo, Carlos? St. Joseph! Anak, papunta na kami. Lakasan mo ang loob mo, ha? Huwag kang matakot.”Napatingin si Cassandra kay Zion.Nakahawak ito sa manibela, pero halata niyang nanginginig ang mga daliri nito.“Zion,” mahinang tawag niya. “Okay ka lang?”“Okay lang ako.”“Parang hindi.”Saglit itong tumingin sa kanya bago ibinal
Nagtagpo ang mga mata nila. Alam niyang nag-aalala ito.Huminga nang malalim si Zion.“Sige.”Nanlaki ang mga mata niya. “Talaga?”“Pero you will work as my assistant.”Napakurap siya. “Assistant mo?”“Katabi kita palagi. Ako ang magbabantay sa schedule mo, pagkain mo, at pahinga mo.”Napapikit siya, pero hindi napigilan ang ngiti.“At ikukuha kita ng sarili mong assistant,” dagdag nito.Napadilat siya. “Ano ba ’yon? Assistant mo, may assistant din?”“Siyempre. Buntis ka.”“Zion…”Ngumiti ito, saka hinalikan ang noo niya.Kinabukasan, pagpasok ni Cassandra sa Silver Lining, halos mapahinto siya sa pintuan ng opisina ni Zion.“Welcome back to Silver Lining, mahal.”Sa tabi ng malaking desk nito ay may sarili siyang work station, hindi simpleng mesa, kundi parang maliit na kingdom ng buntis. May fresh flowers, snack basket, pregnancy pillow, footrest, tumbler na may pangalan niya, at isang malaking box na may label na Emergency Kit.Napakurap siya.“Zion,” tawag niya, hindi inaalis ang t
Hindi makasagot si Iris. Natuyuan siya ng laway. Ang kamay niya, dahan-dahang humawak sa tiyan niya.Si Daryl, hinawakan ang balikat niya ng mahigpit.“Dad,” mahina niyang sabi, nanginginig ang boses, “Opo, buntis po ako.”Tumitig si Don Apollo kay Daryl.“Confirmed,” ulit nito, mabagal. “So… may d
Bumalik ang tingin ni Candice kay Maya.“Actually, hindi ko pa din sure kung ano ang gagawin ko,” bulong niya.Lumapit si Maya, hindi na nagtanong pa. Niyakap siya ng kaibigan.“Kung anuman ang desisyon mo,” sabi ni Maya sa tenga niya, “suportahan kita.”At doon na bumigay si Candice. Napaluha siya
May kumalabog na tunog sa may gate, kasabay ng pagpreno ng sasakyang mabilis.Napahinto ang tawanan. Lahat napalingon.Sa pagitan ng mga pastel balloons at bulaklak sa entrance, dahan-dahang bumukas ang gate at pumasok ang isang black sedan na may kasamang escort na SUV sa likod. Wala ng inaasahang
Napaigting ang panga ni Daryl. “Posible ang anggulong ‘yan. May pangalan ka?”“Wala pa,” amin ni Lucas. “Pero tina-trace na ng tao ko. Nakikita na namin kung saan dumadaan yung funds, at may isang endpoint na paulit-ulit lumilitaw. Pero may lead na tayo.”Huminga si Daryl nang malalim. “Anong gusto







